Chasing You - 3

1204 Words
MALAKI ANG NGITI ni Meadow ng pagbukas nya sa locker ay bumungad agad sa kanya ang tatlong rosas. Kinuha nya ito saka inamoy. Iba ang amoy ng rosas. Amoy nito ang pabango na ginagamit ng binata. Kahit rosas ang inaamoy nya ay para na ding ang binata ang inaamoy nya. Napatingin sya sa letter na nakasabit dito. Binuksan nya ito saka binasa. 'To my most beautiful girl. Happy 1st anniversary babe. I love you. See you later.' Walter Anniversary... Ngayon pala ang una nilang anibersaryo bilang magkasintahan. Hindi nya aakalain na tatagal sila. Nang magsimula kasi sila sa pagbuo ng relasyon nila ay marami ang nagsasabi na hindi sila magtatagal. Marami man ang nagsasabi non ay hindi naman sya naniniwala. Para kasi sa kanya ay nasa dalawang taong magkarelasyon lang kung magtatagal sila o hindi. At para sa kanya ay magtatagal sila. Para sa kanya ay sila na ang nakatadhana para sa isa't-isa. Ito ang lalaking unang nagpatibok ng puso nya. Kung hindi nangyari ang aksidente noon, ang pagsalo sa kanya nito ay hindi sana sila magkakakilala. Kaya naniniwala sya, dahil sa nangyari ay para talaga sila sa isa't-isa. "Ang ganda ng ngiti natin ah." Panunukso sa kanya ng kararating na kaibigan. Ipinakita nya ang mga rosas nang dahilan kung bakit masaya sya. Gaya ng inaasahan nya ay tumili ang kaibigan na agad naman nyang sinaway dahil nakukuha nila ang atensyon ng ibang estudyante. Napatingin sya sa grupo ng babae na masamang nakatingin sa kanya saka sya inirapan bago umalis. Napabuntong-hininga nalang sya. "Hayaan mo sila, nagseselos lang ang mga 'yon sayo." Malakas na tawa ni Crescent na nakapagpailing sa kanya. Ang grupo ng mga babaeng 'yon ay ang grupo na humahabol sa kanya non. *** "Sa wakas nakita din kita." Napahinto sya sa paglalakad ng makita na naman ang mga humahabol sa kanya noong isang linggo. Isang linggo din nya itong pinagtataguan, pero sadyang mapaglaro talaga ang tadhana at pinagtagpo parin sila. "Hindi ko alam kung may sagkaipis ka at hindi ka namin mahanap-hanap." "Badluck?" Tanong nyang sagot. "Maybe." Kibit-balikat na sagot ni Cassandra. Ang leader ng mga humahabol sa kanya. "But now is my luck." Nakangisi nitong sabi. "Really? Hindi nyo ba talaga ako titigilan?" "No. Hangga't hindi ako nakakaganti sayo." Galit nitong sabi. "Ano bang kailangan mo sa akin, para tigilan mo na ako." "Maybe..." Inilagay nito ang hintuturo sa baba saka nag-isip. "I'll slap you." Nakangisi nitong sabi. Tumikhim sya saka pinatapang ang boses. "Okay, but just one." Mas napangisi si Cassandra na nagpakaba sa kanya. Kahit sabihin na isang sampal lang ay hindi naman nya alam kung gaano ito kasakit sumampal. "This gonna be a little hurt my dear." Napapikit sya ng mata ng iangat na nito ang kamay para sampalin sya. Hinanda ang sarili para sa isang masakit na sampal. Hindi nya aakalain na ang hindi nya sinasadyang pagtapak sa paa nito ay ang pagsampal sa kanya ang kabayaran. Idinilat nya ang isang mata ng ilang minuto na ang lumipas ay walang palad na lumapat sa mukha nya. Isang pigura ng lalaki ang nakapagpadilat ng dalawa nyang mata. Nakahawak ito sa kamay ni Cassandra. "Walter." She mumbled his name. Pinigilan ni Walter ay pagsampal sana sa kanya ni Cassandra. But why? Is he really her Knight and shining armor? Her prince charming that will save her every time she's in trouble? "You better stop." Sabi ni Walter sabay malakas na bitaw nito sa kamay ni Cassandra. "Why should I?" Sigaw nito. Napaatras ito ng tignan ito ni Walter ng masama. "Because she's now my girl." Napakurap-kurap sya sa sinabi nito. My girl? Kailan pa? Bakit hindi nya alam? Tulog ba sya ng sinagot nya ito o nakalimotan nya? Napasinghap sya ng bigla sya nitong hawakan sa kamay saka pinagsiklop. "No one can touch Meadow. She's my jowa." Napalabi sya para pigilan ang tawa. Ginaya kasi ni Walter ang sinabi ni Edward sa movie nitong Love In Tandem. Naks! Hindi nya lubos maisip na nanunuod din pala ng mga ganoong movie ang mga gwapong kagaya ni Walter. "Kung sino man ang magtatangkang saktan ang girlfriend ko, face the consequence." Pagkatapos non ay hinila na sya nito palayo sa mga taong panay ang bulong-bulongan tungkol sa kanila. Nang makalayo na sila ay binitawan ni Walter ang kamay nya. She felt disappointed pero hindi nya iyon pinahalata sa binata. "That was close." Nagpakawala ito ng hangin. Napatitig sya dito nang humarap ito sa kanya saka ngumiti. "Ano? Okay ba ang acting ko?" Parang may tumusok sa puso nya dahil sa sinabi ng binata. So, it was all just act. Akala nya totoo na. Pilit syang ngumiti. "Y-yeah." Tumawa sya kahit awkward. "Ang galing mo nga eh. Nanonood ka pala ng Love in Tandem ng MayWard?" Tumawa ito. "Yeah. 'Wag mong sabihin sa iba ha. Sekreto lang natin 'yon." Kinindatan pa sya nito. "Okay." Napalabi sya. "Oh sya, mauna na ako." Tumalikod na sya para umalis. "Sandali." Napatigil sya sa akmang paglalakad ng hawakan nito ang kamay nya. Lumingon sya. "Bakit?" "About don sa girlfriend thingy." Napatitig sya dito. Bumilis ang t***k ng puso nya. "Pwede bang totohanin?" *** AT 'YON na nga ang nangyari. Nanligaw sa kanya ang binata at dahil gusto nya talaga ito ay hindi na nya pinatagal pa ang panliligaw nito. Siguro nga ay nakatadhana talaga sila sa isa't-isa dahil ito mismo ang lalaking nagligtas sa kanya. "SAAN mo ba kasi ako dadalhin?" Tanong nya habang inaalalayan sya ni Walter na maglakad. Tinakpan kasi nito ang mga mata nya kaya hindi nya nakikita kung saang lugar sya nito dinala. Pero sa mga naririnig nya ay nasa isa pam-publiko silang lugar dahil sa may naririnig syang ingay. "Just wait a little longer babe." Malambing na sabi nito. Hindi na sya umangal pa. Ilang hakbang pa ang hinakbang nila bago sila huminto. "Babe?" Tawag nya dito ng bigla syang bitiwan nito. "Where are you? Don't joke like this. Its not funny." Nang hindi parin ito sumagot ay tinanggal na nya ang blindfold saka napatingin sa paligid. Amusement park. Nasa isang amusement park sila. Napalibot sya ng tingin saka napahinto sa binatang nakatayo ilang hakbang lang ang layo sa kanya. "Surprise!" Malakas nitong sigaw sabay dipa sa hangin. Sa sobrang saya nya ay niyakap nya ito. FERRIS WHEEL ang huli nilang sinakyan. Habang dahan-dahan itong umaandar ay napapatingin sya sa labas. Napapa-wow sya sa magagandang tanawin na nakikita nya. Madilim na kaya parang mga Christmas light ang mga ilaw sa baba. "Babe?" Lumingon sya kay Walter ng tawagin sya nito. Bumilis ang t***k ng puso nya sa kaba, hindi dahil malapit na sila sa taas, kundi dahil hawak ni Walter ang kamay nya. Ang lalaking mahal nya. "Sabi nila, kapag hinalikan mo daw ang taong mahal mo sa tuktok ng ferris wheel ay magsasama sila habang buhay." Napaisip sya, ito ba ang dahilan kung bakit ferris wheel ang gusto nitong huling sakyan nila. Kanina pa kasi sya nagyaya pero sinasabi nitong mamaya na. "I love you Meadow." Pagkatapos nitong sabihin ang tatlong salita ay agad sya nitong hinalikan. Her first kiss. There first kiss. And just like a magical, the fireworks explode. And she feel that her heart might be explode too, because of love. Because of happiness. Because of Walter. *** 5 years later... "Liar." Puno ng galit at sakit na sabi nya habang nakatingin sa isang mataas na ferris wheel na nadaanan nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD