Chapter Seven

3124 Words
Denis Lindsey Point of View "Bakit hindi ka pa nakaayos?" Biglang sita sakin ni Sir Yvan habang tinatanggal ko sa pamamagitan ng net ang dumi ng pool. "Ah eh.. Sir... Pasensya na po... Hindi po ako makakasama... Madami pa po kasi akong gagawin..." Dahan dahang sagot ko sa kanya. "Diba sinabi ko na isasama kita? Iwanan mo na yan at ayusin mo na ang gamit mo. Aalis na tayo" -Sir Yvan "Sir baka po kasi ako ang pagalitan ni Sir An-" "It’s okay Denis. Mag-ayos ka na. Mas okay sakin na samahan mo si Yvan" biglang sulpot naman ni Sir Anton sa likuran ko. "Opo Sir.." Sagot ko at kaagad na akong nagpunta sa kwarto ko at nag-ayos ng gamit. "Here’s my bag. Put your things here" sabi ni Sir Yvan sabay hagis ng bag niya. "Sir wag na po... Mero-" "Do what I say..." Kaya no choice ako at nilipat ko ang gamit ko sa bag na inihagis ni Sir Yvan. "Sir Anton alis na po kami..." Paalam ko kay Sir Anton. "Okay sige Denis. Ikaw na bahala diyan kay Yvan Marcus... Saktan mo kapag may ginawang kalokohan" pabirong bilin sakin ni Sir. "Sit here" sabi sakin ni Sir Yvan nung akmang bubuksan ko na ang pintuan sa likod ng sasakyan niya. Ayy garabe siya oh! Ginawa pa akong aso! Lakas maka-sit here! Sinunod ko ang sinabi niya. Baka kasi barahin nanaman ako ng diablong ito eh. Pareho kaming tahimik sa loob ng sasakyan. Wala naman kasi kaming pwedeng pag-usapan eh. Isa pa - baka maingayan lang sa bibig ko itong di Sir kapag kinausap ko siya. Biglang tumunog ang cellphone ko kaya kaagad kong kinuha sa kaliwang bulsa iyon. "Hello..." Pagsagot ko. "Saan na kayo?" Tanong sakin ni Powell. "On the way na po... Ikaw?" Sagot ko naman. Sadyang hinihinaan ko ang boses ko dahil ayokong marinig ng taong kasama ko ang pag-uusap namin ni Powell. "Nandito na kami... Nandito lang ako sa CR kaya nakatawag ako sayo... Magkita tayo mamaya ha... Namimiss na kita eh.." -Powell. Napansin kong naglagay ng earphone sa magkabilang tainga si Sir at nakita kong parang bumubuka buka ang bibig. Baka narindi sakin kaya naglagay nun. Ang yabang naman netong taong ito! "Ayy... Hindi na nagsalita... Hindi mo siguro ako namimiss..." Sabi ulit ni Powell sa kabilang linya. "Syempre naman... Namimiss na kita... Kita nalang tayo mamaya... Sige po. Ingat ka po" sabi ko sa kanya para matapos na ang usapan namin. "Labyu..." Masayang sabi niya. "Sige na..." -Ako "Ayy! Ang daya naman ee... Sabi ko labyu..." Pangungulit niya. Takte! Kinikilig ako! "Labyu tu po... Kita nalang tayo mamaya..." Pagsagot ko sa kanya. Mabilis ko ng tinago ang cellphone ko sa bulsa ko pagkatapos ng pag-uusap naming dalawa. "Akala ko hindi kayo dadating eh" bati samin ni Danica. Nginitian ko silang magkakaibigan at ganun din kay Powell na malawak ang pagkakangiti nung nakita niya ako. Si Sir Yvan ang may dala ng bag na may lamang gamit namin. Kinukuha ko nga yun kanina kaso sabi niya siya na daw ang magdadala. Bipolar noh? "Kain muna kayo Yvan. Sabay na kayo dito kina Mike" sabi ulit samin ni Danica habang inilalapag ni Sir Yvan ang bag sa gilid ng table. Nasa isang bungalow type cottage kami kaya malaki. Ang luwag luwag nga eh. May sariling ihawan. Si Powell ang nag-iihaw at sila Mike naman ay nakain na. "Sige. Magbibihis muna ako" tipid na sagot ni Sir Yvan. "Denis tara kain ka na muna" yaya naman sakin ni Mike. "Sige na Denis kain ka na. Pagbalik na ako." Sabi ni Sir sakin. Kaya naupo na ako. Nagugutom narin kasi ako eh. Di kasi ako nakakain kanina sa pagmamadali dahil sa kanya. Habang nakain ako ay biglang tumunog ang cellphone ko. Damihan mo kain ha.. Ako nagtimpla ng bbq kaya sigurado akong masasarapan ka dyan. Sender: Powell Lihim akong napangiti nung nabasa ko yun. Wag ka na muna mgtxt. Bka mkita pa ni Danica at mkahalata satin. Tara kain ka narin... Reply ko naman sa kanya. Ewan ko ba sa sarili ko at nagawa kong pumasok sa ganiton klaseng relasyon. Minsan nga tinatanong ko ang sarili ko kung ganito na ba talaga ako kadesperado, pero may parang nagbubulong naman sakin na kung masaya ako walang problema. Aktong kakagat ako sa bbq na hawak ko nung napadako ang tingin ko kay Sir. Oh s**t! Si Sir nga ba to? Nakaputing fitted na sando, board shorts at nakablack na shades. Shit! Ang hot ni Sir! Nakita ko rin na pinagtitinginan siya ng mga babaeng nakababad sa pool at ilang nasa ibang cottage. Nakatingin lang ako sa kanya. Hanggang sa hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala siya. Nabuka ang bibig niya pero parang wala akong naririnig na kahit ano sa kanya. "Denis?? Are you okay?" Untag sakin ni Danica na nagpabalik sa katinuan ko. "Ahh... Okay lang... Okay lang ako..." Tarantang sagot ko at ibinalik ko ang atensyon ko sa kinakain ko. "Eto pang bbq oh! Tara kain na tayo tol" biglang singit ni Powell tukoy kay Sir Yvan. Nakisabay na samin sa pagkain si Sir. Kwentuhan lang at napagkasunduan naming mag-inom. Di naman talaga nawawala ang alak sa mga ganitong okasyon diba? (agree ka ba author?) "Ako na bibili... Malapit lang naman" prisinta ko nung napagkasunduan kung anong alak ang iinumin. "Samahan na kita Lindsey!" Biglang segunda ni Powell. "Lindsey??" Takang tanong ni Danica. "Lindsey?" Halos sabay na patanong ni Lorenze at Mike. Si Sir naman ay walang reaksyon. Takte! Ito na nga ba ang sinasabi ko eh! Natigilan ako dahil sa mga reaksyong nakita ko. Takte! Ano ba ang gagawin ko? "Lindsey??" Takang tanong ni Danica kay Powell. "Ahh.. Denis Lindsey kasi ang fullname ni Denis.." Biglang singit ni Sir Yvan. "Paano mo nalaman bhe na buong pangalan niya?" Takang tanong ulit ni Danica. Takte naman! Bakit ba kasi bigla bigla nalang nagsasalita itong si Powell! Kinakabahan tuloy ako sa sitwasyon namin. "Ahh.. Nakita ko sa ID niya kahapon. Parang mas bagay sa kanya kaya bigla ko nalang natawag sa pangalan niyang iyon" nakangiting palusot ni Powell. Jusko! Wag naman sanang maalala ng mga ito na wala akong suot na ID kahapon. "Ahh.. Ang cute pala ng name mo Denis" -Lorenze. "Oh pano? Bili lang muna kami" sabi ulit ni Powell at sumabay na sa paglalakad sakin. "Muntik na tayo dun Beyb..." Mahinang sabi niya sakin. "Beyb mo mukha mo! Kinabahan ako kanina. Bakit ba kasi naisipan mo pang sumama sakin!" Reklamo ko sa kanya nung napansin kong medyo malayo na kami sa cottage namin. "Syempre naman. Namimiss na kita. Wag ka mag-iinom mamaya ha! Lagot ka saken!" Bilin niya. "Konti lang. Baka isipin naman ng mga kaibigan mo KJ ako. Ikaw ang wag maglalaseng! Baka mamaya kung ano nanaman ang maitawag mo saken!"  Mahabang pagsagot ko sa kanya. Nagulat nalang ako ng bigla niya akong hinila sa gilid ng malaking arko. Sinandal niya ako sa pader at ikinulong niya ang magkabila kong katawan ng magkabila niyang braso. "Imissyou so much beyb..." Mapangakit niyang sabi sakin. Wala akong masabi. Nakatitig lang ako sa mga mata niya. Kitang kita ko ang napakalamlam at napakaganda niyang mata. Dahan dahan lumalapit ang mukha niya sa mukha ko. Naramdaman ko nalang na magkalapat ang aming mga labi. Napapikit ako. Napasabay na ako sa bawat pagpihit ng kanyang ulo. Naririnig kong tumutunog ang cellphone ko. Kinapa niya iyon habang magkadikit ang aming nga labi. Matapos niyang kapain iyon ay nawala ang tunog na senyales ng may tumatawag sakin. "Bakit mo kinansel? Baka importante yung tawag na -" Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko nung bigla ulit niya akong siniil ng halik. "Wag ka maglalaseng beyb ha... Magkita tayo mamaya. Tatawagan kita..." Sabi niya matapos maghiwalay ng aming mga labi. Sa totoo lang. Nakakatakot at nakakakaba itong pinasok ko, pero hindi ko naman pwedeng lokohin ang sarili ko. Gusto ko na si Powell. Kahit alam kong mali. Kahit alam kong ako gumagawa ako ng bagay na pwedeng ikasira ng ibang relasyon, di ko na mapigilan. Matapos naming bumili ng alak ay kaagad na kaming bumalik sa cottage. "Oh bakit ang tagal niyo? San pa ba kayo nagpunta?" Puna samin ni Mike habang may hawak hawak na bbq. "Dami kasing bumibili..." Mahinang sagot ko. "Osya. Akina na yan. Ako na magpapaikot ng tagay" sabay kuha ni Lorenze sa bitbit ni Powell na alak. Nagsimula na kaming mag-inom. Katabi ko sa upuan si Sir Yvan. Sa harap naman namin ay si Powell at si Danica. Sa magkabilang gilid naman ay si Lorenze at si Mike. Naiilang nga ako eh. Napapansin ko kasing natitig sakin si Powell sa tuwing iinumin ko ang tagay na inaabot sakin. Nakakainis! Baka makahalata na itong mga kasama namin. "Oh tulala ka nanaman diyan PJ!" Puna ni Mike dahilan para tumawa si Lorenze. "Naku! Alam ko na kung bakit ganyan yan! Excited na yan para mamaya!" Singit ni Lorenze habang natawa. "Langya ka! Puro nanaman kayo kalokohan!" Sagot ni Powell para lalong nagtawanan sila. "Ano yang pinag-uusapan niyo ah" pagsali naman ni Danica. "Wala! Sorpresa nalang ni Powell yun!" Malakas na sagot ni Mike. "Puro talaga kayo kalokohan!" -Danica Nagpatuloy kami sa inuman. Kwentuhan ng kung anu-ano hanggang sa natuon ang pag-uusap tungkol sakin. "Ikaw Denis may boyfriend ka na?" Biglang tanong sakin ni Mike habang hawak ang baso na may lamang alak. Muntik na nga akong masamid nung bigla niya akong tinanong eh. Nakain kasi ako ng bbq nung naisipan niya akong tanungin. "Ahh... Wala... Wala pa sa isip ko yang bagay na yan..." Nauutal kong sagot. "Weewwwww! Pero may natitipuhan ka na sa school?" Muling tanong niya. Ano nga ba ang isasagot ko? Sasabihin ko bang meron kahit wala? Dahil yung natitipuhan ko ay boyfriend ko na? O sasabihin kong meron para hindi na nila maisipang magduda? Habang nag-iisip ako ay napatingin ako kay Powell. Yung tingin na para bang gusto niyang sabihin na sabihin ko na may boyfriend na ako. Takte naman oh! Ang hirap ng ganito! "Meron naman po... Pero... Hindi pwede eh.. Saka sa ganitong sitwasyon ko imposibleng maging kami non nu!" Sabi ko nalang sabay ngiti sa kanila. "Alam mo Denis, sa tingin ko matatagpuan mo rin