Isaac's POV "Continuation" Mabibilis ang bawat hakbang ng lahat ng nurses at doctor habang ipinapasok si Rye sa hospital na pag aari ng kanyang pamilya. "Move away! Move away!" Sigaw ng doctor habang humahangos na itinutulak ang strecher papasok ng operating room. Lahat ay napapatingin sa mga humahangos na nagtutulak ng stretcher at lahat ay makikita ang pagkahabag sa taong nakaratay dito. Duguan si Rye at walang malay, wala din silang makapang pulso kaya lahat ay natataranta. Halos madurog ang puso ko sa nakikita ko habang nakaratay siya sa stretcher na tulak-tulak ng mga doctor at ng mga nurses, lahat ng atensyon nila ngayon ay nasa nag iisang anak ng may ari ng hospital na ito. Bakit kailangang mangyari ito sa ikalawang pagkakataon, bakit kailangang maranasan ni Rye ang ganitong pang

