"wag kana magalit sa akin sweet heart please".malambing na saad ni kuya teddy sabay yakap sa akin.
"Kung may trabaho ka kuya gawin mo na at please lang din wag mo na akong inisin".saad ko at nagpumiglas sa pagkakayakap nito.
Hindi ito kumibo pero lalong humigpit ang pagkakayakap sa akin,mga ilang minuto ay lumuwag na at hinagod ang likod ko.
"Mamaya tayo mag usap,tayong dalawa lang okay, susunduin ko lang sila mommy at tita Remy".saad ni kuya teddy.
Pagkatapos akong halikan sa noo at sa pisngi ay umalis na ito.nakaramdam akong kaba sa sinabi nyang kaming dalawa lang ang mag uusap.
"Nakita nya na kaya ang laman ng USB"?tanong ko sa aking sarili.
Hindi ako mapakali kakaisip ng maaari naming pag usapan mamaya kaya hindi ko na napansin ang paglipas ng oras at nakapasok na sila nanay sa bahay at kung hindi pa pinitik ni kuya Bryan ang noo ko hindi ko pa malalaman na nasa harapan ko na sila,konot ang mga noo at nagtataka sa akin.
"Hoy!"sigaw ni kuya Bryan sabay pitik sa noo ko.
"Aray!punyet..."naputol ang pagmumura ko sana ng makita ko sila sa harapan ko.
"Sige ituloy mo!"pagbabanta ni kuya Alex.
"Dapat nagpapahinga ka di ba, kagagaling mo lang sa hospital lakad ka ng lakad mabinat ka".paninirmon ni kuya Alex.
Napabuntong hininga na lamang ako para kahit papaano ay mawala ang kabang nararamdaman ko pero lalo lang akong kinabahan ng makita ko si kuya teddy na nag aalala ang tingin sa akin.
"May problema ba anak"tanong ng nanay.
"Wala po nay naisip ko lang kasi si mia"pagdadahilan ko.
"Maayos naman sya iha nakausap ko si sally kahapon at inaupdate nya ako lagi".saad ni mommy lou.
Napatango na lang ako dahil wala akong maisip na sabihin pa.
"Wag ka muna mag isip ng mag isip anak magpahinga ka muna ng maayos para hindi ka mabinat"saad ni nanay at inakay ako para maupo.
Saktong pagkaupo ko ay pumasok si kuya teddy at nagkatinginan kami at pairap kong binawi ang tingin ko dahil kinakabahan talaga akong hindi ko maintindihan.
"Sa kwarto ka magpahinga sweet heart mabibinat ka sa ginagawa mo"bulong ni kuya teddy ng Lumapit sa akin at humalik sa pisnge ko
Nakaupo lang ako sa sopa walang kibo at hindi ko pinansin ang sinabi ni kuya teddy.
Si nanay pumunta sa kusina sya daw ang magluluto ng dinner,samantalang si mommy lou magpapahinga daw.at ang dalawa kong kapatid nakita kong sumunod kay nanay sa kusina.
"Lalakad papunta sa kwarto o bubuhatin pa kita"ani kuya teddy na masama ang tingin sa akin.
"Wag mo na akong inisin please,napapagod na ako sa kakahiga sa kwarto mo".inis na saad ko habang kumakamot sa ulo.
"But you need rest sweet heart,dahil next week may tatrabahuhin tayo".anito sa seryosong tono.
Napakunot noo ako at napaisip sa sinabi ni kuya teddy.
"Anung trabaho ang sinasabi mo "?tanong ko.
"Ang gusto ko lang sa ngayon makapagpahinga kang mabuti para mabawi mo ang lakas mo dahil kailangan malakas ka next week,pag usapan natin mamaya kaya magpahinga kana please,"saad nito sa malambing na boses.
Curious ako sa pinagsasabi ni kuya teddy kaya sumunod na lang ako,simangot at walang kibo na lumakad papuntang kwarto.nilock ko ang pintuan pagkapasok ko para hindi makasunod si kuya teddy dahil nakakainis na sya.
Nagising ako na may makulit na humahalik sa mukha ko at may mabigat na nakapatong sa akin .
"Dinner time baby"anito na walang tigil kakahalik sa mukha ko.
"Anu na naman,sabi mo magpahinga tapos inaabala mo naman pamamahinga ko,alis ang bigat mo".inis na saad ko sabay tulak.
"Syempre kailangan mong kumain paano ka lalakas kung tulog ka lang ng tulog,may gagawin tayo kaya kailangan malakas ka."saad nito.
Bumangon na ito at tinulungan din akong bumangon,pumasok ako ng bathroom para maghilamos at magtoothbrush.
At pagkatapos ay sabay na kaming lumabas ng kwarto pagdating namin sa kitchen kami na lang pala ang hinihintay.
"Hay salamat nagising din ang mahal na prensisa".pang aasar na turan ni kuya Bryan.
Hindi ako kumibo sa pang aasar ni kuya Bryan.tahimik lang akong kumain at pagkatapos ay binigyan akong dessert ni manang na si mommy lou daw ang gumawa kaya natakam ako pero ng makita ko na ito ay parang babaliktad naman ang kinain ko na hindi ko maintindihan.
pero pinilit kong tikman dahil binibida na ni nanay na masarap daw.kaya lang tuluyan na akong naduwal kaya mabilis akong tumayo at tumakbo papunta sa lababo at nagsuka ng nagsuka.
naramdaman kong hinahagod ni kuya teddy ang likod ko at inabutan din akong tubig.pagkatapos kong magsuka nanghihina akong pinaupo ni kuya teddy at pinunasan ang mukha ko gamit ang laylayan ng t-shirt nya.
Tahimik ang lahat at walang kibong nakatingin lang sa akin.
"What!"inis kong tanong.
Ngunit wala pa rin kumibo nakatingin lang at sabay pang ngumiti sila nanay at mommy lou.
"Anu po ang nangyayari bakit mukhang masaya pa kayo?"tanong ko.
"Sweet Heart alam na nila ang tungkol sa atin sinabi ko na sa kanila".saad ni kuya teddy.
"Anung tungkol sa atin bakit hindi ko alam?"nagtatakang tanong ko.
"Yung pinag usapan natin sa hospital,tungkol sa atin na mahal kita at bubuo tayo ng pamilya soon".saad ni kuya teddy.
Hindi ko alam pero nakaramdam akong inis kay kuya teddy.tiningnan ko sya ng masama bago ako tumayo at walang salita na iniwan silang lahat sa kusina naiinis na pumasok ako sa kwarto at pabalibag na isirado ang pinto.maya maya ay pumasok si kuya teddy at may dalang tubig pinatong sa center table at umupo ito sa tabi ko.
" sweet heart"?tawag nito sa akin.
Hindi ako kumibo dahil naiiyak na ako sa hindi ko malaman na dahilan,naramdaman kong hinahagod nito ang likod ko kaya hindi ko na napigilan ang mapahikbi ng tuluyan.niyakap lang ako nito ng mahigpit habang hinahagod ang likod ko,panay din ang halik sa balikat ko at sa pisngi ko.
"Everything will be okay sweet heart".saad nito.
Bumitaw ito ng yakap at pinunasan ako ng luha,nakangiti itong humalik sa noo ko,sa ilong at sa labi ko.
subrang kabog ng dibdib ko habang hinahalikan nya ang labi ko.hindi ko alam kung anu ang gagawin ko parang biglang lumambot lahat ng buto ko,napapikit ang mga mata ko at kusang bumuka ang labi ko at gumanti ng halik sa kanya gumalaw din ang kamay ko payakap sa batok nya,ng bigla itong tumigil sa paghalik.
"Mahal na mahal kita sweet heart".nakangiting turan nito.
Tipid na ngiti lamang ang naging tugon ko.
"Hinihintay nila tayo sa living room sweet heart,".anito.
"Nahihiya ako aasarin lang ako nina kuya"nakangiwing saad ko.
"Hindi ka nila aasarin sweet heart"anito sabay hila sa akin at pinaupo ako nito sa kandungan nya.
Niyakap nya ako mula sa likuran at pasimpleng hinahaplos ang tiyan ko.
"I love you so much baby"saad nito habang dahan dahan na hinahaplos ang tiyan ko.
Parang gustong gusto ko yung paghaplos nya sa tiyan ko biglang naging payapa ang pakiramdam ko at parang inaantok ako sa haplos nya kaya sumandal ako sa dibdib nya at pumikit.
"Are you okay sweet heart".tanong nito.
Nakangiti lang akong tumingin sa kanya at tumango.
"Harapin na natin sila para maging okay na ang lahat dahil marami pa tayong pag uusapan".anitong nakangiti.
Nakangiti din ako sa kanya pero lutang ang pakiramdam ko at iniisip ko halik nya.akmang tatayo na ako ng pigilan nya ako at hinawakan sa magkabilang pisngi at hinalikan na naman ako sa labi tumugon ako sa halik nya kaya napayakap sya sa akin ng mahigpit.
"Baba na tayo"saad ko ng tumugil ito sa paghalik.
Isa pang mariin at makapigil hiningang halik bago ito tumayo at inalalayan ako palabas ng kwarto.
Nasa hagdan na kami ng marinig kong nagtatawanan sila sa sala kaya napakapit ako sa braso ni kuya teddy.
" Hindi ka nila aasarin sweet heart promise". anitong nakangiti.
Tipid lang akong ngumiti,at naglakad na papunta sa sala.
"So kailan na ang kasal bunso"?bungad na tanung ni kuya Bryan sa akin.
Samantalang tahimik lang ang lahat,
" Pinagsasabi mo"?saad ko habang pinapaupo ako ni kuya teddy
"Shin sinabi na sa amin si kuya teddy ang tungkol sa inyo"saad naman kuya Alex.
"Wala",saad ko.
Nangunot naman ang mga noo nila sa sinabi ko.
"Anung wala"?sabay na tanong nina mommy lou at nanay.
"Mommy,tita Remy wala pa po kami pinag uusapan ni shin tungkol sa kasal,ang gusto lang namin ipaalam sa inyo na okay na kami"saad ni kuya sabay kabig sa akin at halik sa gilid ng ulo ko.
"Hindi naman kami nagmamadali mga anak ang gusto lang namin ay maayos kayo".ani mommy lou.
"Akala ko pa naman kasalan na,makatulog na nga maaga pa pasok ko bukas"ani kuya Bryan sabay tayo at hakbang paakyat ng hagdan.
Sumunod na rin si kuya Alex kaya kami na lang nag nasa living room.nag usap pa kami sandali dahil maraming bilin sa amin sina mommy lou at nanay.nakakatuwa lang parang bumalik kami sa dati na maraming bilin tuwing mag uusap kami.at nagbago lang dahil mas naging mas mabuting kapatid ang dalawa kong kuya.malayo sa dating sila na tuwing sasaktan ako ni tatay ay pinagtutulungan din ako ng dalawa kong kuya para pagsabihan,murahin at maliitin.
Hindi nagtagal at pumasok na rin sa kwarto sina mommy lou at nanay dahil inaantok na daw sila kaya kami ni kuya teddy ang naiwan sa living room.
"So girl friend na kita ngayon sweet heart"?biglang saad ni kuya teddy.
"H-ha"?saad ko.
Tumawa ito at niyakap ako,
"Ang sabi ko girl friend na kita ngayon,bingi ka na ba"?natatawang turan nito.
Konot noo at nakalabi akong tumitig ako sa kanya,akmang hahalikan nya ako sa labi ngunit umiwas ako.nakalabi din syang tumitig sa akin.
"Kailangan ko pa ba manligaw sweet heart".seryosong saad nito.
"Try mo baka sakaling maging totoo ang sinasabi mong girl friend mo ako".saad ko na nagpipigil ng tawa.
Tatayo na sana ako ngunit humigpit pa lalo ang yakap nito sa akin.
"Bitaw na hindi ako makahinga".pagpupumiglas ko.
Ngumiti lang ito at lalong humigpit pa ang yakap nito sa akin.
"Bitaw na please,ang hirap huminga",pakiusap ko.
Ngumiti lang ito at hinalikan ako sa labi hindi ako nakaiwas kaya hingal na hingal ako ng makawala sa halik nya.
"Tayo na"saad nito.
"Paano ako tatayo hindi mo naman ako binibitawan",naiinis na saad ko.
"I mean girl friend na kita ngayon",anito.
Napatanga ako sa pinagsasabi nya bubuka pa lang ang bibig ko para magsalita ngunit nahuli na naman nito ang labi ko.nagpumiglas ako dahil nakita ko si manang na palapit sa amin pero hindi binitawan ni kuya teddy ang labi ko.hanggang sa makita ko si manang na bitbit na ang try at mga pinagkapehan galing sa sala.patuloy lang akong hinahalikan ni kuya teddy hanggang sa naramdaman kong lumalakad na ito at buhat buhat nya ako paakyat ng hagdan.nadadala na ako sa mga halik nya at kunti na lang bibigay na ako.hanggang sa kwarto ay hinahalikan pa rin ako ni kuya teddy.at namalayan ko na lang na nakahiga na ako sa kama at nakapatong na sya sa akin.
"K-kuya"saad ko.
Tumigil ito sa paghalik sa tumitig sa akin.
"Mahal na mahal kita sweet heart"saad nito at panay na naman ang halik sa labi ko.
"H-hindi ko alam...hindi ko matapos ang sasabihin ko dahil panay ang halik nito sa labi ko at napapatugon ako sa ginagawa nya.hanggang sa gumapang ang halik nito papunta sa leeg ko at sa balikat ko.
"Hhmmmm",ungol ko dahil sa nadadala na ako sa ginagawa nya.
Tumigil ito sa paghalik sa leeg ko at bumalik sa labi ko,at maya maya ay tuluyan ng tumigil nakatitig lang kami sa isat isa.
"So girl friend na ba kita ngayon sweet heart"nakangiting turan nito.
"Ewan ko sayo nakakainis ka",saad ko
"Nakakainis yung sinabi ko o yung pagtigil ko sa ginagawa ko"?nakngising tanong nito sabay siksik ng mukha sa leeg ko.
"K-kuya naman marami tayong pag uusapan di ba"?saad ko sabay tulak sa kanya.
"Basta sabihin mong girl friend na kita titigil na ako".saad nito at panay na naman ang halik sa leeg ko at kinakagat ng marahan.
"O-o...oo na!" utal na saad ko.
Natigilan ito sa paghalik sa leeg ko at nakangiting tumitig sa akin dahan dahang lumapit sa labi ko sabay ng paglapat ng mga labi namin ay tumulo din ang mga luha nya napapikit ako at tumugon sa halik nya.pagkatapos ng mahabang halikan namin ay nakayakap lang sya sa akin at panay naman ang iyak nya.