Pagkaalis ni Sierge ay naging masaya na rin si Mika dahil kahit papaano'y naisabi na n'ya kay Sierge ang tungkol sa pangatlo sanang anak nila at naibigay na rin n'ya kahit ang pakikipagkaibigan niya rito. Okay na iyon, at alam n'yang ikakatuwa iyon sa kanyang mga anak na gano'n na ang relasyon nila ng Daddy ng mga ito. ____ Mas lalong dumalas pa ang pagpunta si Sierge sa mga De Chavez paglipas ng mga linggo. okMula ito sa office ay dumeretso pa ito sa mansion ng mga De Chavez. Minsan ay doon na rin mag dinner ito kasama sa mga anak bago ito uuwi sa batangas. Napansin naman ni Mika na mas lalong napa close ang kanyang dating asawa sa kanilang dalawang anak na mga binata at dalaga na. Minsan din ay makisabay s'ya sa mga ito kaya parang buo lang kung titingnan ang kanilang pamilya.

