"ahm, pwede magtanong ,anu ba ang itatawag ko sau"tanung ko.
matamis syang ngumiti sa akin at sa nakikita ko hindi peke ang ngiti nya sana mabait sya at magkasundo kami.ngayon ko gagamitin ang lahat ng natutunan ko at itinuro mo sa akin teddy,mula sa pagkilala sa isang tao,sa talas ng pang amoy at pakiramdam,bilis ng mata,kamay,pag gamit ng sandata at pakikipaglaban kung kinakailangan.
"Tasha na lang parang magkasing edad lang naman tayo"anito na nakangiti.
"ilang taon kana Tasha".tanung ko pa.
"21 pa lang ako shin, dito din nagtatrabaho ang papa ko dati pero retired na kaya ako ang kinuhang kapalit ni boss wala akong choice kaya nandito ako".pagkukwento ni tasha.
Hindi na ako nagtanung pa kaya iniwan na nya ako sa kwartong sinabi nyang magiging kwarto ko.komplito na ang gamit sa kwartong ito pati sa banyo komplito na rin parang may nakatira na dito.maya maya ay may kumatok kaya binuksan ko ang pinto si Tasha ulit at may dala syang malaking box na nakalagay sa push cart.pinapasok ko sya at tinulungan sa pagbuhat ng box mula sa push cart.ng buksan nya ay nagulat ako pero hindi ako nag pahalata sa kanya.
"ito ang mga gagamitin mo shin bahala kana kung alin ang dapat na lagi mong dala hindi pwedeng mawala yan sayo kahit anung oras kahit nandito ka sa bahay dapat may bitbit ka lagi simula ngayon". paliwanag nito sa akin.
Naiintindihan ko ang mga pinapaliwanag ni tasha kaya tango lang ang sinasagot ko.
"may isang tanung lang ako Tasha".ani ko sabay harap sa kanya
"say it you'll free to asked anything".ani Tasha na nakataas ang kilay.
nagtataray na ah sambit ko sa isip.
"may permit to carry ba ako para sa lahat ng Yan"?.tanung ko sabay turo sa ilang klase ng baril at knives na nasa harapan ko.
"to follow ang permit mo inaayos pa pero maya maya lang ayos na yun,be ready always".
Yun lang at lumabas na sya ng silid ko.pinagkaabalahan kong ayusin at linisin ang mga baril at bala na gagamitin ko.kailangan ready na ako pag bumalik si tasha.pumili din ako ng ilang knives na kailangan laging nasa katawan ko na hindi mapapansin ng kahit sinu.isang knives ang umagaw ng pansin ko parang ballpen lang ng aksidenting mapindot ko ang button sa gitna ay humaba itong parang arnis ngunit may talim sa dulo inaral ko kong pano ito gamitin at nakuha ko naman agad.kaya nilagay ko ito sa bulsa ng polo shirt ko..handa na ako anumang oras gaya ng bilin ni tasha naghihintay na lang ng utos kung anu ang next na gagawin ko.nakalagay na lahat sa back pack ko ang ang mga gamit na binigay sa akin ni tasha loaded na lahat.habang naghihintay naupo ako sa kama at sumandal sa headboard biglang sumagi sa isip ko si daddy Al.parang gusto kong tumakbo papunta sa kanya para humingi ng patawad at lumuhod kong kinakailangan,hindi ko sya dapat idamay sa galit ko.pero hindi ko na alam ang gagawin ko ang gusto ko lang makalayo sa lahat lalo na sa kanila.
"shin here's your permit to carry,at kay boss ka nakaasign for 15days training.good luck sayo.lahat ng gagamitin mo na sayo na in 15 minutes akyat ka sa office ni boss kakauaspin ka itanung mo na rin lahat ng gusto mo itanung okay"
"ok thank you".sagot ko sa mahaba paliwanag ni tasha na hindi ko masyadong naintindihan dahil sa lalim ng iniisip ko.
"good luck galingan mo".isang matamis na ngiti bago ito lumabas na ng kwarto ko.
dahil ready na ako umakyat na ako sa office ni boss,tatlong katok muna bago ko pinihit ang doorknob at nakita ko si boss na may binabasa.
"boss instruction po sa akin na umakyat dito sa office nyo".saad ko.
"sit down miss Alarcon".
umupo ako at pinagmasdan ko si boss na may hinahalungkat sa kanyang drawer.at may box na inilabas tahimik lang akong nakamasid sa bawat kilos nito.cellphone pala ang laman ng box .
"here your cellphone yan ang gagamitin mo sa trabaho at wag na wag mong gagamitin sa trabaho ang personal phone mo.eto ang ear piece mo for fast communication devices.and here your ID."mahabang paliwanag nito.
"ok boss"ang tanging sagot ko.
"I have meeting at 1pm at ikaw ang bodyguard na isasama ko.
"okay boss handa po ako".
"good you may go and get ready".sabay tayo nito at lumabas na ng office nya nakasunod ako palabas para bumababa na habang si boss umakyat sa ikatlong palapag ng kanyang mansion.
pagdating ko sa baba sinabihan ako ng matandang kasambahay na isang oras daw bago kami umalis ni boss ay pumunta daw ako sa kusina at kumain dahil nakahanda na daw Ang pagkain ko.
may dalawang oras pa ako bago ang oras na pag alis na sinabi ni boss kaya nag check muna ako ng gagamitin kong sasakyan chineck ko lahat ng kailangan water,breaks at lahat na,nagpatulong ako sa tatlong driver bodyguard na nakilala at tinulungan naman nila ako.at sinabi nila ang mga kailangan kong gawin lalo na kay boss ako naka assign.pagkatapos ko ay nilagay ko na ang back pack ko sa compartment sa tabi lang driver seat.may mahigit isang oras pa ako kaya pumunta na ako sa kusina para kumain gaya ng bilin ng matandang katulong na si manang lorna.pagkatapos kong kumain nag antay pa ako ng kaunting oras.hindi nagtagal ay nakita ko si boss na palabas na kaya sinalubong ko ito at kinuha ang bag na dala nya.inayos ko sa sasakyan ang bag at pinagbuksan ko si boss ng pintuan ng maayos na syang nakaupo ay sumakay na ako.nagtipa sya sa cellphone nya at maya maya pa narecieve ko na sa cellphone ko ang location ng pupuntahan namin.wala kaming kibuan habang nagdadrive ako alerto ang mata ko sa paligid gaya ng sinasabi lagi ng mga kasamahan kong nagtuturo sa akin.maging alerto,mapagmasid sa paligid at wag na wag magpapanic kahit sa anumang situations.naging malikot ang mga mata ko at napansin kong sinusundan kami ng black na starex.
"are you nervous"?.biglang tanung ni boss.
"Hindi boss,naarlarma lang ako kasi kanina pa tayo sinusundan ng itim na starex".saad ko.
" just drive and be careful saad ni boss at nagkabit ng seatbelt.
"wala po ba kayong ibang body maliban sa akin"?.tanung ko.
" don't panic just drive" saad nito ulit sumandal pa at ipinikit ang mga mata.
"Hindi man lang nag alala na baka kaaway nya ang bumubuntot sa amin".saad ko sa isipan.
Ayun nakabuntot lang sa amin ang sasakyan hanggang sa makarating kami ni boss sa pupuntahan namin.nasa harap na kami ng building at sa tingin ko parang mental hospital,"anu kayang gagawin dito ng boss ko"tanung sa isip ko. Ng makapasok kami sa loob nakasunod lang ako kay boss at nakamasid sa paligid hanggang sa pumasok kami sa isang opisina at kausap ni boss ang isang babae na sa tingin ko ay doktor ayon sa suot nito.hanggang sa igiya kami sa isa pang kwarto at nagulat ako sa nakita ko, ang isa sa dalawang batang tinulungan ko dati nakahiga sa kama at parang wala sa sarili.at biglang tumayo at nanlilisik ang mga mata ng makita si boss at sinugod nya ito pero ng haharangan ko sabi ni boss sa akin ay hayaan ko lang daw kaya tumabi na lang ako
"Hayop!hayop!hayop!mamamatay kang mag isa tandaan mo Yan".sigaw nito sa mukha ni boss.
Pero nag iba ang mukha nito ng makita ako.lumapit sya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang pisngi.
"Salamat mommy mahal na mahal kita at lalaban ako para sa atin"saad nito habang tumutulo ang luha.
Niyakap nya ako ng mahigpit at naramdaman kong may nilagay sya sa bulsa ng pantalon ko.sa subrang pagkagulat ko ay hindi ako nakagalaw sa ginawa ng bata.
"B-boss anung ibig sabihin ng b-bata"? nauutal kong tanung.
"Take care of him".bilin ni boss sa babae.at lumabas na ng silid.
ilang sigundo akong tulala at nagiisip sa nangyari bakit mommy ang tawag sa akin "mukha na ba akong nanay "tanung ko sa aking sarili.ng matauhan ako ay nagmadali akong sumunod kay boss palabas na ito ng building.at nakita ko ulit ang sumusunod sa amin na sasakyan pero at nakita kong bumaba si Tasha."akala ko mga kaaway ni boss ang sumusunod sa amin body pa pala"saad ko sa isipan at napanatag na ako
Habang nasa byahe kami tahimik lang si boss kaya naglakas loob akong kausapin sya.
"Boss wag sana kayong magagamit pero pwede po ba akong magtanong"?.saad ko."go on".tanging sagot ni boss.
"Sinu po ba yung bata at bakit tinawag akong mommy,at bakit galit na galit sya sa inyo"?.tanung ko.
" my son Shiloh,nagkaganon sya ng malaman nya ang totoo tungkol sa amin ng mommy nya".sagot nito.
Nahiya akong mag usisa kaya nanahimik na lang ako at nag focus sa pagmamaniho.panakanaka kong sinusulyapan si boss sa back seat at nakapikit ito parang napakasalimuot ng buhay nila pero wala naman akong pakialam sa kanila buhay nila yan.