Ryven's POV "RYVEN!" Isang malakas na sigaw ang nagpabalikwas sa mahimbing kong pagkakatulog kaya agad akong napaupo at tumingin sa pinanggalingan ng malakas na boses at nagulat ako at nanlalalaki ang aking mga mata ng makita ko silang lahat na nakatunghay sa akin ng may panghuhusga sa kanilang mga titig, napatingin ako sa tabi ni Isaac at nabigla akong makita si Raine na lumuluha. Pagharap kong muli kay Raine ay galit sa kanyang mga mata ang aking nababasa, Tatayo na lamang ako upang lapitan siya at yakapin upang malaman nya na wala akong alam sa nangyari at ang huling natatandaan ko lamang ay may isang babaeng humawak sa akin bago pa man ako tuluyang bumagsak sa sobrang kalasingan ko ngunit galit na galit itong nagsalita sa akin at pagkatapos ay nagtatatakbo na itong umalis. "Wa-wala

