Yvan Marcus Hernandez Point of View
"Oh wala ka nanaman sa sarili mo Yvan?" Basag ni Wilbert sa katahimikan ko habang inaantay namin sila Zack.
"Ha?" Maang-maangan ko sa kanya.
"Kunwari ka pa. Alam ko naman na si Denis ang iniisip mo" biglang singit ni Melvin sa usapan.
Sabihin ko na nga ang totoo. Simula nung sumunod si Pj nung outing namin at sinundo niya si Denis at nawala ako sa sarili ko. Yung balisa ako at nanghihinayang dahil hindi ko man lang nagawang pigilan sa pagsama si Denis kay Pj.
Hindi ako nginingitian ni Pj at halata sa mukha niya ang pagkadisgusto sakin. Dahil siguro yun sa naging usapan namin nung sinagot ko ang pagtawag niya sa cellphone ni Denis.
"Pre asan si Denis?" Biglang tanong ng bagong dating na si Luis.
Isa pa itong lalakeng ito. Halata ko sa kanya na interesado siya kay Denis.
"Wala uma-"
"Hey Denis!" Masiglang tawag ni Luis kay Denis habang paakyat ito ng hagdan.
"Sama ka samin Denis!" Sabi ulit ni Luis.
"Naku pasensya na po. Marami pa po akong gagawin. Umalis po kasi si Rose kaya ako ang gagawa ng mga gagawin niya" mahabang pagtanggi ni Denis nung nakalapit na siya samin.
"Ako bahala. Oy Yvan magha-hire ako ng part time para gawin yung gawain ni Denis. Gusto ko siya isama" makapal na mukha na sabi ni Luis.
Kakabwiset to ah!
"Tumigil ka nga Luis Franco! Talagang kasama si Denis sa lakad natin!" Inis na sagot ko.
"Yown! Osya Denis mag-ayos ka na. Inaantay lang natin si Zack and then aalis na tayo" masiglang sabi nanaman ni Luis.
"Sir Yvan hindi po ako makakasama. Wala po mag- aayo-"
"Ako na bahala. Natext ko na si Daddy at sinabi kong isasama kita. Huwag mo na problemahin iyong mga aayusin mo. Pauwe na si Rose" putol ko sa pagtanggi niya.
Hindi siya pwedeng tumanggi. Iniwan na nga niya ako nung nag-outing kami tapos tatanggi pa siya ngayon. Di ako papayag noh!
.
.
.
"Nice place ah!" Manghang sabi ni Zack nung nasa harapan na kami ng Villa Nuevo. Indang.
"Tara na! Excited na ako maligo" masayang singit ni Melvin.
"Baket first time mo ba maligo Vhino?" Pang-aasar ni Zack dahilan ng pagtawa nila Cassandra at Denis.
"Akina yang gamit. Ako na magdadala" sabay kuha ko ng bag na nakasukbit sa balikat ni Denis. Wala na siyang nagawa kundi hubarin at igawi na sakin.
"Tara na" ani naman ni Luis at mabilis umakbay kay Denis.
Aba! Hindi pwede tong ginagawa ni Luis ah!
"Denis nakalimutan ko pala sa kotse yung charger. Kunin mo nga dun sa driverseat" utos ko sa kanya dahilan para mapatigil sila sa paglalakad at bumalik si Denis sa kotse.
"Sir wala po sa kotse... baka po nakalimutan natin sa bahay" magalang naman niyang sabi sakin matapos niyang icheck ang sasakyan.
"Okay sige hayaan mo na.. halika na" kaagad kong sagot sa kanya hinawakan ko ang kamay niya at sabay na kaming naglalakad papasok sa loob.
Oh, ano ka ngayon Luis!?
Kala mo saken! Papatalo sayo!? Utot mo blu!
Kunwari lang yung sinabi kong nakalimutan ko yung charger. Dahil nasa bag na talaga kanina pa ang charger namin ni Denis. Abnormal na to!
Magkasabay si Zack at si Cassandra, si Melvin naman at yung ibang tropa. Si Luis naman ay kasabay namin ni Denis naglalakad papasok.
"Teka si Kerby yun diba?" -Melvin
"Oo nga! Kasama pa si Jerome oh!" Sabay turo din ni Wilbert.
"Si Paul yun diba Luis?" Patanong na saad ko kay Luis.
"Tara daliii! Lapitan natin!" Excited nanaman na sabi ni Melvin.
"Teka lang... sa ibang cottage nalang tayo. Hindi naman kasama sa plano natin ang sumama sa kanila diba?" Biglang pagbabago sa boses ni Luis.
"Wala naman problema. Kapatid mo naman si Paul eh" sabi ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad ni Denis patungo sa cottage nila Paul.
"Small world" mahinang bulong na narinig ko kay Zack.
Ang totoo niyan. Si Zack lang talaga ang kaibigan namin. Sinama lang niya si Cassandra at ipinakilala lang niya samin. Nagulat nga kami kasi akala namin girlfriend ni Zack si Cassandra. Parang magkapatid lang daw sila dahil kinupkop din si Zack ng sinasabi nila Tito Junior.
Pagkatapos magbatian ay nakijoin na kami sa cottage nila. Nagdagdag nalang kami ng upuan at extrang lamesa. Inayos namin ang mga dala namin at umupo na para simulan ang pinakaimportanteng parte ng outing. Ang inuman!
Ipinakilala ko si Denis sa kanila pati si Zack at Cassandra. Nakilala din namin si Den at yung babaeng saksakan ng gulo. Sheryl ata pangalan nun. Balahura talaga bibig. Nalaman kong teacher pala si Sheryl at si Den. Astig ah!
"Kuya ito si Denis oh! Parang si Den" malawak na pagkakangiti ni Luis. Mukhang nawala na ang bad vibes ah!
"Hi Denis! Pinapayagan ka ng boyfriend mo na mag-inom?" Biglang singit ni Den sabay tingin sakin.
"Po? Hala! Wala po dito boyfri-"
"...wala po akong boyfriend" pagtatama niya.
"Ayy akala ko yang katabi mo ang boyfriend mo eh" sabi ni Denis sabay tingin sakin.
Yan! Mukhang magkakasundo tayo. Ako dapat ang isipin niyong boyfriend nitong si Denis. Mas bagay kaya kami!
"Ikaw po Den, gaano na po kayo katagal?" Tanong naman ni Denis kay Den sabay tingin kay Jerome.
"4years na kami ni Den" biglang sagot naman ni Paul.
"Ayy sori po." Nahihiyang sabi ni Denis.
Nagpatuloy kami sa kwentuhan. Masaya naman kami at puro kalokohan si Melvin at Wilbert. Pati si Zack at Cassandra ay nakikipagkulitan narin sa kalokohan ng nga kaibigan ko.
"Oyy Denis huwag masyadong mag-iinom! Baka malaseng ka nanaman!" Bilin ko kay Denis.
"Sir! Ako pa!? Yakang yaka ko yan oh! Tingnan mo nga sila ang saya saya" mabilis niyang sagot. Takte to ah! Mukhang may tama na agad ng alak.
"Huwag mo ngang beybihan yang si Denis, Yvan. Baka mamaya kung saan mapunta yan" pang-aasar ni Melvin.
"Namo! Puro ka talaga kalokohan! Tumigil ka!" Malakas na sagot ko sa kanya.
"Baket sir? Choosy ka pa saken?" Biglang sabi ni Denis.
Bigla ako natigilan nung narinig ko ang reaksyon ni Denis. May kung ano akong naramdaman sa sarili ko dahilan para hindi ko masagot ang tanong niya.
"Hala! Denis!" Nakangising sabi naman ni Wilbert.
"Hahaha! Biro lang po Sir. Masyado po kasi kayong seryoso diyan. Petiks lang tayo sir" ngising dugtong ni Denis.
May tama na nga ng alak itong taong ito. Ganito ugali niyan kapag nakakainom eh. Nawawala yung hiya. Nagiging bibo.
"Denis yung totoo, may boyfriend ka? Mamatay na sinungaling!" Balahurang tanong nung kasama nila Paul. Sheryl ata pangalan nun.
"Uurin na tumbong kapag nagsinungaling!" Muling dugtong ni Sheryl dahilan para magtawanan kaming lahat.
Natuon ang atensyon namin kay Denis. Napansin kong lalong namula ang dalawang pisngi niya. Kinakabahan sigurado.
"Oh eto oh... para lumakas loob mo" sabay lapag ni Melvin ng isang bote pang alak. Kinuha iyon ni Denis at tumungga don.
"Okay okay.. meron po akong boyfriend" diretsong sagot ni Denis.
"Ang tipid mo naman sumagot. Describe mo saka ano pangalan?" Interesadong tanong ni Sheryl.
"Alalahanin mo ang sumpa ko! Malakas ako sa kampon ng kadiliman! Naku! Uuurin yang bataan mo!" Pananakot ni Sheryl.
"Aaa... Pj po pangalan niya... saka wala pa po ako masyadong alam sa kanya kasi bago palang po kami..." nahihiyang sagot niya.
"Nu kaba! Wala ka dapat ikahiya. Gusto mo papuntahan natin dito. Para naman makilala namin" sabi naman nung katabi ni Paul. Den ata pangalan niya.
Teka teka! Mukhang hindi ko gusto ang inuudyok nito ah! Ayoko nga pasunurin si Pj dito! Ginagawa ko nga lahat para hindi sila magkasama ni Denis tapos papasunurin dito!
"Hey guys! Shot! Paano tayo makakarami niyan!" Pag-iiba ko ng usapan.
Hindi masyadong nagsasalita si Paul. Kanina ko pa yun napapansin hindi ko lang sinasabi sa mga kasama ko. Naramdaman ko rin ang biglang pagsali sa usapan ni Den at bahagyang lumayo ng upuan kay Paul.
Parang mali ata.
Haaay naku. Ayoko pakialaman. Iba ang istorya nila sa istorya namin dito. Sadyang magkakakilala lang kami.
Saglit namin itinigil ang inuman. Magkakasunod kaming lumusong sa pool at pinagpatuloy ang kulitan.
"Hey! Denis! Tara dito! Pampawala ng tama ng alak!" Malakas na sigaw ni Luis.
Nagpaiwan kasi si Denis sa table. Sinabi niyang mamaya na siya at susunod na lang.
"Sige.. sunod nalang ako... wait lang" sagot niya habang hawak ng kabilang kamay niya ang cellphone niya habang nakatapat sa tainga.
Sino kausap?
Sino pa! E di si Pj abnormal!
Ilang sandali lang ay itinago na ni Denis ang cellphone niya sa bag namin at sumunod na dito sa pool.
"Oh, dahan dahan!" Masungit na sita ko sa kanya nung bahagya dumulas ang paa niya habang nalusong ng pool.
"Hoy Den! Wag kang patanga tanga! Baka malunod ka nanaman!" Malakas na sigaw nung Sheryl.
Naglalaro ng bola sila Melvin at Wilbert kasama sila Jerome at ang ibang kasama namin. Kami naman ni Denis at Luis ay nandito lang sa gilid at pinapanuod sila.
Napapansin ko nga na mukhang may hindi pagkakaintindihan si Paul at yung kasama nilang si Den. Pansin ko yun. Nag-iba kasi bigla ang awra ni Den. Napapansin ko rin ang malamlam na tingin ni Jerome.
Naagaw muli ang atensyon ko sa mga naglalakad nanaman paparating. Mukhang tama nga ang balita ko dito. Dinadayo talaga ng mga tao itong resort na ito.
"Wilbert!" Narinig kong pagtawag nung lalake kay Wilbert. Panandalian umahon si Wilbert at nilapitan yung lalakeng tumawag sa kanya.
Nakita ko silang nagkukwentuhan hanggang sa lumapit na yung mga kasama nung kausap ni Wilbert.
Tangina! Baket nandun si Pj!?
Nakita kong nakatingin sa lugar namin ni Denis si Pj. Ngumiti ito. Alam kong si Denis ang nginitian nito. Nilingon ko ang katabi kong si Denis at yumuko lang siya.
"Nagkataon lang po sir... mga kaibigan niya po yang kasama niya..." sabi niya.
Hindi na ako sumagot. Wala naman akong karapatan magalit. Nakakaramdam lang ako ng inis. Naiinis ako dahil mararamdaman ko nanaman ang selos na naramdaman ko nung sinundo siya ni Pj nung nag-outing din kami.
.
.
.
"Guys, si Jake nga pala" pagpapakilala ni Wilbert.
"Jake, mga kaibigan ko" pagpapakilala naman ni Wilbert samin matapos isa isahin ang mga pangalan namin.
"Guys, mga kaibigan ko nga pala. Si Sean, Sir Migs (Sir Yes Sir Story), Si Aira, Pj, pinsan ko si Jacob at ang girlfriend ko si Lelay (Babaeng di Kagandahan Story)" pagpapakilala naman ni Jake.
Nagkatinginan kami ni Pj. Kung dati ay maayos ang tinginan namin, iba na ngayon. Naramdaman ko kasi ang pagkadisgusto niya sakin. Lalo na ako. Ayoko ko sa kanya! Ayoko sa kanya para kay Denis!
"Tara Join na tayo sa isang table" alok ni Wilbert.
"Teka pre, may sarili silang cottage... baka ma-"
"Okay lang. Mas maganda nga na magkakasama na tayo. The more the merrier diba?" Nakangiting sangguni nung Sean.
Kaya wala na akong nagawa. Nagdugtong ng panibagong lamesa ang mga kaibigan ni Wilbert at nakisali at nakijoin narin samin.
Ang mas kinaiinis ko pa ay pinaggigitnaan naming dalawa ni Pj si Denis. Sinadya talaga ni Pj na tabihan si Denis. Nahalata ko yun. Kakaiba kasi yung tingin ni Pj kay Denis.
"Oh, bakit bigla kang natahimik diyan Yvan?" Puna sakin ni Melvin.
"Ah wala.. shot!" Sagot ko at pag-iiba ko ng usapan.
"Ayy! Balik tayo sa usapan!" Muling malakas na sigaw ni Sheryl.
"Oyy Denis i-describe mo samin yung Boyfriend mo saka ano pangalan niya? Kala mo makakaligtas ka sakin ah!" Kasunod nun ay ang pagtawa ni Sheryl.
Denis Lindsey Point of View
Hala! Describe? Paano yun!? Takte naman itong si Maam Sheryl eh! Kala mong hindi teacher! Buti pa si Sir Den.
"Oh anu na Denis?" Pangungulit niya.
"Alam ko na! Bakit hindi nalang ta-"
"Tumigil ka Mr. Yvan, you're not supposed to say anything. I'm talking to Denis!" Mataray na putol ni Sheryl. Alam naming biro yun dahil sa biglang pagtawa ni Sir Den.
"Sorry naman..." -Sir Yvan.
"Answer Denis!" - Sheryl.
"Hero..." tipid kong sagot.
"Hero???" Sabay sabay na patanong nilang reaksyon.
"Opo.. siya po kasi palagi ang nagliligtas sakin kapag may nambubully sakin sa school... saka, palagi siyang nandiyan para sakin" dugtong ko.
"Describe Denis!" Malakas na sigaw ni Maam Sheryl.
"Ahh... syempre Maam Sheryl pogi yun! Saka awesome!!!" Nakangiti kong sagot.
Nilingon ko si Powell sa tabi ko. Nakangiti ang loko!
Nagpatuloy na kami sa inuman at puro tanong si Maam Sheryl sakin. Hanggang sa nakisali na sa pagtatanong si Sir Den.
"Excuse me... punta lang akong C.R" paalam ni Powell.
Hind ko na napigilan ang sarili ko na magtanong. Gusto ko rin naman na makarinig ng suhestiyon mula sa ibang tao.
"Sir Den, what if yung karelasyon mo ay may karelasyon din na iba? Magpaparaya ka ba? Magpaparaya ka ba kung alam mong mas makakabuti para sa kanya ang mapunta sa iba?" Pagtatanong ko sa kanya.
Naisip ko kasi na baka dumating ang pagkakataon na mangyari samin ni Powell ang ganyang sitwasyon. Gusto ko makarinig ng ibang sagot para maready ko na ang sarili ko. Syempre hindi ako babae. Talo ako. At alam kong wala akong maipapanalo.
"Siguro kung sakali man mangyari sakin yun Denis... mas iisipin ko ang kapakanan ng karelasyon ko kasi sobra sobra sobra ko siyang mahal. Kaya kong isuko lahat para sa kanya..." mahinahon at napakaseryoso niyang sagot.
Ramdam ko rin sa kanya na may pinaghuhugutan siya dahil sa tono ng pananalita niya. Hindi ko na iyon sinundan pa ng tanong. Nakuha ko na ang ibig niyang iparating.
Naisip ko kasi na darating din ang pagkakataon na maghihiwalay kami ni Powell. Iba rin kasi ang sitwasyon namin. May girlfriend siya at nanghihiram lang ako ng oras sa kanya. Hiram nga ba o nakaw na oras? Ang bad ko noh? Nakukunsensya nga ako eh kaso puso ko na ang nagdidikta. Mahal ko si Powell.
Nagpaalam na samin si Sir Den kasama si Sir Paul. Pinagpatuloy naman namin ang inuman at kwentuhan.
"Denis kung sakali ba na ligawan kita, may pag-asa ba ako?" Nakangising tanong nung Allen.
"Paktay tayo diyan! Laseng na si Allen!" Kantyaw ni Kerby.
"Hindi pa ako laseng noh! Gusto mo i-shot ko pa yung tagay ni Denis eh" mayabang niyang sagot.
"Ano Denis?" Dugtong niya.
"Hala kuya! Hindi pwede kasi may bo-"
"Guys late na. Una na kami ni Denis. Hindi pa kami nakakapag-ayos ng gamit eh" biglang putol ni Sir Yvan.
"Magkasama kayo sa kwarto to!!?" Mabilis at medyo napalakas na tanong ni Powell.
Patay tayo diyan! Eto na nga ba ang sinasabi ko eh. Napansin ko ang reaksyon ng ibang mga kasama namin.
"Hindi kami pwede maghiwalay ng kwarto ni Denis. Nasa iisang bag lang kasi ang gamit namin" kaagad namang sagot ni Sir Yvan.
"Bakit tol? May problema ba kung magkasama sila?" Biglang tanong naman ni Kuya Sean kay Powell.
"Siguro may gusto ka kay Denis noh!" Segundang pang-aasar naman ni Kerby.
Jusko! Ano ba naman ito!
"Let’s go" at kaagad kinuha ni Sir Yvan ang kamay ko at sabay na kaming naglakad papunta sa room namin.
Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa tapat ng room namin.
"Sir... pasens-"
"I just want to have a good night with you kaya nagyakag na ako pabalik dito sa room natin.." putol ni Sir Yvan sa dapat sanay sasabihin ko.
Pumasok na kami sa loob ng room. Naupo kami sa tapat ng mini-table at naglapag si Sir Yvan ng san mig light na galing sa mini ref ng room namin.
Sa totoo lang may tama na ako ng alak. Nakakaramdam na ako ng bahagyang pagkahilo.
Tumingin ako sa orasan. 9:25pm.
Kapwa kami hindi nagsasalita ni Sir Yvan habang pareho naming hawak ang bote ng alak.
"Ang bait ni Sir Den noh Sir?" Basag ko sa katahimikang bumabalot saming dalawa.
"Huwag kang hahanga agad sa taong unang beses mo palang nakilala" diretsong sagot niya sakin.
"Eh sir, ikaw? Nasaan po ang girlfriend mo? Syempre naman sa gwapo mong yan Sir imposible na walang po kayong girlfriend?" Pag-iiba ko ng tanong.
"Wala akong girlfriend..." kaagad niyang sagot.
"Hala! Bakit Sir? Imposible naman na walang magkagusto sayo. Teka, baka naman po torpe kayo?" Pang-aasar ko sa kanya.
Tiningnan ako ni Sir Yvan. Yung tingin na hindi ko maipaliwanag na nakakapagbigay sakin ng kakaibang pakiramdam. Dahan dahan siyang lumalapit sakin.
"Sir..." mahinang tawag ko sa kanya.
Unti unti parin siyang lumalapit sakin.
Malapit.
Malapit na.
Malapit na malapit na.
Hindi ko magawang igalaw ang katawan ko. Parang napako na ang katawan ko mula sa pagkakaupo ko.
Nararamdaman ko na ang mainit na hininga ni Sir.
Napapikit nalang ako.
Naramdaman ko nalang ang paglapat ng napakalambot na labi ni Sir sa labi ko.
Hinahalikan ako ni Sir Yvan.
Mabilis kong tinanggal ang pagkakalapat ng mga labi namin.
"Sir..." sambit ko.
Nanatili parin siyang nakatingin sakin. Kaagad na akong tumayo at aktong tatalikod na ako nung bigla akong hinaltak ni Sir Yvan dahilan para mapaharap ako sa kanya.
Mabilis ulit niyang idinampi ang labi niya sa labi ko.
Hindi ko alam pero kusang gumanti na ako ng halik sa kanya.
Hinahalikan niya ako habang dahan dahan kaming gumagalaw papunta sa nag-iisang kama ng room namin.
Mabilis tinanggal ni Sir Yvan ang suot kong jacket at inihiga ako sa kama. Nasa ibaba ko siya habang patuloy niya akong hinahalikan.
Naghiwalay ang mga labi namin dahil sa pagtanggal niya sa suot niyang damit. Nakasando nalang si Sir. Muli niyang inilapat ang labi niya sa labi ko.
Habang patuloy siya sa paghalik sakin ay biglang tumunog ang cellphone ko.
Pumalag ako dahilan para maghiwalay ang mga labi namin. Natigilan si Sir sa ginagawa niya at mabilis humiga sa kama. Kinapa ko ang cellphone ko mula sa bag na nasa gilid ng kama namin.
"Labas ka.. nandito ako..." mabilis na sabi matapos kong i-slide ang answer key.
Nilingon ko si Sir. Nakahiga siya sa kama at nakapatong pareho ang dalawa niyang kamay sa kanyang mata.
Pinulot ko ang jacket na nasa lapag at isinuot ko iyon. Hindi na ako nagpaalam kay Sir at lumabas na ako ng room.
Hindi ko alam kung paano nangyari ang scenario kanina.
Dala ba yun ng alak?
"Imissyou beyb..." bigla kong narinig sabay patong ng kaliwang kamay sa balikat ko ni Powell.