Ryven's POV Maaga akong gumising ngayong araw dahil bibisitahin ko ang mga bata, Sunday kaya syempre Family day. Napapangiti ako ng sambitin ko ang salitang family day. Para bang napaka sarap pakinggan ng salitang family. Gusto ko na talagang bumalik ang aking ala-ala upang maibigay ko kung ano ang karapat-dapat para kay Raine at sa aming mga anak. Habang wala pa akong naaalala ay ayoko munang gumawa ng isang desisyon at naiintindihan din naman yan ni Raine at ng mga kaibigan ko. Paano nga kaya kung iuntog ko ang sarili kong ulo tapos maalog ang utak ko, epektibo nga kaya? Wika ng isip ko. Nababaliw na talaga tong si Isaac kaya kung ano- ano na ang mga pinag sasasabi sa akin. Matapos akong maligo at kumain ng agahan ay agad akong lumabas ng aming mansion at mabilis na sumakay sa isa

