"Diba ang sabi ko sayo kanina wag kang aalis dito sa loob ng condo? Hindi ka rin tumawag o nagtext manlang na aalis ka pala kasama ang parents ni Kurt, jusko ka naman Preets! Hindi mo alam kung gaano mo ako pinakaba kanina!" gigil na sermon ko kay Preets. Kanina ko pa s'ya sinesermonan dahil sa ginawa niya, paano kung tumawag ako agad kay Aizen at tumawag ng pulis para hanapin siya edi malaking kahihiyan 'yon, buti nalang at medyo naging kalmado ako kanina at kinausap muna ang guard kung lumabas ba siya. "Sorry," sabi niya na hindi makatingin ng diretso sa akin. Nakatayo ako sa harap niya samantala siya ay nakaupo at nakayuko na parang bata na umaamin sa kasalanan. Bumuntong hininga nalang ako bago tumabi sakanya, "Ano bang ginawa nila at kailangan niyo pa lumabas?" seryoso kong tanong

