Tigil na,nakakabakla kaya ang pag iyak".saad kong nakalabi
Napatingin ito sa akin at titig na titig yung (BAKLA PALA TITIG)kaya naman tinakpan ko ang mata nito gamit ang kamay ko.natawa ito at dinampian ako ng magaang halik sa labi.
"pag usapan na natin ang mga dapat na pag usapan kuya".saad ko habang hinahaplos ang kabilaang pisngi nya.
"okay but first of all stop calling me kuya from now on"saad nito habang tinutulungan akong bumangon.
"Eh anung itatawag ko sayo"? seryosong tanong ko.
"Teddy or sweet heart much better". anitong nakangiti.
"Okay"sagot ko.
Nakangiti itong yumakap sa akin at binuhat ako kaya ng umupo sya sa coach ay nasa kandungan nya ako nakaupo.at hindi na naman sya tumigil sa kakahalik sa akin kahit saan na lang basta makahalik.
"S-sweet Heart mag uusap tayo di ba"saad ko habang tinutulak ko sya.
Natigilan ito at nakangiting tumitig sa akin ngunit bigla na lang akong siniil ng marubrub na halik sa labi at gumagapang na rin ang kamay nito.nadadala na ako sa mga halik at haplos nya,bumaba na sa leeg ko ang labi nya at nasa dibdib ko na ang isang kamay nya at ang isa ay nasa likod ko.natauhan ako ng umungol ito at naramdaman kong natanggal na ang hook ng bra ko.
"S-sweet heart"saad ko at pinigilan ko rin ang kamay nyang ipapasok na sana sa loob ng short ko.
"Sorry sweet heart nadala ako,and thank you dahil sinaway mo ako".saad nitong nakayakap pa rin sa akin at inaayos ang pagkakahook ng bra ko sa likod.
"I love you"saad nito pagkatapos ayusin ang damit ko.
Tipid lang akong ngumiti sa kanya dahil ang totoo hindi ko pa sigurado kung ano ang nararamdaman ko.
"So anong gusto mong unahin na pag usapan natin sweet heart"tanong nito.
"Tungkol muna sa atin?"sagot ko na patanong.
"Ayaw mo ba"?malungkot na tanong nya rin.
"Hindi naman sa ayaw,kaya lang seryoso ba talaga tayo rito"?saad ko.
"Seryoso ako sayo sweet heart at pagkatapos ng mission natin pakakasal tayo kung papayag ka".saad nito.
"Parang ang bilis naman ku-i mean sweet heart".utal na tugon ko.
Nakangiti lang ito at titig na titig sa akin at sa isang iglap ay nasa labi ko naman ang labi nya.
"Seryoso na kasi halik ka ng halik eh"inis na saad ko
"Seryoso ako sweet heart hindi ko lang talaga matiis na hindi halikan ang lips mo,im sorry".anito.
"Hindi ako ready sa kasal sweet heart,wala namang duda na mahal din kita pero gusto kong naramdaman yung mas malalim na pagmamahal at saka bata pa ako gusto ko muna maging malaya gusto ko munang makilala ang totoong ako"saad ko.
"Okay,but im getting old sweet heart,syempre gusto ko naman makita ang sarili kong lahi bago ako mamatay.malungkot nitong turan.
Natawa ako sa mga sinabi nito kaya naman naisipan kong biruin.
"Makakarami akong asawa pag nagkataon".saad kong nagpipigil ng tawa.
Biglang nangunot ang noo ni kuya teddy at galit na binuhat ako papunta sa kama at basta na lang akong tinapon na parang unan at mabilis syang umibabaw at galit na nakatitig sa akin at nasa akin din ang lahat ng bigat nya.
"sweet heart nagbibiro lang ako,ang bigat mo naman please".saad ko.
"Seryoso ako sweet heart at hinding hindi ka mag aasawa pag namatay ako".anitong galit pa rin.
"Binibiro lang naman kita"saad ko sabay yakap sa kanya.
Isang yakap lang naging maamo ulit ang galit nitong mukha at umalis na rin sa pagkakadagan sa akin.
"So okay na tayo"tanong ko.
Ngumiti lang ito at kinabig ako papunta sa dibdib nya at niyakap ng mahigpit.
"Pag usapan naman natin ang mission na sinasabi mo dahil sa Monday balik trabaho na ako".saad ko.
"Mag resigned kana sa trabaho mo sweet heart sa company kana lang mag work,be my sexytary".saad nitong tumatawa.
"Hindi pwede sweet heart nakaperma na ako ng kontrata at saka hindi ako sexy maganda lang ako".saad ko at nagkatawanan kami.
"Ilegal yun sweet heart kahit yung firearms permit to carry mo peke din,pinavitrified ko na, yung laman ng USB katakot takot na kremen naka file na rin ang kaso para kay don.miguel at sa lahat ng sangkot sa video, anytime next week ikakasa na ang operations para marescue ang mag iina ni don Miguel na inaabuso nila.
at ang masakit sweet heart si don Miguel ang biological father mo".mahabang paliwanag ni kuya teddy.
Gulat na gulat ako sa mga sinabi nya lalo na ang tungkol sa biological father ko.
"A-anung kremen"tanong na lumabas sa bibig ko.
"Ibig sabihin hindi mo pa nakikita ang laman ng USB sweet heart"?tanong nito.
"Magtatanong ba ako kung alam ko"naiinis na sagot ko.
"Okay come here"tumayo ito at hinila rin ako patayo.
Sa office table nya sa kwarto umupo sya sa swivel chair at binuksan ang kanyang laptop nakatayo ako sa likuran nya at nakamata sa ginagawa nya.pinaupo nya ako sa kanyang kandungan para panuurin ang videos mula sa USB.
Umpisa pa lang ng video nagulantang na ang buong system ko. Kaya napayakap ako kay kuya teddy at sinubsub ko sa dibdib nya ang mukha ko.
"Anu ba yan patayin mo!"sigaw ko.
"Akala ko papanuurin mo"natatawang turan nito.
"Hindi mo naman kasi sinabing bastos ang laman ng video"inis na saad ko at pinag kukurot ko sya sa tiyan at sa tagiliran nya.
"Sorry na sweet heart my fault"saad nito na hindi binibitawan ang dalawa kong kamay.
"Oo na patayin mo na yan kundi ikaw ang papatay ko"inis na saad ko.
natahimik kami pariho pagkatapos nyang patayin ang laptop.
"pwede mo bang sabihin sa akin kung anung klasing kremen ang nasa USB".
"Sweet Heart kanina ang sabi mo patayin ko ngayon naman gusto mong ikwento ko sayo anu ba talaga". anitong seryosong nakatingin sa akin.
"Eh hindi ko kayang panuurin".saad ko.
Nakatingin lang ito sa akin at hindi nagsalita,maya maya ay tumayo na at humiga sa kama.
hindi na ako nagpumilit pa na sabihin nya sa akin.walang kibo na lumabas na lang ako ng kwarto dahil nakaramdam ako ng inis sa hindi nya pag pansin sa akin.
Lumabas ako at sa likod bahay ako tumambay kahit maghahating gabi na,iniisip ko kung paano ko naging biological father si don Miguel.kailangan ko silang harapin at aalamin ko ang katotohanan.
Hindi ko na namalayan pa ang oras nagulat na lang ako ng may yumakap sa akin mula sa likuran ko.
"Sweet Heart" saad ni kuya teddy na nakasiksik ang mukha sa leeg ko.
Hindi ako kumibo at hindi ko sya pinansin,nanatili akong nakasubsub sa dalawa kong tuhod.maya maya ay niyuyogyog nya ako.
"Anu na naman,kuya teddy please gusto ko lang mapag isa pwede po ba"?inis na tanong ko.
"Sorry kanina sweet heart antok lang t..."
"Then sleep!"agaw ko sa sasabihin nya.
ilang minutong tahimik kami ngunit hindi rin nakatiis si kuya teddy kaya pagalit ang boses na pinagsabihan nya ako.
"sweet heart malamig at mahamog dito sa labas kalalabas mo lang ng hospital". anitong nasa boses ang authoridad.
Kaya tumayo na ako walang kibong pumasok sa loob ng bahay at deretso sa kwarto.sumalampak akong upo sa coach at pumikit para hindi na mangulit pa si kuya teddy.
naramdaman kong pumasok ito ng banyo at hindi ko na namalayan pa ang paglabas nya dahil nakatulog na rin ako sa coach.nagising ako kinaunagahan na nasa kama na nakahiga.
At nakaupo si kuya teddy sa tabi ko habang may kinakalikot sa kanyang cellphone,ng makita nya akong gising na binitawan nya agad ang cellphone nya at agad na dumukwang sa akin para halikan ako sa noo.
"Morning sweet heart".malambing na saad nito.
Nag inat lang ako at nagtalukbong ulit ng kumot,medyo tinatamad pa akong bumangon kaya pumihit ako patalikod sa kanya.
"Get up sweet heart may pupuntahan tayo".saad nito at kiniliti ako sa tagiliran.
"Hindi ako sasama"saad ko habang nagpupumiglas.
"Samahan mo na ako please".paglalambing pa nito
"Saan ba kasi pupunta"?inis na turan ko.
Hindi ito nagsalita seryoso lang na nakatitig sa akin.
"What"singhal ko.
"I love you"sagot nya pero sa malungkot na boses at awra ng mukha.
"May problema ba"?tanong ko.
"Nothing,i have to go sweet heart"saad nito.
Hindi ako nakakibo sa inasal ni kuya teddy,galit ba sya o nagtatampo na ewan.at walang lingon na lumabas ng pintuan.bumangon agad ako at pumunta sa banyo para maligo.mabilisang ligo lang pagkatapos magbihis ay bumaba agad ako pero hindi ko na sila naabutan nakaalis na daw sabi ni manang at magkakasama silang lahat.
"Manang saan daw ba sila pupunta,wala bang bilin sa akin"?tanong ko.
"Bukod sa dalhan kita ng pagkain sa kwarto nyo wala na".ani manang
Bumalik ako sa kwarto pero hindi na ako mapakaki kakaisip bakit lahat sila umalis wala naman trabaho pag sabado.
sa kakaisip napagdesisyonan kong lumabas maglakad lakad mag mall kahit papaano, kaya nagmadali akong nagbihis.dala ang maliit kong backpack na may lamang wallet at cellphone.hindi ko nakita si manang kaya hindi na ako nag paalam.
sakay ng tricycle papunta sa sakayan ng jeep papunta sa mall.habang sakay ng jeep papuntang mall napansin ko agad ang dalawang lalaking sumakay masyadong malikot ang kanilang mga mata.nakaupo ang isa sa may pintuan lang ng jeep at ang isa ay sa likuran ng driver.pamilyar sa akin ang mga senyasan nila at mga tinginan kaya nagduda na ako na may gagawin silang hindi maganda kaya lumipat ako ng upuan sa malapit sa driver kaharap ng isang lalaki sa likuran ng jeepney driver.ng magsenyasan ulit ang dalawa naghanda na ako.bumunot ng baril ang lalaki at tinutok sa driver sabay sigaw ng holdap.
samantalang yung lalaki sa may pintuan ay kutsilyo lang ang gamit at nakatutok sa batang katabi sa upuan.
buong lakas kong sinipa ang kamay ng lalaking may hawak na baril,nabitawan nya ang baril at tumilapon ito mabilis kong sinalo at ipinutok sa balikat ng isang lalaking may hawak na kutsilyo.nabitawan na nito ang hawak na patalim kaya sa isang lalaki ko naman itinutok ang baril na hawak ko.Gulat na gulat ang mukha ng dalawang lalaki sa ginawa ko.nakita ko rin na kinuha ng isang lalaking pasahero ang kutsilyo at tinapon sa ilalim ng upuan.
"Manong deretso mo sa police station"saad ko habang nakatutok sa lalaki ang hawak kong baril.
Namimilipit sa sakit ang isang lalaki at sigaw ito ng sigaw.
"Dalhin nyo ako sa hospital parang awa nyo na ayoko pang mamatay".sigaw ng lalaki sa may pintuan.
" Hindi ka pa mamamatay tanga"!sigaw ko sa lalaki.
"Mauubusan na akong dugo parang awa nyo na may sakit ang anak ko kaya ko ito nagawa"umiiyak at nagmamakaawa ang lalaki.
"gago ka pala eh,sa tingin mo matutuwa ang anak mo pag nalaman nyang gumawa ka ng masama sa kapwa mo para lang maipagamot mo sya".inis na saad ko.
Pagkatapos ng mga tanung sa akin ng police ay lumabas na ako ng station at sumakay ng jeep papuntang mall.wala naman akong maisip na puntahan kaya nag ikot ikot lang ako.
ng makaramdam ng gutom ay kumain ako at pagkatapos nag lakad lakad ulit hindi ko napansin ang oras ng makalabas ako ng mall ay madilim na sumakay ako ng taxi papunta sa apartment ni Elaine at doon ako tumambay hindi namin napansin na mag aalas dose na pala.kaya nagpaalam na ako kay Elaine na uuwi na.
sakay ng taxi pauwi ng tingnan ko ang cellphone ko walang text or missed call ang kahit sinu.
Isang araw na lang babalik na ako sa trabaho ko.kaya kailangan ko ng makuha ang baril ko kay kuya teddy.pero paano ko makukuha.
sa lalim ng pag iisip ko nagulat ako sa tanong ng driver na kung may plano pa daw ba akong bumaba.
ang sungit nasa tapat na pala ako ng bahay.hindi na lang ako sumagot pa nagbayad na lang ako at bumaba na ng taxi.
"Nakalock na ang gate,paano ako papasok nito".tanong ko sa aking sarli.
Nahihiya akong mag doorbell kaya umupo muna ako sa tabi ng kalsada at maya maya ay nakita kong bumukas ang ilaw sa kwarto ni kuya teddy.siguro inaabangan talaga ang pagdating ko.maya maya pa ay bumukas na ang gate.wala itong kibo tinalikuran lang ako.nilock ko ang gate pagkapasok ko at sumunod na sa loob.deretso ako sa kwarto at naligo pagkatapos ko magbihis lumabas na ako at nakita kong nakahiga na sa kama si kuya teddy pero may binabasa pa ito.
Nakakapanibago lang kasi hindi nya ako pinapansin mula kaninang umaga.
"Hi,saad ko ng makalapit ako sa kanya.
Ngumiti lang sya ng kaunti tapos nagbabasa na ulit.
"Galit ka ba sa akin?may nagawa na naman ba akong mali"?tanong ko.
Tiniklop nya ang binabasa at nilagay sa side table,humarap sya sa akin at malungkot ang matang nakatingin lang sa akin.hindi rin ako makapagsalita dahil hindi ko alam kung anu ang tamang salita na sasabihin ko.
Umupo sya sa kama at nakatingin pa rin sa akin na parang napakabigat ng dinadala nya.
Umupo ako sa kandungan nya at niyakap ko sya.
"Sorry"ang salitang lumabas sa bibig ko.
Ilang sandali pa ang lumipas bago nya ako niyakap ng mas mahigpit.
"Nakakatampo ka na sweet heart".saad nito sabay kagat sa leeg ko.
"Anu ba kasi yun,basta mo na lang ako hindi pinansin".tanong ko.
"40 days ni daddy ngayon hindi ka sumama tapos pagdating namin kanina wala ka at walang nakakaalam kung saan ka pumunta".saad nito na may kasamang kurot sa tagiliran ko.
"aray naman,sana kasi sinasabi mo rin kasi hindi naman ako manghuhula".inis na turan ko.
"Galit ka".tanong nito.
"Hindi,tuwang tuwa ako". sagot ko.
"Pilosopa" saad nito sabay higa sa kama.
Kasama ako ng humiga sya kaya nasa ibabaw nya ako.
"Bati na tayo"? nakangiting tanong ko.
Umirap lang ito na parang babae sabay hablot ng tuwalya sa ulo ko.
"Patuyuin mo ang buhok mo bago ka matulog babae ha", anito sa seryosong boses.
"Matutuyo din yan".sagot at gumulong na ako sa tabi nya.
"Sweet Heart gamitan mo na ng blower para madaling matuyo,inaantok na ako eh.go!"utos nito.
"Oo na mamaya ".sagot ko at dumapa na ako ako sa pwesto ko.
Hindi ko na namalayan kong tinuyo ko pa ba ang buhok ko o hindi na.nagising ako sa mabigat na nakapatong at sa makulit na halik ng halik sa akin.
"Wake up sweet heart nagyayaya magsimba sina mommy at nanay". anito habang walang sawa ng kakahalik sa akin.
"Nanay?sinong nanay?" nagtatakang tanong ko.
"Nanay Remy sino pa ba".saad nito.
"Kailan ka pa naging anak ni nanay kuya teddy"?takang tanong ko.
"Magiging mag asawa tayo soon kaya nanay ko na rin ang nanay mo,bumangon kana at maligo para maaga tayo and stop calling me kuya again".anito at nauna ng bumangon.
"paano pag nakalimutan ko at natawag kitang kuya"tanong ko habang bumabangon.
"kakagatin ko yang lips mo hanggang sa maubos,maligo kana hintayin kita sa baba".saad nito at lumabas na ng kwarto.