KAIRO ALAS HACIERDO P.O.V Pagkagaling sa pagpupulong ng mga opisyal ng palasyo ay agad na din ako na nagtungo papunta sa tahanan ng mga Sazer,kung saan naghihintay na sa akin ngayon ang aking magiging reyna kapag ipinasa sa akin ng ama ang kanyang trono bilang hari ng emperyo ng Konan na isa sa mga kinikilalang kaharian ngayon dahil sa galing ng aking amang hari sa pagpapalakad at pagiging masunudin na rin ng mga taong nasasakupan nito na sana ay kung ano ang suporta na binibigay nila sa aking ama ay sana ganun din sila sa akin bilang susunod na hari nila. Habang papunta sa tahanan ng mga Sazer ay iniisip ko si binibining Venus ang babaeng itinakda na maging aking asawa at susunod na magiging reyna.. Unang pagkikita pa lamang namin nito ay nabighani na ako sa gandang taglay nito na an

