Mabilis na lumipas ang mga araw at ngayon na ang huling araw ng training ko.
kasama ko si boss,si Tasha at may isa pang lalaki na hindi ko pa kilala pero hindi ako nagkakamali isa ito sa dalawang lalaki na tinirador ko sa may ilog ilang taon na ang nakaraan.
papunta kami sa address na binigay ni boss,pero habang nagdadrive ako ay nakakaramdam ako ng kakaiba hindi ko maipaliwanag pero parang may masamang mangyayari.nagfocus ako sa pagmamaniho ko at binuksan ko lahat ng senses ko mas naging alerto ako. Hindi ako professional pero well trained ako ni kuya teddy sa mga ganitong pagkakataon at minsan na rin nya akong sinama sa misyon nya na naging successful naman.bagay na hindi kami lang ni kuya teddy ang nakakaalam.
hanggang sa palakas ng palakas ang nararamdaman kong panganib habang palapit kami ng palapit sa Lugar na pupuntahan namin. Palihim kong sinusulyapan sa rare view mirror si boss tahimik lang ito maging si Tasha na nakaupo sa shutgun seat.at ang lalaking kasama ni boss ay hindi mapakali sa kakakalikot ng cellphone nito.hanggang sa mahagip ng mga mata ko ang apat na motor na subrang bilis ang takbo at nakita kong bumunot ito ng baril at pinaputukan kami.
"s**t!.tanging nasabi ko ng bigla kong iprino ang sasakyan sabay salpok ng dalawang motor sa likuran ng sasakyan na minamaniho ko.tiningnan ko si boss ngunit relax lang itong nakaupo.samantalang si Tasha at ang kasama naming lalaki ay bakas sa mukha nito ang takot.inabante ko ng kaunti ang sasakyan para bumwelo nakita kong tumayo na ang dalawang lalaki sa likuran ng sasakyan at nakatutok sa amin ang baril nila ng bigla kong iharurot ang sasakyan paatras para sagasaan ang dalawang lalaki.at ayun sapol nakita kong malayo na ang dalawa pang makamotor.inihinto ko ang sasakyan at bumaba ako para tiyakin kong buhay pa o patay na ang sinagasaan ko.
" shin tara na".sigaw ni tasha sa akin.
"Kailangan kong siguraduhin kong patay na o buhay pa".saad ko sabay baba ng sasakyan.
Bitbit ang baril ko at dahan dahan kong nilapitan ang dalawang lalaki may pulso pa ang isa ng hawakan ko ito sa bandang leeg ang isa naman ay patay na.ng bumalik ako sa kotse tahimik pa rin si boss.
"Boss buhay pa yung isa yung isa patay na".saad ko
"You know what to do shin".saad nito.
"Okay boss".sagot ko.
At nagdrive na ako papunta sa ibinigay ni boss na address.habang nagdadrive ako tumawag ako sa 911 para maireport ng aksidenting nangyari sa amin.
nakarating kami sa lugar na pupuntahan namin nagulat ako dahil napakaraming tao at armado ng matataas na kalibre ng baril.una akong bumaba ng sasakyan at pinagbuksan ko si boss.pagkababa ni boss ng sasakyan nakita kong sabay sabay na nagsiyuko ang mga armadong kalalakihan.
Ibig sabihin mga tauhan ni boss lahat ito saad ko sa aking isip.tahimik lang akong nakasunod kay boss. ngunit bago pumasok ng entrance ng building ay lumapit sa kanya ang isang lalaki.
"Jaime last day ng training ni shin ngayon turuan nyo ng mga dapat nyang malaman".saad ni boss sa lalaking Jaime ang pangalan.
"Ako ng bahala boss".turan ng lalaki.
Deretsong pumasok si boss sa loob ng building akmang susunod ako pero hinarang ako ng isa pang lalaki tanging si Tasha ang pinadaan nila.Pero bago sumunod si Tasha kay boss ay binigay nya sa akin ang back pack ko na naglalaman pa ng dalawang baril at maraming bala at iba pang mga knives.kakaiba ang mga tinginan at sinyasan ng mga tauhan ni boss kaya nakakasiguro ako na may mangyayaring hindi maganda.kalmado lamang akong nakamasid sa lahat isa sa tinuro ni kuya teddy ang maging kalmado kahit marami ang kalaban kailangan kalmado lang wag masisindak sa bilang ng kalaban kailangan magfocus.
"Ang ganda ganda mo naman barbe pwede bang ako ang mauna bago sila"?saad ng lalaking kasabay namin sa sasakyan.
"Yun naman talaga ang plano ko uunahin kita sa kanila"baliw kong sagot sa lalaki.
Natawa ito at parang namimilipit na ewan.
"Narinig nyo lahat ang sinabi ng barbe ko na ako ang mauuna dahil kanina pa ako init na init sa barbe ko.saad nito sabay tawa ng malademonyo.
" umpisan mo na Marciano dahil pati kami ay nag iinit na rin sa barbe mo".turan ni Jaime.
Lahat sila parang mga asong ulol sa kamanyakan parang ngayon lang nakakita ng babae.kalmado at focus ako,lalaban ako ng p*****n kung si kuya teddy hinayaan kung babuyin ako ngayon makikipag p*****n ako sa mga animal na ito.
Ramdam ko sa likuran ko na ilang hakbang pa bago makalapit sa akin ang lalaking kasabay namin sa sasakyan na ang pangalan ay Marciano.nanatili akong nakatayo hawak ang backpack ko.sa bulsa ng jacket kong maong may nakalagay na knives na sinadya ko talagang ilagay.at ginawa kong parang chopsticks na nakasuksuk sa buhok ko yung knives na parang ballpen.dalawang baril din ang nasa beywang ko at may isa pang maliit na baril sa may laylayan ng pants ko at loaded lahat.
nakasuot ng gloves ang kanang kamay ko para maitago ko yung college ring na regalo sa akin ni kuya teddy special ito dahil pag pinindot ang button nito ay may lumalabas na parang kurona pero napakatalim.Tuluyang nakalapit sa akin si Marciano at hinawakan ako sa mukha at nakangiti itong parang asong ulol na sabik na sabik sa laman.
pinindot ko ang magkabilang button ng singsing ko hindi nya ito napansin dahil sa suot kong gloves.binitawan ko ang backpack ko at hinawakan ko ang kamay nitong nasa mukha ko humahaplos.piniga ko ito ng ubod lakas ramdam kong bumabaon ang talim ng singsing ko kaya napangiwi na ito.hindi ko ito binigyan ng pagkakataon ngumisi akong parang baliw sabay suntok ko sa mukha nya gamit ang kamay kong mahigpit na nakahawak sa kamay nya kaya ayun sapol sa noo at bumaon pa ang talim ng singsing ko.Sabay ikot ko sa likuran nya at bunot ng baril ko ngayon hawak ko sya sa leeg gamit ang kaliwang kamay ko at nakatutok sa ulo nya ang baril ko.nagulat ito sa kilos ko na hindi nya inaasahan.
"Pinapangako ko sayo na susulitin ko ang pag iinit mo at ako na ang huling barbe na makikita mo"baliw kong saad sa namumutlang si Marciano.
Napalunok lang ito at hindi nakapagsalita.
"Kung naaalala mo mga 3 or 4 years ago sa may ilog sa barangay ranggas mga alas kwatro ng hapon dalawa kayo ng lalaking yun"bulong ko sabay baril sa balikat ng lalaking nginuso ko kay Marciano.
Napapikit sa subrang gulat si Marciano maging ang mga kasama nito ay gulat din sa ginawa kong pag baril sa lalaking hindi ko pa alam ang pangalan.
cguro nasa labing lima na lang na tauhan ni boss dahil sumunod kay boss sa loob ng building ang iba.
"M-maawa ka p-parte lang ito ng training mo pakawalan mo na ako parang awa mo na m-may mga anak ako".saad ni Marciano.
"Wala akong pakialam sa mga anak mo, inumpisahan nyo kaya pasinsyahan na lang tayo".saad ko sabay baril kay Jaime sa dalawang balikat nito.
at sigurado ako na sa tama nya ay hindi nya na magagawang humawak ng baril.nakita ng malikot kong mga mata na nagkasabay sa pagbunot ng baril ang dalawa pang tauhan ni boss kaya hindi ako nagdalawang isip na baril sila sa balikat din.wala sa plano ko ang pumatay kaya sa balikat ko lang sila binabaril at sinisigurado ko na hindi nila magagawang gumanti sa akin.
"m-miss barbe parte lang talaga ito ng training mo maniwala ka sa akin w-wala naman talaga akong gagawin sau".nauutal na saad ni Marciano.
"Wala kang gagawin ngayon pero kanina alam natin pareho na masama ang balak mo sa akin".nakangising saad ko at binaril ko ulit sa magkabilaang balita ang dalawa pang lalaki.
dalawa pang lalaki ang nagpapalitan ng tingin kaya inunahan ko na.ginala ko ang paningin sa buong paligid habang hawak ko sa leeg si Marciano at nakita sa ikalawang palapag ng building na may taong kumukubli sa may bintana babarilin ko na sana ito ng sumigaw si Marciano.
"miss barbe pagsubok lang ang lahat para sa training mo maniwala ka si boss ang nag utos ng lahat"!.sigaw nito.
"Matagal ng bilog ang ulo ko,kaya wag mo ng bilugin pa".saad ko at pinagbabaril ko lahat ng kasama nya sapol lahat sa magkabilaang hita.
Naramdaman kong may tao sa likod kaya agad akong humarap sabay putok ng baril ko huli na ng makilala ko si Tasha natamaan ko ito sa kanang balikat.tumango ito sa akin pero nakangiwi sa sakit.nanatili akong nakatayo at hindi ko binibitawan si Marciano ng mahagip ulit ng malikot kong mga mata ang taong nakakubli sa bintana ng ikalawang palapag ng building tinutok ko ang .44 magnum kong baril sa taong nakita ko.
"Wag miss barbe baka tamaan mo si boss".saad ni Marciano.
Bago ko pa maiputok ang baril ko nagsilabasan na ang iba pang mga tauhan ni boss kaya sa ulo ni Marciano ko ulit tinutok ang baril ko.
"Pinapatawag ka ni boss miss shin".turan ng lalaki.
"Sinu ka"?.nakangisi kong tanung sa lalaki.
"Mario"saad nito.
"Sabihin mo kay boss kung may sasabihin sya akin sya ang bumaba dito".baliw kong saad.
"Ang tapang mo pala barbe buong akala ko kaya ka naming takutin at patumbahin".nanghihinang saad ni Marciano.
"Sisiguraduhin kong mauuna kayong tutumba bago ako Marciano".nakangisi kong turan.
Hindi nagtagal at dumating nga si boss nakangising akong tumingin dito sabay tutok ng baril ko sa noo ni boss .itinaas nito ang dalawa nyang kamay.
"Boss panu ba yan nasa tono ang kanta ni Marciano"? Saad ko habang nakatutok ang baril ko kay boss.
"Shin, it's all about your final training,drop your gun".turan ni boss.
"Okay boss tatapusin ko lang ang final training na binigay mo sa akin".nakangising saad ko sabay baril ko sa kanang dibdib ni Marciano na ikinagulat ng lahat maging si Tasha ay mariing napapikit sa ginawa ko.tuluyang nakatulog si Marciano pero alam kong buhay ito.dahan dahan akong naglakad palapit kay boss habang nilalagay ko sa beywang ang baril ko.ngumisi akong parang baliw ng makalapit ako kay boss.
"Salamat boss sa nakakaulol na training mo sa akin,pasado ba ako boss"?baliw kong turan.
Hindi nakakibo si boss nakatingin ito sa akin at sa tantya ko ay kinakabahan ito.
"Anu boss kailan ako magsisimula sa nakakaulol kong trabaho".saad ko sabay ngisi.
"Report personally at my office on Monday".turan ni boss sabay talikod sa akin.
"Salamat boss!"saad ko sabay tawa ng malakas.
"Mario ang pangalan mo di ba?ikaw na bahala sa kanila ipagamot mo".saad ko at dinampot ko na rin ang backpack ko.
"Ang yabang mo bata".saad nito na masama ang tingin sa akin.
"Bakit tanda gusto mo subukan ang yabang ko,sabihin mo lang habang nag iinit pa ako"? Baliw kong turan sabay lakad ko palapit kay Mario.
Nang makalapit na ako nakikita ko sa kanya na nahintakutan ito lalo na ng kinasa ko sa harap nya ang baril ko.napalunok ito ng ilang beses ng itutok ko sa ulo nya ang baril ko.
"Kung ako sayo tanda kikilos na ako bago pa mamatay lahat ang kasamahan mo".saad ko.
Tuluyan na akong nakalabas sa lugar na pinuntahan namin ni boss,walang lingon kong iniwan ang mga sugatang tauhan ni boss maging si Tasha ay hindi ko tinapunan ng tingin. sakay ng taxi pauwi sa inuupahan kong kwarto.
pagkadating ko sa kwartong inuupahan ko naligo muna ako bago humiga at,habang nakahiga sa papag ko at nag iisip
"Diyos ko hindi ko gustong manakit ng kapwa ko pero kailangan,hindi ko pwedeng ipakita ang takot ko sa harap nila lalo na sa ganitong trabaho ewan ko hindi ko rin alam kung bakit ganitong trabaho ang pinasukan ko".kausap ko sa sarili ko.
Bigla kong naalala ang bagay na isinuksok sa bulsa ko ng anak ni boss nakalagay yun sa secret pocket ng backpack ko kaya kinuha ko isang USB na nakabalot sa papel na may nakasulat na KATUTUHANAN anu kaya ito wala naman akong laptop or computer na pwede kong salpakan nito para malaman ko kung anu ang nilalaman nito.Nakatulugan ko na ang pag iisip tungkol sa USB naalimpungatan ako ng tumunog ang cellphone ko.number lang ang tumatawag kaya nagdalawang isip akong sagutin lalo na maghahating gabi na.paulit ulit na tumawag ang number kaya sa huli ay sinagot ko na din.
"hello"? saad ko.
"Anak,shin ang nanay ito salamat naman at sinagot mo,pwede ka ba umuwi muna dito sa bahay"?.pakiusap ng nanay ko.
"B-bukas ho u-uwi ako Jan".tanging nasabi ko.
"Salamat anak hihintayin kita anak".naiiyak na saad ni nanay.
"Oho nay, uuwi ako". turan ko.
"Mag iingat ka shin anak ha".
"Cge ho nay".tinapos ko na ang tawag dahil naninikip ang dibdib ko tuwing naiisip ko ang nanay.mahal ko sya kahit ramdam ko na hindi nya ako kayang ilaban lalo na sa tatay ko,kahit nga yata patayin pa ako ng tatay ko wala syang magagawa para akin.kaya nga mas gusto ko na lang lumayo sa kanila kaya lang basta nanay ko na ang nakikiusap hindi ko talaga sya mahindian.kaya ito kailangan ko ulit bumalik sa kanila.hindi na ako nakatulog masyado kaya maaga na lang akong naghanda para umuwi sa bahay namin pero dadaanan ko muna si Elaine para kunin ang diploma ko sa kanya sya na kasi ang pinaasikaso ko dahil hindi ako pwede mag absent sa work ko lalo at training pa lang ako.
"Thank you talaga Elaine dito ha, you're the best"pasalamat ko kay Elaine.
"Ikaw pa ba,wag mo na akong bulahin maliit na bagay lang yun".saad ni Elaine.
"Ah shin wait,kuya mo tumatawag na naman sa akin,ikaw na kaya sumagot".saad ni Elaine at nagmamadaling lumapit sa akin at iabot sana ang cellphone nya.
"Hayaan mo sya wag mo ng sagutin".saad ko sabay talikod paalis.
Nagmamadali akong umalis sa apartment ni Elaine para makauwi agad kila nanay,ngunit nagulat ako ng pagbukas ko ng pinto ay nabungaran ko si kuya teddy.
"S-sweet heart".nauutal at mangiyak ngiyak na saad nito.
Nakatulala lang ako at nanginginig na hindi ko maintindihan kung natatakot ba ako o nagagalit sa kanya.
" Sa loob na kayo mag usap kuya teddy,shin pasok na".Sabi ni Elaine.
"Hindi kailangan ko ng u.....
"No let's talk inside".ani kuya teddy sabay hawak sa beywang ko at pilit na pinapapasok sa loob ng apartment ni Elaine.
"Sweet heart alam ko my sorry is not enough but please talk to me".saad ni kuya teddy.
Tahimik lang ako at wala akong plano magsalita,Hindi rin nya ako binibitawan at lalo pa nya hinapit ang beywang ko palapit sa kanya.iba ang nararamdaman ko sa tuwing ganito kami kalapit kahit noon pa man mas lalo ngayon dahil parang bolta boltahing kuryente ang dumadaloy sa katawan ko lalo na pag subrang lapit namin sa isat isa.
Umiiyak na niyakap ako ng mahigpit ni kuya teddy dahil kahit anung sabihin nya hindi ako umimik.hindi ko alam ngunit kusang gumalaw ang kamay ko para haplosin ang likod nya.kaya lalo naman humigpit ang yakap nya at lalong umiyak.
"hayaan mo muna ako,gusto ko munang mawala ang galit sa loob ko.ayoko magsalita na pagsisisihan ko sa huli katulad ng nangyari kay daddy Al,haharap ako sa inyo pag wala na akong bitbit na galit".saad ko.
ngumiti lang si kuya teddy at hinalikan ako noo bago ako bitiwan.
"mag iingat ka, ingatan mo ang sarili mo,maghihintayin ako sweet heart mahal na mahal kita alam mo yan".luhaang saad nito.
tango lang ang sagot ko, niyakap ko si Elaine at pagkatapos ay iniwan ko na sila.sumakay ako ng taxi pauwi kila nanay.