Chasing You - 4

2012 Words
Meadow's POV: Naglalakad ako papunta sa canteen ng makita ko si Cresent na hinihintay ako sa isang table. Lumapit ako sa pwesto nya saka umupo sa kaharap nyang upuan. Inilapag ang mga dala kong libro. "Ang dami naman ata nyan Mof." Ani nito na nakatingin pa sa mga librong dala nya. "Wala naman kasi akong gagawin nitong weekends kaya naman dinamihan ko na ang librong hiniram ko sa library para madami-dami din ang mababasa ko." "Ang boring mo." "Yeah." Walang ganang sagot ko. Hindi na ako tumayo para mag-order dahil hindi paman ako dumadating ay nakahanda na ang pagkain ko dahil binilhan na ako kanina pa ni Cresent. Maswerte talaga ako sa kaibigan kong 'to. Hindi na mabait, maalaga pa. Sobrang swerte ko talaga sa kanya dahil sa mga panahon na naging madilim ang mundo ko ay hindi nya ako iniwan. Kahit na ilang beses ko pa syang ipagtulakan ay hindi parin nya ako sinukuan. "Bakit hindi tayo mag-bar bukas." Magkasalubong ang mga kilay ko na napatingin sa kanya. "Come on Meadow. Hindi naman pwede na habang buhay eh magmumokmok ka nalang. Magbabasa ng libro. Ang boring non Mof, alam mo ba 'yon?" Hindi ko sya sinagot at nagpatuloy nalang sa pagkain. "I'll take that as a yes." sabi nito sabay turo sa akin ng hawak nyang tinidor. "Magba-bar tayo tapos maghahanap tayo ng lalaki." Mas kumunot ang noo ko na napatingin sa kanya dahil sa sinabi nya pero hindi nya iyon pinansin. "Ano?" Nilakihan nya ako ng mga mata. "Tigilan mo ako sa mga ganyang tingin mo Blackwood. Oras na din naman siguro para makahanap ka ng bagong pag-ibig." "Hindi ako nagmamadali." Pagputol ko sa iba pa nyang sasabihin. "Sabihin na nating hindi ka nga nagmamadali pero, gosh Meadow it's been years." Singhal nito na tila ba napapagod na. "Wala naman sigurong masama na mag-move on, di ba?" Sarkastiko nitong tanong. Hindi ako nakapagsalita saka nagpatuloy nalang sa pagkain habang ang kaharap ko ay patuloy lang sa pagsasalita. "Sabihin na nating medyo okay ka na, pero paano ka totally na magiging okay kung sa unang step pa lang ay hindi ka na gumagalaw? Bakit hindi mo subukan ang maghanap ng ibang lalaki para tuluyan mo ng makalimotan ang isang 'yon?" Tumingin ako sa mga mata nya. "At gagawin kong rebound?" Sandaling hindi nakasagot si Cresent dahil sa gulat sa naging tanong nya. Huminga ito ng malalim bago nagsalita. "Wala akong sinasabing gawin mong rebound. Ang ibig kong sabihin ay bakit hindi mo subukang buksan ang puso mo para sa iba? Bakit hindi mo subukang buksan ang puso mo para pakawalan ang nakaraan at papasukin ang bagong pag-ibig na gustong buuin ang puso mong nawasak." Napaiwas ako sa kanya. Nakayuko ako habang pinaglalaruan ang pagkain sa harap ko. "May makakabuo naman kaya nito?" "Meron." Confident nitong sagot. "Kung hahayaan mo ang ibang tao na buohin yan." "Pero 'di ba ang sabi nila ay kung sino ang nakawasak ng puso mo ay sya lang ang makapagbubuo nito ulit." Mahina kong sabi. Bumuntong hininga si Cresent. "Meron nga. Pero hindi lahat ng nakawasak ng puso Mof ay sya ring may kakayahan na bumuo nyan. Para lang 'yang bagyo eh, dumaan lang sila para sirain ka at hindi na sila babalik para ayusin kung ano man ang nasira nila. Gaya lang ng sinasabi nila, may taong dadating sa buhay mo hindi para manatili, 'yong iba dumaan lang talaga. Yong iba sinasaktan ka lang para maging matatag. Para alam mo na na sa susunod na iibig ka ay magiging wais ka na." Napatingin ako sa kanya ng hawakan nya ang kamay ko. Kita ko sa mga mata nya ang senseridad at pag-aalala. Nakaramdam naman ako ng guilt dahil napag-alala ko na naman sya. "Alam ko na mahirap ang pinagdaanan mo nitong mga nakaraan taon Mof pero 'wag mo naman sanang hayaan na maging dahilan ito para hindi ka na maging masaya. 