"Nakita mo ba si Innah, Mang Boy?" tanong agad ni Ly. Nabigla ang driver ss narinig. "Si Miss Innah?" "Oo," Natataranta itong may kinuha sa bulsa at inabot kay Ed. Isang bracelet, at mukhang mamahalin na kahit sa probinsya ay mahirap makahanap ng ganito kagandang bracelet. "Ito ho , baka sa kanya 'to," ani Mang Boy. "Saan mo nakuha 'yan?" Tanong ni Ed. "Nakita ko 'to Sir sa likuran ng truck ko," Sinuri iyon na Teeny at totoong kay Innah 'yun. "Kay Innah nga ito. Bakit bigla s'yang bumalik sa bayan ng mag-isa?" natatarantang tanong ni Teeny sa asawa. "Promise Hon, ako ng bahala kay Innah. Hahanapin ko s'ya sa bayan." ani Ed, na kalmado pa rin. "Pumasok na kayo sa loob at aalis muna ako." Nagmamadaling pumunta ng gaeahe si Ed. "Bakit ba nangyayari ang lahat ng 'to," naiiyak na

