"handa na akong pag usapan lahat kuya teddy"saad ko na ikinabigla ni kuya teddy.
"S-sigurado ka"tanung niya.
"May choice pa ba ako?,gustuhin ko man na kalimutan at takasan kayong lahat pero ito bunabalik pa rin ako kasi nga wala akong choice.kahit nga ang maging masaya wala rin sa choices eh,kaya haharapin ko na lang baka sakaling kayong lahat na mismo ang lumayo sa akin".naiiyak na saad ko.
"Sweet heart pamilya tayo kaya tayo pinaglalapit ng...
"Yun na nga eh pamilya!".pagputol sa sasabihin pa sana ni kuya teddy.
"kakaibang pamilya,una si tatay lumaki ako na demonyo ang tingin ko sa kanya.si nanay na kahit kailan hindi nya ako kayang ipaglaban sa tuwing binubogbog ako ni tatay kahit nga patayin pa ako ni tatay wala syang magagawa para sa akin.si daddy Al minahal ako ng parang tunay na anak pero anung ginawa ko sinagot sagot ko sya at dahil sa akin namatay sya,alam ko nasaktan ko si mommy lou sa nangyari kay daddy Al.at ikaw siguro kabayaran na yung ginawa mo sa akin sa lahat ng kasalanan ko".luhaang saad ko.
Hindi nagsalita si kuya teddy niyakap lang ako ng mahigpit habang pariho kami umiiyak.ng kumalma na kami pariho hinawakan nya ako sa magkabilang pisngi at pinunasan ako ng luha.
"I'm so sorry for everything sweet heart,Hindi ko sinasadya ang nagawa ko sayo subrang pinagssisihan ko ang nagawa ko,
Mahal kita sweet heart,mahal na mahal at wala kang kasalanan sa nangyari kay daddy".saad ni kuya teddy.
"ako pa rin ang dahilan kung bakit nangyari ang lahat"saad ko.
"Wag mo sisihin ang sarili mo okay dahil walang may kasalanan sa nangyari kay daddy".ani kuya teddy.
tumango na lamang ako bilang sagot.
"Mangako tayo sweet heart na aayusin natin ang lahat at magsisimula tayo ulit ng tama".saad ni kuya teddy.
"Anung ibig mong sabihin"?tanung ko.
"Mahal kita shin,at ikaw ang babaeng gusto kong makasama habang buhay at magiging ina ng magiging mga anak ko". deretsong saad ni kuya teddy.
"Pero kuya h...."
"I'm willing to wait sweet heart"?agaw ni kuya teddy sa sasabihin ko.
Nanahimik na lamang ako at hindi na nagsalita pa.ramdam ko naman ang pagmamahal na sinasabi ni kuya teddy para sa akin pero hindi ko alam kung anu ang nararamdaman ko para sa kanya hindi ko pa sigurado kung pagmamahal ba ng isang babae para sa isang lalaki o pagmamahal bilang kuya lamang.
"Wag kana muna mag isip ng mag isip sweet heart kailangan mo ng sapat na pahinga,"pagbasag nito sa pananahimik ko.
Tumango lang ako umayos ng higa.dumukwang sa akin si kuya teddy at hinalikan ako sa noo.
"Tulog na sweet heart babantayan kita". nakangiting saad ni kuya teddy.
Habang humahaplos ang kamay nya sa buhok ko.hindi ko na namalayan ang sumunod na nangyari nakatulog ako ng mahimbing.
Nagising ako sa boses na mahinang nag uusap kaya nagmulat ako at nakita kong kausap ni kuya teddy ang doctor.
"may papupuntahin akong nurse para magtanggal ng dextrose ni shin,pero kahit nasa bahay na sapat na pahinga pa rin at tamang pagkain".saad ng doctor bago ito tuluyang lumabas ng kwarto.
"Salamat doc."ani kuya teddy.
Lumapit sa akin si kuya teddy, hinalikan ako sa noo bago tinulungan na makaupo.
"kailan ba ako uuwi kuya naabala ko na ang trabaho mo"saad ko pagkaupo ko.
"Hindi ka abala sweet heart okay, anytime pwede na tayong umuwi"nakangiting turan ni kuya teddy.
"Salamat sa lahat kuya teddy"saad ko.
"You're always welcome baby". nakangiting saad ni kuya teddy.
Tumayo ako para pumunta ng comport room, nakaalalay lang sa akin si kuya teddy teddy hanggang sa loob iniwan lang ako
ng maiayos na nya sa pagkakasabit ng dextrose ko.
"Call me when you're done sweet heart".bilin pa nito bago lumabas ng comport room.
Ng matapos ako sa lahat na kailangan kong gawin sa loob comport room ay dahan dahan kong binuksan ang pintuan nagulat ako ng makita ko si kuya teddy na nakatayo sa tapat ng pintuan at nagkagulatan pa kami.
"Sabi ko tawagin mo ako di ba". pagalit na saad nito at inalalayan agad ako.
"Kaya ko na,saka di ba sabi mo makakauwi na tayo anytime ibig sabihin okay na ako".paliwanag ko.
"Kahit na baka mamaya bigla kang matumba o kaya madulas".pagalit sa akin ni kuya teddy.
"Ok fine,im sorry"saad ko.
Nakangiti lang itong tumingin sa akin at piningot ako sa ilong, matapos akong tulungan makaupo sa kama
May kinuha itong tray na may laman na mga pagkain at nilapag sa harapan ko.natakam ako sa pagkain at bigla kong naalala na ilang araw na nga pala akong hindi kumakain.
"Kumain ka ng marami sweet heart para tuloy tuloy na ang pag galing mo".saad nito habang inaayos ang pagkain sa harap ko.
Akmang dadamputin ko na ang kutsara ng pitikin nya ang kamay ko.
"Araay naman,kung ayaw mo ipakain pwede ilayo mo sa akin".inis na turan ko
nilakihan lang nya ako ng mata at sya na ang kumuha ng kutsara at para subuan ako.
"Say ah",saad nito sabay lapit ng kutsara na may laman na pagkain sa bibig ko.
"Ako na"saad ko.
Ngunit ayaw nya ibigay sa akin ang kutsara, pakiramdam ko kasi mabibitin ako sa subo nya dahil subrang natatakam talaga ako sa pagkain.
Tinaasan nya ako ng kilay at akmang susubuan ako ulit ng pumasok ang nurse.
"Tatanggalin ko lang sir ang dextrose ni ma'am shin".saad ng nurse.
Binitiwan ni kuya teddy ang kutsara at maraming itong tanung sa nurse habang tinatanggal ang dextrose ko.
At sinamantala ko yun para kunin ang kutsara at inumpisahang lantakan ang pagkain hindi ko sila pinansin sa pinag uusapan nila.hanggang sa makaalis na ang nurse.napatingin ako kay kuya teddy na titig na titig sa akin habang kumakain.
"What"tanung ko.
"Nothing sweet heart,gusto mo pa ba magpapadeliver ako".saad nito at lumapit na sa akin.
Napatingin ako sa harap ko at nagulat ng makita kong ubos na ang pagkain at hindi ko naisip na baka hindi pa ito kumakain.
"Sorry gutom na talaga kasi ako". nahihiyang turan ko.
"It's okay sweet heart maganda nga yan para lumakas ka kaagad di ba"?. natatawang turan ni kuya teddy.
"Okay lang sayo na hindi kita tirihan ng pagkain"? tanung ko sabay kamot sa ulo.
"Okay lang sweet heart,magbihis ka na para makauwi na tayo"saad pa nito.
Binigyan nya ako ng damit na bihisan alam kong bagong bili dahil nakita kong tinatanggal nya ang tag price.
Nasa byahe na kami pauwi ng bigla syang lumiko sa isang fastfood para magdrive thru.
"Anung gusto mo sweet heart"? tanung ni kuya teddy.
Parang natakam na naman ako ng makita ko ang pagkain,kaya dumukwang ako sa bintana sa side ni kuya teddy para mamili ng gusto ko.habang namimili ako ay naramdaman ko sa beywang ko ang kamay ni kuya teddy na nakaalalay para hindi ako masubsub.lumapit ang mukha nya sa bintana para sabihin sa speaker ang kanyang order kaya magkadikit na ang aming mukha,naiilang ako sa position namin kaya akmang aalis na ako para umupo ng maayos ngunit bago pa makalayo ang mukha ko ay hinalikan na nya ako sa pisngi at niyakap.
"I love you sweet heart".saad nito at paulit ulit akong hinalikan sa pisngi na parang gigil na gigil habang yakap ako.
Tiningnan ko Lang sya at nginitian at dahan dahan akong umupo ng maayos.habang nasa byahe kami pauwi at busy ako sa pagkain ng burger.sa isang kamay ko naman hawak ang burger na kinakain ni kuya teddy dahil nagdadrive sya kaya nag volunteer akong taga subo ng pagkain nya.
"Araay!"napasigaw ako sa gulat ng nakagat nya ang kamay ko.
"Sorry sweet heart!, sorry,sorry hindi ko sinasadya".paulit ulit na pag sorry nya sa akin.
Napalakas naman talaga kaya sa gulat ko ay nahila ko bigla kaya may gasgas ng kaunti dahil sa pagkakakagat.
"sorry na please hindi ko talaga sinasadyang makagat ".saad pa nito ng hindi na ako kumibo.
Hanggang sa itabi nito ang sasakyan at tiningnan ang kamay ko.pagkatapos lagyan ng alcohol ang kamay ko ay nagdrive na ulit ito tahimik na kami pariho.
Napansin ko Yung backpack ko sa likod ng kotse nya kaya kinuha ko yun,pero nagtaka ako dahil parang walang laman sa subrang gaan.ng binuksan ko wala nga ang dalawa kong baril pati ang ilang extra magazine.lumingon si kuya teddy sa akin at nagkatinginan kami.
"Y-yung laman n-nito".utal utal na tanung ko at itinaasa ko pa ang hawak kong bag.
"Nasa akin tinago ko".balewalang sagot nito.
"Hindi naman saiyo yun".saad ko.
Ngunit tahimik lamang ito sa pagdadrive
"p-pati yung USB ko dito kinuha mo".kinakabahang tanung ko ulit
"Sa bahay na tayo mag usap sweet heart please". anito at hinawakan ang kamay ko.
"Okay pero kailangan mo ibalik sa akin Yun".saad ko.
Tumingin lang sa akin si kuya teddy at ngumiti.walang sinabi kong ibabalik sa akin o hindi.pag hindi binalik sa akin yari ako nito sa trabaho ko.
"you need rest sweet heart,manang rosa pakisamahan po si shin sa kwarto ko para makapagpahinga".saad ni teddy.
Pagkababa ko ng kotse napatingin ako sa kanya na nagtataka dahil ang sabi nya mag uusap kami tapos bigla sasabihin na magpahinga na ako.
"Akala ko mag uusap tayo a-about sa laman ng bag ko at sa USB ko"saad ko habang lakad takbo na sumusunod sa kanya papasok ng bahay.
"Kailangan mong magpahinga sweet heart,mamaya tayo mag uusap okay".saad ni kuya teddy at iniwan na ako.
Nakatayo lang ako sa may pintuan at nakasimangot dahil sa naiinis ako .iniisip ko yung dalawang baril dahil hindi sa akin yun,at yung USB na sinuksuk sa bulsa ko ng anak ni boss hindi ko pa nga natitingnan kong anu ang laman ng USB.
"Iha kailangan mong magpahinga".ani manang rosa at inakay na ako papasok ng bahay.
Naiiyak talaga ako sa inis pagkapasok ko ng kwarto
"Manang wala po ba si mommy lou"?tanung ko.
"Mamayang hapon pa sila darating kasama ang nanay mo,sa company na nagtatrabaho ang nanay at mga kapatid mo".saad ni manang.
"Iwanan mo na ako manang kaya ko na sarili ko".saad ko bago pumasok ng bathroom para maligo.
Pagkatapos ko maligo at magbihis ay lumabas na ako ng bathroom.nakaramdam ako ng hilo pero saglit lang naman baka dahil kalalabas ko lang ng hospital kaya nahiga na lang ako sa mahabang Coach sa paanan ng kama ni kuya teddy.hinayaan ko lang na nakabalot ng tuwalya ang buhok ko dahil wala naman akong balak na matulog.nagising na lang ako sa ingay at sa hangin na tumatama sa ulo ko.namulatan ko si kuya teddy nakabihis ito ng pang alis habang tinutuyo ang buhok ko.
"ako na"saad ko at simangot na bumangon at kinuha ko sa kanya ang blower.
Hindi ito kumibo nakatingin lang sa ginagawa ko.
hindi pa masyadong natutuyo ang buhok ko pero tinigil ko na at itinago ang blower sa loob ng drawer dahil nangangalay na ako.
simangot akong naglakad palabas sana ng kwarto dahil sa inis na nararamdaman ko ngunit hinarang ako ni kuya teddy at niyakap ng mahigpit.nagpuniglas ako at malakas ko syang naitulak at tumama sya sa coach.galit ko syang tiningnan bago ako lumabas ng kwarto nya.
**************TEDDY***************
Umaasa ako na darating si shin kahit sa huling araw ni daddy.pero wala natapos ang na libing at lahat pero wala sya.hindi ko makuntak ang phone nya at hindi rin alam ng kaibigan nyang si Elaine kung saan sya tumutuloy.hindi rin sya nagpunta sa graduation nya,kahit ang mga kabanda nya walang alam kung nasaan sya.subra akong nag aalala sa kanya ng dahil sa nagawa ko tuluyan syang lumayo sa akin.
Nag resign ako sa pagiging police ko dahil mas kailangan ako sa company dahil ayoko naman na mawala ang company na pinaghirapan ng daddy na itayo.hanggang isang araw inatake sa puso si tito Albert at hindi nito nakayanan.araw gabi akong pumupunta at nagbabaka sakali na makita ko si shin pero bigo ako.hanggang isang araw nagdadrive ako pauwi galing opisina ng makatanggap ako ng text galing kay Elaine.
"Kuya teddy tumawag si shin,papunta sya dito ngayon sa apartment ko kukunin daw nya mga document nya sa akin".text ni Elaine.
Hindi ako nag sayang ng kahit isang minuto papunta sa apartment ni elaine.naglalakad ako papasok ng lumabas si shin at paalis na sana.
"Sa loob na kayo mag usap".saad ni Elaine.
Kaya inakay ko kaagad si shin papasok para hindi na ito makatanggi pa.
"Haharapin ko kayong lahat pero wag ngayon dahil ayokong makapagsalita na pagsisisihan ko sa huli hayaan mo munang mawala ang galit sa puso ko"mga salitang masarap marinig pero napaka lungkot.
Pero maghihintay ako hanggang sa maging okay sya.
Hindi ko inaasahan na makikita ko sya sa huling lamay ni tito Albert nahimatay sya ng makita nya na nasa kabaong na ang tatay nya.
"Ako dapat ang nandyan hindi ikaw,dapat ako na lang".mga salita na nagdurog sa puso ko.dahil sa pagnanais nyang mamatay na, mabuhay lang ang tatay nya kahit hindi ito naging mabuting ama sa kanya.
Hanggang sa nakatulog sya sa kakaiyak ng magising inasikaso ko sya para sana pakainin pero nadurog ulit ang puso ko ng sigawan nya ako.
"kaya ko,kaya ko ang sarili ko at kakain ako pag gusto ko"
Hindi ako kumibo nag sorry ako sa kanya at hinayaan sya.umalis ako at plano na hindi na magpakita sa kanya kahit kailan. sa araw ng libing ni tito Albert nasa malayo lang ako para hindi nya makita.nagsi alisan na ang lahat at gumagabi na pero nandoon pa rin sya at umiiyak hanggang sa bigla syang sumalampak ng upo sa lupa kaya lumapit na ako,ng bigla na lang syang nanghina sa mga bisig ko.niyugyog ko sya ngunit wala ng malay kaya dinala ko sa pinaka malapit na hospital.halos 24hours syang walang malay kaya nag aalala na ako ng subra.pinakiusapan ko ang doctor na gawin lahat ng kailangang gawin para maging maayos si shin.
"okay naman lahat Mr.alarcon subrang pagod gutom at puyat lang ang dahilan kaya nawalan sya ng malay"saad ng doctor.
"maraming salamat doc."pasalamat ko kay doc.
tuloy tuloy na ang pag galing ni shin hanggang sa nagising sya maganang kumain at sumigla na sya hanggang sa pauwi na kami, nakaramdam ako ng gutom kaya dumaan ako sa isang fastfood at nagdrive thru.subrang natutuwa ako dahil pakiramdam ko bumalik na kami sa dati malaya ko syang nayayakap at nahahalikan, kumain kami ng burger habang nasa byahe at dahil nagdadrive ako kaya sya nag volunteer na subuan ako at dahil maliit na lang ang hawak nyang burger hindi sinasadyang nakagat ko ang daliri nya.okay na ang lahat hanggang sa napansin nya ang kanyang backpack at kinuha nya muna backseat at nalaman nyang wala ng laman.kinakabahan ako pero sinabi kong tinago ko lang at pag uusapan namin pagdating sa bahay.kaya ngayon naiinis na naman sya sa akin kaya naitulak nya ako at tumama ang tuhod ko sa coach.ang gusto ko lang naman ang makapagpahinga sya ng sapat bago namin pag usapan ang mga dapat na pag usapan.
lalo na ang tungkol sa USB nya
na isang kremen ang nilalaman at ayoko rin ang trabahong pinasok nya dahil napaka dilikadong tao si don. Miguel Villafuerte.