Meadow's POV:
"Ally." Hinihingal na bungad ni Seb kay Allison na may bahid ng gulat ang mukha ng makita na gising na ito.
Pinagpapawisan ito at halatang bagong gising. Nakapantulog at magulo ang buhok. Bahagya namang natigilan sa pag-uusap ng apat dahil sa pagdating nya.
"Sebby." Nakangiting tawag ni Ally pagkatapos nyang magulat.
"Mauna na kami love." Paalam ni Walter.
"See you at home babe." Masigla namang paalam ni Zachary.
"Pagaling ka princess." Hinalikan naman sya sa noo ni Xander at gumaya naman ang dalawa.
Tumungo naman silang tatlo sa pinto kung saan nakatayo si Sebastian.
"Mauna na kami dude." Paalam ng tatlo.
"Sige." Tumango naman si Sebastian.
Nagpaalam din sila bago tuluyang umalis. Lumapit naman si Sebastian kay Ally at niyakap ito. Nakaramdam ako ng konting kirot sa dibdib ko ng makita kung paano yakapin ni Sebastian si Allison.
Ngayon ko na nararamdaman ang sinasabi ni Cresent na dapat hindi ko pagsisihan. Ako dapat kasi ang kayakap nya. Palihim kong pinunasan ang luha na tumulo sa mukha ko. I miss him. I really miss him.
"Miss me Sebby?" Biro ni Ally dahilan para bumaling ulit ang tingin ko sa kanila at masaktan naman muli. Napatigil naman ito sa pagngiti at lumungkot bigla tila parang may binubulong si Sebastian sa kanya. "I'm sorry." And with that niyakap nya ng mahigpit si Sebastian.
Kahit hindi ko narinig ang binulong ni Sebastian kay Allison ay alam ko na tungkol yon sa nangyari sa amin. Wala syang nilihim kay Allison tungkol sa panliligaw nya sa akin kaya naman palagi nalang akong tinutukso ni Allison sa twing may ginagawang sweet sa akin si Sebastian.
"Hindi ka ba magseselos dre?" Narinig kong tanong ni Darwin, kaya napabaling ako kay Blake.
"Hindi na. Kailangan nya yan eh." Nakangiting sagot ni King na nakatingin sa dalawa saka tumingin sa akin kaya napayuko nalang ako.
Hindi man nila pinaparamdam pero pakiramdam ko ay naiiba na ako sa kanila. Nahihiya ako dahil sa sinaktan ko ang kaibigan nila.
Ilang minuto din sila na nakayakap sa isa't-isa habang hinihimas ni Ally ang likod ni Sebastian. Hindi naman namin nakikita ang mukha ni Sebastian dahil nakatalikod sya sa amin. Napatingin sa akin si Cresent.
"Hoy!" Tawag nya sa akin para mapunta sa kanya ang atensyon ko. "Wag kang umiyak dyan. Kasalanan mo yan kaya magtiis ka."
"Alam ko." Naiinis kong sabi.
Minsan ang sarap din ihampas sa mesa itong kaibigan kong to eh. Pero masaya parin ako dahil kahit prangka sya ay alam ko naman na para sa akin din naman ang ginagawa nya. Pinapakita nya lang sa akin kung ano ang hindi ko nakikita.
Lumapit naman si Troy sa dalawa ng maghiwalay na ito sa pagkakayakap. Lumapit na din kami sa kanila. Gusto kong ako naman sana ang yumakap kay Sebastian pero nahihiya ako.
"Chansing kana kay Ally dre." Biro ni Troy.
"Inggit ka lang. Haha." Pang-aasar ni Sebastian dito. Napangiti ako ng makita ang pagtawa nya.
Ang tagal ko ding hindi sya nakita lalo na ang ngiti at tawa nya. Nami-miss ko na talaga sya. Kung paano nya ako tratuhin at alagaan. Kung paano nya ako lambingin.
"Alam nyo dre kahit naka-aircon tayo, amoy parin ang baho mo." Biro ni Gray.
"Hoy Abo!" Turo nya kay Gray. "Kahit isang taon akong hindi maligo, mabango at mas gwapo parin ako sayo."
Napatawa ako sa sinabi nya. Kahit naman kasi hindi maligo si Sebastian para sa akin ay mabango pa din sya at sya ang pinakagwapo para sa akin.
"Haha gising na dre." Pinitik naman ni Darwin ang dalawa nitong daliri sa mismong mukha ni Sebastian. "Para magising ka na sa realidad."
Ngumisi naman sya. "Nagising na ako dre." natahimik naman kami sa sinabi nya, lalo na ako.
Napayuko ako sa sinabi nya. Kahit yon lang ang sinabi nya ay alam ko kung anong ibig nyang sabihin. Biglang namuo ang mga luha ko. Nasasaktan ako at alam kong mas nasasaktan sya pero wala na bang pag-asa na bumalik kami sa dati.
"Sige na Sebby, umuwi ka na muna at maligo. Haha." Sambit ni Ally para mawala ang awkward silent.
Sinumot-simot naman ni Sebastian ang kili-kili nya at napanguso. "Hindi naman ako mabaho ah."
"Haha hindi nga. Pero yung itsura mo - - - " Hindi na nya natapos ang sasabihin nya ng biglang tumayo si Sebastian.
"Oo na." Nagulat nalang kami ng bigla syang tumakbo palabas.
Lumapit naman si King sa kanya. "What did you do to him wife?"
"Nothing. haha ayaw nya lang kasi na pangit sya sa paningin ng iba kahit hindi naman." Natatawang sabi nya.
"Ah guys, aalis muna ako may bibilhin lang." Paalam ko sa kanila. Hindi ko na hinintay ang sagot nila saka mabilis na hinabol si Sebastian.
Nang makalabas ay hindi ko na sya nakita pa sa hallway kaya naman mabilis akong tumakbo papunta sa elevator. Papasara na ito ng pigilan ko. Buti nalang at naabotan ko sya.
Tumaas ang kilay ni Sebastian habang nakakunot ang noong nakatingin sa akin. Napalunok ako dahil sa pagtitig nya. That blue eyed of his. Ngayon ko lang napansin na kasing asul ng malalim na dagat ang mga mata nya.
Nong nakasama ko kasi ay blue ang mga mata nya pero hindi ganito ka blue. Parang sky blue ang mga mata nya. Bakit ganon? Nalilito ako habang nakatitig sa mga mata nya.
"Tss." Irap nitong sabi at galit na nagsalita. "Kung hindi ka sasakay bakit mo pinigilan ang pagsara ng elevator."
Hindi ako nakapagsalita at nakatitig parin ako sa kanya. Napa-tss lang sya saka pinindot ang close button na agad kong pinigilan.
"Sasakay ka ba o hindi?" Naiinis nitong sabi.
"S-sasakay." Nakayuko akong sumakay ng elevator.
Habang umaandar ang elevator ay walang nagsasalita sa amin. Palihim akong nakatingin sa kanya. Nakasandal sya sa pader habang naka-cross arms. Napaiwas ako ng tingin sa kanya ng tumingin sya sa akin.
Hindi ko alam kung paano ako magsasalita. Ramdam ko parin ang guilt sa ginawa ko sa kanya at napakatanga ko dahil nasaktan ko na sya bago ko pa na realize na sya na pala ang mahal ko.
Huminga ako ng malalim. Kailangan kong mabasag ang katahimikang ito. Paano ko sya mapapasaakin kung ganito palang ay hindi na kami nag-uusap.
"K-kamusta ka na?" Nauutal kong tanong. "A-ang tagal din nating hindi nagkita."
Napalunok ako ng ilang minuto din sya hindi nagsalita kaya napatingin ako sa kanya. Hindi sya nakatingin sa akin pero nakangisi sya.
"Okay lang naman." Tumingin sya sa akin. "Masaya." Mas ngumisi sya kaya nakaramdam ako ng kilabot. "Dahil sa wakas nagising na din ako."
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sakit ng sinabi nya. Tuloyan na ding tumulo ang mga luha ko dahil sa sakit ng sinabi nya.
"S-seb..." Bigla akong nanghina ng sinubukan ko syang hawakan pero lumayo lang sya. Tuloyan na akong napahikbi. "S-sorry."
Napatingin ako sa kanya ng lapitan nya ako at hawakan ang baba ko. Napatitig ako sa kanya ng ngumiti sya. I really miss his smile.
"Don't cry babe." Pinunasan nya ang mga luha sa mukha ko kaya naman napangiti ako. Sabi ko na nga ba at hindi nya ako matitiis at mahal nya parin ako. "You don't have to say sorry." Hinaplos nito ang buhok ko. "I should say thank you to you." Ngumiti ito ng matamis. "Dahil sa ginawa mo ay nagising ako. Natauhan ako na kahit anong gawin ko ay hindi ko parin sya mapapantayan."
Napatulala ako sa sinabi nya. Nakatulala sa kawalan. Ganon nalang ba talaga yon? Ganon nalang ba talaga kadali para sa kanya ang kalimutan ako. Ang kalimutan ang lahat ng pinagsamahan namin.
Napabagsak ako sa sahig dahil sa panghihina ng tuhod ko. Kanina pa nakaalis si Sebastian. Bakit parang ganon nalang kadali sa mga taong nasa paligid ko ang iwan ako?
Napatingin ako sa kulay asul na panyo saka napatingin sa nag-abot nito sa akin.