bc

GREATEST LOVE AFFAIR (R18+)

book_age18+
579
FOLLOW
3.2K
READ
dark
contract marriage
brave
twisted
bxg
serious
affair
wild
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Azekyne Elleanor Varmona was very sick of her husband's toxicity. Sa lahat ba naman kase ng pwedeng ipa-kasal sakanya ng kaniyang mga magulang ay kung bakit napili pa ng mga 'to ang isang lalakeng walang delikadesa.

Paano kung ang matagal na pagsasama ng mag asawa ay tuluyan nang mauwi sa masaklap na hiwalayan sa pagdating ng isang bilyonaryong magiging obsessed kay Elleanor?

Magawa kaya niyang iwan na ang kaniyang asawa kung pamilya niya na mismo ang kokontra? O, mas susundin niya ang utak niya at sasama sa bilyonaryong 'yon na naging parte na ng buhay niya?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
The lights coming from those vanity mirrors was making my eyes hurt a little. It's been an hour, ang tagal naman magsimula ng fashion show na 'to. I'm tired sitting here like a doll, doing nothing because my make up artist are scared I might ruin my make up. Nandito kase kami ngayon sa isang kwarto na isa ring dressing room ng mga model. Ako nga lang sana ang nandito since ako ang highlight ng event mamaya pero wala nang ma-puwestuhan itong dalawa kong kaibigan kaya pinapasok ko na sila rito. Pero ang ending, kasama rin pala nila ang kanilang mga afam. Panay ang landian porket hindi takot mapagalitan ng mga manager. Sabagay, rarampa lang naman sila mamaya. Ako ay mananatili ng ilang minuto sa stage at hahayaang hangaan ng mga naglalakihang personalidad na imbitado. "You know I'm always ready right? We'll do it later on your car, honey," malanding utas ni Hillary sa afam niya. Nakita ko ang pagsilay ng manyak na tingin sa mga mata nito kaya napangiwi ako. Mga malilibog! Dito pa talaga sa harapan mo naglandian, nakakaurat. Napatingin naman ako kay Julie at sa kaniyang jowa. At mas malala itong dalawa! Naghahalikan na, wala talagang patawad, kung saan saan nalang naaabutan ng kaharutan! Gusto kong magmura at paalisin sila pero alam ko ang magiging sagot nila. Sasabihin nilang palibhasa ako ay walang jowa at ang killjoy ko, gano'n. Kaya hinayaan ko nalang sila. Binuksan ko nalang muna ang cellphone ko at tinignan ang ilang social media accounts ko at nagbasa nalang muna ng mga komento sa mga bagong post ko. Karamihan ay magaganda naman pero hindi maiiwasan na may inggetera sa comment section, may bashers na akala mo ay perpekto at ang gaganda. Baka nga wala pa sila sa kalahati ko, hmp! Napasimangot ako. Dinelete ko nalang ang mga 'yon dahil ayokong mabahiran ng negativity ang mga post ko, I blocked them too so that they cannot see me anymore. Ako na ang mag a-adjust para sa mga 'yon, mukhang masalimuot ang mga buhay. Noong una ay apektado pa ako sa mga gano'ng komento, pero nagtagal ay parang wala nalang sa akin. Hindi naman sila sisikat sa pamba-bash, eh. Ako sikat na, I think that's what matters for now. "Okay, ladies! Get ready, we will start in 2 minutes! Ms. Azekyne, please come to your designated position," pumasok ang coordinator sa dressing room at tinawag na kami. Mabilis naman akong tinulungan ng manager ko sa suot kong gown at pinatayo. Inalalayan niya ako palabas hanggang sa makapunta na kami sa pila. Since ako nga ang highlight, syempre ako ang nasa huli. Ang mga irarampa namin ngayon ay mga gown na gawa ni Michelle Lui, isang sikat na designer hindi lang sa Pinas, maski sa ibang bansa. Kilalang kilala ang brand niya at ang naggagandahang creations niya. "Own that stage, Aze! Make them drool over you, okay? Para more engagements and offers tayo, malay mo kunin ka pa ng mga businessman diyan na model ng kanilang company, milyones 'yun, jusko!" nag i-imagine na saad ni Lester, ang baklang manager ko. 5 years na rin kaming magkasama at maganda naman ang naging relasyon namin. Hindi ko lang siya manager, matalik na kaibigan ko na rin. Natawa naman ako dahil sa mga pinagsasabi niya. Hindi malabong mangyari 'yun, pero sa tagal ko sa modeling industry, wala pa naman akong tinatanggap na gano'ng offer dahil kung hindi sa panget ang kanilang package deal, hindi ko naman gusto ang imo-model kong product. Call me picky, but I know my worth and I know my skills. Kaya hindi ako basta basta naha-hire ng mga companies. Panay na nga ang reklamo ni Lester dahil sayang din daw 'yun. Wala lang siyang magawa kapag sinabi kong ayoko. Pero ngayon, ang mga imbitado raw ay sobrang bibigatin, kaya kailangan ko nga talagang galingan. Inayos pa ni Lester ang gown ko. Isa kase itong nude bodycon gown, mermaid style sa likod, see through sa bandang balikat hanggang itaas ng dibdib, kita kita ang curves ng katawan ko. May mga diamond beads din itong design na nakapagpa-kinang sa itsura nito. Nakalugay ang buhok ko at may suot akong silver clips, light lang din ang make up ko dahil gusto nilang magmukha akong natural. My eyes are naturally blue because of my parent's race. My mom is a half Filipino, half German. While my dad is a Japanese. What a nice combo, kaya iba talaga ang itsura ko. Medyo may kasingkitan din ako. "I'm tired now, Les. Can I sit?" Hindi kase ganito katagal magsimula ang ibang fashion show na nirampahan ko. "Ano ka ba! Malapit na nga magsimula, tiisin mo na. Magmumukha kang unprofessional, baka sa susunod hindi ka na kunin ni Lui!" Napairap nalang ako at napabuntong-hininga. Nakita ko na ang pagpasok ng ibang models sa gilid ng stage kaya inayos ko na ang sarili ko. Napahawak ako sa tiyan ko dahil kahit ilang beses na akong rumampa ay lagi pa rin akong kinakabahan. Normal lang naman ito, tsaka mawawala rin ito mamaya kapag naglalakad na ako. Medyo dumoble nga lang ngayon ang kaba dahil hindi lang basta basta ang mga nasa labas at manonood. I need to impress them. "Ayan na! Ikaw na ang susunod, kembot-an mo sila, girl. Huwag ka papakabog, bilis!" Iniwan na ako ng manager ko at pumunta sa gilid kung saan lahat ng managers ay mag a-abang sa kani-kanilang mga hina-handle na model. Ako na ang lalabas kaya inayos ko na ang emosyon sa mukha ko. I made a fierce look before going out. Pinigilan kong masilaw dahil sa mga ilaw paglabas ko at dahan dahang naglakad sa mahabang enteblado. I saw some of the VIP guests taking pictures and videos of me while walking. I gracefully look at them while walking, swaying my hips in a slow pace. Some of them, especially girls, gasped when I smiled at them, showing my perfectly white teeth. Tumingin ako sa gilid gilid ko habang naglalakad. Turo sa akin iyon ni Miss. Michelle, kailangan ko raw ng eye contact sa kanila. Mataas ang heels ko kahit matangkad naman na ako kaya hindi ko na naisipan pang umikot habang rumarampa. Pumwesto ako sa pinakadulo at doon umi-stop, nag pose ako doon at ngumiti, kinawayan ko ang iba sakanila. Nagsi-palakpakan naman sila habang tinitignan ako pati na rin ang suot kong gown. This will cost a million, hindi biro ang gown na suot ko dahil isang sikat ang gumawa nito. Kaya ingat na ingat din talaga ako sa pagsuot nito kanina. Kulang pa ang talent fee ko kapag nasira ko ito. Nakita ko sa isang banda ang mga grupo ng businessmen na titig na titig sa akin. Halos hindi ko makita ang mukha ng iba sakanila dahil madilim sa parteng iyon. Ang lahat ng ilaw, lalo na ang spotlight ay nasa akin. Kaya naman a-akalain mong kaunti lang ang nanonood sa'yo dahil ang mga malapit lang sa stage ang makikita mo. Lumapit sa akin si Michelle Lui, ang designer at sinabi kung ano ang gown na suot ko. Pinaliwanag niya ang mga materials na ginamit at kung magkano ang ganitong klase ng gown, she discussed it very well. Masasali rin kase sa isang auction ang mga creations niya pero hindi pa iyon ngayon. Sa susunod na event pa kung saan rarampa ulit kami. Hindi lang bilang model, kung 'di bilang guests na rin. Nagbagsak pa sila ng isang masigabong palakpakan bago ako tumalikod at rumampa na pabalik sa likod ng stage. "Woah! Ganda mo talaga, Aze! Kahit ako nakatunganga na sa'yo kanina," puri sa akin ng manager ko. I genuinely smiled, "Thank you. I did well, right?" "Of course, darling!" Pumapalakpak pa niyang sagot. Nagbihis na rin naman ako agad dahil ang susunod na pupuntahan namin ay ang party na sinet for models. Para sa successful na fashion show event, lagi silang may pa-party. Nagbihis lang ako ng isang bodycon dress na backless at kulay itim, laylay ang bandang dibdib nito na siyang mismong design at abot lang ito hanggang tuhod ko. Pinatali ko na rin kay Lester ang buhok ko pababa para. Habang tinatanggal naman niya ang make-up ko ay napatingin ako sa cellphone ko. Wala pa ring text galing kila Mommy. Nakaramdam ako ng lungkot dahil kahit suportahan man lang nila ako sa pagmo-model ay hindi nila magawa. I sent them an invitation, para panoorin ako dahil ako ang highlight ngayon. Pero wala sila, hindi pumunta. Ni congratulation text ay wala, kaya hindi ko maiwasang malungkot. Bumigat ang dibdib ko at parang gusto kong umiyak anytime. Pinigilan ko lang dahil paalis na kami. Diretso kami sa Innervil para magsaya. Dahil masama ang loob sa mga magulang at mga kapatid ay nagpakalasing ako ng husto doon. Hindi na nga ako maawat ng co-models ko at pati na ni Lester dahil panay lang ang inom ko. Pagewang gewang na naglakad ako sa dancefloor at sumayaw. Sinabayan ko ang malakas at wild na tugtog sa loob. Nasa kalagitnaan ako ng pagsasaya nang maramdaman ang dalawang kamay na humawak sa bewang ko. Napangiti ako at hinarap kung sino man 'yon. Mas lalong lumawak ang ngiti ko nang makita ang isang gwapong lalake na may bahid ng kaseryosohan sa mukha. Medyo blurry na ang paningin ko dahil sa hilo pero kumapit ako sakanyang balikat at sumayaw sa mismong harap niya. Dinikit ko ang katawan ko sakanya habang gumigiling. Naka steady lang naman siya at ang higpit ng hawak sa bewang ko. He's like a robot but I don't mind it. Basta sinayawan ko lang siya hanggang sa awatin na ako ng mga kasamahan ko at inilayo sa lalaking iyon, narinig ko pa ang paghingi nila ng tawad sakanya hanggang sa mawalan na ako ng malay dahil sa kalasingan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.7K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook