"Dad, bantayan mo si Mommy. Enjoy your vacation," wika niya sabay yakap sa ama na sinusundo ang mommy niya upang magbakasyon. Kagagaling lang nito sa Singapore dahil sa business kaya matagal na wala ito sa tabi nila ng ina. He can't even go home when her mom was hospitalized. Ayaw rin ng mommy niyang pauwiin ito at nangakong magbabakasyon na lamang silang dalawa kapag magaling na siya. At eto na nga. Her parents will be on a cruise. Mga isang buwan din ang itatagal ng byahe and she was thankful dahil masasagawa niya ang binabalak gawin. She was also secured because Loui personally took care of it. Nalaman na lamang niya kay Angie na ipinagpasalamat niya. "Mag-iingat ka rito, hija. Si Flor na muna ang bahala sa iyo," her mother said while giving her a hug. Nasa airport sila ngayon at ini

