Raymond's POV Nagulat ako ng pumapasok sa loob ng bahay si Raine habang inaalalayan si Adrian na putok ang labi at kilay kaya mabilis akong napalapit sa kanila at sinipat-sipat ko ang mukha ng kaniyang kaibigan. Damn para siyang ginulpi ng tatlong tao sa itsura nya. "What the fùck happened?" Gulat kong ani sa kanila habang nakatingin pa rin ako sa mukha ni Adrian. "Kuya Ray pwedeng pakuha ng medical kit?" Sambit ni Raine habang hawak-hawak nya at inaalalayan si Adrian habang papaupo sila sa sofa kaya agad naman akong tumungo sa may kusina at hinanap ko agad ang cabinet na pinaglalagyan ng mga gamot. "Sabi ko naman sa iyo wala lang ito." Wika naman ni Adrian na natatawa pa habang lumalapit na ako sa kanila. Hindi ko alam ang nangyari sa kaniya at kung sinong tarantado ang nangahas na m

