Althea’s P.O.V
Hindi ko maintindihan si Rafael. Pero bago pa siya umalis ay sinabihan niya ako na wag akong magpapapasok ng kahit na sinong lalaki ng wala siya sa bahay. Well, as if naman na magpapasok ako ng ibang lalaki dito. Hindi ko naman ‘to bahay. Nakaupo lang ako sa sofa habang nanunuod ng movie sa TV. Lumapit naman si Nanay Imelda na may hawak na tray. Ibinaba niya ‘yung tray na may lamang prutas sa harap ko.
“Kumain ka ng prutas para healthy ang baby mo,” sabi ni Nanay Imelda. Ngumiti ako at tumango.
“Salamat po,” sabi ko at kumuha ng sliced apple sa tray at kinain ‘yun. Buti na lang hindi ako masyado pinapahirapan ng pagbubuntis ko. Bukas pupunta ako ng ospital for a check up.
“Hija, kamusta naman si Rafael bilang asawa?” Narinig kong tanong ni Nanay Imelda. Napatingin ako sa kaniya at napabuntong hininga. Kamusta si Rafael bilang housemate ko?
“He’s okay. Pero minsan parang sinasapian ng kasungitan! Hindi ko siya maintindihan. Bipolar ata ang lalaking ‘yun!” Medyo iritang sabi ko. Natawa naman si Nanay Imelda.
“I can see Lady Rael and Sir Micheal in you and Rafael,” nakangiting sabi ni Nanay Imelda. Napakurap ako. Lady Rael and Sir Micheal? That was Rafael’s parents right?
“Paano n’yo naman po nasabi?” Tanong ko sa kaniya. Ngumiti lang si Nanay Imelda.
“Malalaman mo din ang bagay na ‘yan, Althea.” Tumayo si Nanay Imelda at pumunta ng kusina. Nanood ulit ako ng movie.
Mike’s P.O.V
Ano ba naman ‘tong buhay na ‘to. Kung hindi ko lang kailangan magipon ng para sa pambili ng bahay, di ko gagawin ang pinapagawa ni Rafael sakin. Nakaupo lang ako sa tapat ng condo ni Rafael. Sabi niya bantayan ko ang asawa niya lalong lalo na kapag umaaligid si Ralph. Hindi ko maintindihan ang utak ng pinsan ko. I don’t know why he wants me to report anything that happened to Althea. At first, I am curious about her and why he wants to know what is happening to her daily lives and I didn’t expect that she and Rafael had a night together, resulting in a child between them. But in the end, it’s becoming annoying. Why doesn’t he call his wife instead of asking me to stalk his wife? I still have so many things to do!
I was about to get a cigarette in my pocket when I saw Ralph. Again! Agad kong tinawagan si Ralph. Malilintikan talaga ako kay Rafael kapag nalaman niyang pumunta na naman si Ralph sa bahay nila. Nakita ko na kinuha ni Ralph ang cellphone niya at sinagot yung tawag.
“Yo! Ralph! Saan ang punta mo?” Agad na tanong ko pagkasagot niya. Nakita ko na may dala siyang supot.
“Hey, I was about to go to Rafael’s house today. I was going to visit his wife,” sagot niya. Napakunot noo ako. Don’t tell me interesado siya kay Althea?
“Oh, bakit mo bibisitahin yung tao? Atsaka wala si Rafael sa bahay, parang hindi naman tama na pupunta ka ng wala si Rafael,” sabi ko. Nakita ko at narinig ko na tumawa siya.
“She’s fascinating. I can’t stop myself from getting to know her deeply,” Ralph said. I saw him smile. Nako! Nalintikan na ang g*g*!
“Still, she is Rafael’s wife,” I said. Napabuntong hinga siya.
“I don’t know why but she said that Rafael hates her. There is something, and I want to know,” he said. Napakunot noo ako. Rafael hates her? Pero pinapasundan niya sakin si Althea? Napahilot ako ng sintido. Mas lalo akong naguluhan sa utak ni Rafael.
“Even if he hates her or not, that’s their problem. But don’t go there anymore if you want your life. Mahirap kalabanin si Rafael, tandaan mo.” Natawa naman ang kausap ko sa kabilang linya.
“I know what I am doing, and I will not take a while.” Binaba na niya ang tawag at agad na pumasok sa condo building. Damn it, Ralph! You’re digging your own grave. Agad kong sinundan si Ralph.
Althea’s P.O.V
Naalala ko yung kaibigan ni Rafael na si Ralph. I wouldn’t say I like that kind of person, but in the end, I told him about Rafael and me. Well, some said you can quickly tell your life to strangers than the person you knew. Narinig ko na tumunog ‘yung doorbell kaya tumayo ako at tinignan sa peephole kung sino ang bisitang dumating. I saw Mike and another person together with him. Binuksan ko ang pintuan at nakita si Mike at Ralph. Ngumiti si Mike at ganun din si Ralph.
“Nabisita kayo,” sabi ko at binuksan ‘yung pintuan para papasukin sila. Papasok na sana si Ralph pero pinigilan siya ni Mike.
“Hey, Let me go Mike!” sabi ni Ralph at tinatanggal ang pagkakahawak ni Mike sa collar niya. Napataas ang kilay ko. Nakangiti lang si Mike sakin.
“May ibibigay lang daw siya sayo,” sabi ni Mike. Tumingin ako kay Ralph at nakita ko ang inis na mukha ni Ralph habang nakatingin kay Mike. Ngumiti si Ralph sakin at may ibinigay na supot sakin. Tinganggap ko naman at tininan ko ang laman. Apples. Tinignan ko ulit si Ralph at tipid na ngumiti.
“Thanks,” sabi ko. Kumaway si Mike sakin.
“Aalis na kami,” sabi ni Ralph at hinigit siya palayo ni Mike. Napataas ang kilay ko sa inaasta nila. Isinara ko ‘yung pintuan at nagulat ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Si Rafael ang tumatawag. Agad ko namang sinagot ang tawag niya.
“Are you going to let someone inside again?” I rolled my eyes. What’s the matter of this guy? Napakunot noo ako. Bakit alam niyang may pumunta dito?
“I was about to, but they left. Nagbigay ng prutas ulit ang kaibigan mong si Ralph,” sabi ko sa kaniya at umupo ulit sa sofa. I heard a grunt on the other side of the call.
“Don’t let any guy inside that place ng wala ako, Althea. Naiintindihan mo ba ako?” Seryoso ang boses niya. I sighed at napahilot ang ulo ko.
“Then tell them not to come!” I said. Ako ba ang nagpapapunta sa kanila dito? Kasalanan ko ba na parang ang daming oras ng kaibigan niya?
“I told him not to!” Tila inis na sabi niya. I gritted my teeth. Is this my fault?
“Oh, come on, Rafael! So, kasalanan ko ganun? Kung bakit nagpupunta si Ralph sa bahay mo?” inis na inis na sabi ko at nakaramdam ako ng sakit sa tyan ko. “ARGH!”
“Oi! WHAT HAPPENED?! ARE YOU OKAY?” Lalong sumasakit ang tyan ko sa kaniya. Imbis na sagutin siya at matulili ang tenga ko, binaba ko na ‘yung tawag. Nakita ko lumabas si Nanay Imelda mula sa kusina.
“Anong nangyayari sayo, Hija?! Anong masakit sayo?” Agad na lumapit siya sakin at inalalayan niya ako. Sapo ko ang tyan ko.
“Biglang sumakit ang tyan ko,” sabi ko. Nakita ko na nagpanic si Nanay Imelda. Narinig ko ang sunod-sunod na doorbell sa pintuan. Agad na binuksan ni Nanay Imelda ang pintuan at pumasok sila Mike at Ralph.
“WHAT HAPPENED?” Agad na react ni Ralph.
“Sumasakit daw ang tyan niya,” sabi ni Nanay Imelda.
“Baby ko…” Pagkasabi ko nun ay agad naman akong binuhat ni Ralph umalis kaagad ng condo.