chapter 12:huling lamay

2272 Words
Habang naglalakad papunta sa bahay nila nanay nakakaramdam akong kaba na hindi ko maintindihan.hindi ko alam kung anu ang aabutan ko sa bahay, wala naman nabanggit ang nanay sa akin pero hindi ko talaga mapigilan ang kabang nararamdaman ko. "shin,mabuti naman at umuwi kana kasi huling araw na ng tatay mo ngayon".saad ni aling Myrna ng makasalubong ko ito sa daan,ang maingay namin na kapit bahay. "Anung ibig mong sabihin na huling araw na aling Myrna"?.nagtatakang tanung ko. "Hindi mo ba alam shin patay na ang tatay mo at huling araw na ng lamay ngayon".saad ni aling Myrna. Basta ko na lang sya tinalikuran at tumakbo na ako pauwi sa bahay namin.para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita ko ang kabaong at ang pangalan ng tatay ko na nakasulat sa malaking tarpulin. hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko at basta na lang umikot at nanlabo ang paningin ko.nagising akong may nakahawak na mahigpit sa kamay ko,si kuya teddy ang namulatan kong mahigpit na nakahawak sa kamay ko. Naiiyak ako at nagi guilty sa nangyari una kay daddy Al na hindi ko man lang nakita at ngayon kay tatay naman. Pinilit kong kumalma para humarap sa lahat lalo na sa nanay ko at kay mommy lou. alam ko na nasaktan ko sila Lalo na si mommy sa pagkawala ni daddy Al.panahon na siguro para harapin ko sila. Bumangon ako at umupo sa hinihigaan kong kama pinigilan ako ni kuya teddy pero hindi ako nagpapigil sa kanya kaya wala syang nagawa kundi ang alalayan akong makatayo at magkakad papunta sa kabaong ni tatay. " bakit hindi na lang ako bakit kayo pa".saad ko habang walang tigil sa pag agos ang luha ko. "Sandali lang akong nawala tay at saka may mga tanung pa ako sayo,akala ko pa naman ang tapang mo.bakit ka nandyan,ako dapat ang nandyan hindi ikaw".umiiyak na litanya ko. Nahihilo at Nanghihina na ako kakaiyak nakaalalay lang sa akin si kuya teddy at pilit akong pinapakalma dahil halos hindi na ako makahinga sa kakaiyak ko. nakaramdam ako ng matinding pagkahilo kaya wala na akong nagawa ng buhatin ako ni kuya teddy at ilayo sa kabaong ni tatay. pinaupo ako sa isang tabi at pinapaypayan ako ni nanay.inabutan din ako ng tubig ni kuya alex.umiiyak din itong umupo sa tabi ko at hinahagod ng kamay nya ang likod ko. "Ikaw ang laging hinahanap ni tatay ilang araw bago sya atakihin sa puso at kahit noong nag aagaw buhay na sya ikaw pa rin ang hinahanap nya,binilin nya sa akin na hanapin kita kahit anung mangyari"umiiyak na turan ni kuya Alex. "Anu ba kasi nangyari sayo bakit bigla kana lang nawala hindi rin namin makuntak ang cellphone mo".tanung ni kuya Bryan na umiiyak din. "Sa daming nangyari Hindi ko na alam kung alin at kung anu pa ang sasabihin ko". tanging nasabi ko na lang habang luhaan. Tahimik lang si kuya teddy na humahagod sa likod ko,at ramdàm ko ang subrang pag aalala nya.hindi ko pa sila kayang harapin pero ipinipilit na ng tadhana na magkaharap harap na kami. "Iha shin kumalma ka muna sa kakaiyak mo namumutla kana,"pag aalala ni mommy lou sa akin. "Sweet heart sa kwarto ka muna, kailangan mo magpahinga".ani kuya teddy. Tahimik kong kinalma ang sarili ko,ng medyo ok na at nawala na ang nararamdaman kong hilo ay dinampot ko ang backpack kong dala na nakapatong lamang sa upuan at pumasok na ako sa kwarto ko. nanghihina akong napaupo sa kama ko at naiiyak na naman ako dahil sa mga nangyayari sa buhay ko.una ang pananamantala ni kuya teddy sa akin,pangalawa ang pagkamatay ni daddy Al at ito ngayon si tatay naman ang nakaburol. Sana ako na lang hindi sila,ako na lang sana ang nawala para tapos na at walang maghahanap sa akin dahil hindi ko naman sila kaanu anu nihindi ko nga sila kamag anak at lalong hindi ko kilala kong sinu ako kung saan ako galing at kung anung lahi ba meron ako. Sa sobrang pag iisip ko hindi ko na namalayan na may pumasok sa kwarto nararamdaman ko na lang na may yumakap sa akin ng mahigpit lalo akong napaiyak dahil napakasakit isipin na ang taong nanakit sa akin ay syang kailangan ko at dadamay sa akin sa ganitong pagkakataon. gustuhin ko man syang itaboy pero kailangan ko sya at sa yakap nya ako kumakalma.hanggang sa nakatulog ako sa mga bisig nya. nagising akong medyo padilim na ang paligid nakaupo na ako sa gilid ng kama ko ng bumukas ang pinto at pumasok si mommy lou.yumuko ako dahil nahihiya akong humarap sa kanya. "Kumusta kana shin"nakangiting saad ni mommy lou. "Okay na po ako wag na kayo mag alala".nahihiyang saad ko. "Ako pa rin ang mommy lou mo shin,masakit sa akin ang mga nangyari sa pamilya natin pero hindi ako nagalit sayo,I'm sorry,I'm really sorry sa nagawa ng anak ko sayo mahal na mahal ka ni teddy kaya siguro nagawa nya ang hindi dapat sayo Hindi ko kinukonsenti ang ginawa ng anak ko at galit din ako shin sa ginawa nya sayo pero sa ngayon nakikita ko na kailangan natin ang isat isa para malampasan ang mga pagsubok na nangyayari sa buhay natin"madamdaming turan ni mommy lou. "Sa nagyon po punong puno pa Ng galit ang puso ko,ang buong sistema ko kahit saan ako tumingin at kahit anung gawin ko puro galit pa rin ang nararamdaman ko,ayoko muna pag usapan ang kahit na anu dahil ayokong makapagsalita na pagsisisihan ko sa huli gaya ng nangyari kay daddy Al kasalanan ko kaya nangyari sa kanya yun".luhaang saad ko kay mommy lou. Luhaan nya rin akong niyakap ng mahigpit,walang salita nag iyakan lang kami ng mga ilang minuto hanggang sa pareho na kaming kumalma. "Iha wala kang kasalanan sa nangyari sa daddy Al mo dahil matagal ng may sakit sa puso ang daddy mo nung time na may nangyari sa kanya dahilan na lang yung sagutan ninyo. gusto nya lang na maging maayos sana tayo bago pa man sya mawala gusto nyang makita na maayos tayo lalo na kayo ni teddy,hindi kita sinisisi sa nangyari shin dasal ko lang na sana maging maayos na ang lahat lalo na kayo ni teddy". Saad ni mommy lou. "Mangyayari po yun sa tamang panahon sa ngayon kikilalanin ko muna kung anu at sinu ba talaga ako".saad ko. "Basta tatandaan mo na pamilya mo kami at nandito lang kami para sayo". "Salamat po".Ang tanging nasabi ko niyakap ako ulit ni mommy lou bago ako iniwan sa kwarto ko. masama ang pakiramdam ko pero pinilit kong tumayo para makapag ayos ng sarili at para harapin ang mga nangyayari sa pamilya.naligo ako at nag ayos ng sarili bago lumabas ng kwarto, ito na ang huling pagkakataon ko para makita ang tatay kahit na sa pinakamalungkot na parte ng buhay haharapin ko at magpapakatatag ako para kay nanay at sa dalawa kong kuya.maraming tao ang nakikiramay may mga nagsusugal,nag iinuman at kung anu anu pa. "Sweet heart gising kana pala,hindi na kita ginising kanina kaya hindi ka na nakakain ng tanghalian,kumain kana muna come here".saad ni kuya teddy sabay hila sa akin papuntang kusina. "Kaya ko please,!okay ako kaya ko ang sarili ko at kakain ako pag gusto ko".turan ko sabay talikod kay kuya teddy. "Sweet heart ku.....". "Please!".saad ko sa mataas na boses. at tuluyan ko ng tinalikuran si kuya teddy alam ko na nagmamalasakit sya sa akin pero hindi ko pa kayang harapin sya.alam ko rin na kailangan ko sya lalo na ngayon pero mahirap dahil naaalala ko lalo ang ginawa nya sa akin. "okay I'm sorry".saad ni kuya teddy bago pa ako tuluyang makalabas ng kusina. naglakad ito papunta sa kwarto ko at may dala ng backpack paglabas derederetso itong lumabas ng bahay at narinig ko na lang na paalis na ang sasakyan nito. nagtatanung ang tingin sa akin niina mommy lou at nanay benaliwala ko na lang mga tingin nila sa akin.nanatili akong nakaupo malapit sa kabaong ni tatay nag iisip ng mga dapat gawin pero wala naman akong maisip parang ang hirap naman. hindi naman sila naging mabuti sa akin pero bakit ang hirap magdisisyon na talikuran silang lahat at magpakalayo layo na lang ako at sarili ko lang ang iisipin ko. hanggang sa sumapit ang umaga at kailangan ng ihatid sa huling hantungan ang tatay.wala pa rin akong maisip gawin para akong sunod sunuran kung saan tangayin ng hangin. wala blangko at hindi ko na rin namalayan ang mga nangyari, tapos na at nailibing na ang tatay. "Anak tapos na umuwi na tayo gumagabi na at tayo na lang ang nandidito sa cementeryo"ani nanay. "Mauna na kayo nay susunod ako". sagot ko. "Cge anak".ani nanay habang umiiyak. Lalo akong nanghina ng ako na lang mag isa ang naiwan ayokong umiyak pero kusang tumutulo ang mga luha ko. "sana ako na lang ang nawala tay, wala sanang luluha, magluluksa o masasaktan lalo ang nanay ramdam ko ang lungkot at sakit na nararamdaman nya sa pagkawala mo. ang daya mo kahit kailan hindi mo pinaramdam sa akin na anak mo ako pero ito lumuluha,at nagdurusa ako sa pagkawala mo pakiramdam ko wala akong karapatan maging masaya". saad ko sa harapan ng puntod ni tatay. Hindi ko na maintidihan ang pakiramdam ko nanghihina na ako sa kakaiyak hanggang sa mapasalampak ako ng upo sa lupa dahil sa nanlalabo na ang paningin ko. pero bago pa ako tuluyang mawalan ng ulirat nakita ko na may bumuhat sa akin hindi ko lang makilala dahil nanlalabo na talaga ang paningin ko. ******************************** TEDDY: Nainis ako ng tinaasan akong boses ni shin pero alam ko na wala akong karapatan mainis sa kanya. wala pa sa kalahati ng sigaw nya ang kasalanang nagawa ko sa kanya.kaya ako na lang ang umiwas pinilit ko ang sarili ko na dumistansya sa kanya. mula sa malayo nakamasid lang ako sa kanya lalo na at mag isa na lang sya sa cementeryo nakita ko kung paanu bumuhos ang emosyon niya ng makaalis na lahat. iyak sya ng iyak hanggang sa pasalampak itong naupo sa lupa.hindi ko sya matiis at doble ang sakit na nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko syang nasasaktan. hinang hinang na sya ng lapitan ko at hindi na rin sya nagmatigas pa ng buhatin ko ito at dalhin sa sasakyan ko.ngunit habang naglalakad ako papunta sa sasakyan ay bigla na lang itong nanlupaypay inalog alog ko pa ito ngunit wala na talagang malay. kaya dali dali ko syang sinugod sa hospital inasikaso naman kaagad si shin ng mga nurse at doctor hanggang sa mailipat na sya sa isang kwarto. "Doc anu ho ang lagay ng pasyente"?nag aalalang tanung ko sa doctor. "Maayos na sya kailangan nya lang ng sapat na tulog at tamang pagkain hayaan mo lang muna na makapagpahinga ang pasyente".sagot ng doctor. "Ok doc.salamat po".saad ko. umupo lang ako sa kama sa tabi ni shin at pinagmasdan kong maigi ang mukha nya habang hawak hawak ko ang kamay nya. nalulungkot ako sa mga nangyari sa pamilya namin sa pagkawala ni daddy at tito albert alam kong malaking dagok ito lalo na kay shin kaya hanggat makakaya ko dadamayan ko sya at ang buong pamilya namin. Ng makaramdam akong antok ay humiga ako sa tabi ni shin niyakap ko sya para magising ako pag gumalaw sya. napasarap masyado ang tulog ko nagising ako dahil may hangin na tumatama sa mukha ko.pagmulat ko ng mata nakita ko si shin na halos nasa ibabaw ko sya nakadapa at tulog na tulog. ang likot pa rin talaga matulog,dahan dahan kong inayos ang kanyang kamay na may dextrose,pagkatapos ay dahan dahan ko namang tinanggal ang legs nyang nakapatong sa tiyan ko. umungol lamang ito at ibinalik ulit ang kanyang legs sa tyan ko.tumingin ako sa orasan at nakita kong madaling araw pa lang kaya hinayaan ko na lang matulog si shin sa ibabaw ko. mula ng bata pa si shin ganito na sya matulog umiiyak sya pag hindi ko pinapatulog sa tabi ko.pero ngayon halos hindi na nya ako tingnan sa laki ng kasalanan ko sa kanya. kung pwede ko lang ibalik ang panahon noong halos hindi sya humiwalay sa akin gagawin ko. "kuya sa tabi mo ako natutulog ha please".ani shin habang sinusubuan ko ng pagkain. "oo na ibuka mo na yang bunganga mo at bilisan mo kumain inaantok na ako".saad ko "busog na ako kuya,ayoko na".ani shin. "tatlong subo pa lang busog kana, ubusin mo ang pagkain mo shin kung gusto mong matulog sa kwarto ko".pananakot ko. Ng basta na lang syang umiyak akala ko nasaktan sya kaya nag alala ako nilapitan ko at agad na binuhat nagpumiglas sya at lalong lumakas ang iyak nya.galit na lumapit si daddy sa amin at kinuha si shin sa akin agad itong yumakap kay daddy at nagsumbong. "daddy Al inaaway ako ni kuya teddy hindi nya ako papatulugin sa kwarto".sumbong ni shin kay daddy. "teddy sa tanda mong yan pumapatol ka talaga sa bata" ? natatawang tanung ni daddy. "daddy tinatakot ko lang naman si shin ayaw kumain eh".asar na sagot ko. "baby is it true na ayaw mong kumain".tanung ni daddy kay shin. "daddy Al busog na po ako". pagdadahilan ni shin. "ok fine!busog kana sa tatlong subo lang, bumalik ako sa realidad ng bigla humiyaw si shin sa tabi ko nataranta ako dahil sa hiyaw nya na parang nasasaktan. "s-sweet heart m-may m-masakit saan ang masakit ".tanung ko. "Hindi ko magalaw ang legs ko"saad ni shin. minasahe ko ng bahagya ang legs nyang nakapatong sa tiyan ko. "nangalay lang sweet heart, okay na ba"?tanung ko. Hindi sya sumagot pero naigalaw na nya ang legs nya at umayos na rin sya ng higa.wala syang kibo nakatitig lang sa kesame
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD