Raine's POV Maaga pa lamang ay umalis na kami nila kuya Ray, dala namin ang private helicopter ng family kaya mabilis lang din kaming nakarating dito sa Coron Palawan. Napaawang ang aking bibig sa napaka gandang tanawin ng lumapag na ng tuluyan ang helicopter sa pinaka tuktok ng building na pag aari ng mga Antonetti. "Kuya?" Namamangha kong ani habang inililibot ng aking mga mata ang kabuuan ng resort na pag aari ng aming pamilya. "Private resort ng pamilya natin ito at tanging Family Antonetti lamang ang nakakaalam ng resort na to maliban sa mga katiwala at katulong nito." Nakangiti nyang ani sa akin habang isa-isa nyang ibinababa ang mga dala-dala naming mga maleta. Nang makababa na kami sa unang palapag ng building ay naguunahan kaming nagtakbuhan sa puting puting buhangin. "Ate

