KAIRO ALAS HACIERDO P.O.V Nang makabalik ako sa palasyo ay agad akong nagtungo sa aking ama at ina, ngunit bago pa ako makarating sa kanila ay hinarang na ako ng anak ng asawa ng aking tiyuhin na kapatid ni Ama. Kung tutuusin ay hindi naman talaga kami nito magkadugo dahil nga anak ito sa unang asawa ng tiyuhin ko kumbaga ituring nalang itong anak dahil sa labis na pagmamahal ng aking tiyuhin sa kanyang asawa. "Anong kailangan mo sa akin Corrine?" Tanong ko dito dahil aking alam na lahat ay gagawin nito upang hindi matuloy ang kasal namin ni Venus na hindi ko hahayaan na gawin nito. "Bakit Mahal na prinsepe Kairo,hindi ka ba natutuwa na nandito na ako ngayon sa iyong harapan?" Naiinis ako sa tono ng boses nito ngayon na sindyang gawing malambing upang ako ay akitin nitong muli na minsa

