Chasing You - The Last Chapter

1768 Words
Maaga akong nagising para pumasok. Gusto kong makita si Sebastian ngayong umaga. Isang umaga na naman ang lumipas at isang bago na namang pag-asa. Hindi ako susuko Sebastian gaya ng hindi mo pagsuko sa akin noon. Naniniwala akong mahal mo parin ako hindi dahil sinabi sa akin ni Allison kundi dahil yon ang nararamdaman ko. "Aalis na ako." Paalam ko kay Cresent na kumakain pa. "Teka." Pigil nya sa akin kaya napatigil ako. "Aalis ka na agad?" Napatango ako bilang sagot. "Hindi ka mag-aalmusal?" "Hindi na. Sa school nalang. Nagmamadali ako." "Ano bang pinagmamadali mo?" Nakakunot ang noo nito pero agad ding nawala. "Ahh, hahabulin mo na naman si Seb. Hindi ka pa ba napapagod sa paghahabol sa kanya? It's been six weeks Mof." Napabuntong-hininga ako sa sinabi nya. May time talaga na nakakapagod na pero ginagawa ko to dahil sobra ko syang mahal at hindi ko kayang mawala na naman sya sa akin. "Hindi ako pwedeng mapagod Mof. Hangga't may pag-asa, hindi ako susuko." Napangiti si Cresent sa sinabi ko. "Maganda yan." Saka napangisi ito. "Kung hindi ka sana naging tanga noon." Biglang sumama ang mukha ko. "Aalis na ako kung iinisin mo din ako." Aalis na sana ako ng pigilan na naman nya ako. "Ano ba Mof? Nagmamadali nga ako." "Wag kang masyadong magmadali baka madapa ka." Sinamaan ko sya ng tingin. "Sabihin mo nalang kasi ng diretso na mahal mo sya." "Paano ko nga sasabihin kung ayaw nyang makinig?" "Edi isigaw mo." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. "Isagaw mo lang na mahal mo sya. Tingnan lang natin kung ayaw pa ba nyang makinig." "Ewan ko sayo. Puro ka kalokohan." Umalis na ako at hindi na sya pinansin. Puro lang kasi kalokohan ang pinagsasabi. Isigaw daw. Nakakahiya yon. Kaya nga gusto ko syang makausap ng kami lang dahil kahit sya lang ang kaharap ko ay nahihiya akong sabihin sa kanya na mahal ko sya. Takte ang hirap nito. Palagi nalang akong naghahabol. Manigas ka dyan Meadow. Ikaw kasi ang hinahabol noon pakipot ka pa. Kaya ngayon ikaw na ang maghabol. Napasimangot ako sa sinabi ng konsensya ko. May point din naman kasi sya. Dumaan ang oras at mabilis akong umalis para puntahan si Sebastian sa room nila. Hindi pa ako nakakarating ay nakita ko na syang nakalabas. Tinawag ko sya pero hindi nya ako nilingon bagkus ay mas binilisan nya pa ang paglalakad nya. Kaya ito ako ngayon halos tumakbo na para lang mahabol sya. "Sebastian." Tawag ko sa kanya. "Wait for me, please." Hinihingal kong pakiusap sa kanya. Pero para syang bingi na hindi narinig ang pagtawag ko sa kanya at nagpatuloy lang sya sa paglalakad. Napahinto na ako sa paglalakad sa gitna ng pathway. Napahawak naman ako sa tuhod ko dahil pagod at hinihingal na talaga ako. Sino ba naman kasi ang hindi hihingalin at mapapagod sa kakahabol sa taong daig pa ang kabute na hindi maperme sa pwesto nya. Ako naman itong si tanga at parang buntot nya na palaging nakasunod sa kanya. Kahit na sinabi sa akin ni Ally na mahal daw ako nito, misan hindi ko din maiwasan na maisip kung mahal ba talaga ako ng lalaking ito dahil parang natutuwa syang pagtripan at nakikitang nahihirapan ako. Pero gaya ng sabi ni Ally na wag daw akong sumuko dahil nasaktan lang daw ito. Anak sya ng nanay nya... Eh ako? Hindi ba nasaktan? Tsk! Kung magpakipot naman kasi ito dinaig pa ang babae. Dinaig pa ako. Bakla siguro ito. Ang mga sinabi ni Ally sa akin, ang mga nalaman ko kay Walter ang nagbibigay sa akin ng lakas para habolin ang taong to. Tanga ako eh. Mahal ko eh. ** ILING ILING ** Naalala ko naman ang sinabi ni Allison sa akin ng mag-usap kami nong nakaraan. 'He only want you to prove that you truly love him.' An sabi ng sinabi nya? He wants me to prove my love for him? Nagkabaliktaran na talaga ang mundo namin at ako na itong nanliligaw sa kanya. Dinaig pa nya ang babaeng may PMS araw-araw dahil sa kasungitan nya. Matatanggap ko sana ang pagiging masungit nya kaso pag-ibang babae ang kaharap nya akala mo'y tumatakbo sa senado sa sobrang lapad ng ngiti pero pagdating sa akin akala mo kalaban nya ako. At talagang pinapahabol nya ako sa kanya. Tsk! Naisip ko na masungit ako sa kanya dati pero hindi ko naman sya pinapahirapan ng ganito. Pero ano nga bang magagawa ko? Mahal ko kahit gago sya. Ilang araw ko na ba syang nililigawan or should I say hinahabol? Hmm... It's been six week na rin pala, may balak pa ba syang sagutin ako? Para na talaga akong lalaki sa ginagawa ko at iniisip ko. Pwes! Magtiis ka, kasalanan mo din yan. Oo alam ko, kaya nga lahat ginagawa ko para sa kanya kahit na minsan... Ay hindi pala minsan... Palagi... Palagi akong tanga. Napahinto naman ako sa mga iniisip ko ng makita kong may dalawang pares ng sapatos sa harapan ko kaya napatingala naman ako para makita kung sino ang may ari ng sapatos. Nakita ko naman ang isang gwapong nilalang na nakatingin sa akin. Kung kanina ay iniisip ko lang sya, ngayon ay nasa mismong harap ko na sya. "Your already tired?" Malumay nyang tanong. Humungot naman ako ng malalim na hininga dahil kailangan ko talaga ng maraming hangin, bago ako magsalita. Kaya mo yan Meads. Ikaw si Blackwood na walang inaatrasan. AJA! "Itatanong ko lang sana kung may balak ka pa bang patawarin ako." Tanong ko at hindi pinansin ang tanong nya kanina. "Kasi mahigit anim na linggo na kitang hinahabol, humihingi ng tawad at pinapatunayan kung gaano talaga kita kamahal, pero parang balewala lang ang lahat ng ginagawa ko para sayo at parang wala kang balak na patawarin ako." Inilabas ko na ang lahat ng hinanakit ko sa kanya dahil sa totoo lang parang pinaglalaruan nalang nya ako ngayon. "Sinabi ko naman sayo na tigilan mo na ako di ba? Sinabi ko sayo na hayaan mo na ako." "Oo nga." Tinaas ko ang noo ko habang sinagot sya. "Pero sinabi ko din sayo na hindi kita titigilan. Tinatanong ko lang naman kung hanggang kailan kita hahabolin dahil..." "Dahil pagod kana sa paghahabol sa akin?" Malumay nyang sabi na ikinagulat ko. Hindi naman yon ang sasabihin ko ah. Wala naman akong sinabi na pagod na ako sa kanya. "Okay." Pagkasabi nya non ay tinalikuran na nya ako at nagsimula ng maglakad ulit. Okay? Anong okay? Okay na kami? Pinapatawad na nya ako? Anong bang ibig nyang sabihin sa sinabi nyang okay? Arrrgh!! Nakaka-stress ka talaga Sebastian. "A-Anong okay?" habol ko na naman sa kanyang tanong. Okay? Bati na ba kami? Bakit kasi hindi nalang nya sabihin ng diretso ng hindi ako nakakaisip ng mga tanong. Huminto naman sya sa paglalakad ngunit hindi ako nilingon. Napabuntong hininga naman sya at nagsalita habang nakatalikod parin sa akin. Wala ba syang balak na harapin ako? "What I mean is, if you're tired of chasing me then give up. Hindi naman kita pinilit na habolin ako." Then he started to walked again! What? Did I just hear it right? Give up? He wants me to give up? What the Hell!! After six weeks of chasing him, he want me to give up? Ngayon pa ba ako susuko? Ipinangako ko sa sarili ko na babawiin ko sya at hindi na sya papakawalan pa. So I just can't damn give up! "NO!" I shouted as loud as I can that make him stop walking. "I can't. I can't give up! Cuz I just DAMN LOVE YOU SEBASTIAN! " Natuptop ko naman ang bibig ko dahil na realize ko kung anong kahihiyan ang ginawa ko. Did I just shout that I love him? Damn! Nasapo ko naman ang noo ko dahil sa katangahang ginawa ko. I just can't believe that I did that. Napayuko naman ako dahil sa hiya, dahil sa matatalim na titig na natatanggap ko ngayon galing sa mga estudyanteng nandito ngayon at nanunood sa kahihiyang nagawa ko at mas lalo akong napayuko dahil sa bulong-bulongan na natatanggap ko. Ang kapal daw ng mukha ko para mag-confess sa Sebastian nila, kung maka-kanila naman sila kala mo sa kanila ang gwapong nilalang nayan. At marami pa akong natatanggap na mga negatibong komento. Arrrgh! Lupa kainin mo na ako. Nakakahiya talaga! Nakakahiya ka Meads. Gusto ko ng umalis dito dahil kung nakakapatay lang ang mga titig ng mga estudyante dito, malamang kanina pa ako nabulagta dito sa kinatatayuan ko. I want to run away far from here. Tama! Tatakbo nalang ako. I was about to run pero napahinto ako sa balak ko ng may humawak sa palapulsuhan ko. Tiningnan ko naman kung sino ang mapangahas na pumigil sa plano ko at halos matumba ako dahil sa panlalambot ng tuhod ko ng makita ko kung sino ang pumigil sa akin. Kita ko naman sa mukha nya ang malapad na ngiti kaya namula ang mukha ko at mas lalong nahiya. "Ano ulit yon?" Tanong nya na hindi tinanggal ang nakakalokong ngiti sa mukha nya. "A-Ang a-alin?" Maang-maangan ko. Nakakahiya ka talaga Meads. "Yong sinigaw mo. Ano ulit yon? Gusto ko ulit marinig mula sayo." Sabi nya na may tonong panunukso. "I-I... " Nahihiya ako. Damn! Yumuko naman ako at napapikit dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko ngayon. "I love you Sebastian." Mahina pero mabilis kong sabi. Binilisan ko ang pagsabi para matapos na. "What was that? I didn't hear it." Hindi narinig o nagbibingi- bingihan lang? Gustong-gusto nya talaga akong pinapahirapan no. Napapikit nalang ako ng sobra dahil sa sinabi nya. Alam ko namang narinig nya yon eh, gusto lang talagang marinig ulit. Hindi nya ba ramdam na nahihiya na ako ngayon? Huwag ka namang ganyan Sebastian, kahit ngayon lang. "I'm waiting Meadow... " Halata naman sa boses mo eh. Hinawakan naman nya ang baba ko at inangat ito para magtagpo ang mga mata namin at pinagdikit ang noo namin. Nagsimula ng manlabo ang paningin ko dahil sa mga luhang unti-unting namumuo sa mga mata ko, kahit nakapikit sya at hindi ko nakikita ang mga mata nya ay ramdam at alam ko na gustong-gusto nya talagang marinig ang mga katagang matagal na nyang gustong marinig galing sa akin. Hinawakan ko naman ang magkabila nyang pisngi. "Mahal na mahal kita Sebastian Duke." Pagkatapos na pagkatapos kong sabihin ang gusto nyang marinig ay ginawaran nya agad ako ng mainit at malalim na halik sa aking mga labi na agad ko namang tinugunan. "Yan lang naman ang hinihintay kong sabihin mo sungit, na mahal mo ako." Ako pa talaga ang sungit sa amin. Hindi na ako nakapagsalita pa dahil hinalikan nya ulit ako. Kahit nasa campus kami at maraming kapwa namin kamag-aral ang nanunood sa ginagawa namin ngayon ay parang hindi ko sila ramdam. Ang feeling ko lang ay kaming dalawa lang ang tao sa lugar ngayon. Kami lang ni Sebastian Duke. Na hinabol, hinintay at minahal ako ng buong puso. "I love you too Meadow Blackwood." - FIN -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD