Denis Lindsey Point of View
"Mukhang nag-eenjoy ka sa amo mo ah" sersyosong sabi ni Powell sakin habang naglalakad kami papuntang poso.
"Powell diba napag-usapan na natin ang tungkol dito? Hindi ko naman siya pwedeng iwasan dahil anak siya ng amo ko" pagtatanggol ko sa sarili ko.
"Lyndsey hindi mo ba nahahalata na gusto ka niya! At hindi ko gusto yung mga ginagawa niya sayo" matigas na sabi ulit niya.
"Powell malabong mangyari na magkagusto sakin si Sir Yvan. Huwag mo ngang bigyan ng malisya ang pagsama ko sa kanya" giit ko.
"Malabo? Eh bakit ako? Nagkagusto ako sayo kahit na alam kong malabo! Lindsey nagseselos ako. Ayoko ng nagkakasama kayo"
"Bakit Powell ako ba natanong mo kung ano nararamdaman ko kapag magkasama kayo ni Danica? Natanong mo ba kung nagseselos ako? Hindi ko lang masabi kasi alam ko mali. Alam ko wala akong karapatan kasi nakikihati lang ako sa oras mo" mahabang paliwanag ko sa kanya.
Nilapitan niya ako at niyapos niya ako.
"Sorry Beyb.. nabwelo lang ako. Kapag okay na lahat makikipaghiwalay na ako sa kanya para maging maayos na relasyon natin" pang-aamo niya sakin.
"Hindi ko naman sinasabing hiwalayan mo siya Powell. Mali iyon. Ako ang unang magagalit sayo kapag ginawa mo yun. Huwag mo ng dagdagan pa ang pagkakamaling ginagawa natin" kontra ko sa sinabi niya.
Wala na siyang nasagot sa sinabi ko. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at sinumulan nanaman niya akong halikan. Ito ang isa sa mga ginagawa namin ni Powell na hinahanap hanap ko. Napapikit ako dahil sa sensasyong nararamdaman ko.
"Mahal na mahal kita Lindsey..." mahinang sabi niya nung bahagyang umawang ang nga labi namin at muli niyang pinagdikit. Bigla akong napatigil sa pagganti ng halik nung biglang nagpicture sa isipan ko ang mukha ni Sir Yvan. Napicture ng isipan ko na siya ang kahalikan ko kaya natigilan ako sa ginagawa ko.
"Bakit?" Takang tanong ni Powell sakin.
"Wala... balik na tayo... baka hinahanap na tayo don" sabi ko sa kanya.
"Teka hindi pa ako nakakapag-ugas" kontra niya.
"Huwag na. Alam ko naman na gumawa ka lang ng paraan para makausap ako" nakangiti kong sagot sa kanya.
Sinabayan niya ako sa paglalakad at kaagad na pinagdikit ang kamay naming dalawa.
"Tabi tayo matutulog mamaya ha" ngising sabi niya habang naglalakad kami pabalik.
"Hindi pwede noh! Katabi mo si Danica. Baliw ka talaga!" -Ako.
"E di sisimplehan natin" mapang-akit niyang sabi sakin.
"Ikaw talaga! Napaka-ano mo! Simplehan mo mukha mo!" Inis na sagot ko sa kanya.
"Bahala ka. Lagot ka sakin mamayang gabi. Gagapangin kita" patuloy na pang-aasar niya sakin.
"Tumigil ka nga Powell Jake! Umayos ka na. Malapit na tayo" -Ako.
"Ayos na ayos na nga ako eh" -Siya.
"Yung kamay ko bitawan mo na" pasimpleng sabi ko sa kanya at saka lang niya binitawan nung ikinakawag ko na ang kamay ko.
"Oh, ayan pala sila. Tara na para makapag-ayos para makapunta tayo sa palengke" sabay turo samin ni Lorenze.
"Let’s go" salubong sakin ni Sir Yvan at inakay ako sa kamay dahilan para mapatingin nanaman sakin si Powell. Jusko naman. Katatapos lang namin mag-usap tapos ganoon nanaman siya makatingin sakin.
.
.
"Woooooooow! Ang daming pagkain!" Napakasayang bungad ni Lorenze nung makita ang mga pagkaing nakahanda sa bakuran namin.
"Patay gutom ka talaga kahit kailan!" Puna sa kanya ni Danica.
Hindi lang kami ang nandito.
Nandito sila Tito Roy kasama ang mga tropa niya kabilang na si Makoy. Nandito rin ang ibang mga kababata ko kasama si Iza. Grabe! Parang fiesta!
"Sey dito kayo maupo oh" sabay turo ni Tito Roy sa parihabang lamesa.
Matapos yun ay pumunta na kami don ng mga kasama ko at naupo na kami. Hinainan kami ng maraming pagkain nila Tito Roy. Namiss ko ang mga ganitong pagkain kaya talaga susulitin ko na ang gabing ito.
Magkatabi kami ni Sir Yvan sa upuan. Kaharap namin si Danica na katabi si Powell. Sa magkabilang dulo naman ay si Mike at si Lorenze.
Napansin kong nakatingin lang si Sir Yvan sa mga nakahaing pagkain. Halatang hindi niya alam kainin at hindi siya pamilyar sa mga pagkaing nasa harapan namin.
"Sir ito try mo po kainin. Masarap to" sabay kuha ko ng ginataang kuhol. Napansin ko ang pagkadisgusto sa mga mata niya nung nilagyan ko siya.
"Ganito kainin yan Sir oh" sabay kuha ko ng isa at sinundot ko iyon ng maliit na stick at kinain ko.
"Ang sarap Sir! Eto dali oh" sabay kuha ko uli at inistick ko at sinubo ko sa kanya.
"Diba masarap Sir?" Nakangiting tanong ko sa kanya.
Tango lang ang sinagot niya sakin.
Nagsimula na kaming kumain. Mukha ngang hindi sanay kumain ng nakakamay si Sir dahil halos maglaglagan ang mga kinakain niya sa twing isusubo niya ang pagkain. Kaya ang nangyayari minsan ay ako ang nagsusubo sa kanya ng ulam o ng ibang pagkain na nasa harapan namin. Kasama naman sa trabaho ko iyon diba?
"Ang sweet niyo naman Denis. Siguro may gusto ka kay Yvan noh?" Nakangiting pansin sakin ni Danica. Bigla akong napatigil sa ginagawa kong pagkuha sa kuhol at inilapag ko iyon sa harapan ni Sir Yvan.
"Sir eto po. Kayo na po ang gumawa nito" ani ko sa kanya at nagpatuloy na ako sa pagkain ko. Napansin yata ni Danica na naapektuhan ako sa sinabi niya kaya hindi na uli siya nagkomento sa ginagawa ko.
"Pagpasensya niyo po ang alak namin dito" sabay lapag ni Tito Roy ng napakaraming Lambanog sa lamesa namin.
"Wooooow!" -Lorenze.
"Lakas tumama yan! Masarap yan!" - Danica.
"First time ko makakainom neto" - Mike.
Si Sir at si Powell? Tamihik. Haaay.. awkward na nga eh.
Nagsimula na kaming mag-inom. Si Lorenze ang tanggero. Mas maganda daw kasing paikutin ang tagay para daw walang dayaan na mangyari. Para daw pantay pantay ang inom ng alak.
"Denis alam mo ang laki ng pinagbago simula nung hindi ka na nagsasalamin" -Lorenze.
"Oo nga! Ang cute mo lalo. Saka alam mo mas bagay sayo ang hairstyle na parang pang-korean" sabay naman ni Danica.
Hala! Ganoon na ba kapanget ang buhok kaya napansin ang buhok ko? Pero subukan ko nga kayang magpagupit? Wala naman masama kung itry ko diba?
Bukas na bukas din pupunta ako sa bayan para makapagpagupit sa parlor. Magagaling naman gumupit dun sa bayan kesa dito sa lugar namin. Takte! Barbero!
"Bhe sabi nga pala ni Daddy isama daw kita sa Quezon. Dadalaw daw kina Lola" pag-iiba ni Danica sa usapan.
Nagpatuloy na kami sa inuman. Hanggang sa pinagdugtong na nila Tito ang lamesa namin at lamesa nila. Nagkakatuwaan na kasi eh. Ang saya nga. Pati mga kaibigan ko nasasayahan narin.
"Nga pala bakit hindi niyo hinahayaan na maligo sa ilog itong si Denis?" -Lorenze.
"Ayy naku! Sir dati kasi nagkayakagan ang magkakaibigan maligo sa ilog. E alam naman niya na siya lang ang nag-iisang hindi marunong lumangoy dito. Nainggit kina Iza at lumambitin sa lubid na nakatali sa puno. Ayun nakabitaw dahil nasaktan ang kamay. Nahulog sa gitna ng ilog. Buti nalang ay mabilis na nasagip nitong si Koy kung hindi inanod na yan sa kabilang ibayo" mahabang kwento ng walang pakundangang tiyuhin ko. Pinapahiya ako neto ah!
"Ilang beses na rin muntikan maaksidente yan dito, buti nalang ay palaging nandito si Koy" sabay akbay ni Tito kay Makoy.
"Syempre naman Tiyo si Sesey pa! Dapat nga inuwe ko na yan dati sinama lang ni Nana ee" masayang kwento ni Makoy.
"Kokoy!" Suway ko sa kanya. Ayoko kasi malaman ng mga kaibigan ko yung tungkol samin ni Kokoy. Tapos nanaman kasi yun. Saka nandito ang boyfriend ko. Ayoko naman pati nakaraan ko ay pag-awayan namin.
"Mga Sir, Mam, pagpapasensyahan niyo na po si Sey kung minsan ay toyoin. Sumpungin po talaga yan. Umabot kasi ng 42 ang lagnat niya dati. NATIPUS!" Sabay tawa ni Tito Roy.
"Tito naman eh... pinapahiya mo ako sa kanila.." nakanguso kong sabi.
"Ayos nga po si Denis eh. Ang saya kasama. Mabait at malambing" -Danica.
"Malambing talaga yan. Kaya nga Mah-"
"Mark Lewis!" Suway ko.
Napatigil si Koy sa pagkukwento.
"Ano Koy? Buong pangalan na yan! Kaya tumigil ka na!" Pang-aasar ni Kuya Jun.
Nagpatuloy ang kwentuhan namin. Nakakarami na nga kami ng lambanog eh. Ang sarap kase pero ramdam ko na na may tama na ako ng alak.
"Tama na inom.. laseng ka na" sita sakin ni Sir Yvan nung napansin niyang medyo nahilo ako sa dahil sa pagkakaupo ko. Pumasok kasi ako sa loob at umihi ako.
"Shir! Ako paaa! Malakass yata to oh!" Sabay angat ko ng braso ko.
"Lindsey umupo ka na at mamaya ka na uli mag-inom" sita naman ni Koy.
"Hoy Kokoy! Tumigil ka ngaa! Kala mo shaken mahinaa!" - Ako.
Ewan ko ba kung bakit lakas ng tama sakin ng lambanog na ito. Lumingon ako sa katabi ko. Nakatingin sakin si Powell. Wala si Danica. Nasa loob at nagamit ng CR.
"Shot Lorenze daliiii!" -Ako.
Nung aktong aabutin ko na ang baso ay pinigilan ako ni Sir Yvan.
"Diba sabi ko sayo tama na. Hindi ka ba marunong makinig sakin!" Galit na sabi sakin ni Sir Yvan.
Nakakapikon! Bakit ba ang bossy bossy niya! Porket amo ko siya! Baka hindi niya nakakalimutan ang ginawa niya sakin! Nakakainis!
Nilapag ko ang baso sa lamesa.
"Hoy Yvan Marcus Hernandez! Baka nakakalimutan mo ang ginawa mo shaken nung nasa resort tayooo at kahapon na nasa kotse tayo!!" Diretsong sabi ko habang nakaharap ako sa kanya.
Napansin kong natigilan sa pagbalik sa upuan si Danica at naramdaman kong nakatingin sakin ang mga kasama ko.
"Sige! Mamili ka Yvan Marcus! Iinumin ko itong alak o hahalikan mo ako dito!"
Yvan Marcus Hernandez Point of View
Nagulat ako sa biglang sinabi ni Denis. Hindi na niya ako tinawag na Sir at ang lakas ng loob niyang sabihin sa harap ng maraming tao yung ginawa ko sa kanya sa resort at sa loob ng sasakyan ko.
Ganito ba talaga itong taong ito kapag nakakainom?
Sige! Ikaw ang naghamon sakin kaya huwag kang magrereklamo sa pipiliin ko Denis Lindsey!
"Lindsey! Tigil na!" Narinig kong saway ulit nung tinatawag nilang Koy. Hindi naman ako manhid para hindi mapansin yung kakaibang pakikitungo at tono ng pananalita nung Koy na iyon kay Denis.
"Astig ni Denis oh!" Komento ni Lorenze.
Dinampot ko ang inilapag na baso ni Denis at mabilis kong ininom iyon. Matapos kong ilapag ang baso ay bigla akong tumayo at inilapit ko ang mukha kay Denis hanggang sa maglapat ang aming mga labi.
"Whoooohhhh...." narinig ko mula sa mga kasama ko.
Shit! Ang lambot ng labi niya. Hindi ko alam kung ilang segundo tumagal ang pagkakalapat ng labi ko sa kanya dahil sa kakaibang pakiramdam ko.
Napatulala siya sakin nung maghiwalay ang labi namin.
Teka.. ano ba sasabihin ko?
Dapat hindi maging awkward.
"Satisfied? Kaya tama na ang inom" sabi ko sabay balik ko sa upuan.
Napansin ko ang mga mata ni Pj na nanlilisik. Nakatitig siya sakin. Bakas sa mukha niya ang galit na nararamdaman dahil sa ginawa kong paghalik sa boyfriend niya. Kay Denis.
Yung Tito naman ni Denis ay napatahimik at seryosong nakatingin lang kay Denis.
"Bhe san ka pupunta!!?" Tanong ni Danica nung biglang tumayo si Pj at alam kong sinadya niyang sagiin ang lamesa para maiparamdam ang galit sakin. Wala kaming narinig na sagot mula kay Pj.
"Hayaan mo na yun. Baka dala lang ng alak. Iba rin kasi ang tama ng lambanog" segunda naman ni Mike kay Danica nung aktong tatayo ito.
"Ikaw Yvan ha! Ayos ang ginawa mo! Kinikilig tuloy ako" ngiting sabi sakin ni Danica.
"Yvan shot mo na oh" sabay abot ni Lorenze ng baso.
Si Denis naman ay tahimik nalang na nakaupo sa tabi. Nahulasan na ata ng tama ng alak dahil sa ginawa ko sa kanya.
"Oh, bakit natahimik ka Denis? Diba pinapili mo kanina si Yvan?" Pang-aasar ni Lorenze."Pasensya na.. excuse punta muna akong CR" mahinahong sagot niya at kaagad tumayo at naglakad papalayo.
Sabay sabay napatingin sa kanya ang mga kasama namin. Napansin ko nga rin ang makahulugang tingin ni Mike sa kanya.
"Excuse... sundan ko lang si Denis. Baka hindi na kaya ang tama ng alak" sabi ko sa kanila at sumunod na agad ako.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa harapan ng bahay. Doon ko kasing nakitang dumaan si Denis.
"Nananadya ka ba talaga Lindsey! Diba sinabi ko naman sayo na ayokong magkakalapit kayo ni Yvan! Tapos ganun pa ginawa mo!" Narinig kong malakas na sigaw ni Pj.
Wala akong naririnig na kahit na anong sagot muka kay Denis. Siguro nagsisisi siya sa nangyari. Pero ako wala akong pinagsisisihan sa ginawa ko. May parte nga sa katawan ko na nagsasabing gusto ko pang maulit yung nangyari saming dalawa.
"Lindsey ayokong bigyan mo ng pagkakataon si Yvan para lalo kang magustuhan. Sakin ka Lindsey. Akin ka" narinig ko nanaman kay Pj.
Tanginang lalake to ah! Wala siyang pakialam kung gusto ko si Denis. Lakas ng loob ng lalakeng itong angkinin si Denis samantalang siya may karelasyong iba! Siraulo tong lalakeng ito! Bahagya akong sumilip sa kanilang dalawa.
"Lindsey mahal kita. Natural magselos ako. Natural magalit ako. Kung pwede nga lang na huwag na tayong bumalik sa Cavite at dito nalang tayong dalawa eh" narinig kong sabi niya habang nakayapos kay Denis. Napansin ko ang pagpupunas ni Denis ng pisngi niya. Naiyak siya.
Iniharap ni Pj ang mukha ni Denis sa mukha niya.
"Lindsey... alam ko mahirap itong sitwasyon natin.. pero promise magiging maayos rin tayo.." bahagya siyang tumigil sa pagsasalita at pinagdikit niya ang noo nilang dalawa.
"Makikipaghiwalay na ako kay Danica..." dugtong niya.
Umawang ng kaunti si Denis. Siya naman ngayon ang humawak sa mukha ni Pj.
"Powell wag... wag na natin dagdagan pa ang maling ginagawa natin.." mahinahong sabi ni Denis.
"Please... ayos na yung ganito.. saka hindi naman tayo nakakasigurado kung tayo tal-"
"Lindsey mahal kita.. mahal na mahal kita..." putol ni Pj.
Niyapos siya ni Denis.
"Ayoko ng maulit yung nangyari kanina ha... umiwas ka na kay Yvan" -Pj
"Powell... Gusto kong maging honest sayo... pero huwag kang magagalit ha..." sabi ni Denis. Mukha ngang may tama ng alak. Iba kasi yung tono ng pananalita niya.
"Ano yun?"
"Gusto ko si Sir Yvan..." biglang bumilis ang t***k ng puso ko nung marinig ko iyon mula sa kanya. Pakiramdam ko ay gusto kong tumakbo papalapit sa kanya at halikan ulit siya.
"Lind-"
"Oooops! Wag magalet. Gusto lang naman.. saka ikaw nga may Danica eh... saka mawawala din to. Nandiyan ka naman ee" makulit na pigil ni Denis sa dapat na sasabihin ni Pj.
Tangina! Ano ba tong nararamdaman ko. Nawala bigla ang tama ng alak sakin.
"Mahal mo ako?" Tanong ni Pj.
Tanginang lalake to ah!
"Syempre naman..." malambing na sagot ni Denis.
"Kung mahal mo ako... tara sa loob na tayo... nasa labas naman lahat sila..." mapang-akit na yaya ni Pj kay Denis.
Tangina talaga tong lalakeng to ah! Mukhang hindi ko yata gusto ang gusto nitong gawin kay Denis!
Kusang kumilos ang katawan ko ay naglakad ako papalapit sa kanilang dalawa.
"Sir?" Gulat na bungad ni Denis.
"Let’s go back... kanina pa kayo hinahanap don" diretsong sabi ko sa kanilang dalawa.
"Nananadya ka talaga Yvan noh!? Hindi kami babalik don! Saka pwede ba dapat alam mo kung hanggang san ka lulugar alam mo naman na ma-"
"Pre kanina ka pa hinahanap ni Danica. Bumalik ka na don. Baka makita pa kayong magkasama dito" biglang sulpot ni Mike sa likuran namin.
"Lindsey sumunod ka na agad sakin" bilin ni Pj habang nakatitig sakin.
Kinuha ko ang kamay ni Denis at sinabay ko na siya sa paglalakad pabalik. Sa loob dumaan sila Pj at dito naman kami sa labas dumaan ni Denis.
Tahimik lang si Denis habang naglalakad kaming dalawa.
"Sir pasensya na nga po pala sa nangyari kanina.. dala lang po ng alak" seryosong sabi niya sakin.
"Hindi yun dala ng alak Denis. Ginawa mo yun kasi may nararamdaman ka na sakin. Pareho tayo ng nararamdaman" serayosong sagot ko rin sa kanya at tumigil ako sa paglalakad at humarap ako sa kanya.
"I like you Denis... and I'm starting to love you..." -Ako
"Sir..."
Hinawakan kong muli ang magkabila niyang pisngi at muli kong inilapat ang labi ko sa napakalambot niyang labi.
"Halika ka. Aalis muna tayo" sabi ko kay Denis habang nakatingin ako sa labas. Hindi kasi ako makatingin ng diretso sa kanya ngayon.
"Saan po tayo pupunta Sir?" Takang tanong ni Denis.
Hindi na ako sumagot pa sa tanong niya. Inantay ko nalang na kusa siyang tumayo at sumama sakin. Nung napansin kong papunta na siya sakin ay pasimple akong sumabay sa kanya.
"Seatbelt mo" bilin ko bago ko tuluyang pinaandar ang sasakyan ko. Napansin kong nakatingin samin si Pj mula sa beranda. Nakasimangot at halatang naiinis nanaman sa nakikita niya samin ni Denis.
"Nga pala Denis yung nangyari kaga-"
"Okay lang yun Sir. Lakas din ng tama ko sa nainom natin. Nasakit pa nga po ang ulo ko eh" putol niya sa sasabihin ko. Halata ko naman sa kanya na iniiwasan niyang mapag-usapan yung nangyari saming dalawa. Alam ko hindi ako laseng kagabi. Alam ko rin na nawala na ang tama ng alak kay Denis kaya sigurado akong alam niya lahat ng nangyari.
Magsasalita pa sana ako nung biglang tumunog ang cellphone ni Denis at kaagad niya itong sinagot.
"Babalik kami agad. May bibilihin lang kami sa bayan" narinig kong sagot niya.
"Oo na. Magpahinga ka na muna. Marami kang nainom kagabi. Sige na. Mamaya nalang" huling sabi niya at itinago na niya agad ang kanyang cellphone sa bulsa niya. Sigurado naman akong si Pj ang tumawag.
Matapos kong i-park ang sasakyan ko ay bumaba na kami ni Denis. Na-search ko nanaman sa internet ang lugar na ito kaya may ideya na ako sa pupuntahan ko.
"Goodmorning po Sir" bati samin nung nagbukas ng pintuan.
"Sir sa labas nalang po ako. Antayin ko nalang po kayo dun" sabi sakin ni Denis.
"Miss pakiasikaso siya" sabi ko sa babae na mag-assist samin sabay turo ko kay Denis.
"Sir ayoko po. Saka pagbalik nalang po sa Cavi-"
"Lakad na" putol ko.
"Miss yung ganito oh" dugtong ko sabay turo ko sa nakita kong model sa magazine. Wala ng nagawa si Denis. Nakaupo na siya sa harap ng isang malaking salamin at ginugupitan at inaayos ang kanyang buhok.
"Denis lalabas lang ako" paalam ko at hindi ko na siya inantay sumagot.
Naupo ako sa unahan ng sasakyan ko. Nagsindi ako ng sigarilyo.
Ayaw kasi mawala sa isipan ko ang mga nangyari kagabi. Seryoso ako sa sinabi ko sa kanya.
Ngayong alam ko na may nararamdaman para sakin si Denis ay dapat gumawa ako ng paraan para mas lumalim pa iyon. Kailangan mailayo ko siya kay Pj. Bwiset yang Pj na yan!
Natigil ako sa pag-iisip nung biglang tumunog ang cellphone ko.
Yvan punta kayo ni Denis nextweek. Birthday ko. Sa bahay tayo. -Luis.
Hindi ko na muna iyon nireplyan. Kahit naman umayaw ako ay pipilitin pa rin ako ng mokong na yun. Saka alam ko naman na hindi ako ang gusto niyang makita kundi si Denis. Langya. Dami ko kaagaw kay Denis ah!
Hindi ko napansin na nakadalawang sigarilyo na pala ako. Dami kasing pumapasok sa isipan ko eh. Matapos yun ay bumalik na ako sa loob ng salon.
Mukhang nasa loob si Denis at sinashower ang buhok. Iba na kasi ang nakaupo sa kaninang inuupuan niya eh. Muli kong dinampot ang magazine na binabasa ko kanina at tiningnan ko uli ang article na binabasa ko dun.
Napalingon ako sa lumabas dun sa loob ng shower room. Akala ko si Denis. Aktong ibabalik ko ang tingin ko sa magazine nung biglang tumayo yung nakaupo sa kaninang inuupuan ni Denis. Napatulala ako dun. Dun napunta ang atensyon ko.
Shit.
Totoo ba itong nakikita ko?
Si Denis ba to?
"Sir..."
Korni man o baduy mang sabihin pero.. Pero s**t!!!
"Sir Yvan!" Medyo malakas na tawag niya sakin habang nakatitig ako sa buong katawan niya dahilan para mapabalik ako sa katinuan.
"Denis..." mahinang sagot ko sa kanya habang nakatingin parin ako sa mukha niya.
"Sir mahalay ba?" Takang tanong niya.
"No... Bagay.. Let’s go" medyo nautal kong sagot.
"Sir teka babayaran ko muna po" -Denis.
"Bayad na kanina pa... Tara na.. Kakain pa tayo ng lunch" sabay hila ko sa kaliwang kamay niya.
Hanggang sa makarating kami sa sasakyan ko ay hawak hawak ko ang kamay niya. Kundi nga lang niya sinabi sakin ay hindi ko na binitawan yun.
Napapatitig pa rin ako sa kanya habang nakain kami. Ewan ko ba. Tangina! Ang lakas lalo ng dating sakin ni Denis.
