" S- Sierge, w-wala na daw s'ya, M-mama." Ani Mika at mahinang umiiyak. Nanlaki din ang mga mata ng kanyang Ina sa narinig mula sa kanya. " What!? si Sierge? w-wala na?" Nauutal ding tanong sa kanya ng kanyang inang si Camela. " Yes, Mama. Wala na s'ya." Tumango-tangong tugon n'ya sa Ina habang umiiyak. Parang pinagpawisan naman ang kanyang ina habang siya'y inalalayan nito Tinulongan s'ya ng ina upang makaupo sa kama ng kuwarto nito. At nanginig ang kanyang buong katawan habang patuloy na umiiyak. Hindi n'ya alam kung bakit gano'n na lang kasakit para sa kanya na wala na ang kanyang dating asawa. " P-paanong nangyaring wala na si Sierge? a-ano palang sinabi ng anak mo sa tawag, ha?" Umiyak ding tanong sa kanya ng kanyang inang si Camela. " M-mama, naaksidente daw si Sierge,

