Althea’s P.O.V
I was watching Korean novela ng bumukas ang pintuan ng condo. Tumayo ako at nakita kong pumasok si Rafael at may dalang… groceries? Tumingin siya sakin.
“Nandito ka na pala,” sabi ko sa kaniya. Tumango siya at ibinaba niya ‘yung briefcase niya sa upuan na malapit sa kaniya.
“Yeah, sorry medyo na-late ako. Madami kasi akong ginawa,” sabi niya. Tumango ako. Pumunta siya ng kusina at sumunod ako sa kaniya. Ibinaba niya sa kitchen counter top ang groceries na dala niya. Umupo ako sa dining chair na nandun.
“Dumaan sila Ralph at Mike kanina dito,” sabi ko sa kaniya. Napatigil siya sa pagtatanggal ng necktie niya at tumingin sakin. Madilim na naman ang mukha niya.
“Napunta ulit si Ralph dito?” Tanong niya sakin. Tumango ako.
“Pati si Mike,” sabi ko. Napahilot siya ng sintido niya at bumuntong hininga.
“I asked Mike to send you food every day since wala si Nanay Imelda,” sabi niya sakin at tinaggal na niya ‘yung necktie niya. Kaya pala. Pero si Ralph, talagang nagpupunta siya dito without Ralph knowing it?
“It’s a good think na pinapapunta mo si Mike dito pero mukhang busy ‘yung tao sa ibang trabaho niya. Also, Nanay Imelda will come back tomorrow,” sabi ko. Kumuha siya ng pan mula sa cabinet at inilagay sa electric stove.
“Okay. But tomorrow, I will take a day off.” Napatingin ako sa kaniya at seryoso ‘yung mukha niya sa ginagawa niya. He will take a day off tomorrow? Why?
“May pupuntahan ka?” Taonong ko sa kaniya. Tinignan niya ako ang ngumise.
“Maybe because someone is going crazy?” I rolled my eyes. I heard him snort. “We’re going to the hospital for a checkup, and we’re going for a stroll.
Naexcite akong lumabas. It’s not that hindi ako pinapayagan ni Rafael na lumabas ng condo. I’m just lazy to go out without someone. I am a little clumsy, and I don’t want to endanger my child. “Okay.”
“It will be smokey here. Doon ka muna sa sala,” sabi niya. Lumabas na ako ng kusina dahil pinapaalis niya ako. Nagpunta ako ng sala at pinagpatuloy ko ang panunuod ng Korean novela. Bakit ngayon ko lang nadiscover ang palabas na ‘to? Nakakabaliw! They are enemies before, and then, in the end, they fell in love with each other. Is that possible?
“What are you watching?” Narinig kong tanong ni Rafael. Nakita ko siya na may hawak na dalawang plato. Ibinigay niya sakin ‘yung isa at sa kaniya naman ‘yung isa. It’s a burger steak with veggies, and he made the patty from scratch. Napatingin ako kay Rafael na seryoso sa panunuod ng pinapanood ko. Well, perks of having a husband who knows how to cook, you’ll never starve. Swerte talaga ng taong papaksalan nito.
“Wag mo akong titigan at kumain ka na,” narinig kong sabi niya. Inirapan ko siya. Tsk! Sungit! Kala mo naman gwapo! Kumain na ako habang nanunuod. This past few days naging okay naman kami ni Rafael. Actually, sa sala siya natutulog habang ako naman sa kwarto niya. Umuuwi naman si Nanay Imelda sa mansyon sa gabi.
“Rafael, hindi mo pa ba sinasabi sa parents mo na magkakaanak ka na?” Tanong ko sa kaniya. Tumingin siya sakin.
“No, they don’t need to know for now,” he said. Napataas ako ng kilay.
“Bakit ayaw mong sabihin sa kanila?” He scratched his head and sighed.
“Basta,” sabi niya sakin. Whatever the reason is, it’s not my problem. I surrendered.
“Okay fine.” Pinagpatuloy ko ang pagkain ko. Maya maya ay natapos na kaming dalawa sa pagkain pero parang etong baby naming hindi pa dahil nagugutom pa ako. Napahilot ako ng sintido. Why do I feel na tataba ako nito?
“What? Is there something wrong?” Narinig kong tanong niya. Umiling ako. As if naman na sasabihin ko sa kaniya na nagugutom pa ako. “Are you sure?”
“Yep,” kinuha ko ‘yung mga plato at kutsara na nasa coffee table at nagpunta ng kusina. Nakita ko na naman ang maduming lababo kaya ako na ang maghuhugas nito. I know now how to wash the dishes with the help of Nanay Imelda. Sinimulan ko na ang paghuhugas kasama ang mga ginamit ni Rafael sa pagluluto, and I am very grateful to learn something like this for the future.
Rafael’s P.O.V
Nung nakita ko si Althea na kinuha yung mga plato at nagpunta sa kusina, hindi ko siya kaagad nakitang lumabas kaya sinundan ko siya. Then, I saw her, washing the dishes and the one I used to cook before. I was surprised to see her like this. It’s not a bad thing. Was this the reason why she had those injuries back then? Tinignan ko lang siya habang seryosong naghuhugas ng pinggan.
She’s a woman who grew up with maids since she was a child, and now here she is, washing the dishes seriously. You’ll never expect this thing.
“What are you doing?” I asked. Napatingin siya sakin at kita ko sa mukha niya ang gulat. I don’t know why but she looks adorable. I felt my heartbeat beats fast. F*ck! Kinakabahan ako dito sa nararamdaman ko ngayon. Nakita ko ang pagirap niya sakin. I compose myself.
“Naghuhugas ng pinggan, halata naman diba?” sabi niya at umiling iling at nagsimula ulit siyang maghugas. Sumandal ako sa hamba.
“Well, this is a surprise. I never knew you know how to wash the dishes,” I said. Natawa naman siya.
“Of course you never knew kasi ngayon ko lang ginagawa. I mean, I help Nanay Imelda to wash dishes to train myself. Ayoko iasa lahat sayo,” sabi niya sakin. Napataas ang kilay ko. Woah! She is different from what I remember.
“Wow, that is new,” I said. Tinignan niya ako ng masama.
“Kung nandito ka para guluhin ako sa ginagawa ko, might as well prepare your self to sleep. Diba sabi mo aalis tayo bukas? Then I suggest to take a shower to have a good sleep,” sabi niya at binalikan ang ginagawa niya. Is Althea concerned about me? Felt my heart is beating so fast. I put my hand on my left chest, telling my heart to calm down. F*ck! Tumahimik kang puso ka, madalas pahamak ka!
“Why are you still here?” Nakita ko na nakatingin siya sakin at nakakunot noo. “What’s happening to you?” Tanong niya sakin.
“Nothing!” Tinalikuran ko siya at nagmamadaling nagpunta ng kwarto ko. Damn! I look like a f*ck*ng gay!