Pagbukas ng malaking pinto ay kasabay ng pag-umpisa ng kanta sa loob ng simbahan, maraming tao na halos mga katrabaho at mga iba naming kaibigan. Ang buong paligid ay napupuno ng kulay Pink, itim at puti na pinagsama katulad ng lagi naming usapan dati. Napangiti ako, ang usapan namin dati na parehas lang naming pinapangarap at iniisip kung paano namin maabot ay nandito na. Tumingin ako sa altar, nakangiti siya at may luha ang kanyang mga mata na ganon din ang akin. Nag-umpisa akong humakbang at kasabay non ang saya, lungkot at kaba ko ngayon araw. Not sure if you know this But when we first met I got so nervous I couldn't speak Naalala ko ang panahon na una kaming nagkita, ang araw kung kailan s'ya pinakilala sa akin ni Raven. Sobrang kinakabahan ako dahil baka hindi n'ya ako magus