'Wag mo naman sanang hayaan na makulong ka nalang sa nakaraan." Napabuntong hininga ako, siguro nga ay tama din sya. Kailangan ko lang buksan ulit ang puso ko para sa iba, kaya nang pumayag ako na magba-bar kami ay ngumiti ito ng malapad. Kailangan ko lang ay piliin ang lalaking iibigin ng puso ko ulit. Mag-iingat na ako sa pagpili. "Okay." "Yon!" Mapakas nito g sigaw dahilan para mapatingin ang ibang tao na nasa canteen sa amin, pero dahil baliw ang kaibigan ko ay wala itong pakiaalam. "Sa DB tayo mamaya. Balita ko sikat daw 'yon at maraming gwapo, malay mo doon natin makita ang makapagpabukas ng puso mo." Napailing ako ng sabihin nya 'yon habang tinataas-baa ang kilay nito. Sa bar? Maghahanap ng makakapagpabukas ng puso ko? Kalokohan. Oo nga at sinabi ko na susubukan kong buksan ulit ang puso ko pero ayaw ko sa mga taong nasa bar dahil alam nya na ang ibang lalaki doon ay nandon lang para makipaglaro. Choosy na kung choosy kaysa naman masaktan na naman sya. Nag-iingat lang sya. Yong isa nga na hindi nya nakilala sa bar ay niluko sya ano pa kaya ang taong nasa bar. ------------- A/N: Hindi ko na po isasali dito ang nangyari sa bar. Alam nyo naman po 'yon kung nabasa nyo ang TKMTB. Nakalimotan ko na kasi eh. Nakakatamad din hanapin sa story ng KelLis, hindi ko alam kung anong chapter. Hehe. ------------------ "Ang gwapo nong Sebastian no?" Pagbabasag ni Cresent sa katahimikan. Nakaupo kami ngayon sa kotse kung saan pauwi na sa bahay namin. Kanina pa ako hindi nagsasalita simula ng makasakay kami. Iniisip ko kasi kung bakit bigla kaming pinauwi nina mommy. Alam naman nito na aalis kami kaya hindi ko maiwasan na magtaka at magtanong sa isip kung bakit kami pinapauwi ni Cresent at gusto nito na umuwi kasama si Cresent although magkapitbahay lang naman sila pero gusto ng mga ito na isama ko ito sa mismong bahay namin. Ano kayang meron? "Hoy!" "Oh?" "What the! Kanina pa ako nagsasalita dito ni hindi ka naman nakikinig eh." Nakanguso nitong sabi. "May iniisip kasi ako." "Sino? Si Sebastian no? Sabagay ang gwapo naman talaga ni Seb at ang bait p---" "Wait. Wait. Stop right there." Pagpapatigil ko dito. Nagtataka naman syang napatingin sa akin "Sino agad? Hindi ba pwedeng ano? At isa pa hindi ko iniisip ang Sebastian Duke na 'yon." "Weeeh?" "Oo nga." "Di nga?" "Hindi nga. Ang kulit mo." "Kung hindi sya ang iniisip mo eh bakit alam mo ang buo nyang pangalan?" Bigla akong natahimik sa naging tanong nito. Oo nga no.  Sa pagkakaalala ko ay ikalawang beses itong nakipagkilala sa akin kanina pero sapat na bang dahilan 'yon para mamemorado ko agad ang buo nyang pangalan? Pwede, pwede. Napatango-tango pa ako para lang makumbensi ang sarili ko. Napahinto ulit ako. Bakit kailangan ko pang kumbensihina ng sarili ko, eh sa 'yon nga ang nakikita kong dahilan. "Tss." Kunwari kong singhal. "Paano ko hindi malalaman eh nagpakilala nga sya sa atin kanina 'di ba?" "Oo nga naman." Tatango-tango nitong sagot habang nakahawak sa baba nito. "Ha!" Kunwari ko na namang singhal. "See?" "Pero nakalimutan ko na ang apelyedo nya eh. Pangalan nalang nya ang naaalala ko." Napanganga ako sa inosente nitong mukha. "I-imposible. K-kakilala nga lang natin sa kanya kanina, nakalimutan mo na agad? Ibang klasi." Hindi makapaniwalang ani ko habang hindi ding makapaniwala na nakatingin sa kanya. "Posible 'yon Meadow. Lalo na kung hindi ka interesado sa lalaki." Ngumisi ito bigla dahilan para kilabutan ako. "A-anong ibig mong sabihin? Na interesado ako sa kanya kaya memorya ko ang buo nyang pangalan?" Nginiwian ko sya. "Kabaliwan nyang naiisip mo. Mag-take ka na nga ng memory plus ng hindi ka nagiging makakalimotin." Singhal ko sa kanya. "At tigilan mo na ang pagngisi dyan." "Hahaha hindi naman talaga ako makakalimotin eh. Sadyang hindi ko lang talaga matandaan ang buo nyang pangalan dahil hindi ako interesado sa kanya." Nilakihan ko sya ng mga mata ng diinan nya talaga ang salitang interesado pero dahil sa baliw sya ay tinawanan nya lang ako. Sa pagdiin nya kasi sa salita ay alam ko na may iba syang ibig sabihin. Akmang babatukan ko sya ng bigla itong lumabas. Napatingin ako sa labas at hindi ko namalayan na nakarating na pala kami ng bahay. Napapailing akong bumaba at pumasok. Naabutan ko ang mga magulang ko at mga magulang ni Cresent sa sala. Nakipagbeso-beso muna ako sa kanila bago umupo sa tabi ni Cresent kung saan kaharap namin ang mga magulang namin. May napansin akong mga bagay sa tabi nila pero bago pa ako magkapagtanong ay nagsalita na agad si mommy. "Meadow, Cresent." Tiningnan nya kami isa-isa. "Simula ngayon ay sa iisang bubong na kayo titira." Pareho kaming napatingin ni Cresent sa isa't-isa at sabay na napatingin kay Tita Senthy ang mommy ni Cresent. "Sa ibang bansa na naman kasi ang business ng daddy nyo kaya kailangan na---" "Pero kakalipat lang po natin dito mommy at kakapasok palang namin sa bago naming school." Singit ni Cresent. "That's why sinasabi naming sa iisang bubong na kayo titira dahil iiwan namin kayo dito." "What?" Sabay naming tanong ni Cresent dahil sa gulat. "Ayaw nyo na ba kaming kasama?" Mangiyak-ngiyak na tanong ni Cresent. Kahit ako ay nasasaktan din sa desisyon nina mommy pero pinipilit kong palakasin ang loob ko. Sa amin kasi ni Cresent ay ako ang mas malakas. Masayahin 'yan pero emotionally. Agad na lumapit si tita Sethy kay Cresent at niyakap ito. "No baby. Of course we want to be with you. Kung ako nga lang ang masusunod ay kung saan kami pupunta ay isasama namin kayo." "Yon naman pala mommy, eh bakit nyo kami iiwan dito?" "Because that was the best decision for you girls." Sagot ni Tito Cred, ang daddy ni Cresent. "Kahit hindi nyo man sabihin ay nararamdaman din namin na nahihirapan kayo sa paglipat-lipat natin. Wala kayong nagiging kaibigan dahil sa susunod na taon ay lilipat na naman tayo at alam namin na mahirap para sa inyo 'yon." "Who cares. Nandyan naman si Meadow at meron din syang ako." Napatingin ako kay daddy na matiim na nakatingin sa akin saka tumingin kay Cresent na umiiyak na. "Alam namin 'yon iha, but we think kailangan nyo ding maging independent para sa sarili nyo. Hindi naman kasi habang buhay ay ganito tayong lahat at hindi habang buhay ay magkakasama tayo." "Tama ang tito Michael mo anak." Pagsang-ayon ni Tito Cred. "Sana maintindihan mo ang punto namin." "Para din sa inyo ito anak." Niyakap ni tita Sethy na umiiyak na din si Cresent. "Naiintindihan ko po ang desisyon nyo." Gulat silang napatingin sa akin. "Dapat masanay din kaming hindi umasa sa inyo. Malalaki na din kami." Huminga ako ng malalim. "Aalagaan ko po si Cresent basta mag-iingat kayong apat kundi itatapon ko sa pacific ocean si Cresent." Nanlalaki ang mga mata nilang napatingin sa akin lalo na si Cresent na hindi makapaniwala na masasabi ko 'yon. Ilang segundo lang ay nagtawanan kaming lahat. Napapailing naman si daddy. "Ikaw ang mas matanda Meadow kaya ikaw ang mag-alaga kay Cresent." "Tss. Malaki na 'yan, hindi na kailangan pang alagaan." "What the heck Meadow, kasasabi mo pa lang kanina na aalagaan mo ako tapos ngayon." Sinamaan ako ng tingin nito na nginisihan ko lang. "Ang sama mo talaga." "Oh sya, tama na. Baka magkapikonan pa kayo." Pag-aawat sa amin ni mommy. "Cresent iha, ang lahat ng gamit mo nasa kwarto na, na katabi ng kwarto ni Meadow." "Bakit don?" Pagmamaktol ko. "Bakit?" "Eh ang ingay nyan eh." Napailing si mommy. "Sinadya namin 'yon para kapag may kailangan kayo sa isa't-isa ay mas malapit kayo." Pagpapaliwanag nito. "Bukas na bukas din ay dadating na ang mga katulong na ini-request ko sa agency at security guard." "Hindi na namin kailangan ang mga 'yon mom." "Dalawang katulong lang naman ang kinuha namin Meadow at isa pa kailangan nyo ng security guard dito lalo na't mga babae kayo dito. Nag-iingat lang kami dahil ito ang unang beses na iiwan namin kayo." Sabi ni daddy kaya hindi na ako nagsalita. "Oh sya, kailangan na naming umalis mala-late na kami sa flight namin." "Ingat po kayo." Hinatid namin ng tingin sina mommy papalayo ng bahay. Ayaw na ng mga ito na ihatid pa namin sila sa airport, baka magkaiyakan pa daw kami. Napahinga ako ng malalim ng hindi ko na matanaw ang sasakyan nila. Ito ang unang beses na hindi kami magkasama. Busy man sila sa trabaho ay sinisigurado naman nila na may time sila sa amin. Ilang buwan naman kaya namin sila hindi makikita? Napabuga ulit ako ng hangin. Mukhang kailangan ko ng sanayin ang sarili ko. Kailangan na namin sanayin ang mga sarili namin na hindi namin kasama ang mga magulang namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD