Nagising akong masakit ang ulo dahil sa dami nang nainom kagabi. Lanta ang katawan na bumangon ako at tinignan ang orasan sa gilid ng kama ko.
It's 10 AM already. Inaantok pa ako pero kailangan kong bumangon dahil may rehearsal pa kami.
Sunod sunod ang event namin kaya wala talaga akong pahinga.
Nakita ko ang ilang gamot para sa hangover sa baba ng lampshade ko at isang pitsel ng tubig, may kasama na ring baso.
Siguro ay si Lester ang naglagay nito dito bago siya umalis. Nandito kase ako ngayon sa condo ko at mag-isa ko lang dito.
May bahay naman kami pero mas minsan nalang ako umuwi doon. Lalo na't laging sumasama ang loob ko sa parents ko.
Bago tumayo ay ininom ko muna ang gamot para sa hangover dahil masakit talaga ang ulo ko. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kusina para magluto ng almusal.
Naglabas lang ako ng tocino, hotdog at nagsaing na rin ng brown rice. May strict diet ako pero dahil sa hangover, kailangan kong kumain ng heavy foods. Nevermind the calories, minsan lang naman.
Habang nagluluto ay nag-ring ang cellphone ko at nakitang tumatawag si Hillary.
Imbis na sagutin ay pinatayan ko pa siya ng tawag. Wala ako sa mood makipag-usap ngayon dahil masakit ang ulo ko, mamaya ko nalang siya tatawagan pabalik dahil sigurado naman akong walang kabuluhan ang ichi-chika niya.
Kumain ako at naghugas ng mga ginamit sa loob ng bente minutos. Balak ko pa sanang mag workout sa malaking gym nitong condo building pero naisip kong huwag na muna.
Wala talaga ako sa mood ngayon.
Nagpahinga lang ako saglit at nagbasa ng libro bago naligo. Nagsuot lang ako ng simpleng highwaisted maong jeans at halter crop top dahil rehearsal lang naman ang pupuntahan ko ngayon.
Sumakay na ako sa bmw na kotse ko at tinahak na ang studio namin.
Nakarating ako doon saktong magsisimula na ang practice. Nandoon na rin si Lester na kanina pa pala ako tinatawagan. Pinatay ko kase ang cellphone ko kaya hindi niya ako ma-contact.
"Hoy, nakakahiya ka kagabi!" Sambit niya nang maupo ako sa tabi niya.
"Bakit? Ano nanaman ginawa ko?"
Tumirik ang mata niya at masama akong tinignan.
"Bruha ka, sinayawan mo 'yung isang lalake doon! Nakita ko 'yun sa fashion show ni Lui, isa 'yon sa VVIP!" histerikal na bulalas niya.
Napataas ako ng kilay, "Eh, ano ngayon? Masama bang makisayaw sa gaya niyang–"
"Aray naman!" Hinampas niya ako sa balikat.
"May ari daw ng malalaking business 'yun. Hindi ko lang natanong ang pangalan, pero alam mo ba..."
"Ang ano?" nakakabitin naman siya.
"Grabe 'yung titig niya sa'yo! Habang sinasayawan mo siya, nakahawak lang siya sa bewang mo. Alam mo 'yung sugar daddy vibes ala mafia?"
Natawa ako dahil sa mga pinagsasabi niya, "Ang oa mo talaga kahit kelan, Lester."
"Seryoso nga!"
Binalikan ko sa utak ko kagabi ang mga nangyari, pilit kong inaalala ang mukha ng nakasayaw ko pero hindi ko matandaan. Siguro dahil sa kalasingan ay nakalimutan ko nang i-memorize ang mukha niya.
"Buti at inawat niyo ako? Nakakahiya din 'yun, ha."
Nagtawanan kaming dalawa dahil bigla akong namula.
"Gaga ka kase, ako 'yung natakot para sa'yo. Kahit pogi iyon eh syempre alaga kita, kaya dapat kitang ilayo."
Nagkuwentuhan lang kami ni Lester hanggang sa magsimula na ulit ang practice.
Naging maayos naman na ang sumunod na mga oras. Pumunta kami sa cafe nila Julie at kumain na muna. Niratrat pa ako ni Hillary ng sumbat dahil pinatayan ko siya ng tawag.
Sanay na ako sa bunganga niya kaya wala na sa akin 'yun.
Atleast kahit gano'n sila ay alam kong hindi sila peke.
"Nainggit ako sa isa diyan kagabi, ang hot ng sinayawan, tapos parang bet na bet siya!"
Napatingin ako kay Julie at sinupil ang ngiti. Alam naming dalawa kung sino ang pinapasaringan ni Hillary.
"Hoy, may afam ka na, remember?" si Julie bago sumimsim sakanyang milktea.
"Bawal na ba mainggit ngayon, Mare? Helloooo! Sa gwapo no'n, kahit may asawa ay magdadalawang isip na kung bakit sila nagpakasal!"
Hindi ko na napigilang matawa dahil sa mga pinagsasabi niya.
Pauwi na sana ako ng condo at ready na magpahinga nang tumunog nanaman ang cellphone ko at nakitang tumatawag si Daddy.
Lumiwanag agad ang mukha ko at mabilis itong sinagot.
"Hey, dad! How are you?"
Pumasok ako sa sasakyan ko at umupo na muna doon habang hinihintay ang kaniyang sagot.
"I'm good, Azekyne, where are you?"
"Good to hear that, dad. I'm on my way back to my condo, why?"
"We want to see you here tonight, can you go home?"
Mas sumaya ang pakiramdam ko nang marinig iyon. Bihira lang nila akong tawagan at kusang papuntahin sa bahay. Medyo nagtataka lang dahil parang may iba sakanyang boses pero pinagsawalang-bahala ko nalang.
"Alright, daddy. I'll be there tonight," sagot ko at malaki ang ngiting pinatay na ang tawag.
Bumalik sa pagiging maganda ang mood ko hanggang sa makabalik na ako sa condo ko.
Hinanda ko agad ang mga susuotin ko mamaya. Dadaan din ako sa bakeshop mamaya para bumili ng pasalubong para sa mga kapatid ko.
I'm so excited to see them!
Napagpasyahan ko na ring magluto ng adobo at ng menudo para may madala ako mamaya doon. Minsan nalang kase ako umuwi kaya susulitin ko na ang mga pasalubong.
Inabot din ako ng ilang oras sa paghahanda. It's almost 6 PM kaya pababa na ako ng condominium building sakay ng elevator dahil nag-text ang kapatid ko na si Allen, ang sumusunod sa akin.
Tinatanong niya kung nasaan na raw ako. I told him I'm on my way now.
I have three siblings, si Allen ang nag-iisang lalake, he's 21, ang sunod ay kambal na parehong 19 years old na.
We're not so close because I'm always been a workaholic since I was 18, I've handled our business at that young age so I don't have much time to bond with my siblings.
Until I changed career. Naging model ako kaya mas lalong lumayo ang loob nila sa akin.
I drove for about 30 minutes. Nang makarating ako doon ay nagtaka agad ako kung bakit wala masiyadong ilaw na nakabukas sa aming balkonahe. Parang napakatahimik ng aming malaking bahay, kahit sa gate ay walang nagbabantay na guard, saan kaya sila nagpunta?
Kunot ang noong lumabas ako ng sasakyan at binitbit na ang mga dala ko papasok. Binuksan ko ang pinto kahit hirap na hirap ako dahil sa dami ng mga bitbit na pagkain.
Iilan lang ang ilaw na nakabukas pagpasok ko.
Wala man lang sumalubong sa akin.
"Mom? Dad? Nandito na ho ako!" Sigaw ko pero walang sumagot.
Naglakad ako papuntang living room at nilapag na muna sa mini table ang ilang mga dala. Ang mga pagkaing ginawa ko ay binitbit ko naman papasok ng dining room, nagbabakasakaling nandoon sila.
At hindi nga ako nagkamali...
They're silently eating. Wala halos kabuhay buhay ang mga mukha nila. Ang lungkot ng kanilang mga emosyon.
"Mom..."
Lumingon agad silang lahat sa akin nang marinig ang boses ko.
Tumayo naman si Allen at kinuha ang mga bitbit ko.
"You're here, come sit, Azekyne," ani Daddy at tinuro ang upuan sa tabi ng kambal.
"Bakit po parang ang lulungkot niyo? Anong meron?"
"Let's eat first, shall we?" utas ni Mommy na binigyan naman ako ng pinggan.
"O-Okay?" patanong na sagot ko nalang dahil kahit lagi naman silang tahimik kapag kumakain, e naninibago lang talaga ako rito sa bahay.
Siguro dahil matagal na rin since nung last na uwi ko.
Inihain ni Allen ang mga niluto ko sa harap nila. Magana naman silang kumain pero napaka tahimik nga lang. Kumain nalang din ako at nang matapos ay pinapunta na ako nila daddy sa taas, kung nasaan ang aming mini library.
Nauna na sila doon dahil tinulungan ko muna sa pagliligpit ang mga kapatid ko.
Kumatok ako sa pinto bago iyon binuksan.
"Daddy?" Pukaw ko sa atensyon niya nang may katawag siya sa telepono at nakatalikod sa akin.
Humarap siya at bumuntong hininga, sa hindi kalayuang sofa malapit sa bintana ay nakaupo naman si mommy.
"What's wrong?" Curious talaga ako kung bakit sila ganito ngayon.
"Sit down first, iha," si Mommy na nakahawak sakanyang noo at hinihilot hilot pa ito.
Sinunod ko naman ang utos niya kaya naupo ako sa tabi niya.
Si Daddy ay nakahalukipkip na humarap sa amin at mariin akong tinitigan. Mukhang may malalim silang problema dahil nase-sense ko ang tension sakanilang dalawa. It's like they're trying to stay cool but they can't, halata ang nerbyos sa mukha ni Mommy.
"Do you know governor Vincent Hernandez?"
Umiling ako, "Nope."
Huminga ng malalim si Daddy at napahilot na rin sa sintido.
"I see. Then please ready yourself," aniya na siyang nakapagbigay sa akin ng kakaibang kaba.
"G-Get ready for w-what?"
Nagkatingin sila ni mommy at napatingala. Parehas silang hindi mapakali kaya mas nadagdagan no'n ang kaba ko.
"Mom, please spill it! Anong ready yourself? I... I don't understand."
"You will marry him–"
"WHAT?" napatayo ako at napasigaw nang marinig ang sinabi niya.
"Are you kidding me, mom?" Nanlalaki ang matang napatitig ako sakanya.
"Lower down your voice, iha. Let us explain first, okay?"
Daddy is trying to make me calm but I can't.
Nagpalakad lakad ako pabalik-balik dahil sa narinig.
"Please tell me you're not serious. Huwag niyo na ho akong isali sa tradition niyong fixed marriage, parang awa niyo na, hindi na uso 'yan!"
Dati pa kase nila sinasabi na may tradisyon daw ang kanilang pamilya na kailangang ikasal ang panganay sa magugustuhan nilang lalake para sakanya.
Gosh, we are now in a modern society!
"We had a debt," si Daddy. "Governor Vincent Hernandez, our debt costs around million, we can't pay it because we're losing our business–"
"Then let me pay it! May ipon ho ako, may pera pa ako sa bangko, tell me how much? I'll go get the money for you, bakit kailangang may kasalang magaganap?"
Lumapit sa akin si Daddy pero lumayo ako sakanya.
"Since we can't pay him, we offer him some deal, we tried to make him choose who to marry, Azekyne. Akala namin ay tatanggi siya at bibigyan pa kami ng palugit para magbayad dahil mga bata pa kayo pero..."
"I can't believe this!" Napahilamos ako ng mukha at bumalik sa pagkaka-upo.
"I don't want to marry him! I don't even know him! Ako na ang magbabayad ng utang niyo, I'm not ready for any marriage, I don't even have a boyfriend, for pete's sake!"
"We can't do anything about it anymore, iha. It's either you marry him, or your Mom and I will go behind bars. Jail will be our next home," problemadong sambit ni Daddy.
"He won't take your money as a payment anymore, he chose you to be his wife. He's influential, iha. Very influential," naiyak na si mommy habang nagpapaliwanag.
"What have you done, Daddy? You literally sold me to that guy?"
Nagsimula na rin akong umiyak.
Hindi talaga ako makapaniwala sa mga naririnig ko.
"I'm sorry, Azekyne. Please help us, ikaw nalang ang makakapagbayad ng pagkakamali namin, if only his parents were alive, alam kong hindi rin sila papayag sa gano'n. But Governor, he wants you..."
"No! I won't! I'll give him the damn money! Take it or leave it, hindi niya kayo mapapakulong–"
"He can! Kaya niya, iha. I'm telling you, he's not a governor for nothing. He has connections all over San Carlos. Ano nalang ang magiging imahe ng pamilya natin kung makulong kami? Paano na ang mga kapatid mo? They will be miserable."
Napahikbi ako dahil hindi na kaya ng tenga ko ang mga naririnig.
How could they easily sold their daughter because of some debt? Like how?
"The twins are still young, so they can't marry him."
"Don't you dare consider the twins, Mommy! 19 lang sila, okay? Leave them alone!"
Gusto ko nang sumabog sa galit.
"I know. That's why you're leaving me no choice."
Tumayo ako at lalabas na sana ng pinto nang mapatigil dahil sa sunod niyang sinabi.
"You'll marry him whether you like it or not, Azekyne."
Padabog na sinara ko ang pinto at umiiyak na lumabas ng mansyon. Sumakay ako sa sasakyan ko at nagmaneho paalis ng bahay.
I can't stand them anymore. They keep on disappointing me.
I feel like I'm about to lose my breath now, damn it!