"Sir thankyou nga po pala. Sige po ayusin ko lang po yung gamit natin. Pupunta po tayo sa ilog eh" sabi niya sakin at kaagad na siyang bumaba ng sasakyan.
Naiwan akong tulala sa loob ng sasakyan ko. Gusto ko sana hawakan ang kamay niya at pigilan sa pagbaba ngunit huli na dahil nakababa na siya ng sasakyan ko.
Tangina. Sigurado na ako.
Denis Lindsey Point of View
"Sey ipatikim mo sa mga kaibigan mo itong niluto ni Koy na ginataang laing at sinigang na alimasag ha" sabi ni Tito habang inaayos namin ang pagkain.
Nandito kami ngayon sa tabing ilog. Huling araw na pag-stay namin ngayon dito sa probinsya namin dahil napag-usapan namin kagabi na bumalik na kami sa Cavite. May kanya kanya kasing lakad itong mga kaibigan ko eh. Mas okay na rin yun kasi baka lalong magkagulo pa dahil sa iringan ni Powell at Sir Yvan. Hindi nga nagpapansinan ang dalawa eh. Buti hindi napapansin ng iba naming kaibigan maliban kay Mike. Hindi ko pa nakakausap si Mike pero balak ko talagang kausapin siya pagkabalik namin sa Cavite.
"Tara na guys! Ligong ligo na ako!" masayang sigaw ni Danica samin.
"Taraaaaaaaa!" malakas na sagot naman ni Lorenze habang hawak hawak ang inihaw na manok.
"Oooops Sey! Hindi ka pwede maligo sa ilog" pigil sakin ni Koy nung aktong lalakad ako palapit sa mga kaibigan ko.
"Matanda na ako Koy saka mababaw naman ang ilog ngayon oh" sabay turo ko sa kanya.
"Kahit na hin-"
"It’s okay. Nandito ako. Ako bahala sa kanya" biglang singit ni Sir Yvan at mabilis hinawakan ang kamay ko at iginiya papunta sa ilog.
"Tsss.." reaksyon naman ni Powell at sumunod na rin samin papunta dito sa ilog. Tiningnan ko si Powell at pinaparating ko sa kanyang huwag na siyang gumawa ng pwedeng pagawayan uli nila ni Sir Yvan.
"Ang saya at ang ganda dito Denis... Promise sa bakasyon ulit babalik kami dito" sabi ni Danica habang kinukuyakoy ang dalawang paa sa tubig.
"Oo nga Denis. Ang sasarap din ng pagkain dito" singit naman ni Lorenze na nakalusong sa tubig.
"Denis kanina ko pa napapasin, para iba ka ngayon. Ang ganda mo... Bagay sayo ang ayos mo ngayon" puri sakin ni Danica.
"Mukhang inlababo ka Denis ah..." kantiyaw naman ni Lorenze.
"Naku hindi po. Nagpagupit lang po ako ng buhok at medyo nag-ayos ng konti" sagot ko naman sa kanila pero sa totoo lang natutuwa ako sa mga komento nila.
"Yvan dapat pagbalik natin sa Cavite eh i-date mo na yang si Denis. Baka mamaya maunahan ka pa ng iba" sabi ni Danica kay Sir Yvan matapos umupo sa tabi ko.
Nginitian lang siya ni Sir Yvan.
"Bhe lika na dito. Masama pa rin ba pakiramdam mo?" pagtawag ni Danica kay Powell.
Halatang halata kay Powell na wala siya sa mood. Mukhang malaki ang naging epekto ng hindi nila pagkakaunawaan ni Sir Yvan. Ramdam ko rin na ako ang may kasalanan. Pero sa totoo lang hindi ko na alam ang dapat kong gawin. Gusto ko na ayaw ko ang nangyayari.
“Sir excuse lang po…” paalam ko kay Sir Yvan ang tumayo ako.
Huling araw na namin dito sa probinsya namin at sigurado akong matagal na uli bago ako makabalik dito.
“Koy…” pagtawag ko sa kanya. Naupo ako sa tabi niya habang patuloy siya sa pagkuyakoy sa tubig.
Hindi ko alam kung paano ko sisimulan sabihin sa kanya ang lahat. Hindi ako makaisip ng tamang salita upang masimulan ko ang matagal ko ng gustong sabihin sa kanya.
“Siya na ba?” diretsong tanong niya sakin habang nakatuon ang tingin niya kay Sir Yvan.
“Koy… humihingi ako ng sorry sa nangyari dati… sa biglaang pag-alis ko. Alam ko kasalanan ko. Alam ko rin ang pagkakamaling nagawa ko sayo…” panimula ko.
“Ang dami ng nagbago Koy…” dugtong ko.
“Pati nararamdaman mo nagbago na Sey…” mahinahong sagot niya.
“Sorry Koy…” tanging nasabi ko sa kanya.
“Sey naiintindihan kita. Pero sana kung ano man ang magiging desisyon mo ay dapat maging masaya ka. Yun lang masaya na rin ako” -Koy
“Sa totoo lang Koy kahit ako naguguluhan na rin eh. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang sundin ko” sabi ko ulit sa kanya.
“Pakiramdaman mo ang sarili mo Sey. Kung saan ang alam mong masaya ka, yun ang gawin mo. Huwag mong hayaan na may pagsisihan ka. Kasi kung masaya ka sa ginagawa mo at alam mong wala kang maling ginagawa, yun ang totoong masaya” mahabang paliwanag sakin ni Koy.
“Maraming Salamat Koy… Sigurado ako napakaswerte ng magiging girlfriend mo” nakangiti kong sabi sa kanya.
“Sayang noh… swerte ka sana” pabirong sagot niya dahilan para sabay kaming tumawa.
“Loko!” sagot ko at tumakbo ako sa ilalim ng puno. Naglakas loob ulit akong sumabit sa nakabitin na lubid.
“Sey!!!!!!” narinig kong malakas na sigaw ni Koy dahilan para mapunta sakin ang atensyon ng mga kasama namin.
Hanggang sa nakabitaw nanaman ako sa pagkakahawak ko sa lubid at bumagsak ako sa malalim na parte ng ilog. Ikinampay ko ang dalawa kong paa kasabay ng dalawa kong kamay. Naramdaman ko nalang na may brasong pumulupot sa itaas na bahagi ng katawan ko at namalayan ko nalang na nasa mababaw na bahagi na kami ng ilog.
“Okay ka lang Denis?” narinig kong tanong ni Danica.
“Diba sinabihan ka na huwag pupunta sa malalim!” pagalit na sabi ni Powell na naging dahilan ng panaglit na katahimikan ng paligid.
Tiningnan ko si Sir Yvan. Sigurado ako magagalit din siya sakin. Kita ko kasi sa mata niya.
“Nag-enjoy ka ba? Tara ulitin natin” nakangiting tanong ni Sir Yvan sakin. Ewan ko pero biglang tumulo yung luha ko sa narinig ko sa kanya. Napakasimple pero ramdam ko na sobrang sincere nung sinabi niya sakin.
“Huwag ka matakot. Diba sabi ko nandito ako” dugtong niya at umayos na kami ng pagkakaupo.
Inabot na kami ng hapon sa pag-aayos ng gamit namin. Madami kasing pinauwing pasalubong si Tito Roy. Muntik na ngang hindi magkasya sa sasakyan namin. May kaing ng manga, mais, guyabano at ibat ibang uri pa ng prutas.
“Ikumusta mo nalang ako kay nanay ha” bilin ni Tito Roy sakin.
“Maraming salamat po sa pagbisita dito samin. Sana ay naging masaya po kayo” dugtong ni Tito Roy habang nakatingin sa ibang mga kasama namin.
“Maraming salamat din po. Nag-enjoy po kami. Sa susunod po uli dadalaw po uli kami” nakangiting sagot ni Danica.
Napakabait ni Danica. Mas lalo akong nakakaramdam ng kunsensya ngayon. Palihim kong nilingon si Powell. Nakatingin siya sakin.
“Sey, huwag mong kakalimutan yung sinabi ko sayo ha” seryosong bilin sakin ni Koy.
“Mam, Sir, huwag nyo pong papabayaan si Sey ha…” dugtong ni Koy.
“Naku! Ikaw talaga Ko-”
“Syempre naman! Akong bahala Koy!” putol ni Sir Yvan sa sasabihin ko kasunod nun ay ang paggulo niya sa buhok ko.
“Sirrrrrrrrr!” gigil na reaksyon. Ang hirap hirap ayusin ng buhok ko tapos guguluhin lang niya!
“Sige na po. Mahaba haba pa ang biyahe namin. Ingat din po kayo” Singit ni Mike sa masayang usapan namin.