Chapter Ten

4377 Words
Powell Jake Ricafrente Point of View   Powell Jake Point of View "Paalis nko ng bhay beyb.. mmya n aq mgttxt. Sa sskyan q sskay c Danica eh. Qng pde nga lng ikaw ang isabay q.. :(" text ko kay Lindsey. "Ok lng po. Alm mo nmn sitwasyon ntn eh. Ska issbay ak ni Sir Yvan" mabilis na reply na natanggap ko mula sa kanya. Kapag talaga naririnig ko ang pangalan ni Yvan na yan mula kay Lindsey, nabubwiset talaga ako. Ewan ko. Pakiramdam ko ay may kakaibang siyang pagtingin kay Lindsey. Lalake din ako kaya alam ko yung nga ganoong kilos. Sembreak na namin. Kaya tuloy yung napag-usapan namin dati na sa probinsya nila Lindsey kami magbabakasyon. Akala ko nga hindi pa matutuloy dahil nagbaback out si Lindsey nung isang araw, pero sa huli wala na siyang nagawa dahil sa pangungunsensya ni Danica. "Beyb pde b wag k msyado dumikit kay Yvan?" Text ko sa kanya. "Nku! Ngseselos k lng eh.. wala yun. Boss q yun kya bwat utos nun kailangan qng gawin" mahabang reply niya. Naputol na ang text namin dahil nagsimula na akong magdrive papunta sa napagusapang meeting place namin. Sa tapat ng Jollibee Tanza. Tumawag na nga rin sila Lorenze at Mike at sinabi nilang kanina pa sila nandun. Excited masyado! Si Lindsey naman at si Yvan ay on the way na. Ako? Eto dinaanan ko pa si Danica kaya sigurado akong kami ang huling makakarating. "Gusto mo munang kumain bhe?" Tanong sakin ni Danica habang inaayos ang shoulder bag niya. "Kumain na ako sa bahay. Saka dadaan tayo sa fast-food sigurado gawa ni Lorenze. Alam mo naman yun" sagot ko sa kanya sabay kuha ko ng maliit na bag niya at nilagay ko iyon sa compartment ng sasakyan ko. Sumakay na rin si Danica at pinaandar ko na ang sasakyan. Ilang sandali ang lumipas ay nakarating na rin kami sa tapat ng Jollibee. "Ano pa ba ang ginawa niyo ni Danica? Baket ngayon lang kayo?" Pang-asar na tanong ni Mike sakin. "Tumigil ka nga Mike!" Suway ko sa kanya. "Dumating na ba sila Yvan?" Agad na tanong naman ni Danica na nasa tabi ko. "Ah.. oo.. nauna pa mga samin eh. Nandun sa loob ng Jollibee" singit naman ni Lorenze na may subo subong burger. "Kanina pa kayo? Pasensya na. Ang haba ng pila sa loob eh" biglang sabi ni Yvan habang hawak hawak ang paper bag ng Jollibee. "Kararating lang din namin. So, shall we go?" Sagot naman ni Danica. Kanina pa pala kayo dito tapos di mo agad naisipan na bumili kanina! Bwiset na lalake to! "Denis na-download ko na yung way papunta sa Baler. Naiforward ko na rin kay Mike at Lorenze. Si Yvan nalang ang walang copy, kasama ka naman kaya pwede mong ituro sa kanya ang way" nakangiting paliwanag ni Danica. "Iforward mo nalang kay Yvan ang picture ng map pa-" "No, it’s okay. Kasama ko naman sa sasakyan ko si Denis. Madali na saming dalawa yun" biglang putol ni Yvan sa sinasabi ko. Aba! Talagang ginagalit ako ng tukmol na to ah! Nananadya ang hudyo! Tiningnan ko si Lindsey. "Let’s go" sabay hila ni Danica sa kamay ko. Sumakay na kami sa kanya kanya naming sasakyan. Bago ako tuluyang sumakay ay sinulyapan ko muna si Lindsey. Namimiss ko na kasi siya. "Beh nakita ko picture mo sa uploaded pictures ni Sean sa sss, Villa Nuevo ang hashtag niya" biglang sabi ni Danica habang tinatahak namin ang daan. "Ah Oo beyb niya-" "Beyb?" Takang putol niya sa dapat na isasagot ko. "Baket Bhe?" Patay malisya kong tanong. Takte naman! Si Danica nga pala ang kausap ko. Nasanay na kasi ako na beyb ang palaging tinatawag ko kapag kausap at kasama ko si Denis eh. "Ah wala.. nga pala, nakita ko din sa pictures si Denis. Magkasama kayong nagpunta don?" Mabilis na tanong uli ni Danica. Patay tayo neto! Bakit ba kasi upload ng upload agad ng pictures si Sean! Di man lang sinasabi sakin kung pwede o hindi. "Ahh... sinama ni Yvan si Lynd-Denis. Tapos ayun nagkataon na magkakakilala pala ang tropa" -Ako. Takte! Muntik nanaman ako don ah! Kailangan ko ng maging mas maingat. Baka lalong hindi kami makapagkita ni Lindsey. Ilang oras din ang lumipas nung napagpasyahan namin kumain muna sa isang fast-food. Medyo malayo pa kasi kami kaya siguradong magugutom kami kapag di pa kami kumain. "Denis ilang oras pa ba?" Tanong ni Lorenze habang patuloy sa pagkain mg tapsilog dito sa San Fernando. "Hindi ko po ma-estimate pero malayo pa po tayo. Madadaanan pa po natin ang Tarlac at Cabanatuan City" malambing na sagot naman ni Lindsey. Kahit gusto kong kausapin si Lindsey ay di ko magawa. Syempre naiwas din ako para walang makahalata sa mga ibang kasama namin. Ang nakakaalam lang naman ng relasyon namin ni Lindsey ay itong ugok na katabi ni Lindsey. Kapag nagkaroon talaga ako ng pagkakataon kakausapin ko itong luko luko na to. Personal kong sasabihin sa kanya na iwasan niya si Lindsey ko. Halata naman kasi sa kanya na may gusto siya kay Lindsey. Sorry ka nalang Yvan! Saken si Lindsey! "Ayy.. excuse me po... may nakalimutan lang po ako sa sasakyan.." biglang sabi ni Lindsey. "Ano yun? Ang layo ng parking lot" tanong naman ni Mike. "Nakalimutan ko po yung pitaka ko sa bag... wait lang po kukuha-" "Stay here. Ako na bahala sa pagkain natin." Mabilis na putol ni Yvan kay Lindsey. Wala ng nagawa si Lindsey kundi ipagpatuloy ang kanyang pagkain. Nakakapuno na tong lalakeng to ah! Humanda ka talaga saken. "Pre bakit ba kanina pa nakasambakol ang pagmumukha mo? May problema ka ba sa tapsilog?" Sita sakin ni Mike. "Oo nga pre. Kanina ka parin titig na titig kay Denis. Saka napapansin ko hindi kayo nag-uusap, magkaaway ba kayo?" Dugtong na tanong naman ni Lorenze.   Denis Lindsey Point of View Nabigla ako sa biglang tanong nila kay Powell. Takte! Eto na nga ba ulit ang sinasabi ko eh. "Sensya na.. medyo pagod lang ako. Masama kasi pakiramdam ko tapos sa biyahe pa" mahinahong sagot ni Powell at tinuon sa iba ang atensyon niya. Pakiramdam ko nga ay nakakahalata na ang iba sa mga kasama namin. Iba na rin kasi yung tingin minsan ng mga kaibigan ni Powell at yung way ng pagtatanong nila sakin. Matapos naming kumain ay bumalik na uli kami sa kanya kanya naming sasakyan. Malayo pa kasi ang biyahe kaya kailangan bilisan namin. Kapwa kami tahimik ni Sir Yvan sa loob ng sasakyan. "Denis... yung tungkol nga pala sa nangyari sa -" "Sir okay lang po iyon. Dala lang din po ng alak. Pasensya na rin po sa nagawa ko" putol ko. "No... let me explain... ginawa ko iyon kas-" Hindi ko na naintindihan ang sunod na sinabi ni Sir nung biglang tumunog ang cellphone ko. Kaagad kong dinampot iyon at sinagot ko yung tawag. Si Edz pala. Mukhang problemado sa girlfriend at pinapapunta ako sa kanila. Sinabi kong on the way kami sa Baler kaya hindi ako makakapunta sa kanila. Nagtatampo nga ang loko kasi hindi ko daw siya niyakag. "Promise nextime.." sabi ko sa kanya. "Lagi ka nalang ganyan. Haaay.. kasama mo nanaman si Pj noh?" Tanong niya sakin. "Hindi noh. Si Sir Yvan ang kasama ko. Promise nextime babawi ako sanyo. Overnight ako sanyo" -Ako "Ehem!" -Sir Yvan. "Ayy sige na.. tawagan nalang kita kapag nasa probinsya na ako. Huwag ka ng uminom ng uminom! Lagot ka saken! Bye" huling sabi ko kay Edz bago ko tuluyang in-slide ang end call. Napansin kong tingin ng tingin sakin si Sir mula sa salamin na nasa itaas. "Sir baka po maaksidente tayo.." sabi ko habang sa labas ko naman dinako ang tingin ko. Wala na akong narinig na salita mula sa kanya. Pumikit nalang ako hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. . . . "Denis..." "Denis......" "Denis...." Dahan dahan namulat ang mata ko dahil sa sunod sunod na pagtawag na naririnig ko. "Let’s go. Dinner tayo" sabi sakin ni Sir Yvan. Nilinga linga ko ang paligid. Madilim na pala. Hindi ko na namalayan ang oras dahil sa pagkakaidlip ko. "Malapit lapit na tayo. Mga tatlong oras nalang siguro" sabi ni Lorenze habang ngasab ngasab ang pritong manok. "Grabe! Ang sakit ng pwetan ko. Ang tagal pala talaga ng biyahe" segunda naman ni Mike. Tahimik lang ako habang nakain ako. Katabi ko si Sir Yvan at nasa harapan ko naman ang magsyotang si Danica at si Powell. Tahimik lang din si Powell at napapansin ko na panay ang tingin niya sakin. Takteng to nanaman! Baka mapansin nanaman ng mga kasama niya. "Sir excuse lang po. Kunin ko lang po ang cellphone ko sa sasakyan" dahilan ko para makaalis muna ako kahit saglit. Nag-aalangan kasi ako. Napapansin ko kasi si Mike na napapatingin na kay Powell. Tiningnan lang ako ni Sir at tumango. Tapos na rin naman akong kumain kaya dito ko nalang aantayin si Sir. Hihingi nalang ako ng pasensya mamaya kapag nagsimula na ulit kaking bumiyahe. Nakatayo lang ako sa likuran ng sasakyan ni Sir Yvan. Napapaisip. Medyo nakakaramdam na kasi ako ng pagkakunsensya sa tuwing magkakasama kami. Kay Danica. Halata kasi sa kanya na mahal na mahal niya si Powell, tapos wala siyang kaalam alam na may namamagitan samin ni Powell. Magkakaibigan pa naman kami. Kahit naman sakin mangyari iyon, napakasakit. Kaso napamahal na sakin si Powell. Tangina naman kasi. Bakit ba kasi nagkakilala pa kami sa school. Sana sa ibang school nalang ako pumasok sana hindi kami nagkakilala. "Mukhang malalim ang iniisip ng beyb ko ah..." bigla akong napalingon. "Powell bakit nandito ka?" Gulat na tanong ko sa kanya kahit na alam kong nagdahilan lang siya para sundan ako. "Bakit? Ayaw mo ba akong makasama?" Diretsong tanong niya. "Hindi naman.. kaso ramdam mo naman siguro na nakakahalata na sila.. ayoko naman na mapaha-" Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko nung bigla niya akong siniil ng halik. Mapusok. Nararamdaman ko ang napakalambot niyang labi na patuloy na sumisipsip sa ilalim na labi ko. "Imissyou so much Lindsey..." bulong niya nung bahagya niyang iniawang ang mga labi namin. Niyapos niya ako. Ramdam na ramdam ko ang emosyon na nararamdaman niya. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. "Lindsey... nagseselos ako kay Yvan. Ayokong magkasama kayo..." sabi niya sakin habang patuloy na nakayapos siya sa katawan ko. "Powell wala ka dapat ipagselos kay Sir Yvan. Amo ko yun. Saka napakalabo ng tinatakbo ng isip mo saming dalawa.. may girlfriend na yun at may boyfriend ako - at ikaw yun" mahabang paliwanag ko sa kanya. "Lakad na bumalik ka na dun. Sigurado akong hinahanap ka na ni Danica..." pang-aamo ko sa kanya. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Muli niyang inilapat ang labi niya sa labi ko. Damang dama ko siya. Dahil sa nararamdaman ko ay gumaganti na ako ng halik sa kanya. "Pj?" Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses. Kapwa kami nagulat ni Powell nung bumungad sa harapan namin si Mike na nakatitig saming dalawa. "Denis pumasok ka na sa loob ng sasakyan" biglang sulpot naman ni Sir Yvan sa likuran ko. Hindi ako makagalaw. Nakatingin lang ako kay Mike na halatang nagulat sa nakita niyang ginagawa namin ni Powell. "Mike... Mike ipapaliwanag ko..." sabi ni Powell. "Denis inuulit ko. Pumasok ka na sa loob ng sasakyan or else uuwe tayo ng Cavite ngayong oras na ito" matigas na sabi uli ni Sir Yvan sa likuran ko. Lumingon si Powell sa likuran ko at tinitigan si Sir Yvan. "Alam mo Yvan masyado ka ng nagiging pakialamero kay Lindsey. Ano ka ba niya? Baka naman may gusto ka sa kanya kaya ganyan ang pakikitungo mo sa kanya!" Matapang na sabi ni Powell. Lumapit si Mike kay Powell. Naramdaman niya siguro na may hindi magandang mangyayari. "Powell tama na.. napag-usapan na natin to..." pigil ko sa kanya. "Denis hindi mo ba ako naririnig. Pumasok ka na sa loob ng sasakyan" biglang lumanay na boses ni Sir Yvan. "Ano!!? Bakit hindi ka makasagot! Sinabi ko lang sayo Yvan - sakin si Lindsey! Kaya kung ano man ang binabalak mo itigil mo na dahil lalo lang tayong hindi magkakaayos" -Powell. "Pre tama na.." pag-away ni Mike. Naramdaman kong bigla na hinawakan ni Sir Yvan ang kamay ko at iginiya niya ako papunta sa harap ng sasakyan. "Lindsey mag-usap tayo" napakaseryosong sabi ni Powell. Bahagya akong tumigil. Kailangan nga yatang mag-usap kami. Ayoko ng ganyan si Powell. Napakaseloso kasi ni Powell. Aktong ihaharap ko na ang katawan ko sa kanya nung biglang dumating si Danica at si Lorenze. "Anong nangyayari dito?" Alalang tanong ni Danica at mabilis lumapit kay Powell. "Get inside the car... please listen..." mahinang sabi sakin ni Sir Yvan. "Ahh.. wala.. pinag-uusapan lang namin yung mga pwedeng puntahan sa Baler... tara.. tara na..." medyo nauutal na sabi ni Mike. Nakatingin pa rin si Powell saming dalawa ni Sir Yvan. Binuksan ni Sir Yvan ang pintuan at pinapasok na ako sa loob. Umikot naman siya at naupo na siya sa driverseat. Kapwa kami tahimik habang patuloy na siyang nagmamaneho ng sasakyan. "Sir... pasensya na po sa nangyari kanina.." nahihiyang basag ko sa katahimikan naming dalawa. Dahan dahan niyang itinigil ang sasakyan at itinabi niya. "Can I kiss you?" Diretsong tanong niya sakin.   Yvan Marcus Point of View "Can I kiss you?" Seryosong tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sakin kung bakit ako nagkakaganito ngayon. Naalala ko tuloy yung nangyari samin nung gabing magkasama kami sa isang room sa resort. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinalikan ko siya. Kakaiba yung nararamdaman ko sa katawan ko nung kasama ko siya. Natigilan lang ako nung biglang tumunog ang cellphone niya. Hindi na ako nagsalita non. Tinakpan ko nalang ang mukha ko dahil sa hiyang nararamdaman ko sa kanya. Nahihiya ako kasi parang nabastos ko siya. Pero sa totoo lang iba na yung nararamdaman ko sa kanya. Pinili ko itong kontrolin dahil alam kong mali pero wala akong laban sa puso ko. Talo ako ng nararamdaman ko. Kusang nalapit ang katawan ko sa kanya. "Sir..." mahinang tugon niya sakin habang nananatiling nakatingin lang sakin. Nararamdaman ko na ang mainit niyang paghinga. Inilapat ko ang labi ko sa labi niya. Ang lambot. Wala na akong nakikita dahil napapikit ako sa sensasyong nararamdaman ko. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi. Naramdaman ko nalang na umawang na ang labi niya sa pagkakalapat ng labi ko. "I'm sorry..." mahinang sabi ko at umayos na ako ng pagkakaupo. Tama nga. Tama nga ang pakiramdam ko. Napatunayan ko na sa sarili ko na gusto ko siya. Iba kasi yung pakiramdam ko habang magkalapat ang mga labi namin. Ang hirap ipaliwanag. Ang tanging masasabi ko lang ay may parang may kuryente na paikot ikot sa katawan ko. Ang sarap sa pakiramdam. Pinagpatuloy ko na ang pagmamaneho. Kapwa kami tahimik. Ang tanging naririnig ko lang ay ang tugtog na nagmumula sa component ng sasakyan ko. (Pls play - You take my breath away) Alam ko kaya umalis kanina si Denis sa loob ng fast-food ay dahil sa tingin na binibigay ni Pj sa kanya. Alam ko rin na hindi na siya babalik kaya ang ginawa ko ay tumayo ako at palihim akong sumunod sa kanya. Nagulat nalang ako nung nakita kong biglang dumating si Pj. Hinalikan niya si Denis. May kung ano ngang bagay ang tumusok sa dibdib ko. Ewan ko. Selos na yata ang nararamdaman ko. Kitang kita ko ang lahat ng nangyari. May isang parte nga sa isipan ko na hinihiling na sana ako nalang si Pj. Na sana labi ko nalang ang nakalapat sa labi ni Denis. "Sir yung cellphone niyo po..." bigla akong napabalik sa katinuan nung dalawang beses akong tinawag ni Denis. Tinuro niya yung cellphone ko. "Yvan pakitanong nga kay Denis kung lampas pa ng parke yung sa kanila?" -Danica. Tinanong ko agad si Denis. Pinaliwanag niya ang daan at sinabi niya umuna nalang kami para hindi sila maligaw. "Okay sige. Susundan nalang namin kayo" huling sabi ni Danica at mabilis ng naputol ang linya. Nalampasan na namin sila Danica at Lorenze. Nasa unahan na kami ngayon. "Diretso po Sir tapos sa pangatlong kanto liliko na po" turo ni Denis. Sinunod ko siya. "Lampas mo po ng kaunti Sir tapos dun niyo po parada sa gilid" dugtong niya nung makapasok na kami sa ikatlong kanto. Tumingin ako sa digital clock ng sasakyan ko. Mag-uumaga na pala. Kaya pala may nakita na kaming mga taong may bitbit na mga kahoy at yung iba naman ay mga sako. Matapos kong ipark ang sasakyan ko ay bumaba na kami ni Denis. Nagpark na rin ang iba naming kasama at nagbabaan na rin sila. "Ang lamig naman dito Denis..." sabi ni Lorenze at nagsuot ng jacket. Hinubad ko ang jacket na suot ko at ipinatong ko sa balikat niya. Tiningnan niya lang ako at bahagyang tumango. Nakita kong nakatingin samin si Pj at nakatitig iyon sakin. "Sey hindi ka man lang nagpasabi na uuwe ka. Sana ay nakapaghanda ako ng pagkain" narinig kong sabi nung lalakeng lumabas sa bahay na nasa tapat namin. "Biglaan po Tito Roy. Ito nga po pala ang mga kaibigan ko" pagpapakilala niya kina Danica na nasa likuran namin. "At ito naman po si Sir Yvan. Anak po ng amo namin ni Nanay sa Cavite" dugtong niyang pakilala sakin. "Magandang umaga po Mam at Sir. Pasok po kayo sa loob. Pasensya na po at maliit lang po ang tahanan namin" magalang na yaya samin nung Roy. Ayy.. Tito Roy pala. Pumasok na kami sa loob. Ako na ang nagdala ng mga gamit namin ni Denis. Dapat maging gentleman ako lalo sa kanya ngayon. Nandito kami sa lugar nila. Kailangan magustuhan ako ng mga kamag-anak niya. "Sey magpahinga muna kayo. Maghahanda lang muna ako ng agahan niyo" paalam ni Tito Roy. Sey? Yun ba ang tawag sa kanya dito? Ayos ah. Ang sweet pakinggan. "Grabe yung biyahe natin. Para ayaw ko na muna tuloy bumalik ng Cavite" -Lorenze. "Sinabi mo pa Lorenze! Dapat sulitin natin ang bakasyon natin dito" sagot sagot naman ni Danica. Si Mike at Pj ay kapwa tahimik. Si Denis naman ay nasa kusina nag-aayos ng lamesa. "Mam at Sir kumain na po muna kayo. Nandon na po si Sey" yakag niya samin. "Halika na. Huwag na tayo mahiya. Para matikman din natin ang luto dito" -Lorenze. "Nuknukan ka talaga ng siba!" Pang-aasar sa kanya ni Danica. Sabay sabay na kaming tumayo at nagpunta sa kusina. "Ganito po ang fried rice dito, ito po ang danggit, inihaw na pusit, itlog na pula at dilis po" sabay turo ni Denis sa mga pagkaing nakahain. "Wow!!!" -Lorenze. Naupo na kami. Sinadya ko talagang sa tabi ni Denis maupo. Katabi niya sa kabila si Pj at si Danica. Paikot kasi ang lamesa. Pinaggigitnaan namin si Denis. Nagsimula na kaming kumain. "Nga pala Denis saan tayo unang pupunta mamaya?" Masayang tanong ni Lorenze. "Igagala ko muna kayo mamaya dun sa sakahan. Mapresko dun. Sigurado akong magugustuhan niyo dun" nakangiting sagot ni Denis. Hindi ko sinasadyang natabig ko ang tinidor na nasa tabi ko dahilan para mahulog ito. Kaagad akong yumuko para kunin ito. Pagyuko nakita kong nakapatong ang kamay ni Pj sa hita ni Denis. "Hala! May bisitang dadating!" -Lorenze. "Mike bakit ba napakatahimik mo? Masama ba pakiramdam mo?" Dugtong ni Lorenze habang ngasab ngasab ang inihaw na pusit. Napatingin si Pj kay Mike. Nagkatinginan silang dalawa. "Napagod lang ako sa biyahe." Tipid niyang sagot. "Pati itong si Pj tahimik din" pansin din ni Lorenze. "Oo nga bhe. Para kayong kakaiba ni Mike ngayon" -Danica. "Nakakapagod lang ang biyahe. Mamaya okay na ako. Pahinga lang" sagot naman ni Pj. Dahan dahan kong ibinaba ang kamay ko at unti unti kong inilalapit sa kamay ni Denis na nasa ilalim ng lamesa. "Kuya Roy! Eto na po yung pinapa-" Napatigil bigla yung lalake nung napadako ang tingin niya sa taong katabi ko. "Sey?" "Makoy?"   Denis Lindsey Point of View "Sey?" "Makoy?" Patanong na sagot ko nung makita ko ang kababata ko. "Umuwe ka pala..." mahinahong sabi niya. "Ahh... oo. Biglaan. Dito kasi napagkasunduan ng mga kaibigan ko at amo ko na magbakasyon kahit ilang araw lang" paliwanag ko sa kanya. Isa isa ko silang pinakilala kay Makoy. Alam ko naman na kailangan din namin mag-usap ni Makoy pero hindi ko inaasahan na ngayong pagkakataon na kasama ko pa ang mga kaibigan ko. Bahala na. "Tara pre join ka samin. Kain tayo" yaya ni Lorenze. "Sige. Salamat nalang po Sir. May gagawin din po kami sa bukid" -Makoy. "Tamang tama. Dun kami pupunta mamaya" dugtong ulit ni Lorenze. "Sige na Sey. Usap nalang tayo mamayang gabi" huling sabi niya at tumalikod na siya. Napansin kong sabay na napatingin si Powell at si Sir Yvan kay Makoy matapos sabihin sakin ni Makoy iyon. . . . "Maliit lang po ang bahay namin kaya po sama sama lang po tayo sa isang kwarto, okay lang po ba" sabi ko sa kanila matapos kong buksan ang nag-iisang kwarto ng bahay namin. "Ok lang yun Denis. Saka masaya yun" pagsang-ayon naman ni Lorenze. "Oo nga. Ayos yun" segunda naman ni Danica. "Ito po ang magiging kwarto natin. Magpapadala nalang po ako kay Tito Roy ng padagdag na banig" sabi ko naman sa kanila. Nilapag na namin ang mga gamit namin. Napagpasyahan nilang magpalit muna ng damit bago namin simulan ang unang araw ng paggala namin dito. Tinuro ko kay Danica ang banyo at doon siya nagpalit. Matapos magpalit ni Danica ay sumunod naman ako. Simple lang ang sinuot ko. Skinny jeans at puting damit lang. "Denis okay na ba tong suot ko?" Biglang harap sakin ni Sir Yvan. Nakaboard shorts at nakakulay puting sando dahilan para lumitaw ang magandang hubog ng katawan niya. "O...opo sir.. ayos po" sabi ko sabay iwas ng tingin sa kanya. Bigla kasing pumasok sa isipan ko ang scenario na nangyari samin nung itinigil niya ang sasakyan niya at hinalikan niya ako. "Tapos suot mo to Denis oh" sabay labas niya ng cap at sinuot niya sakin. "Oh diba magkapareho tayo" dugtong niya at sinuot niya ang cap niya. "Hindi pa ba tayo aalis?" Biglang pabalang na tanong ni Powell. "Tara na po..." kaagad kong yakag sa kanila at lumabas na kami ng bahay namin. Napagpasyahan namin na maglakad nalang. Hindi naman din kalayuan ang pupuntahan namin saka para narin makita nila ang paligid ng lugar namin. Napapansin kong hindi ako tinitingnan ni Powell. Dahil siguro sa nangyari kahapon. Pero mas maigi narin yun para wala ng makahalata pang iba. Kailangan makausap ko rin si Mike. Kailangan makausap ko siya para maipaintindi ko sa kanya yung nakita niya at para hindi na makarating kay Danica. "Sey!!" "Sey!!!!" Halos sabay sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng malakas na boses na iyon. "Iza!" Bati ko sa kanya. Malapit na kaibigan ko dito samin. "Hala! Ang laki na ng pinagbago mo! Ang ganda ganda mo na!" Puri niya sakin. Pinakilala ko si Iza sa mga kasama ko. "Ayy!! Ang pogi ng boyfriend mo Sey!" Sabay tingin niya kay Sir Yvan na katabi. Nakakapangliit nga eh. Nananadya ata tong si Sir. Lalo akong nagmumukhang pandak kapag katabi ko siya. Teka.. teka.. boyfriend? Hala! Hindi ko boyfriend ito. Amo ko to. "Teka Sey. Nagkita na ba kayo ni Koy? Palagi kang tinat-" "Iza... nagkita na kami kanina. Okay na. Ako na bahala.. sige na. Kwentuhan nalang tayo mamayang gabi o kaya bukas. Lakad na.. yung bunganga mo talaga kahit kelan" pagtataboy ko sa kanya. Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Itong katabi ko naman ay prenteng prente sa pagsabay sa paglalakad sakin. "Ingat po tayo sa paglalakad dito... madulas gawa ng tubig at putik" bilin ko sa kanila nung papasok na kami sa bukid. "Sey.." pagtawag sakin ni Tito Roy. "Magandang Umaga po Sir at Mam" bati naman ng ilan ilang kasama ni Tito sa pagtatanim ng palay. "Bhe ang galing oh... kalabaw pa rin ang katulong nila sa pag-aayos dito" sabay turo ni Danica. Walang naging reaksyon si Powell. Nakatingin lang siya sa ibang mga taong may hawak na palay at ibinabaon sa lupa. "Sey dalin mo mga kaibigan mo dun oh" sabay turo ni Tito Roy sa may mga punong malalaki. Mas maigi nga doon. Para hindi sila mainitan. Nakakahiya naman kung ibibilad ko sila sa arawan. "Oh, magdahan dahan ka nga sa paglalakad mo" sita sakin ni Sir Yvan dahilan para mapatingin samin yung ibang kasama ni Tito Roy pati na rin si Makoy. Hanggang sa mawala ako sa sarili ko sa paglalakad at biglang dumausdos ng bahagya ang kanang paa ko. Mabilis nasalo ng kanang braso ni Sir Yvan ang katawan ko dahilan para hindi ako magdiretso sa pagkakadulas. "Sinabi ko sayong magdahan-dahan ka. Ako nga sa unahan at kapitan mo tong kamay ko" sabi niya at kaagad akong inunahan sa paglalakad at kinuha ang kaliwang kamay ko. Hindi ko na nagawang pumalag dahil ramdam ko ang pagkakakapit ng kamay niya sa kamay ko na nangangahulugan na huwag ko siyang bitawan. Nung makarating na kami sa ilalim ng malaking puno ay naupo kami sa maliit na lamesa at mga upuan na nakalagay doon. "Sir at Mam dito po ang paboritong puntahan ni Sey at Koy dati. Palagi pa nga pong nagpapakuha ng mangga diyan" kwento ni Tito Roy sabay turo sa malalaking puno ng mangga na nasa likuran namin. "Gusto mo Sey ikuha ulit kita?" Biglang sulpot ni Makoy. "Tatanggi pa ba yang si Sey eh paboritong paborito niya yan" ngiting singit ni Tito Roy. "Pwede bang ako ang umakyat? Gusto ko rin maranasan to" biglang tayo ni Sir Yvan. "Subukan ko rin. Matagal tagal na rin akong hindi nakakaakyat ng puno" Prisinta ni Powell kasunod nun ay ang pagtingin niya sakin. "Hala! Huwag na po kayong umakyat. Baka po malaglag kayo" pagpigil ko sa kanila dahilan para sabay silang tumingin sakin na nangangahulugan na hindi sila napayag sa pagpigil ko sa kanilang dalawa. "Sige bhe. Damihan mo kuha. Gusto ko rin yan" -Danica. "Ingat po kayo Sir" bilin naman ni Tito Roy. Nagsimula ng umakyat si Powell at si Sir. Nakatingin lang kami sa kanilang dalawa. Sa bawat manggang nakukuha nila ay inilalaglag nilang dalawa at si Lorenze at Mike naman ang sumasalo at nilalagay sa magkabilang sako. "Ayun bhe yung nasa kaliwa mo. Ang laki!" Sigaw ni Danica. "Sir sa kanan mo po" sigaw ko naman kay Sir. Kakahiya naman kung walang magsasabi sa kanya. Di ko naman kasi pwede sabihan si Powell. Andito kasi si Danica. Ilang sandali lang ang lumipas ay halos mapuno nilang dalawa ang magkabilang sako. Ang dami! Takam na takam na nga ako eh. "Sey eto kutsilyo oh. Saka eto nagpakuha ng bagoong si Koy at bigay ko daw sayo" sabay lapag ni Tito Roy. "Maraming salamat po" sabi ko at nagsimula na akong magtalop ng mangga. Matapos kong magtalop ng ilang mangga ay nagsimula na kaming kumain. Ang sarap talaga ng mangga lalo na kapag may bagoong. "Nga pala Sey may kaunting salo salo tayo mamayang gabi don sa bakuran natin. Para naman masiyahan ang mga kaibigan mo" -Tito Roy. "Pagkatapos dito dalin mo sila dun sa tabing ilog. Ipakita mo para bukas magpiknik kayo don" dugtong uli niya. "Ayos na ayos! Mukhang masaya yon!" -Danica. "Sey hindi ka pwedeng maligo sa ilog, o kung maliligo ka man dapat nandon ako. Baka maulit nanaman yung nangyari dati sayo" biglang singit ni Makoy. "Uupo lang ako don Koy.. saka hindi naman talaga ako uli naligo kahit sa dagat" sagot ko naman habang patuloy akong kumakain ng mangga. "Denis saan pwede maghugas ng kamay?" Biglang singit ni Powell. "Ahh... dun may malapit na poso" sabay turo ko sa kaliwang bahagi ng malaking puno. "Lakad samahan mo muna Sey. Baka maligaw pa yang kaibigan mo" -Tito Roy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD