Chapter Eight

3756 Words
Yvan Marcus Hernandez Point of View Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit nagiging ganito ako sa tuwing magkakasama kami ni Denis. Katulad ngayon, hindi naman talaga ako natutulog ng nakaboxer. Mas gusto kong naka-jersey short pero dahil kasama ko si Denis ay napasuot talaga ako ng boxer shorts. Inaakit ko ba siya? Ayy! Lintek na iyan! Bakit ba yan ang pumapasok sa isipan ko! Nauna na akong nahiga sa kama. Sa totoo lang inaantay ko rin na tabihan ako ni Denis. Wala lang. Gusto ko lang siya makatabi. Naramdaman kong nahiga na siya sa tabi ko. Nagtulog tulugan ako. Nakakahiya naman kasi kung makita niya akong nakatingin sa kanya. Bahagya ko lang minulat ang mata ko para makita ko siya. Ilang minuto rin ako sa ganoong posisyon. Hanggang sa naramdaman kong tumayo siya. Sinuot ang dala niyang longsleeve at lumabas ng kwarto. Hindi ko man siya tanungin ay nagkaroon na ako ng ideya kung saan siya pupunta. Dahan dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga ko at napansin ko yung cellphone ni Denis. Naiwanan niya. May message siya. Natukso akong basahin iyon dahil walang password pattern o passcode ang cellphone niya. Beyb ppunta n aq. Antayin kta ha. Missu. Beyb... Galing iyon kay PJ. Ano nga ba ang nakita ni Denis kay Pj? Pogi? Eh mas pogi pa ako don! Mayaman? Eh mas mayaman pa ako don! Malaki katawan? Di hamak naman na mas malaki katawan ko sa lalakeng yon! Mukha ngang wala yung abs katulad neto oh! Saka bakit niya nagustuhan si Pj eh may girlfriend na yun! Eto naman ako - single. Available at walang magiging problema kung magiging kami. Nanay niya lang kapag nagkataon. Takte! Ano ba itong mga naiisip ko! Bumalik na ako sa pagkakahiga ko. Paikot ikot. Baling sa kaliwa. Baling sa kanan. Dapa. Tangina! Di ako makatulog. Di ako mapakali. Mabilis akong bumangon mula sa pagkakahiga ko at sinuot ko ang jersey short ko at sandong itim. Bago ako tuluyang lumabas ay kumuha ako ng isang stick ng marlboro sa cigarette case ko at sinindihan ko iyon. Naglakad lakad ako. Hanggang sa matanaw ko si Danica. Halata sa kanya na may hinahanap siya. Panay ang lingon niya sa kaliwat kanan. Takte! Tama! Hinahanap niya si Pj. Mabilis akong umikot at nilinga linga ang paligid. Kailangan kong makita si Denis dahil sigurado akong magkasama silang dalawa ng lintik na Pj na iyon! Bwiset na lalakeng iyon! Ipapahamak pa si Denis!! Mabilis nahagip ng mata ko ang dalawang taong naglalakad. Takte! Ano itong bigla kong naramdaman? Bakit parang may kung anong bagay ang tumusok sa dibdib ko habang nakikita ko silang dalawa habang naglalakad? Bahagya akong napatigil. Tiningnan ko muna silang dalawa. Nakangiti. Masaya. Nagseselos nga ba ako? Naputol ang pag-iisip ko ng kung anu-ano nung biglang sumulpot sa harapan nila si Danica. Kusang naglakag papalapit sa kanila ang dalawang paa ko at namalayan ko nalang ang sarili ko na nasa harapan narin nila. "Eyy Denis... Pasensya na natagalan ako. Pj salamat sa pagsama kay Denis. Sige diyan na kayo. Tara na Denis" bigla ko nalang nasabi at mabilis kong hinawakan ang kamay ni Denis at iginiya ko na siya palakad. "Sir..." "It’s okay... Let’s go..." Mahinang sagot ko sa kanya. Ipinatong ko ang kaliwang kamay ko balikat niya at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ko ginawa iyon. Biglaan lang. Biglaan ko lang ginawa. Ewan ko. Ayoko kasing mapahamak si Denis. Bakit pa kasi sa dinami-dami ng pwedeng magustuhan ni Denis ay si Pj pa! Bakit sa may sabit pa! Eh eto naman ako! "Sir??" Patanong na tawag skin ni Denis. Bahagya ko siyang tinitigan. Nakatuon ang atensyon ko sa malamlam at mapungay niyang mga mata. "Sir!!!" Medyo malakas niyang tawag sakin. Bumalik ako sa katinuan nung napansin kong napakalapit na ng mukha naming dalawa. "Ahh... Tara na sa loob... Malamig dito sa labas" nasabi ko lang at iniurong ko ng kaunti ang katawan ko sa katawan niya. "Nakasando ka nga sir ee... Tara dun muna tayo oh" sabay turo niya sa bonfire na wala ng nakapalibot na tao. Habang naglalakad kami papunta don ay dinadampot niya ang mga kahoy at sanga na nakikita niya. "Sir upo tayo oh..." Sabi niya sabay hagis ng mga pinulot niya sa bonfire na nasa harapan namin. Tanging paghampas lang ng alon at pagtunog ng bawat nasusunog na sanga ang naririnig namin sa mga sandaling ito. Yung lamig na nararamdaman ko kanina ay napalitan ng init dahil sa apoy na nanggagaling sa harapan namin. "Sir... Salamat nga po pala kanina..." Biglang basag ni Denis sa katahimikang bumabalot saming dalawa. "Nagkataon lang yun... Di rin kasi ako makatulog kanina..." Pagpapalusot ko. "Bakit ganoon Sir? Bakit kaya hindi natin mapigilan magkagusto sa taong may nagmamay-ari na noh?" -Denis. Ano nga ba ang isasagot ko sa tanong niya? Sasabihin ko bang kaya niyang pigilan kapag ibinaling niya ang atensyon niya sa ibang tao? O sasabihin kong huwag sa ibang tao - kundi sakin nalang. "Pabebe lang ako Sir... Arte lang.. Epekto ng paligid natin oh! Nakakalungkot kase ang tahimik" ngising dugtong niya. "As long na masaya ka sa ginagawa mo Denis, go. Hindi mo pwedeng pigilan ang nararamdaman mo kung ito ang nagbibigay sayo ng kasiyahan. Walang ibang magpapasaya sayo kundi ang sarili mo" diko alam kung saan ko hinugot ang mahabang sinagot ko kay Denis. "Wow! Sir! Hindi ko in-expect na sasabihin mo yan aa.." Nakangiting sabi niya. "Siguro sir may nagugustuhan ka na dito noh? Napakaswerte naman ng taong yun kapag nagkataon" masayang dugtong niya.     Wednesday. Maaga akong nagising o sabihin ko ng maaga ko talagang in-alarm ang cellphone ko. Pakiramdam ko kase excited ako ngayong araw na ito eh. "Oh, Yvan ang aga mong gumising ah! Halika at sumabay ka na samin kumain ng Mama mo" sabi sakin ni Daddy nung nakita niya akong pababa ng hagdan. "Ang alam ko mamaya pa pasok mo anak ah" sabi naman ni Mama habang nakain. Biglang sumulpot si Denis sa tagiliran ko at nilagyan ako ng plato sa table. Napatingin ako sa kanya at nginitian niya ako. Tangna! Bakit parang may kumiliti sa kalooban ko. "Juice or water po Sir?" Tanong niya sakin. "Si Denis ang nagluto ng breakfast ngayon Yvan. Namalengke kasi ng maaga si Manang eh" singit naman ni Daddy. "Tubig nalang..." Mahinang sagot ko. "Diba mamaya pa pasok mo Yvan?" Pag-uulit ni Mama. "Mamaya pa Ma..." Sagot ko. "Sir, Mam mag-aayos lang po ako. Maaga po kasi ang pasok ko..." Paalam ni Denis. "Sige Denis... Maaga pala pasok mo. Dapat si Rose nalang ang pinag-asikaso mo dito kanina" sagot naman ni Daddy. "Okay lang po Sir... Sige po" magalang naman na sagot ni Denis. "Ahh... Denis sabay na tayong pumasok" bigla ko nalang nasabi sa kanya. "Diba mamaya pa pasok mo anak?" Puna ni Daddy. "Ahh... May usapan kasi kami ng tropa Dad. Pag-uusapan namin yung lakad namin mamaya. Saka Dad naipagpaalam ko na sayo si Denis diba? Baka 2 days kami don" mahabang dahilan ko kay Daddy. "Two days Sir? Akala ko po ba On-" "Pagbigyan mo na Denis. Buti nga at nawiwili na dito yang si Yvan" singit naman ni Mama. Matapos ang usapan ay mabilis na bumalik na nagpaalam si Denis at sinabi niyang mag-aayos na daw siya. Sa totoo lang wala naman talaga kaming balak gumala ng tropa o planong magpunta kung saan eh. Ako lang ang biglaang nagyakag. Hindi ko rin kase maintindihan ang sarili ko. "Huwag ka na masyadong magdala ng damit. May baon narin ako. Dito mo ilagay yung ibang damit mo" sabi ko sa kanya sabay abot ng bag ko. Gusto ko kasi magkasama ang gamit naming dalawa. "Halika na Denis... Baka ma-late ka pa sa first subject mo" sabi ko sa kanya at mabilis kong dinampot ang gamit namin. "Oh, bakit diyan ka uupo? Tara dito sa tabi ko oh!" Sabi ko sa kanya nung aktong bubuksan na niya ang pintuan sa likod. "Salamat po" sagot niya nung nakaupo na siya. Sinimulan ko ng paandarin ang sasakyan ko. Kapwa kami tahimik. Awkward nga eh. "Ahh Deni-" Hindi ko naituloy ang dapat na sasabihin ko nung bigla kong narinig tumunog ang cellphone niya. Kaagad niyang kinuha ang cellphone niya sa kaliwang bulsa niya. "Hello..." Sigurado ako si PJ nanaman yun. Kakainis! "Papasok na.. Kasabay ko si Sir Yvan..." Mahinang sagot niya sa kausap niya sapat na para marinig ko. Tinatanong siguro ng impaktong si Pj kung sino ang kasama ni Denis. Eh ano ba masama kung ako kasama ni Denis? Anak ako ng amo ni Denis kaya normal lang naman diba? Buset na lalake yon! "To naman! Tumigil ka nga! Di mangyayari yon nu!" Muling sagot niya. Nakakainis na ah! Parang hindi ko na gusto ang naririnig kong mga sinasagot ni Denis! "Sige na.. Kita nalang tayo mamaya.. Medyo malapit narin kami sa school..." Huling sabi niya bago niya tuluyang ibinalik sa bulsa niya ang cellphone niya. "Sir pasensya na po... Ano nga po uli yung sasabihin niyo po kanina?" Biglang tanong niya sakin. "Ahh... Hanggang anong oras nga pala ang klase mo ngayon?" Tanong ko sa kanya. "Til 5:30pm po..." Sagot naman niya. "Okay sige.. 6:00pm kasi ang call time at sa gate tayo magkikita kita" paalam ko sa kanya. "Ah sige po sir... Antayin ko nalang po kayo dun bago mag-6pm" -Denis. "Sunduin nalang kita sa room mo..." Mahinahong sabi ko sa kanya. Di ko nga alam kung saan ko kinuha yung lakas ng loob ko para sabihin sa kanya yun eh. "Ayy wag na po Sir.. Kakahiya naman po.. Kaya ko na po..." Pagtanggi niya. Binuksan ng guard ang malaking gate ng eskwelahan nung papasok na kami. Kaagad kong ni-park ang sasakyan ko. "Dito na muna ang gamit natin... Di naman mawawala yan diyan.." Sabi ko sa kanya. "Sige po Sir. Salamat po. Una na po ako" sagot naman niya sakin at mabilis na siyang naglakad papalayo. Nahagip ng mata ko si PJ. Malawak ang pagkakangiti habang nakatuon ang dalawang mata kay Denis. Nung aktong dadaan na si Denis sa harapan ni Pj ay nagsimula na rin maglakad si Pj papunta sa direksyon na pupuntahan ni Denis. Nagkasabay na sila sa tapat ng hagdan. Sabay na silang umakyat paitaas. "Tol hindi ka ba naiinitan diyan?" Biglang tapik sakin ni Luis. Tropa ko. "Halika na nga!" Yaya ko sa kanya at kaagad na kaming naglakad papunta sa third floor. . . . 4:00pm Takte! Di ako mapakali! Parang sinisilihan ang pwet ko dito sa room habang nagdidiscuss si Maam. 4:40pm Tangina! Parang ang bagal ng oras! Tapos na ang klase namin kay Maam Reyes at nalaman namin na wala na pala kaming last subject dahil absent si Sir. Bahagya akong sumilip sa pasimano nitong third floor. Nahagip nanaman ng mata ko si Pj na kasabay si Denis. Naglalakad sila at sigurado akong papalabas iyon ng school. Mabilis akong tumakbo pababa at dinukot ko ang cellphone ko sa bulsa ko. "Luis! 5pm na tayo aalis. Antayin ko kayo sa gilid ng jollibee - wag na sa gate. Bye" Sabi ko kay Luis at hindi ko na siya binigyan pa ng pagkakataon para makapagsalita. "Ahhh... Denis!" Bigla harang at tawag ko sa kanya. Halos sabay silang natigilan nung biglaan akong sumulpot sa harapan nila. "Sir... Bakit po?" Takang tanong niya sakin. Bakas din sa mukha ni Pj ang pagtataka sa biglaang pagsulpot ko sa harapan nila. "Medyo mapapaaga pala ang alis natin.. Kaya halika na..." Lakas loob kong sabi sa kanya. Dahan dahan napatingin si Denis kay Pj. "Powell... Bawi nalang ako nextime.. Pasensya na..." Mahinang sabi ni Denis kay Pj. "Okay lang... Itext mo ako kung anong oras ka uuwe.. Ingat ka dun..." Sagot naman niya.   "Kahit ano po Sir..." Sagot sakin ni Lindsey. Tinanong ko kasi siya kung ano ang gusto niyang pagkain. Napagdisisyunan muna namin ng mga kaibigan ko na kumain muna sa isang reataurant bago tuluyang magpunta sa lugar na titigilan namin. Matapos namin umorder ng mga kaibigan ko ay naupo na agad kami. "Denis tikman mo to - masarap ito" alok ni Marvin kay Denis. "Bakit mo po alam pangalan ko Kuya?" Takang tanong naman ni Denis. "Palagi ka kasing kinukwen-" "Bilisan niyo kain para hindi tayo ma-late sa venue" pagputol ko sa usapan nila. Langya tong si Marvin! Sasabihin pa niyang palagi kong kinukwento si Denis sa kanila. Pamahak din tong lokong to eh! "Alam mo Denis may naalala ako kapag nakikita kita. Katulad mo din siya at mabait din - kaso naunahan ako ni Kuya sa kanya" singit naman ni Luis sabay tawa. "Ano po pangalan niya?" -Denis "Huwag mo na nga ako i-po. Pinapatanda mo naman ako eh. Chriden pangalan niya. Den ang tawag namin" sagot naman ni Luis. "Lahat talaga ng may Den ang pangalan - mabait at malakas ang apil noh?" Singit uli ni Marvin sabay tingin sakin dahilan para magtawanan sila. Mga abnormal! Lagot kayo sakin mamaya! . . . "Denis magpalit ka muna ng suot mo. Malamig sa labas" sabi ko sa kanya nung dumating na kami dito sa venue. Nasa isang resort kami. Magkasama kami sa room ni Denis. Sila Marvin, Kurt, at Wilbert naman ay may sari-sariling kasamang iba. Si Luis? Mag-isa sa room. Ewan ko ba sa lalakeng iyon. Loner ang ganap sa buhay. "Eto ang suotin mo oh" sabay lapag ko ng jersey shorts ko at jacket na dinala ko talaga para kay Denis. "Ayy Sir may dala din po akong jacket. Kaya okay lang po" tanggi niya. "Mas makapal yang jacket na yan. Malamig sa tabing dagat baka di makaya ng katawan mo" pamimilit ko sa kanya. Ayoko naman kasi masayang ang effort ko sa pagdadala ng damit ko para lang suotin niya. Wala na siyang nagawa. Sinuot niya rin. Sabay na kaming lumabas ng room at nagpunta sa tabing dagat. Nakaready na ang isang malaking bonfire para saming magkakaibigan. Ewan ko ba - pero sa twing mapupunta kami sa isang resort at hindi nawawala ang paggawa namin ng bonfire. Masarap kasi sa pakiramdam. Dumating narin sila Marvin kasama ang mga chicks nila. Dala dala ang gitara at beatbox. Naku! Walang panama sa chicks ko yan! Pumaikot na kami sa malaking bonfire habang may kanya kanya kaming hawak na bote ng sanmig light. Nagpakilala isa-isa ang mga kasama ng mga kaibigan ko at ganun din kami sa kanila. Ito namang katabi kong si Denis - halatang naiilang at nahihiya. "Sige na! Sipra na Marvin!" Udyok ni Wilbert tukoy sa hawak hawak na gitara. Nagsimula ng tumugtog ng gitara si Marvin kasabay sa paghampas sa beatbox ni Wilbert. Nais ko ay magpakilala sa iyo At ipahiwatig ang nilalaman ng puso ko Maunawaan mo kaya O baka sampalin mo lang ang akong mukha - nagdadalwang isip na Panimula ni Marvin sa kanta habang panay ang pagsipra sa hawak niyang gitara. Huwag nalang - kaya Huwag nalang kaya? Pagpapatuloy naman ni Wilbert. Bakas sa mga mukha ng mga kasama nilang babae ang mangha sa kanilang naririnig mula sa dalawang kaibigan ko. Ano tingin nila sakin? Papatalo? De noh! Nais ko ay - ialay sa iyo Ang puso ko na umiibig sa iyo Ngunit di mo na yata kailangan ng ganyan Meron ka na yatang kasintahan Naninikip ang tiyan... Pagkanta ko sabay palihim na sumulyap sa taong katabi ko. Takte! Bakit nga ba ganito ang nararamdaman ko? Bakit ang dami dami naman ng tao sa paligid ko pero bakit sa taong ito pa? Ang hirap naman ng kalagayan ko. Una may boyfriend na siya... Pangalawa tatay ko pa ang amo niya... At pangatlo - alam kong di niya ako magugustuhan. Huwag nalang kaya Huwag nalang kaya? Pagtatapos ni Wilbert sa kanta. Nagpalakpakan ang mga babaeng kasama ng mga kaibigan ko pati si Denis. Sarap sa pakiramdam na mapansin niya yung talento ko ah! "Teka teka.. Di naman pwedeng tayo lang ang kumanta... Oyy Denis sample naman diyan" ngiting sabi ni Wilbert kay Denis habang nakatuon ang dalawang mata sakin. "Oo nga Denis! Baka sakaling pareho kayo nung taong sinasabi ko sayo kanina" gatong naman ni Luis na nasa harapan ni Denis. "Hala! Kakahiya! Tagal na po ng huling kanta ko" pagtanggi naman niya. "Okay lang yan.. Minsan lang to oh" singit naman ni Marvin. "Okay po. Pero walang mang-aasar ha" sagot ni Denis na medyo namumula ang mukha dahil sa iniinom na alak. Ganyan ganyan din siya nung nag-inom kami dati sa bahay eh. Sinabi ni Denis ang kakantahin niya at nagsimula ng sumipra sa gitara ni Marvin. I never dream Coz I always thought that dreaming was for kids Just childish thing And I could swear Love is just a game that children plays And no more than a game Tangina men! Boses ba talaga ni Denis itong naririnig ko? Narinig ko na boses niya sa cellphone pero tangina!! s**t! Bakas din sa mukha ng mga kaibigan ko ang pagkamangha sa kanilang naririnig, lalo na si Luis. Napansin kong pinindot ni Denis ang cellphone niya - call button. Nahagip din ng mata ko kung sino ang tinawagan niya. Si Pj. Till I met you I never knew what love was Till I met you This feeling seems so grow more every day I love you more each day... Para na akong timang habang nakanta siya. Natuon ang buong atensyon ko sa kanya. Hindi ko alam pero damang dama ko ang kanta niya. Denis... Hindi ba pwedeng ako nalang? I believe in you I believe in every word that you say I love you all the way Now I could swear Love is not a game that children play So tell me you'll stay Till I met you I never knew what love was Till I met you This feelings seem so grow more every day I love you more each day... Pagtatapos ni Denis sa kanta. "Wooooww!" "Shitttt...." Reaksyon ng mga kaibigan ko. Si Luis? Speechless at napatulala lang kay Denis. "Denis ang gan-" "Oh di ka na nakapagsalita diyan!" Sabi ni Denis nung aktong tinapat ang kanyang cellphone sa kaliwang tainga niya dahilan para di ng pagputol ng dapat na sasabihin ko sa kanya. "Oyy Denis mamaya na yang cellphone! Shot!!!!" Malakas na sigaw ni Marvin. "Shhhhh!! Wag! Bad yon!" Nakangising senyas ni Denis habang takip takip ang cellphone para di marinig ng kausap. "Oh, Marcus natahimik ka diyan!?" Biglang pagpuna saken ni Luis. "Hala Shir! Medyo lasheng na ako ah!" Sabi sakin ni Denis habang akay akay ko siya pabalik ng kwarto. Anong medyo!? Laseng na talaga! Ayaw kasi magpaawat kanina! "Oh, dahan dahan! Kumapit ka sakin para mabuksan ko ang pinto!" Sabi ko sa kanya. Pasuray suray na kasi! "Ayos na ba itong kapit ko Shir?" Tanong niya at mabilis niyang isinukbit ang magkabilang kamay niya sa leeg ko. Hindi agad ako nakakilos dahil sa bigla niyang ginawa. Takte! Ano nanaman itong lintik na nararamdaman ko? Bumibilis nanaman ang t***k ng puso ko. "Oyy! Denis... Dahan dahan.." Sabi ko sa kanya sabay higa ko sa kanya sa kama. Matapos yun ay wala na akong narinig sa kanya. Nakahilata na siya sa kama at nakatulog na. Dumiretso na muna ako sa comfort room para magshower. Kakahiya naman sa kanya kung tatabi ako sa kanya na amoy dagat at amoy alak ako. Mabilis kong tinapos ang pagkukuskos ko sa katawan ko. Sinuot ko na ang boxer short ko at ang sando kong puti naman. Aktong hihiga na ako nung narinig kong nagriring ang cellphone ni Denis. Hindi ko napigilan ang sarili ko at mabilis kong in-slide ang answer. "Hello beyb-" "Kanina pa natutulog si Denis" putol ko sa taong nagsasalita. Kay PJ. "Saan siya natutulog? Magkasama ba kayo sa kwarto?" Biglang pagbabago ng boses niya. Buset na lalakeng to ah! Hindi ko ata gusto ang tono ng pananalita niya saken! "Magkatabi kami ngayon. Nalasing siya at hindi na niya kinaya" sabi ko kahit na hindi pa kami magkatabi ni Denis. Hindi ko alam pero gusto ko siyang galitin at pagselosin. "Gusto ko lang malaman mo pre na kami na ni Denis. Alam ko na nakukuha mo na ang ibig kong sabihin dahil lalake ka rin" -Pj "I know what I am doing and what I am going to do Pj and I think ikaw dapat ang mag-isip kung ano ba talaga ang dapat mong gawin" sagot ko sa kanya sabay end ko ng tawag. Tangnang lalakeng to! May gana pa akong sabihan ng ganoon samantalang siya ang gumagawa ng mali. Kung talagang pagmamay-ari niya si Denis dapat hiwalayan niya si Danica. Buset siya! Ni-turn off ko ang cellphone ni Denis. Sigurado kasi ako na tatawag at tatawag pa yung lalakeng yun. Napansin ko rin kasi na nakainom siya base sa tono ng pananalita niya. Humiga na ako. Katabi ko na si Denis. Nakatagilid ako habang nakaharap sa kanya. Ano nga bang meron sayo Denis? Bakit kaya nakakaramdam ako ng kakaiba sa tuwing magkasama tayo? Hindi naman ako ganito dati sayo. Ano bang meron kay Pj na hindi mo makita saken? Pareho naman kaming matangkad. Mas gwapo ako sa kanya. Ako single. Diba mas okay pa ako sa kanya? Bahagya akong natigilan sa pag-iisip ko sa kanya nung bigla siyang gumalaw at iniyakap niya sakin ang kanang kamay niya. Takte! Kahit naka-aircon itong room namin ay nag-iinit ang katawan ko. Kaya bago pa ako di nakapagpigil ay ipinikit ko na ang mga mata ko at pinilit kong matulog. . . . "Goodmorning! Bangon ka na. Ready na ang breakfast natin. Pagkatapos natin kumain ay lalabas na tayo. Kanina pa nasa labas sila Luis" sabi ko sa kanya nung napansin kong nakamulat na ang mata niya. Aga ko nagising? De noh! Hindi talaga ako nakatulog kagabi dahil sa nararamdaman ko. Kaya eto ako ngayon - bangag ang dalawang mata. Bawas pogi points tuloy. Mabilis kaming natapos ni Denis sa pagkain. Nag-ayos na agad kami para makapag-enjoy na ulit. Kailangan masulit na namin itong pangalawang araw. Kasi mamayang gabi uuwe na kami. Kung pwede nga lang mag-extend pa gagawin ko eh. Kaso pare-pareho kaming may mga pasok. "Isuot mo ito" sabi ko sa kanya sabay abot ng damit ko. "Sir may dala po ak-" "Bilisan mo na para makalabas na tayo" putol ko sa sasabihin niya. Ayoko ngang bigyan pa siya ng pagkakataon para tumanggi saken. "Oh ang tagal niyo naman.. Kanina pa kami nag-aantay dito" sabi ni Marvin habang nakapamewang. "Halatang puyat na puyat ka Yvan ah! Ano ginawa niyo ha!?" Sita naman ni Wilbert. "Naka-homebase na ba si Yvan, Denis?" Diretsong tanong ni Luis sa kanya. "Hala Kuya!" Gulat na reaksyon ni Denis. Napansin ko rin na namula ang mukha niya. "Biro lang... Tara na Denis..." Dugtong ni Luis habang nakalahad ang kamay niya kay Denis. "Tara na. Sulitin natin ang araw na ito" sabi ko at mabilis kong hinawakan ang kamay ni Denis at isinabay ko siya sa paglalakad. Takteng Luis to ah! Kagabi pa siya! Sumakay na kami sa kanya kanyang motorboat. Kasama ko si Denis. Syempre saken lang siya dapat sumama. Nagsimula na naming paandarin ang motor boat. "Kapit ka lang ng mahigpit saken Denis" sabi ko sa kanya. "Sir dahan dahan baka tumaob tayo" sagot niya na halatang natatakot. Hindi ko nga alam kung matatawa ako o maaawa sa kanya eh. "Yumapos ka saken Denis para hindi ka mahulog" Naramdaman kong yumapos saken si Denis at mahigpit iyon. Kaya mas lalo ko pang binilisan at iniba ko ang ruta ng dinadaanan namin. "Sir pahinga muna tayo.. Napagod ako kakasigaw don eh" reklamo niya matapos namin sa motor boat. Nandito na kami ngayon sa tabi ng dagat. May mga payong na nagbibigay lilim sa inuupuan namin. Nag-iihaw ng bbq si Marvin at nakikipaglaro naman si Wilbert ng volleyball sa mga babaeng kasama namin. "Denis eto oh" sabay abot ni Luis ng bbq. "Sige po. Sir gusto mo?" Tanong niya saken habang inaabot saken ang hawak niyang bbq. "Ayy ikukuha nalang kita Sir... May laway ko na eh" nahihiyang sabi niya nung aabutin ko na iyon. Mabilis siyang tumayo at naglakad papunta sa ihawan nung napansin kong bigla siyang natigilan at nadako ang tingin sa lalakeng naglalakad papunta sa kinalalagyan namin. Si Pj.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD