Nanginginig ang mga kamay ko ngayon. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung dahil ba sa mga nalaman ko o dahil natatakot ako na baka sa pagkatok ko ulit ay iba na naman ang magbubukas nito. Ilang beses na akong pumupunta sa condo nya at palaging iba't-ibang babae ang bumubukas sa pintoan.
Napalabi ako. Nasasaktan ako pero alam ko na mas nasasaktan sya sa ginawa ko. Hindi ko lang sya pinaasa, iniwan ko pa sya. Nakita ko lang si Walter ay nakalimutan ko na agad sya. Binalewala ko lang ang mga ginawa nya para sa akin.
Napatulala ako pero agad din napailing. Huminga ng malalim, sa paghinga kong yon ay doon ako kumukuha ng lakas para kumatok sa pinto. Inayos ko muna ang sarili ko bago tuloyang kumatok. Itinaas ang ulo ng unti-unting bumukas ang pinto. Inihanda ang sarili sa babaeng sasalubong sa akin.
Pero kahit ano palang handa ang gawin ko ay masasaktan parin ako. Napalunok ako ng naka-dress lang ang babae na halos makita na ang kaluluwa nito. Huminga ulit ng malalim para pigilan ang sarili na maiyak. Baka kasi biglang bumuhos. Hindi pa naman ako nandito para mag-drama. May kailangan akong sabihin sa kanya.
"Who're you?" Nakataas kilay nitong tanong. Halatang masungit. Akala mo naman matatakot ako sa kanya.
Itinaas ko ang ulo ko at kilay. Mas nilagpasan ko pa ang taas ng kilay nya. Hindi naman nya ako masisindak dahil hindi sya ang kahinaan ko.
"Your not the one I'm looking for." Ngumisi ako sa kanya. "Bitch."
"How dare you." Sasampalin na nya sana ako pero nahawakan ko ang kamay nya.
"Ni mommy ko hindi nga ako pinadadapuan ng lamok, ang marumi mo pa kayang kamay." Namula ito sa inis at sapilitang binawi ang kamay nya.
"Sino ba yan?" Naistatwa ako ng marinig ang boses nya mula sa loob. "Ang ingay-ingay." Bigla akong kinilabotan ng tiningnan nya ako ng blangkong mukha.
Hanggang ngayon ay hindi parin talaga ako sanay sa tingin nyang ganyan. Yong blangko, malamig. Mas sanay akong tinitignan nya ako ng may pagmamahal. Yong may spark sa mga mata. Hindi yong ganito.
"Get out." Ngumisi ang babae sa sinabi ni Sebastian.
Napayuko ako at mariin na napapikit para pigilan na tumulo ang mga luha ko. Hindi na ba nya talaga ako pakikinggan. May gusto akong sabihin sa kanya. Pero paano ko masasabi kung sa twing lalapit ako sa kanya ay sya namang layo nya. Sa twing may sasabihin ako ay agad naman nya akong pinaalis.
Magsasalita na sana ako ng bigla na naman syang magsalita.
"Why are you still standing there?" Mas napapikit ako dahil sa lamig ng boses nya. "I said get out."
Ayaw na nya talaga akong pakinggan. Ano bang pwede kong gawin para lang pakinggan nya ako? Napaangat ako ng tingin ng biglang magsalita ang babae.
"What?"
"Hindi ka ba talaga nakakaintindi o sadyang bobo ka lang talaga?" Napalunok ako sa sinabi ni Sebastian. Nainis ang babae sa sinabi nya.
"Arrg! I hate you!" Sinampal nito si Sebastian dahilan para magulat ako. Padabog na umalis ang babae at sumakay ng elevator.
Bahagya akong napasigaw ng bigla nya akong hinila papasok sa unit. Isinara ang pinto saka ako itinulak sa pader. Napalunok ako ng maramdaman ko ang init na nagmumula sa katawan nya. Hindi pa naman sya nakadamit pang-itaas.
"S-s-Sebastian." Napakagat labi ako dahil nakahawak ako sa abs nya. Grabe ang tigas.
Itutulak ko sana sya pero naistatwa ako ng mahawakan ko ang abs nya. Damn! Ngayon ko lang napatunayan na talagang nakakapanghina ang abs. Akala ko sa mga libro ko lang nababasa yon.
"Still wanna touch it babe." He said with his husky voice.
Maaakit na sana ako dahil sa boses nya pero narinig ko ang tinawag nya sa akin kaya naman naiinis ko syang tiningnan saka tinulak ng malakas para makalayo sya sa akin. Agad akong napaiwas ng tingin ng tiningnan nya ako ng masama.
Aba! Sya pa tong galit, dapat nga ako ang magalit sa kanya dahil tinawag nya akong babe. Yon pa naman ang tawag nya sa mga babae nya.
"What the hell is wrong with you woman?" Naiinis nyang sabi saka sinuklay ang mahaba nyang buhok dahilan para mapaiwas ako. Ang sexy nya kasing tingnan. Amputek! Naaakit ako.
"May sasabihin nga kasi ako sayo." Biglang bumalik ang malamig nitong tingin sa akin.
"Wala akong oras para makipag-usap sayo. Sinabi ko na sayo tapos na tayo." Bigla itong napatigil sa sinabi kaya nagtaka ako. Napangisi ito saka napatawa. "I almost forgot, wala nga palang tayo." Bigla akong nasaktan sa sinabi nya. "Kaya umalis ka na."
Tumalikod na ito saka akmang papasok sa kwarto ng pinigilan ko sya. Agad akong tumakbo papunta sa kanya at niyakap sya patalikod. Hindi ininda ang matigas nyang abs.
"Sebastian." Hindi ko na napigilan pa ang pagkabasag ng boses ko. "I'm sorry. Sorry sa nagawa ko. Nagsisisi na ako. Please pakinggan mo naman ako."
Nabuhayan ako ng pag-asa ng humarap sya akin.
"You want me to listen?" Tumango ako. "In one condition."
Hindi na ako nakapagsalita pa ng bigla nya akong halikan sa labi. Gusto ko sanang tumutol pero bigla akong nawala sa katinuan dahil sa halik nya. Para itong alak na nakakawala sa katinuan.
Napasinghap ako ng hilain nya ang bewang ko papalapit sa katawan nya kaya napakapit ako sa batok nya. Hindi man nya sabihin kung ano ang kondisyon na sinasabi nya ay alam ko na kung ano yon.
Natatakot man ako pero kung ito lang ang paraan para makinig sya akin at bumalik ay handa akong ibigay ang sarili ko sa kanya. Desperada na kung tawagin pero mahal ko sya at lahat gagawin ko para lang makuha sya.
Ang tanga ko kasi nasa tabi ko lang pala sya all this time. Sa mga panahon na nasasaktan pa ako dahil kay Walter, nandyan sya para damayan ako at pasayahin. Bigla akong napaiyak dahil sa tuwa dahil pagkatapos nito ay alam kong mapapasaakin na sya ulit.
Napamulat at nagulat ako ng tumigil ito sa paghalik sa akin. Nakatitig sya sa mga mata ko saka napabuga ng hininga. Umalis sya mula sa pagkakadagan sa akin saka naupo sa kama kaya napabangon ako. Ni hindi ko man lang napansin na nakahiga na pala kami sa kama.
"B-bakit Sebastian?" Hahawakan ko na sana sya pero napatigil ng sabunutan nito ang sariling buhok.
"I shouldn't have done this." Sabi nito kaya natahimik ako. "Umalis ka na Meadow hangga't nakakapagpigil pa ako."
"No. Hindi ako aalis." Pumunta ako sa harap nya. "Sinabi mong makikinig ka sa akin sa isang kondisyon. Handa akong ibigay ang sarili ko sayo Sebastian, makinig ka lang sa akin."
"Stop."
"No. I want you to listen. Kung ang sarili ko ang kapalit para lang makinig ka sa akin ay handa akong gawin yon. Please Sebastian."
"Shut up." Nagulat at napaatras ako sa bigla nyang pagsigaw. "Stop it already Meadow. Wag mong gawin to sa sarili mo."
"Hindi mo naiintindihan Seb..."
"Naiintindihan ko." Napatigil ako ng biglang humina ang boses nya. Nararamdaman ko ang sakit nya. "Naiintindihan ko Meadow. Naiintindihan ko na mahal mo parin sya at kahit anong gawin ko ay hindi ko makukuha ang puso mo dahil sya pa din."
"Sebastian." Napahagulhol na ako ng sinubukan kong lumapit sa kanya pero lumayo lang sya.
"Hayaan mo nalang ako Meadow. Hayaan mo nalang ako na makalimotan ka." Napatakip na ako sa bibig ko dahil hindi ko na mapigilan ang paghikbi. "Just leave."
"Sebastian..." Tawag ko sa kanya pero umalis na sya.
Iniwan ako dito na umiiyak. Nanghina ang mga tuhod ko dahilan para mapaupo ako sa sahig saka doon umiyak ng umiyak. Alam ko na sa aming dalawa ay sya yong nasasaktan ko ng sobra pero minsan hindi ko din mapigilan ang masaktan lalo na't nakikita ko syang nasasaktan.
Huminga ako ng paulit-ulit at pinapakalma ang sarili ko. No. I can't give up now. Ngayon pa ba.
Aalis ako ngayon Sebastian pero babalik ako bukas at sa susunod pang araw hanggang sa mapagod ka at wala ka ng magagawa kundi ang makinig sa akin.
Pinunasan ko ang luha ko saka tumayo. Naglakad palabas sa condo nya. Hindi porket umalis ako ay susuko na ako. Babalik ako bukas para kausapin sya ulit.