Chasing You - 14

1110 Words
Nandito ako ngayon sa BlackStar Club, ang sabi kasi ng inutusan kong tao para hanapin si Walter na nandito daw sya ngayon. You read it right! May binayaran pa ako para lang sundan sya para alam ko kung saan ko sya pwedeng puntahan. Nang pumasok ako ay isang magarbong Club ang bumungad sa akin. Halatang mayayaman na mga tao ang pumupunta dito dahil sa mga pananamit nila. Malaki sya at may malaking dance floor sa gitna at maraming mga nagsasayaw. May isang DJ naman na tumutugtog sa stage, at ang mga tao naman na kahit wala sa dance floor ay nakikisabay sa tugtog. Agad kong hinanap ang taong rason kung bakit ako pumunta dito. Nakita ko naman sya at kasama nya sina Xander at Zachary na umiinum, kaya lumapit na ako. "Hi guys." Ngumiti ako sa kanila. "O-Oy Meads." Ngumiti naman ng pilit si Zachary, habang kumaway lang si Xander. "Ano na namang ginagawa mo dito?" Iritadong tanong ni Walter. Ngumiti lang ako sa kanya na parang pinaparating sa kanya kung bakit nandito ako ngayon. "Kayo? Anong ginagawa nyo dito?" "A-Ano - - -" Napatigil naman sya sa pagsasalita ng tumayo Walter. "Guys sunduin ko lang 'fiancee' ko sa labas." At umalis. "Okay sige." Sigaw ni Zachary. "Ah haha upo ka muna Meads." Umupo naman ako. Fiancee his face! Alam ko naman na wala talaga syang fiancee at gawa-gawa nya lang yon. I'm sure hahablot lang sya ng babae dyan na magpapanggap na fiancee nya. Luma na yang style mo Walter Banner. I know you too well. Ilang minuto din ang lumipas ay dumating sya kasama ang isang babae. Akala ko isang slut ang ipakikilala nya pero hindi pala, isang mala-anghel na mukha at mahinhin. Magkahawak naman sila ng kamay. Napangiwi naman ako, palabas. Halata lang naman na palabas eh dahil napipilitan lang ngumiti at pakisamahan ni Walter ang babae, kitang kita ko sa mga mata nya. "Si Tazzana nga pala. Love, sina Xander, Zachary and Meadow." Love? Hindi na babe? Ngumiti naman sya sa amin. "Hi." Ang ganda nya. Para talaga syang anghel, may part na sa akin na gustong maniwala na totoong fiancee talaga yon pero hindi. Hindi ako pwedeng maniwala dahil ibabalik ko sya sa akin. Magkatabi silang umupo sa harapan namin at ang sweet sweet nila, naiinggit ako pero alam ko magiging ganyan din sya sa akin. Nagkwentuhan at tawanan lang sila, nakikisabay din ako minsan sa usapan nila. Kami lang ang umiinum dahil hindi pinapayagan ni Walter na uminum si Tazzana. Kailangan mapaghiwalay ko sila kung sakaling totoo ngang fiancee nya ito. Hmmn I have an evil idea (insert evil smile.) wahaha "Wait lang guys ha?" Tumayo naman ako at umalis at ilang sandali ay bumalik agad ako. "Oh saan ka galing?" Tanong ni Zachary. "NagCR lang." Malapad na ngiti ang binigay ko sa kanya. "Okay." Ayon bumalik na sila ulit sa pag-inum. Tumingin naman ako sa kanilang dalawa at ganon parin sila, nagtatawanan at naglalambingan. Hmm tingnan natin kung makakatawa ka pa pagkatapos ng mangyayari. Ilang sandali pa ay may dalawang slut at pinagitnaan si Walter, si Tazzana? Ayon, tinulak ng isa sa mga slut. "Babe ang tagal mong hindi nagpakita." Hindi  na nakapagsalita si Walter dahil hinalikan agad sya ng babae. Yeah! Binayaran ko ang dalawang babaeng yan para akitin si Walter. At para umalis na ang Tazzana'ng yan. Tulala naman ang dalawang lalaki na kasama ko at si Tazzana naman ay napatayo at maiiyak na. Hinahalikan pa rin ng mga babae si Walter, at nakonsensya naman ako ng konti ng makita kong may tumulo ng luha mula sa mga mala-anghel nyang mata. Bigla nalang syang tumakbo kaya napatayo naman si Walter at tinulak ang dalawang babae kaya napaupo sila. "Tigilan nyo na nga ako!" Sigaw nya na ikinagulat namin. "Tazzana." Tumayo na din ako at sinundan sya. Naabutan ko sila sa parking lot, walang tao at tanging kaming tatlo lang ang nandito. Hindi nila ako napansin kasi nasa madilim akong parte ng parking lot. "Tazzana." Nakatalikod lang si Tazzana sa kanya at nakayuko. "Wag muna akong sundan, please." Hindi na nya napigilan ang boses nya at pumiyok na ng tuluyan ang boses nya. "Love." Lumapit naman sa kanya si Walter at niyakap ito mula sa likod. Nakaramdam naman ako ng kirot sa puso ko. "I'm sorry." Ilang beses kong ipinikit ang mga mata ko para hindi tumulo ang mga luha ko. Nang iminulat ko ang mga mata ko ay nakaharap na sa kanya si Tazzana na may luhang tumutulo sa nga mata niya. Napalunok naman ako ng maraming beses para pigilan ulit ang mga luha ko dahil parang gusto na talaga nitong kumawala. Pinahid nya ang mga luha ni Tazzana gamit ang labi nya. "I love you." Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko dahil sa sumunod na nakita ko. They shared a passionate kiss under the sky. I can see the love in there kiss. Pinulupot naman ni Tazzana ang mga braso nya sa batok ni Walter dahilan para lalo itong mapalapit sa kanya. Tama na! Tumalikod na ako dahil parang madudurog na ang puso ko dahil sa nakikita ko, pero hindi ko inaasahan na sa pagtalikod ko ay tuluyan ng madudurog ang puso ko. Seb... Nakita ko syang may kahalikang babae sa harap ng kotse nya. Hindi ko alam pero bakit parang ayaw umalis ng paa ko sa kinatatayuan ko. Gusto kong umalis, gusto kong tumakbo para hindi sya makita na may kasama at kahalikan pa. Ang sakit! Mas dumoble pa ang sakit ng iniwan ako ni Walter. Nang nagsawa na silang maghalikan ay pumasok na sila sa kotse at tuluyan ng umalis. Napaupo naman ako sa kinatatayuan ko at humagulgol. Paano ko nakalimutan? Paano ko sya nabalewala? Paano ko syang ipinagpalit sa taong nanluko, iniwan ako at may mahal ng iba? Paanong... Paano... Ngayon ko lang na realize na mahalaga pala talaga sa akin si Sebastian. Na... Na m-mahal ko sya. How can I be so stupid? Ngayon mo lang na realize Meads, kung kailan may kasama na syang iba? Na noong nandyan sya lagi sayo ay nagpapakipot ka pa. Ngayon lang? Bakit ngayon mo lang na realize puso!? Nakakainis ka! Naghabol ka pa sa taong pinagtutulakan ka at hindi ka na mahal. Samantalang may isang tao naman na palaging nandyan para sayo. Si Sebastian... Sya yong palaging nandyan para sa akin, nag-aalaga at nagpapahalaga. Tinitiis kahit na masungit ako sa kanya at minahal ako sa kabila ng failures ko. How can I be so stupid? Sebastian... Boo... Napatawa naman ako ng mapait dahil sa naisip ko. Siguro akala ko lang mahal ko pa si Walter dahil hindi ko pa natatanggap hanggang ngayon na iniwan nya ako noon, siguro ang kulang na lang talaga sa amin ay 'closure' para tuluyan ng maka-move on. At sa pagkuha ko ng closure nayon ay ibabalik ko ang taong nagmamay-ari na talaga ng puso ko. Kukunin na kita at hinding hindi na kita papakawalan. Sebastian...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD