chapter 9:trabaho

1707 Words
Sa apartment ni Elaine ako dumiretso,alam kong nagtataka sya sa akin sa ayos ko pero hindi sya nagtanung ng kahit anu pero inasikaso nya ako.pinahiram nya ako ng damit para makaligo at makapagpalit at pinakain nya rin ako pagkatapos ay pinagpahinga ako sa kanyang silid. Nagpaalam sya sa akin kasi may pasok pa sya sa hapon kaya mag isa lang akong naiwan sa kanyang apartment. napaiyak na naman ako ng maalala ko ang ginawa sa akin ni kuya teddy ang buong akala ko iba sya pero mali ako mas masahol pa sya sa hayop na inaakala ko. nakatulugan ko na ang kakaiyak, nagising lang ako ng dumating si elaine.naligo ako ulit at inayos ko ang aking sarili hindi ako pweding magmukmuk na lang sa isang tabi.Dapat na mas maging matapang ako wala na akong aasahan pa ang sarili ko na lang.at ngayon ko sisimulan ang plano ko para makilala ko kung sinu nga ba ako at saan ako nagmula. kinabukasan habang naglalakad ako pauwi sa bahay nila kuya teddy ay napadaan ako sa isang squatter area at nakita ko ang nakapaskil na room for rent.kinausap ko ang may ari at pinakita sa akin ang kwarto maayos naman may sariling c.r.at may maliit na lababo kaya kinuha ko na dahil buo na ang pasyo ko na humiwalay sa mga taong hindi ko alam kong pagkakatiwalaan ko pa. umuwi ako sa bahay para kunin ang mga gamit ko.pagpasok ko nasa sala si kuya teddy palakad lakad hindi mapakali nagulat ito ng dumaan ako sa kanyang harapan diridiretso akong umakyat ng hagdan at pumasok sa kwarto ko alam kong nakasunod si kuya teddy sa akin kaya nilock ko kaagad ang pinto pagkapasok ko.mabilis kong inimpaki ang mga gamit ko hindi ko pinansin ang pagkakalampag nila ng pintuan ng kwarto ko.yes sila dahil pati ang parents ni kuya teddy ay nasa labas ng pinto at nakikiusap na buksan ko ang pintuan. mga importante at kailangan ko lang na gamit ang kinuha ko.bitbit ko ang gamit ko Ng lumabas ako ng pinto at nabungaran ko ang tatlong tao na matagal kong itinuturing na pamilya. "anak anung nangyayari sayo bakit may dala Kang bag aalis kana"?.tanung ni mommy lou. "iha pwede bang pag usapan natin kung anuman ang problima"?turan ni daddy Al. tumingin muna ako sa kanila ng mata sa mata pero si kuya teddy ay biglang yumuko ng tumingin ako sa kanya,ibig sabihin wala pang alam ang parents nya sa kababuyang ginawa nya sa akin. "ok anu po ba ang pag uusapan natin"?malamig kong turan sa kanila. nakatingin lang sa akin si daddy Al.habang hawak ni mommy lou ang kamay ko. "dalawang gabi kang hindi umuwi at anung ibig sabihin ng mga pasa mo sa braso". "m-may hayop lang na sapilitang naningil ng pautang sa akin" nauutal kong sagot. "pautang!!anak sana sinabi mo sa amin ng daddy Al mo para kami na ang nagbayad"!nag aalalang sambit ni mommy lou. alam kong nag aalala si mommy lou sa akin at ramdam ko yun pero lalo akong nainis sa mga tinuran nya hindi ako kumibo pero nag ngingitngit ang kalooban ko sa paglilihim nila sa akin." maniningil talaga ako sa anak nyo at madadamay kayo".kausap ko sa aking sarili.mahabang katahimikan ang sumunod walang gustong magsalita pero nakikita ko sa mga mukha nila na may gusto silang sabihin na hindi nila masabi.kaya ako na ang nagtanung sa kanila "alam kong may sasabihin kayo sa akin,sasabihin nyo na po ang gusto nyong sabihin sa o ako