Althea’s P.O.V
Tahimik lang kami ni Rafael sa kotse pauwi. I don’t know what happened. It’s a good thing that nothing happened to my baby. Kundi talagang meron, masasakal ko si Rafael.
“How are you feeling?” Narinig kong tanong niya. I rolled my eyes.
“I am fine,” sagot ko pero hindi ko siya tinignan. The doctor said that na tense lang ako. Or more like, na stress ako kay Rafael. And the baby is fine and healthy. Mas kailangan ko pa daw kumain ng masusustansyang pagkain.
“Look, I am sorry okay,” sabi niya. I sighed. Sinermunan kasi siya ng doctor pagdating niya. He looked like a guilty puppy pagdating niya. Of course, he was the reason why I was under that stress in the first place. Nakakaloka kasi siya.
“Okay,” pagkasabi ko nun ay hindi ko na siya pinansin. Narinig ko na napabuntong hininga na lang siya. The doctor give me a medicine na makakapag pahigpit ng kapit ng bata sa tyan ko. She said that it won’t hurt the baby inside me. Pasasalamat ko na lang at malapit sila Mike that time!
“Is there anything you want to eat?” Tanong niya. Umiling ako.
“Wala, gusto ko lang magpahinga,” sabi ko sa kaniya. Hindi na siya nagsalita at nagdrive na lang. Wala kaming kibuan sa loob ng kotse. Ano namang sasabihin ko sa kaniya. Maya maya ay dumating na kami sa parking ng condo at nauna akong lumabas ng kotse. Nagiintay ako ng elevetor ng tumayo sa tabi ko si Rafael. Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya. He looks really guilty.
“Althea, I meant it. I am sorry. It’s my fault that this happened. I don’t know what is happening to me these past few days, and I was a little busy and stressed for some reason,” he said. I know he is stress. It’s not that long since he got married to someone he doesn’t like. And he never expected this child in his life at this moment.
“I know, Rafael. I know you don’t want this marriage or this child-“ I stopped when he forced me to look at him. He held me on my shoulders.
“HOW CAN I NOT LIKE MY CHILD! THAT IS NOT TRUE!” He exclaimed. Nagulat ako sa pagsigaw niya at mukhang na realize niya ‘yon. He sighed and binitiwan niya ang isang balikat ko at sinuklayan ang buhok niya gamit ang kamay niya. “It’s not that, Althea. It’s not about the marriage or the child. It’s more like… *sigh* my problem.”
Tinignan ko lang siya. Mukhang naguguluhan siya sa sarili niya. Tinaggal ko ang pagkakahawak niya sa balikat ko at sakto naman na bumukas yung elevator door. “Then say you’re sorry when the child gets born.” Pumasok ako ng elevator at humarap sa kanya. Tumingin siya sakin at pumasok sa elevator. Tahimik lang kami habang pataas ang elevator. Naramdaman ko ulit ang paghawak niya sa kamay ko.
“I will. I am sorry again,” sabi niya. Tipid na ngumiti lang ako.
After a few days…
Tinatawagan ako ni Nanay Imelda sa cellphone. She got worried ng dalhin ako nila Mike at Ralph sa ospital nung isang araw. Pinauwi muna siya ni Rafael sa mansyon dahil hinahanap siya ng Ina ni Rafael. Maybe Rafael’s mother wants to know what is happening to his son.
“Wag kang magalala, Hija. Babalik ako bukas,” sabi ni Nanay Imelda. Napangiti na lang ako. Namiss ko na may nagaalaga sakin. She’s like my grandmother when I was a child. Lola naming ni Ate ang nagalaga samin nung busy pa ang mga magulang namin sa trabaho.
“Sige po iintayin ko ho kayo,” sabi ko at saka ko binaba ang tawag. Napahiga ako sa sofa at nanuod na lang ng movies.
Nabobored na ako!! Wala naman akong magawang trabahong matino. Kahit pagluluto ng itlog, nasusunog pa! Napabuntong hinginga ako. Should I try cleaning? But I shook my head. No, baka masunog ko pa ang buong bahay. I will try to clean kapag nandyan si Nanay Imelda para may nagbabantay sakin kung tama ang ginagawa ko. I watched some movies na nakakatawa pero bakit ganun? I felt like I want to cry without a reason.
“Take! Comedy ang pinapanood ko, bakit ako naiiyak!” Inis na sabi ko habang pinaupunasan ang luha ko. Am I getting crazy? Narinig ko na may doorbell. I pause the movie at tinignan ko sa peephole kung sino ang nasa pintuan. Si Mike at Ralph. Etong dalawang ‘to naman ang nandito? I sighed. But I am thankful for them. Binuksan ko yung pintuan at nakita ko na masama ang tingin nila sa isa’t isa.
“Nandito ka na naman, Ralph? Wala ka bang trabaho?” Tanong ni Mike. Ralph rolled his eyes.
“I am the president of my company, and my presence is not much needed.” Napakunot noo ako. Wow! Dapat nga mas busy pa siya e! Dahil siya ang president. Parang si Rafael!
“Mas kailangan mo magtrabaho dahil president ka!” Sabi ni Mike. Tumingin ako sa kaniya. Araw-araw naman din nagpupunta ‘tong mokong na ‘to.
“What about you, why are you here? I guy like shouldn’t be here! Don’t you have more work that I am? You have investigations to run through,” sabi ni Ralph. Investigations? Who is Mike, and what is his work?
“I was here because it’s part of my work!” Angal ni Mike. Napahilot ako ng sintido. Anyways, are they going to fight in front of Rafael’s house.
“So, nagpunta kayo dito para magaway?” Tanong ko sa kanila. Sabay silang tumingin sakin at itinaas ang mga supot na dala nila.
“Here’s some food!” Sabay na sabi nilang dalawa. Agad na napatingin sa isa’t isa. Napabuntong hininga ako. Parang akong nakaharap sa dalawang batang may tantrums. Kinuha ko ‘yung dala nila at isinara ko ang pintuan. I don’t know why they’re coming here every day, but I need some food to eat. Tinatamad ako mag order ng food online. It’s a good thing that they bring me some food to eat. Sinasabi ko naman ‘yon kay Rafael pero mukhang alam niya ang nagyayari. Pero pagbinabanggit ko si Ralph sa kanya, palaging madilim ang mukha niya. Hindi naman siya ganito noon nung nagpunta mga kaibigan niya dito. Napahilot ako ng sintido ko. Nagaway ba sila? Well, its not like it’s my problem.
Right now, I should eat! Nagugutom na kami ng baby ko.