CHAPTER 3

1759 Words
Bumalik ako ng condo na patuloy pa rin sa pag-iyak, muntik na nga akong mabangga kanina dahil nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa luha. I throw my bag on the sofa before rushing to my room. Napahiga ako doon at nagtalukbong ng kumot. I'm acting like a kid but who the hell cares? I feel like I've been sold as a cheap thing. Grabe ang ginawa ng parents ko sa akin. I can't believe they can actually do that to their child. Binabawi ko na. Mas gugustuhin ko pa sigurong makasal sa isang lalake dahil sa tradisyon nila, hindi dahil sa isang utang. Nakakababa ng dignidad. I earned my title as a famous and one of the highest paid model for years. Pinaghirapan ko kung nasaan ako ngayon, ako ang magde-dedisyon sana sa sarili ko dahil matanda na ako pero bakit gano'n? Why do they keep on messing with my life?I just want a happy daughter-relationship with them, pero ba't iba ang binigay nila? May utang na pala sila, matagal na. Dapat sinabi na nila sa akin ng maaga, I can pay all of that! I have my own money, millions on my bank account, yet they still chose to hide it from me. Ngayon, nandito kami sa sitwasyong hindi na kayang lusutan. They don't want my siblings to be miserable, but what about me? Iniisip din ba nila ako? Kung anong magiging lagay ko? Hindi. Ever since I was child, I feel like I'm adopted. I don't know what's happening with them, pero ni minsan, hindi ko naramdamang mas matimbang ako kesa sa mga kapatid ko. Ito ba 'yung responsibilidad ko bilang panganay? Ako nalang ba lagi sasalo sakanila? Kapag wala silang kailangan sa akin, parang wala lang ako sakanila... Sobrang nakakasama ng loob. Patuloy lang ako sa pag-iyak hanggang sa makatulugan ko na iyon. Kinabukasan. Nagising akong mataas na ang sikat ng araw sa labas. Tumatagos na nga ito sa bintana ko at medyo masakit na sa balat. Pero wala pa rin akong ganang tumayo at nanatili pa ring nakahiga. I've been crying for hours last night, ngayong nagising ako ay parang may nakadagan pa rin sa dibdib ko at hindi ko kayang alisin 'yon. Kanina pa nagri-ring ang cellphone ko at hindi ko alam kung sino ang tumatawag. Wala akong ganang sagutin 'yun, wala rin akong ganang kumausap ng kahit na sino ngayon. Masakit pa rin para sa akin. Pero dahil hindi ako pwedeng manatiling ganito nalang ay tumayo na rin ako kinalaunan. Kailangan ko pang mag-trabaho, I know for sure Lester is waiting for me now. Tsaka ko na iisipin ang problema ko mamaya. Naligo ako at hindi na nag-abalang magluto at kumain. Wala talaga akong gana, nagsuot nalang ako ng isang simpleng dress, heels, kinuha ang bag at ilang gamit bago umalis. I opened my phone to see those missed calls. Some of them are from my parents, while some of them are from Lester, Hillary and my sibling, Allen. Pinatay ko nalang ulit ang cellphone ko at nagmaneho na papuntang studio. "Huy, nakailang tawag na ako sa'yo, ayos ka lang ba?" sinalubong ako ng manager ko ng may pag-aalala sa mukha. Nilapag ko muna ang bag ko sa upuan at hinarap siya. "You look so bad, Aze! May problema ka ba?" Imbis na sumagot ay yumuko ako at sinandal ang ulo ko sakanyang balikat bago siya niyakap. "Hala... Anyare sa alaga ko?" Gusto kong umiyak pero parang wala na akong luhang mailabas. Niyakap naman niya ako pabalik at hinaplos haplos ang buhok ko. "May problema ka, halatang halata sa'yo. Okay lang ka lang kahapon, ah? Kwento ka kaya?" Humiwalay ako sakanya at ngumiti. "I'm fine, Les. Don't worry about me, may araw lang talaga na nakakaramdam ako ng lungkot," pagsisinungaling ko sakanya. Mukha naman siyang hindi kumbinsido dahil matagal na rin niya akong kilala. Pero imbis na magpumilit at magtanong ay tumango tango nalang siya at hinaplos ako sa pisngi. "O, sige. Pumunta ka na sa likod at magsisimula na ang practice, hihintayin nalang kita dito. Smile, okay?" Pinagbigyan ko naman siya at ngumiti kahit pa alam kong peke lang iyon. Nagsimula kami sa ginagawa at kahit wala talaga ako sa sarili ko ngayon ay pinilit ko nalang makisabay. Ayoko pang magsabi kay Lester ng problema, kaya ko pa siguro itong solusyunan. May naisip ako kanina habang nagda-drive. Maybe I can meet Gov. Vincent Hernandez tonight. He's a governor, so I know he will respond to my email once I send him one. Gusto ko siyang makita ng personal at makausap. I'll convince him to accept our payment, I'll withdraw all my money later, I know it's enough to pay my parent's debt, baka sobra pa nga. Kailangan ko lang siyang mapapayag na tanggapin 'yon at huwag na akong pakasalan. I hope I can convince him, because if not, I don't know what to do anymore. Katatapos lang ng practice namin at papunta na kami ni Lester sa café ni Julie nang tumunog ang cellphone ko at nakitang tumatawag nanaman si Daddy. Tiim bagang na pinatay ko iyon at nakita ni Lester. Nagtataka ang mukhang tinignan niya ako pero hindi na siya nagtanong. He knows how sensitive I am when it comes to my family. And he respects my privacy. Nag-order lang kami