na mismo ang gagawa ng paraan para isampal ko sa sarili ko ang katutuhanan".matapang kong saad sa kanila. gulat silang napatingin sa akin Lalo na si kuya teddy na gumuhut sa mukha nito ang pagkabahala pinatapang ko lalo ang aking boses at mukha para ipakita sa kanila ang galit ko. "iha anung katutuhanan ang sinasabi mo"?.tanung ni daddy Al. "kayo po nakakaalam ng totoo,pero ok lang kung ayaw nyong sabihin sana'y na ako sa kasinungalingan". "iha please pag usapan natin ng mahinahon Ang lahat". "wag na po malalaman ko rin naman kahit hindi sabihin sa akin,saka wala akong time ngayon kailangan ko ng umalis." alam ko na may iba sa mga kinikilis nila.kaya mas magiging maingat ako ngayon at mas matalas na pakiramdam ang pairalin ko.dahil tuluyan ng nawala ang tiwala ko sa lahat. " magpapaalam na po ako sa inyo,Hindi na ako titira dito at puputulin ko na rin ang ugnayan ko sa inyo.salamat na lang sa lahat ng kabutihan na pinakita nyo sa akin" "SHIN" sabay sabay pa nilang turan "sweet heart please wag mo naman bastusin ang parents ko".bulalas ni teddy sa mataas na boses. "bakit anu ba ng difination mo sa bastos major Alarcon".galit ko ring turan. Hindi na nakapagsalita ang parents ni teddy dahil sa sagutan namin,at naguguluhan habang papalit palit ang tingin sa aming dalawa "nakikiusap ako tayo na lang ang mag usap please". pakiusap pa ni teddy. "bakit ayaw mong malaman ng parent's mo kung anung klasing hayop ka? nakiusap din ako sayo pero naging bingi ka sa pakiusap ko"!at hindi ko napigilan pa ang mapaluha. "I'm sorry sweet heart,i didn't mean to do whatever I do,but it happened". paliwanag ni teddy. "Anu ba ang nangyayari shin, teddy"?galit na tanung ni daddy Al. "Ang anak nyo na lang po ang tanungin nyo Mr Alarcon,alis na ako bayad na ako sa inyo sa lahat lahat pati utang na loob binayaran ko na".sabay alis sa harapan nila. ngunit bago pa ako humakbang ay biglang natumba si daddy Al kaya napasigaw ng malakas si mommy.pero nagtapang tapangan ako ni hindi ko sila nilingon tuloy tuloy lang akong umalis .kahit subra ang pag aalala ko at nagi guilty ako sa nangyari pinilit kong isarado ang puso ko sa pamilyang kinalakihan ko. katulad ng sabi ni ninang Sally nasa kamay ng dyos ang lahat gusto man natin o Hindi pagnakatakdang mangyari ay mangyayari. nandito na ako sa maliit na kwartong nirentahan ko inabala ko ang sarili ko sa pag aayos ng mga gamit ko para kahit papano at makalimutan ko ang mga nangyari sa buhay ko.naisip kong matulog muna para makapag pahinga ako at bukas na ako mag uumpisa maghanap ng trabaho.Nagising ako sa ingay ng cellphone ko kaya bumangon ako sa hinihigaan kong papag para tingnan kung sinu ang tumatawag si kuya teddy pala kaya hindivko sinagot at marami rin text. ayon dito ay dead on arrival si daddy Al ng dinala nila sa hospital,at hinahanap ako ni mommy lou lumuhod pa daw ito sa harapan nya para lang pabalikin nya ako.lalo akong nalungkot at naiyak sa pagkawala ni daddy Al sya lang ang nagparamdam sa akin na may halaga ako bilang tao pero anak nya naman ang bumaboy sa akin. Kaya nagpasya akong tuluyang lumayo sa kanila. nakatulugan ko na ang pag iyak dahil sa pagkawala ni daddy Al at umaga na Ng magising ako kaya naligo ako at naghanda para sa paghahanap ko ng trabaho dahil 2 weeks na lang ay graduation ko na kaya okay na kahit hindi na ako pumasok at wala na rin akong planong mag attend pa ng graduation dahil sigurado ako pupunta sina mommy lou at baka kasama pa ang nanay ko.bago lumabas ng tinitirahan ko ay binasa ko ang text ni Elaine at sinabi nya na pinuntahan sya ni kuya teddy at hinahanap ako sa kanya.hindi ko na sinagot pa ang text nya,dahil trabaho muna ang uunahin kong hanapin dahil wala akong pambayad sa tinitirahan ko sa susunod na buwan. napadpad ako sa isang agency,driver body guard ang available na trabaho at naisip ko marunong naman ako magdrive at may license na ako at lalong marunong ako humawak ng baril kaya nagpasa ako ng requirements dahil wala naman na specific gender na required. makalipas ang apat na araw ng tumawag ang agency sa akin at pinapapunta ako para sa interview.okay naman pasado ako sa interview at binigyan ako ng 15 days para mag training kaya pumayag na ako. Monday morning start na ng training ko kaya maaga akong gumising at naghanda 7:00am dumating ako sa agency at hinatid ako sa bahay ng magiging boss ko para sa 15days training.Kabado pero kakayanin,sa guard house ako iniwan ng taga agency ng ihatid ako sa magiging boss ko.tumawag ang guard sa magiging boss ko para ipaalam na dumating na ako at ang sabi pumasok na daw ako sa bahay.tinuro sa akin ng guard kung saan ako dadaan kaya sumunod ako.sinalubong ako ng isang matandang babae at sinamahan papasok sa isang silid. "pasok na kayo ma'am naghihintay si boss sa loob".saad ng matanda. "salamat po".sagot ko at nginitian ang matanda. kumatok muna ako bago binuksan ang pinto,nakita ko ang lalaki siguro nasa 45 to 50 ang edad.tinanggal ko ang aking sumbrero at pumasok na ako ng tuluyan. "good morning boss,shin alarcon po",sabay abot ng kamay ko. tumayo ang lalaki at tumingin sa akin bago inabot ang kamay ko para makipgkamay. "good morning, sit down.".pormal na saad nito. "thank you boss"pasalamat ko pagkaupo ko. "so kailan ka magsisimula"malamig nitong tanung. "Sabi ng agency sa akin,ngayon ang simula ng 15days training ko". sagot ko. "okay you can start today,alam mo naman siguro kong anung trabaho ang pinasukan mo,ilan taon kana"? tanung sa akin habang binubuklat ang dala kong folder. "yes boss driver bodyguard at 20 years old na ako".sagot ko kabado ako sa pagsisinungaling ko,dahil ang totoo ay 17 pa lang ako. may pinindot ito at maya maya pa ay may pumasok na babae siguro magkasing edad lang kami at ang tikas ng pangangatawan nya. "ikaw na bahala sa kanya turuan nyo ng mga dapat gawin".ani ng boss ko. "yes sir ako ng bahala"sagot ng babae. lumabas ako sa opisina ng bago kong boss kasama ang babae at dinala nya ako sa magiging kwarto ko at binigyan ako ng uniform.nalaman ko na Tasha Abwel ang pangalan nya at higit sa lahat nalaman ko rin ang pangalan ng bago kong boss sya ay si MIGUEL VILLAFUERTE.hindi ko alam kung totoo ang sinabi sa akin ni kuya teddy noon.pero ng makaharap ko siya wala akong naramdaman na kahit anu,kahit ang sinasabing lukso ng dugo wala akong naramdaman.siguro kasinungalingan talaga ang buhay ko at hindi ko alarm kung saan talaga ako nagmula.o baka ibang Miguel Villafuerte ang sinasabi ni kuya teddy.malalaman ko rin ang totoo sa tamang panahon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD