Nag-alinlangan man s'ya kung totoo man ito o hindi ay dinama parin n'ya ang mahigpit na yakap nito sa kanya. Mainit ang katawan nito at ramdam din n'ya ang mainit na hininga nito na nagbigay alam sa kanya na buhay nga ito. Subalit di s'ya mapakali pagkaraan ng ilang sandali ay siya ang kusang kumalas mula rito. At nag angat siya ng tingin rito. Noon lang nya napansin na may bendahe ito sa noo nito. Nagtama ang kanilang mga mata. Nagtitigan sila ng ilang segundos. Hindi ba siya nilinlang at dinaya ng kanyang mga mata? hinayaan lang din s'ya nitong tumitig rito habang nakatitig rin ito sa kanya. Hangga't di parin siya makontento at hinawakan at hinaplos n'ya ang pisngi nito. Hinawakan naman nito ang kamay n'yang humaplos sa mukha nito at mahigpit nitong hinawakan iyon. " T-totoo k

