Ryven's POV Pagkauwi ko sa bahay ay walang laman ang aking isipan kung hindi ang nangyari kanina sa mall. Nagagalit ako sa aking sarili ng makita kong umiiyak si Raine na ako na naman ang dahilan ng mga luhang yon. Pakiramdam ko ay wala akong kwentang tao, sobrang galit ang nararamdaman ko ngayon para kay Tanya dahil sa ginawa nya. Nagtataka ako sa aking sarili dahil nuong nasa Calatagan ako ay alam kong may pagtingin ako sa kanya ngunit bakit ngayon ay tila ba hindi ko na ito nararamdaman pa at sa halip ay galit ang nadarama ko ngayon dahil nakita kong lumuluha si Raine ng dahil sa kanya. Bakit ganoon ngayon ang nararamdaman ko ng muli kong makita si Tanya? Hindi ba't mahal ko siya noon? Bakit ng makita ko sya kanina ay wala akong naramdaman na kahit na anong pagkasabik o pagmamahal,

