Raine's POV "WARNING! RATED SPG ONLY." Matapos kong marinig lahat ng sinambit ni Isaac at ni Rye ay pakiramdam ko naging makasarili ako at hindi ko man lamang binigyan ng pagkakataong makapag paliwanag sa akin si Rye. "Tama na ang pag iyak Raine." Wika sa akin ni Kuya Ray habang walang patid ang pagdaloy ng aking mga luha. "Kuya Ray, ang laki ng kasalanan ko sa kanya hindi ko man lang inisip ang mga pinag dadaanan nya, sarili ko lamang ang iniisip ko, inilayo ko sa kanya ang kanyang mga anak kahit alam ko na pilit nyang inaalala ang mga nakaraan namin." Wika ko na umiiyak sa aking pinsan. Nasasaktan ako ngayon para kay Rye, nagagalit ako sa sarili ko dahil naging makitid ang pag-iisip ko. "Wala kang kasalanan Raine, nadala ka lang ng galit mo dahil sa nasaksihan mo, nagalit din naman

