"Are you sure about this?" may halong pagdadalawang-isip na tanong ni Leah sa akin, hawak niya ang kamay ko at pinigilan sa pagpasok sa loob ng isang building. Ilang araw na rin ang lumipas, sa ilang araw na pag-iisip ay naisipan ko na kausapin si Kurt, gusto ko malaman ang side niya pati na rin ng maliwanagan na ako. "Hindi naman ako pupunta dito kung hindi pa ako sigurado," sabay hila ulit sakanya, narinig ko nalang ang buntong hininga niya at tuluyan na siya nagpahila sa akin papasok. Gusto ko mag-usap kami pero itong si Leah ay ayaw naman ako papuntahin sa condo na ako lang mag-isa kaya sinama ko nalang siya para incase na kailangan ay nandyan lang siya sa tabi ko. "May gusto akong---" "Mamaya na 'yan, nandito naman na tayo." Pinutol ko na ang sinabi niya at pumunta na sa elevator,

