Prologue
Prologue
Sabi nila hindi raw natin maaring piliin kung sino ang mamahalin natin. May mga pagkakataon daw kasi na titibok ang puso natin sa taong higit na
hindi natin inaasahan. Pwede kang mainlove sa taong hindi mo naman gusto
at malabong mangyari na mahalin mo. O di kaya naman ay mahulog ka sa
taong ni katiting na pag-asa ay hindi ka magkakaroon.
Pero kahit ganon ka kumplikado ang puso natin, hindi na natin ito
madidiktahan. Sa oras na tumibok ito, wala na tayong magagawa. Diktahan
man natin ang puso hindi na ito titigil sa pagtibok para sa taong napili nito.
Ngunit, patuloy man ito sa pagtibok may mga sitwasyon na kailangan natin
itong itago. Lalo na kung nainlove ka sa isang taong alam mong wala kang
pag-asa. Minsan nga kailangan mo pang ikubli sa maskara ang pagmamahal
na meron ka kung ang taong mahal mo ay mismong kaibigan mo pa.
Masakit magmahal ng kaibigan, mag-aalinlangan kang umamin. Ano ba
naman kasi ang mas matimbang, ang pagkakaibigan o ang katiting na
pag-asang namumuo saiyo sa tuwing naiisipan mong umamin?
“Sometimes the best way to stay close to someone you love is by just being their
friend. It’s the safest choice you can make to avoid loving them from a far”