ng pwedeng makain sa café, wala doon si Julie dahil may pinuntahan daw. Kahit si Hillary ay wala kaya kaming dalawa lang ang magkasama ngayon. Binuksan ko ang email ko at sinimulan nang magpadala ng email letter sa office of the governor ng San Carlos. I got this email on their page, and I'm glad I found this one. It took me one freaking hour to find this, it's not that easy. Nang ma-send na ay pumunta na muna ako ng mall dahil kailangan kong bumili ng mga personal na gamit sa condo ko, pati na rin toiletries dahil paubos na ang aking stock. Maybe some new clothes too. Hindi na sumama sa akin si Lester dahil may date raw siya. Kaya ngayon ay mag-isa ko nalang na naglilibot dito sa malaking mall na 'to. Habang namimili ng mga damit sa isang sikat na clothing brand ay may napansin akong ilang kababaihan na sinusundan ang isang lalakeng naka suit, may mga bodyguards sa harap at likod at dire-diretso lang maglakad papasok dito sa loob ng store kung nasaan ako. I tried to look at him, baka kase kakilala ko pero dahil nakaharang ang mga security niya ay hindi ko magawa. Hindi rin nakapasok ang mga grupo ng babae na 'yon dahil hindi sila pwede sa loob ng store kung hindi naman sila customers. Maybe it's for safety purposes especially that guy looks like a very important person. He cannot have security if he's not. Pinagkibit balikat ko nalang iyon at nagbayad na sa counter. It's already 8 PM and here I am sitting inside a high-end restaurant inside a 5 star hotel where Gov. Vincent's secretary asked me to wait. Kanina pa ako rito. Actually napaaga nga ako. Kinakabahan na hindi ko malaman dahil hawak ko ang dalawang briefcase na may lamang milyon milyon. Ipambabayad ko sakanya, I will go bankrupt after this but if going bankrupt means I can have my freedom, I don't mind it at all. I can always earn that money back. Mas mahalaga ang kalayaan ko. "Goodevening, Azekyne." Napatayo ako mula sa pagkakaupo nang marinig ang isang boses sa likod ko. It's him. He looks young and handsome at the age of 30 but I don't like him. "Goodevening, Governor," bati ko sakanya pabalik. Mag-isa lang niya at nakasuot siya ng asul na amerikana. Nagkamayan muna kaming dalawa. Nailang ako nang maramdaman ang pagpisil niya sa kamay ko bago ito binitawan. "Take a sit," sambit niya at umupo na rin sa harapan ko. Pinagsiklop ko ang kamay ko sa ilalim ng lamesa dahil kinakabahan ako. "We should order first, what do you want?" He sounds so bossy. "I'm still full, Mr. Hernandez–" "Vincent, just call me Vincent, hindi na kailangan ng formality dahil ikakasal rin naman tayo." Napatiim bagang ako at huminga ng malalim. Hindi ko na pinatagal pa at kinuha ang dalawang briefcase at inilapag ito sa mismong lamesa. "I'm not marrying you, Gov. I'm sorry to ruin your expectation, but..." Binuksan ko ang isang briefcase at pinakita sakanya ang laman. "Here's 50 million, bayad sa utang ng mga magulang ko. Kasama na diyan ang interest, that's even more than enough for their debt," taas noo kong sambit sakanya. Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi niya hanggang sa nauwi ito sa tawa. Nakaramdam ako ng inis dahil doon. Nakakairitang marinig ang pagtawa niya. "What makes you think I'll accept that money?" "Accept it. Pera ang inutang ng parents ko, pera din ang magiging kabayaran at hindi kasal. You're getting ahead of yourself, Governor. This is not what I'm expecting you to do because you're part of the government–" "Labas sa pagiging governor ko ang kagustuhan kong magpakasal, Miss. Lee, and your parents are way too late to pay their debt, I gave them enough time to send me the money, but guess what?" Napakuyom na ang kamao ko sa ilalim ng lamesa. "They hid from me. I cannot even find their new house, lumipat sila, remember?" Naalala ko kung gaano kagusto nila Mommy na lumipat ng bahay noon. Ako pa mismo ang tumulong sakanila maghanap ng bagong bahay, I even pay half of it. "Yes. Pero ito na ang pera, walang labis, walang kulang. Just accept it and we're done." I know I look desperate now, but I don't care. Tumayo siya at inayos ang kaniyang suit bago ako hinaplos sa buhok. Umiwas ako sa kamay niya at sinamaan siya ng tingin. "Let your mind rest for now, sweetie. We'll get married in two weeks, you only have two choices, marry me or visit your parents in a jail, have a goodnight," yumuko pa ito sa harap ko bago umalis. Nanggagalaiting napatayo ako at kinuha ang mga briefcase bago lumabas ng restaurant. Galit na ibinato ko iyon sa loob ng sasakyan at naiinis na pinagsusuntok ang aking manibela. "Ahhh! Damn it!" Sigaw ko habang umiiyak na nagwawala sa loob ng sasakyan. I'm so f*****g mad right now. I want to hurt myself! Binababa ko na ang pride ko lahat lahat, I even took all my money out. Bakit ba ayaw niyang tanggapin? Gusto kong sumigaw nang sumigaw pero pinagtitinginan na ako ng ibang nasa parking lot. Umiyak nalang ako ng umiyak hanggang sa makabalik sa condo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD