Raine's POV Isang text ang natanggap ko mula kay Rye, alas tres na ng madaling araw at nagpapasundo sya sa G.A.V bar dahil lasing na lasing na daw sila at masakit ang kanyang ulo dahil nag inuman sila kaya agad ay kinatok ko ang silid ni kuya Ray upang ihabilin ko ang mga bata sa kanya. "Gusto mo bang samahan na kita Raine para ako na ang magmamaneho pauwi para sa inyo?" He said. Ngunit tinanggihan ko na lamang ito dahil kailan ko ng magbabantay sa aking mga anak. "No need kuya, dito rin naman kami didiretso para makapag pahinga sya ng maayos, pasabi na lang kay Manang na paki linis ang isang guest room para duon na lang muna si Rye. Ikaw na muna ang bahala sa mga bata kuya ha." Ani ko sa kanya at mabilis akong lumabas ng mansion habang kasunod ko sa aking likuran si kuya Ray. Agad ay

