Preet's Point of View Ang tadhana masyadong mapaglaro, akala mo ayos na ang lahat pero hindi pa pala. Akala ko ayos na kami pero patuloy pa rin na hinahadlangan kami ng tadhana, ang tadhana na gumawa ng paraan para magkita kaming dalawa. "Anong ginagawa mo?" nakangiti kong sabi sa kanya bago ngumuso sa harap ng cellphone ko. "Iniisip ka, hindi ba talaga tayo pwede magkita ngayon? I miss you." "Hindi nga pwede, gusto mo ba hindi matuloy ang kasal?" umiling naman siya sa akin bago tinutok ang camera ng cellphone niya sa suit na maayos na nakasabit sa kwarto niya. "Bukas na ang kasal natin, ilang taon ba natin 'to hinintay at pinaghandaan?" "7 years?" napatawa siya sa kabilang linya at ngayon ay mukha na n'ya ang nakatapat sa camera. "Bukas na ang araw na pipiliin natin ang isa't-isa,

