Raine's POV Habang namamasyal kami ng mga bata kasama si kuya Ray ay may napansin akong grupo ng mga kalalakihan, nanlaki ang aking mga mata dahil sigurado akong sila Rye ang nakikita ko ngayon. May sumilay na ngiti sa aking labi at mabilis kong nilakad ang papunta sa kanilang kinaroroonan. Tatawagin ko na lamang sana sya ng isang tawag ng babae ang gumulat sa akin kaya napatingin ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko ang isang babae na humahangos na lumalapit sa kaniya. "Carlo." Tawag sa kanya ng isang babae na may matamis na ngiti sa kaniyang labi, simple lamang ang babae na may kayumangging kulay, napataas ang aking kilay ng marinig na Carlo ang itinawag nyang pangalan kay Rye. "Tanya." Narinig kong tawag ni Rye sa kaniya. Carlo? Wika ng utak ko at naalala ko na Carlo nga pa

