"S-salamat." Kinuha ko ito saka pinunasan ang luha ko gamit ang panyo na binigay nya. Tinanggap ko ang kamay nyang inilahad para tulongan ako sa pagtayo. "Ano nga palang ginagawa mo dito?"
Nagulat ako ng mahina itong natawa. Ngayon ko lang sya ulit nakitang tumawa ng ganito. Nito kasing mga nakaraan ay parating magkasalubong ang kilay nya.
"Gusto mo talaga na dito tayo sa elevator magkwentohan?"
Napatingin naman ako sa paligid at doon ko lang na realize na nasa loob parin pala kami ng elevator. Nahiya naman ako saka natawa na din.
"Sorry. Hindi ko namalayan."
Napatingin ako sa kanya ng hawakan nya ang kamay ko pero nakangiti lang sya. Nagugulat ako sa mga kinikilos nya ngayon. Noong mga nakaraan kasi ay pinagtatabuyan nya ako at parati kung naiinis nya akong pagsalitaan pero ngayon.
"Tara. May cake shop malapit lang dito. Alam ko paborito mo ang cake."
Hindi na ako nakapalag ng hilain nya ako palabas ng hospital. Habang hila-hila nya ako ay napatingin ako sa kamay kong hawak nya saka ako napatingin sa likod nya.
Napangiti ako sa sarili ko ng hindi ko maramdaman ang nararamdaman ko noon sa kanya. Hindi na mabilis kong tumibok ang puso ko kapag hinahawakan nya ang kamay ko o kung malapit sya. Hindi na ako kinikilig kapag nakikita sya. Napangiti ako. Tuloyan na talagang si Sebastian ang tinitibok ng puso ko.
Pero bigla akong nalungkot ng maisip na naman ang napag-usapan namin kanina ni Sebastian. Napabuntong-hininga ako. Imposible namang mawala agad ang pagmamahal nya sa akin ng ganon kadali, di ba?
"Hey." Napakurap-kurap ako ng kumaway si Walter sa mismong mukha ko. "Tulala ka na naman."
"S-sorry." Napayuko ako pero agad din napaangat ng tingin sa kanya ng hawakan nya ang kamay ko.
"You always say sorry, isa yan sa mga katangian mo na nagustohan ko."
Nalito ako sa sinabi nya. Hindi ko kasi maintindihan ang point nya kung bakit nya sinasabi ito o baka naman nag-a-assume lang ako. Tumawa ako.
"Hindi ka ba natatakot na baka habulin na naman kita dahil sa pinapakita mo sa akin ngayon?" Biro ko.
"Bakit? Hindi mo na ba ako hahabulin ulit? Am I too late." Natameme ako sa sinabi nya.
Yes. It's too late. Dahil sa mga ginawa nyang pagtataboy sa akin noon baka hindi ko na realize na yong taong bagong nagpapasaya na pala sa akin ang mahal ko. Napangiti naman ako ng biglang pumasok sa isip ko ang nakangiting mukha ni Sebastian.
"I miss those smile of yours." Biglang nawala ang ngiti ko at napatitig sa kanya. "It just sad that I'm not the reason anymore why you smile." Ngumiti sya ng may kasamang pait. Napabuntong hininga ito.
"Ano bang gusto mong sabihin sa akin?" Diretso kong tanong.
Napapatanong na kasi ako sa mga kinikilos nya at pinagsasabi. Sa mga mata nya ay nakikita ko na din ang lungkot na ngayon ko lang nakita ng magkita ulit kami.
Sasagot na sana sya ng biglang dumating ang order namin. Hinintay nya munang makaalis ang waiter bago ito magsalita.
Napabuntong-hininga ulit ito saka napasandal sa upuan.
"I still love you."
"What?"
"I still love you." Seryoso nyang sabi. Napatitig ako sa mga mata nya pero agad din natawa.
"That's funny Walter." Tumatawa kong sabi. "Siguro kung nong time na hinahabol pa kita, sinabi mo yan baka nagtatalon pa ako sa tuwa. But now..."
"But now what?" Singit nya sa sinabi ko kaya napatigil ako sa pagsasalita. "You realize that he's the one that you love." Napayuko ako ng makita ang lungkot sa mga mata nya.
"Bakit ngayon mo lang to sinasabi?" Nag-angat ako ng tingin saka matapang na sinalubong ang tingin nya. "Bakit ngayon pa na sigurado na akong mahal ko sya? Bakit hindi mo yan sinabi nong ikaw pa ang mahal ko?"
"Dahil ayoko na magkabalikan pa tayo." Natawa ako ng mapait sa sinabi nya.
"What the hell Walter. Sinasabi mong mahal mo ako pero ayaw mong makipagbalikan sa akin. What was that? A joke."
"Totoo. Mahal kita pero hindi tayo pwede."
"Dahil?" Nagkasalubong na ang dalawang kilay ko dahil nakakaramdam na ako ng inis sa kanya.
Hindi ko kasi sya maintindihan eh. Mahal nya ako pero ayaw nya naman akong balikan. Anong ibig nyang sabihin don? Meron bang ganon?
"Hindi mo maiintindihan."
Hindi ko na napigilan ang inis ko at nahampas ko ang mesa dahilan para mapatingin sa amin ang ibang customer.
"Hindi ko talaga maintindihan Walter at hindi ko maiintindihan kung hindi mo ipapaintindi." Napabuntong-hininga ito.
"Hindi ko pwedeng sabihin sayo pero ito lang ang masasabi ko. Magulo ang buhay ko at ayaw kong madamay ka sa gulo ko."
Napapikit ako at pinilit na pakalmahin ang sarili. Ilang beses akong huminga ng malalim. Relax Meadow. Hindi ito ang oras para magalit ka sa kanya. All you need is closure to finally move on and to let go of what both of you have in the past.
"Okay. Hindi na kita pipilitin na ipaintindi sa akin ang sitwasyon mo. I just want to know the truth." Pahinahon kong sabi.
"Go on. I'll tell you everything you want to know." Huminga muna ako ng malalim saka tiningnan sya ng seryoso.
"Did you really cheat on me? Nong tayo pa. Kay Ally?"
"The answer is no." Napapikit ito. "Hindi kita niloko ni isang beses. I love you damn much that I can't look to anyone. Gaya ng sabi ni Ally magkakasabay na kaming lumaki. Naalala mo ba nong kinuwento ko sayo na wala na akong pamilya ay nagkaroon naman ako ng mga kaibigan na para ko nang pamilya."
Naalala ko yon. Nong namasyal kami sa isang park sa America. Nakita ko pa kung paano sya magmalasakit sa batang nadapa non. I can see that day that he will be a great father someday.
"Sila yong tinutukoy ko."
"Kung kapatid lang ang turing mo sa kanya, bakit sinabi mo sa aking sya ang pinagpalit mo sa akin?"
"Dahil wala na akong iba pangmaisip na reason. Alam ko na hindi mo ako basta papakawalan kaya ginamit ko nalang si Ally. Para isipin mo na may iba na ako. P-para layuan muna ako." Napabuga ito ng hangin gayon din ako.
Sa mga sinabi nya ay biglang gumaan ang pakiramdam ko. Ang mga tanong na ilang taon ding nagpagulo sa isip ko ay sa wakas ay nasagot na din. Hindi nya ako niloko. Hindi nya ako kailan man niloko.
"I don't want to leave you but I don't have a choice." Napatingin ako sa kamay ko ng hawakan nya ito. "I love you hon. I really do."
Hindi nagbago ang t***k ng puso ko. Ni hindi nga ako kinilig. Kung noon ay halos magtatalon ako sa tuwa kapag nagsasabi sya ng 'I love you' pero ngayon ay wala na akong nararamdaman.
Dahan-dahan kong kinuha ang kamay ko mula sa pagkakahawak nya. Napalabi ako.
"I-im sorry Walter." Biglang lumungkot ang mga mata nya kaya bigla akong na guilty. Pero wala na akong magagawa.
Mahal pa nya ako pero samantalang ako ay nawala na ang pagmamahal ko sa kanya. Nawala na ito simula ng dumating si Sebastian sa buhay ko.
"I know. Sorry." Napahawak ako sa kamay ko. "But I'm happy for you." Ngumiti ito kaya ngumiti na din ako. "Masaya ako kasi tuloyan mo na talaga akong nakalimutan."
"Walter."
"Hmmm?"
"Kung pwedeng magkabalikan tayo, babalikan mo parin ba ako?" Ngumiti ito saka umiling kaya nagtaka ako. "Bakit?"
"Kasi nga may mahal ka ng iba." Hinawakan nito ang tasa nya saka pinaikot-ikot ang kamay dito. "Nong makita kita masaya ako pero iba ka na kung tumingin sa akin. Alam ko miss mo na ako pero hanggang doon nalang yon."
"Paano mo naman nasabi? Tsk. Hahabolin ba kita kung hindi kita mahal."
"Hindi mo ako hinabol dahil sa mahal mo ako kundi dahil sa hindi mo kayang tanggapin na tapos na tayo. Nanatili ka paring nakakulong sa nakaraan natin. When I saw you looking at Seb, ganon mo din ako kung tingnan noon. Nang sandaling yon nalaman ko na sya na ang mahal mo pero iniisip mo na ako parin ang mahal mo."
Napatango-tango ako. May punto din kasi sya. Masyadong nauukupahan ni Walter ang isip ko kaya hindi ko napapansin na si Sebastian na pala ang nagmamay-ari ng puso ko.
"May sasabihin sana ako."
"Ano yon?"
"Sana wag kang magalit."