“Listen," panimula ni Eric sa sasabihin sa kanya. "Listen very carefully Rose or all of us will be in danger. Hindi mo naman siguro gustong maulila na lang basta-basta. Ayoko pang mamatay, Rose. Hindi ko pa na-e-enjoy ang buhay ko at hindi ikaw ang magiging dahilan para matapos iyon.” She clenched her fists hearing those words from Eric. Ganoon na ba talaga ito kasama? Ganoon na ba ito katanga para sundin nito lahat nang sasabihin ng kung sino mang nag-uutos dito. At kung sino man ang nasa likod nito, ganoon na ba ito kademonyo para magawang kumitil ng buhay para sa pansarili nitong interes? Para sa kanya? Ano ba ang halaga niya at kaya nitong gawin ang mga iyon? Ganoon na ba siya kaimportante rito? Lahat ng mga tanong na iyon ay nais niyang isatinig but she was sure it would be useless.

