It's 8 am in the morning and here I am at my balcony, drinking some coffee while watching the rain.
Alas diyes ang flight namin papuntang Singapore mamaya pero dahil wala pang text sa akin si Lester ay tumambay muna ako rito sa balcony ng unit ko. It's raining outside but it's not that heavy, malamig na rin ang panahon dahil ber months na.
I am wearing a denim jacket now and denim flare pants, tinernuhan ko lang ng isang sneakers. Nakahanda na ang dalawang luggage ko at ang manager ko nalang talaga ang hinihintay ko.
While waiting for him, my doorbell rang. I stand up thinking that it was already him but when I opened my door, I saw no one but a piece of red rose.
As usual, wala nanamang nakalagay na pangalan. I keep on receiving the same flower over and over kahit hindi ko alam kung sino ang nagpapadala. Hinayaan ko nalang dahil sa loob loob ko ay natutuwa ako tuwing may nagpapadala ng ganito sa akin.
Parang hindi na buo ang araw ko kapag hindi ako nakakatanggap ng rosas mula sa anonymous sender. Nilagay ko ulit ito sa flower vase ko at mukhang magiging routine ko na ito araw araw, except for the next three days since I'm going out of the country.
Dahil medyo natatagalan na ako sa pagdating ni Lester ay dinial ko na ang numero niya para tawagan siya. Nag-ring ito ng ilang minuto hanggang sa sumagot na siya.
"Nasaan ka na? Kanina pa ako naghihintay rito," bungad ko agad sakanya.
"Azekyne, Lester can't come. May emergency sa bahay ng parents niya, nandito kami ngayon sa hospital."
Nag-alala agad ako nang marinig ang boses ni Luhan.
"What emergency? Ano bang nangyari?"
"Hindi ko rin alam, basta may tumawag sakanya kanina bago siya umalis ng bahay at sinabing nasa hospital nga si Tita. I don't think he can go to Singapore now-"
Naputol ang sasabihin niya nang may narinig akong humablot ng cellphone sakabilang linya.
"Aze, mauna ka na muna ngayon. Sumama ka muna kila Hillary, susunod ako kapag naging okay na si Mommy ngayon," ani Les sakabilang linya.
I sighed in worry because I know that his mom is sick, nasabi na niya sa akin noon, Hindi ko lang alam kung ano talaga ang sakit nito.
"Sige, sumunod ka nalang, Pero kung hindi ka talaga makakapunta, don't worry, ako na muna ang mag-aasikaso ng mga gagamitin ko. Tsaka nandoon naman sila Julie," mahabang lintanya ko.
"I'm sorry, Aze. Alam kong importante rin itong event na ito para sa career mo pero hindi talaga ako mapakali at hindi ko maiwanan si Mommy, unless I made sure that she's fine."
Dismiyado man dahil ako lang ata ang dadalo na walang kasamang manager pero naiintindihan ko naman siya.
"Okay lang, sige na. Pupunta na ako sa airport, baka maipit pa ako sa traffic. Balitaan mo nalang ako, ha?"
Natapos ang usapan namin kaya napasapo nalang ako ng noo. Mabuti pala at tinawagan ko na siya dahil kung hindi, baka maghintay pa ako rito ng matagal.
Lumabas na ako ng condo ko dala ang mga gamit ko at pumara nalang ng taxi papuntang airport. Hindi rin naman kase ako makakapagdala ng sasakyan kaya mas mabuti nang mag-taxi nalang.
Habang nasa daan ay tinext ko na sila Julie para sabihing on the way na ako, doon ko nalang sasabihin na makiki-manager muna ako sa mga manager nila habang wala pa si Lester.
Hindi rin naman nagtagal at nakarating na kami sa airport, mabilis lang ang byahe dahil nag-shortcut ata kami ni Manong. Binigyan ko nalang siya ng tip at naglakad na papasok ng airport. I am wearing a cup but I'm pretty sure that some people here will recognize me.
Kaya binilisan ko talaga ang paglalakad hanggang sa makita ko na ang mga kaibigan kong naghihintay. Saktong pagdating ko pa nga ay in-announce na ang flight namin.
Kasabay ang ilang models ay sumakay na kami sa nakalaan na eroplano para sa amin at hinanap na ang aming designated seats.
I chose the business class seat kahit hindi iyon ang dapat kong upuan. Bakante naman siya at gano'n nga rin ang ginawa nila Hillary. Tumabi sila sa akin habang ang mga assistant at managers nila ay nasa likod namin.
"This is much more comfortable than those ordinary seats, dapat lahat tayo naka-business class. Nagtitipid na kaya si Rich?"
Natawa ako sa sinabi ni Hillary.
"Sa yaman niyang 'yun, barya nalang sakanya ang isang libong business class seats. Kahit buong modeling industry pa ang ipag-book niya ng flight," saad ko.
"Baka si Baron nanaman ang nag-book. Alam mo naman 'yun, feeling CEO!"
"Shunga, sige lakasan mo pa. Para marinig ka ng mga alipores niya diyan sa gilid gilid."
Napailing-iling nalang ako sa usapan naming tatlo. Natanong nila kung bakit wala akong kasama kaya sinabi ko ang nangyari. Hindi naman na nila ako inusisa pa kaya kinuha ko ang neck pillow na nakasabit sa bag ko at nilagay ito sa leeg ko.
I yawned because I feel so sleepy. Nang lumipad na ang sinasakyan namin ay agad na akong hinila ng antok dahil ilang gabi na rin akong puyat at walang maayos na tulog.
Masarap sana ang tulog ko kung hindi lang magulo ang katabi ko at wala akong naririnig na ingay na galing sa ibang models sa kabilang upuan.
Naiirita man ay hinayaan ko nalang sila. Nagsalpak ako ng earpods sa tenga ko at nilakasan ang patugtog ko hanggang sa tuluyan na talaga akong hilain ng malalim na antok.
Nagising nalang ako nang may tumapik na sa pisngi ko ng ilang beses.
"Huy, bruha! Baka gusto mong masama ng eroplano pabalik ng Pilipinas?"
Dahan dahan akong nagmulat at nakita si Julie sa harapan ko habang si Hillary ay kinukunan ako ng litrato.
"We're here?" Tanong ko pa sa bagong gising na boses.
"Ay hindi, beh! We're there!" si Hillary.
Inirapan ko siya at nag-inat na muna ng mga kamay bago tumayo. Hindi ko na namalayan ang oras, tulog ata ako sa buong byahe at hindi na ako nakakain ng lunch.
Hindi man lang ako ginising nga mga 'to, hanep!
Pagkababa namin ay sinalubong kami mismo ni Ms. Rich kasama ang ilan niyang mga tauhan. Nakahanda na rin ang mga sasakyan namin papunta sa hotel na aming tutuluyan.
It's been months since I traveled, kaya nakaramdam ako ng jetlag pagbaba namin.
"Let's all meet tonight for a dinner, sa ngayon ay magpahinga muna kayo, ladies!"
Iyon ang bilin niya sa amin at nauna nang umalis dahil marami pa siyang aasikasuhin.
God! I missed Singapore! The cleanest country, iba ang hangin dito kumpara sa Pinas.
Nasa daan na kami nang maramdaman kong tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha mula sa bulsa ng jacket ko.
I saw a missed call from an unknown number and some text messages from Lester, my brother and an another unknown number.
Una kong binuksan ang mensahe ni Lester at nakita ang sinend niyang litrato.
The picture of his mother laying down on a hospital bed, a tube inside her mouth and looking so pale. Below was his message that he cannot come here anymore since his mother needs full attention.
I replied 'okay' since I know his situation.
Bahala na, makaka-survive naman siguro ako ng walang manager. Pag-iisipan ko na after this kung kukuha na ba ako ng mga personal assistant ko para hindi rin hassle.
Sunod kong tinignan ang mensahe ni Allen at nakitang tinatanong niya kung ano raw ang plano ko next week dahil naka-set na ang dinner with the Hernandez Family. Hindi ko na siya ni-reply-an dahil wala pa naman talaga akong plano.
Tsaka gusto kong habang nandito ako sa ibang bansa ay wala muna akong iniisip na problem. I went here not only because of work, I am here because I want to unwind too.
Sana tigilan muna nila ako, kahit ilang araw lang.
Nakarating na kami sa hotel kaya hindi ko na na-check ang isa pang mensahe na natanggap ko. Bumaba na ako ng sasakyan dala ang mga luggage ko, sinalubong kami ng mga staff ng hotel at ilang bellboys.
They helped us with our things until we reached our rooms.
Hiwa-hiwalay kami ng mga kwaro at buong floor ata ay puro models ni Rich ang naka-okupa.
It's 5:00 PM already, dahil sa pagod ay napasalampak nalang ako sa kama ko at napabuntong-hininga.
Kinuha ko na ulit ang cellphone ko para sana i-check nang tumunog ulit ito at lumabas sa screen ko ang isang unknown number.
I was hesistant to answer it first since this number wasn't save in my contacts pero nagkusa na ata ang mga kamay ko at basta ko nalang itong sinagot.
"Hello?" Sagot ko sa mahinang boses.
"Am I disturbing you?"
Nanlaki ang mga mata ko at nahigit ko rin ang hininga ko nang marinig ang boses ni Cillian.
Hindi makapaniwalang tinignan ko ang numero niya sa screen ng cellphone ko.
"Elleanor?"
Napakagat ako ng labi at napatayo pa mula sa kama. Naglakad ako pabalik-pabalik habang kagat ang mga kuko.
"N-No." Sagot ko. "Paano mo nalaman ang number ko?"
"I have my ways," aniya sa kabilang linya.
"Really?"
Nakuha kaya niya ito kay Michelle?
"I hope I'm not disturbing something. I just called you so you can save my number."
Kahit sa tawag ay ang lamig ng boses niya. Mas malamig pa ata kesa sa aircon nitong kwarto.
"Hindi naman, kakarating lang namin dito sa Singapore. Just resting a bit when you called."
Natahimik kaming dalawa ng ilang minuto, akala ko pa nga ay binabaan na niya ako pero hindi naman. The call is still on-going.
"Enjoy your stay there."
Iyon ang bumasag sa katahimikan naming dalawa. Hindi ko alam bakit ako napangiti sa sinabi niyang 'yon, binaba na niya lahat lahat ang tawag ay nakangiti pa rin ako.
Sinave ko ang numero niya sa contacts ko kahit hindi ko alam kung bakit niya ito pinapa-save.
Are we friends now? Hindi ko siya close pero bukal sa loob kong gawin ang sinabi niya. I even named him Cillian on my contacts instead of Mr. Montecarda.
The hell is wrong with me?
Magkaka-crush pa ata ako sa may anak na! Jusko!
Humiga na ulit ako sa kama at magaan ang loob na nagpahinga. Umidlip lang ulit ako ng isang oras hanggang sa mag alas sais na at nagsimula na akong mag-ayos para sa aming dinner.
The night went fun because after the dinner, Rich decided to take us on this hotel's bar, with a swimming pool infront that we can use to enjoy a cold dip. Nagkanya-kanya sila sa pagkuha ng kanilang mga bikini habang ako ay tinanggal nalang ang suot kong dress at tanging black two piece underwear nalang ang tinira.
Lumusong na ako sa tubig at naramdaman ang sobrang lamig nito sa katawan. It took me minutes for my body to adjust.
Lumangoy na ako ng ilang beses, pabalik-balik hanggang sa mapagod. Inabutan naman ako ni Julie ng isang putting roba nang umahon na ako sa tubig. We spent the night drinking until we became drunk.
Nauna na akong nagpaalam sakanila na babalik na ako sa kwarto ko para matulog at nang pumayag sila ay naglakad na ako papasok ng elevator.
Nasa 8th floor kase ang kwarto ko at nasa last floor before the rooftop itong bar ng hotel.
Gumegewang-gewang akong pumasok sa elevator at nang muntik na akong matumba ay may humawak agad sa bewang ko at inalalayan ako para makapasok.
"S-Sorry, I... I'm drunk," sabi ko sa humawak sa bewang ko.
I didn't bother to look at him and just stand straight.
Pinindot ko na ang floor na pupuntahan ko hanggang sa makarating doon ay hindi ko tinapunan ng tingin ang lalake. Lumabas ako ng elevator at nang malapit na ako sa pintuan ng kwarto ko ay nakakita nanaman ako ng isang pulang rosas.
I thought namamalikmata lang ako pero pumikit-pikit ako at nilapitan pa ito lalo. Pinulot ko ito at nakitang gaya rin ito ng mga natatanggap ko sa Pinas.
Do I have an obsessed stalker?
Instead of feeling happy ay parang nakaramdam na ako ng takot. How can a sender follow me all the way from Philippines?
It's getting creepy!
Kinuha ko nalang ito at dali-dali nang pumasok sa kwarto.