yung tamang tao para sayo.. Hindi naman porket ganyan ka ay wala ng seseryoso. Sabi nga nila lahat ng kaldero ay may sariling takip" mahabang paliwanag ni Lorenze. "Eh kung ihampas ko kaya sayo yang takip ng kaserola! Ang dami mong sinasabe! Bilisan mo shot!" Malakas na sigaw ni Mike dahilan para magtawanan kami. "Eh ikaw naman Yvan? May girlfriend ka na ba?" Biglang tanong ni Danica. "Actually, wala. Kaplastikan naman kung sasabihin kong wala akong nagugustuhan - meron, pero alam kong hindi kami pwede nun" mahabang sagot ni Sir Yvan. Arte naman nitong si Sir! Sa itsura niyang iyan hindi siya magugustuhan ng babaeng nagugustuhan niya? Imposible! Gwapo, mayaman, edukado at higit sa lahat... Malaki... Malaki ang katawan... Ayy ano ba itong mga pumapasok sa isipan ko! "Bakit hindi mo subukang i-try? Malay mo naman magustuhan ka din nun" sabay naman ni Lorenze. "Saka na. Di pa ito ang right time" tipid na sagot ni Sir. "Alam mo Yvan - kung naging babae lang itong si Denis, ipupush ko kayong dalawa. Para kasing compatible na compatible kayong dalawa" sabi ni Danica na halatang may tama na ng alak. Takteng babae to ah! "Oo nga pre! Baket hindi nalang yang si Denis ang ligawan mo!" - Mike "Tumigil nga kayo diyan! Baka mailang pa satin ang bisita natin. Change topic na" pabalang na sabat ni Powell sa usapan na naging dahilan para sa kanya mapunta ang atensyon ng lahat. "Osya - change topic na nga. Anong plano sa darating na sembreak?" Biglang singit ni Danica. Ano nga ba ang plano ko ngayong sembreak? Mukhang mas maganda kung uuwe muna ako sa probinsya. Namimiss ko narin ang mga kaibigan ko dun ee. Nakakamiss yung tahimik na kapaligiran at yung lugar na walang polusyon. "Punta tayo sa Baler!" Sangguni naman ni Mike. "Sa Baguio nalang!" Sabi naman ni Lorenze. "Mas maganda pagbotohan natin yan! Ako kasi mas gusto ko sa Batangas" nakangiting sabi naman ni Danica. "Ikaw san mo gusto bhe?" Tanong naman ni Danica kay Powell. "Kahit saan. Kung ano mapag-usapan dun nalang" sagot naman siya sabay angat ng basong may lamang alak. "Ikaw Yvan?" Muling tanong ni Danica. "Ahh... Honestly wala pa akong plano this coming sembreak. Pero kung ano man mapag-usapan at kung pwede ako ng ganoong araw. Sasama ako" mahabang sagot naman ni Sir. Kahaba haba ng sinabi sasama rin pala! Pabebe din itong amo ko eh! "Ikaw naman Denis? May plano ka na ba?" Diretsong tanong naman sakin ni Danica. "Meron na... Uuwe ako ng probinsya ngayong sembreak. Matagal na rin kasi akong hindi nakakauwe" sagot ko naman sabay abot ng baso na binibigay ni Mike. "Talaga? Eh kung dun nalang kaya tayo sa probinsya niyo? Mas masaya yun!" Masayang komento naman ni Mike. "Ah.. Hindi kasi pwede dun.. Maliit lang bahay namin saka siguradong hindi niyo magugustuhan..." Dugtong ko. "Asus! Tingin mo naman samin! Ano guys? Trip niyo ba?" Malawak na pagkakangiting tanong ni Mike. "I'm in!" Mabilis na sagot ni Sir Yvan. "Deal!" Sunod naman agad ni Powell. Jusko! Wag naman sanang pumayag ang mga ito. "Mukhang masaya nga! Syempre sasama ang bhebhe ko. Sama ako!" Sang-ayon naman ni Danica. Ganoon na nga ang nangyari. Wala na akong nagawa kundi ang isama sila. Akala ko pa naman makakapagpahinga at makakapaggala ako ng maayos sa probinsya namin. Sana naman hindi mareklamo ang mga ito. Sa itsura kasi nila mukhang hindi sila sanay sa pamumuhay na meron sa probinsya. . . . "Hala! Sir baket nandito tayo?" Takang tanong ko kay Sir Yvan. "Wala ng ibang available na room. Ayusin mo na yung gamit mo at magsa-shower na muna ako" diretsong sagot niya sakin matapos ilapag ang gamit namin sa kama. Inayos ko ang gamit namin ni Sir. Takte! Isa lang ang kama at walang sofa. Tanging dalawang upuan lang na pinapagitnaan ng maliit na bilog na table. May nakapatong na wine sa gitna, ice cube at dalawang maliit na baso. "Lakad na magshower ka na. Ilalagay ko nalang yung towel sa gilid" diretsong sabi nanaman ni Sir Yvan sakin. Nagpunta na ako sa banyo at nagshower na ako. Laman parin ng isipan ko ang pagsama nila sa probinsya. Sigurado kasi ako na hindi nila magugustuhan don eh. At isa pa... Ayoko makilala nila yung taong pilit kong iniiwasan at kinakalimutan don. "Oyy! Denis okay ka lang ba diyan!" Malakas na tanong ni Sir Yvan. "Okay lang po Sir. Bakit po?" Takang tanong ko. "Mahigit isang oras ka na diyan!" Dugtong niya. Mabilis ko ng tinapos ang paliligo ko at lumabas na ako. "Oh bakit natigilan ka diyan?" -Sir Yvan. Ano ba itong nararamdaman ko! Baket ganito? Nasa harapan ko ngayon si Sir Yvan. Nakaboxer shorts at topless. Kitang kita ng dalawang mata ko ang napakagandang hubog ng kanyang katawan. "Hey! Denis!" "Ayy Sir! Sensya na po.. Hindi po kasi ako sanay na may kasama sa kwarto..." Sagot ko sa kanya. Talagang hindi ako sanay na may kasama na ganyan ang itsura. "Gusto mo bang lumipat ako ng kwarto?" Diretsong tanong niya sakin. "Ayyy! Hindi po Sir... Okay lang po..." Nahihiyang sagot ko. Naupo na ako sa mini table at kinuha ko sa bag ko ang laptop ko. Username: bubeiyebeb Password: *********** Dami kong notifs. Inisa-isa ko iyon. Puro invitation sa groups. Takteng yan! May friend request din. Tiningnan ko muna yung 11 na request. PJ Ricafrente Si Powell! In-accept ko agad yun at tiningnan ko ang mga photos niya. Ang cute talaga niya. Hindi ko nga lubos maisip na magiging kami niyan eh. Kahit alam kong mali at bawal yung relasyon namin, wala akong magawa. Nahulog na ako sa kanya. Di ko naman kasi magawang pigilan ang nararamdaman ko eh. Sana lang huwag dumating sa point na malaman ng nakapaligid samin ang tungkol saming dalawa. Yvan Marcus Hernandez Bago ko i-confirm ay tiningnan ko muna ang mga photos niya. Nakaprivate yung iba. Yung friends niya? Konti lang pero takte! Ang daming followers. Ni-click ko yung profile picture niya. 1.6K likes! Wow ah! Famous? Tinitigan kong maigi ang profile niya. Galing niya mag-edit ah! "Huwag mong masyadong pakatitigan yan! Kaya nanlalabo mata mo eh!" Siya sakin ni Sir Yvan mula sa likuran ko. "Ayy sir!" Sabay baba ko ng laptop ko. Nakakahiya kasi. "I-accept mo yung request ko" huling sabi niya at naupo na sa harapan ko. Nagsalin ng wine sa dalawang basong nasa harapan namin. Inisod niya sakin yung isang baso. "Opo Sir..." Sagot ko sa kanya. "Nga pala Denis, isasama kita sa Wednesday. Birthday ng kaibigan ko. Naipagpaalam na kita kay Daddy at sinabi niya na sumama ka daw" mahabang sabi niya. "Ahh.. Sir... Ta-try ko po... Baka po ka-" "No - No answer. Don't worry. Akong bahala sayo dun." Diretsong pagputol niya sa sinasabi ko. Panandaliang naputol ang usapan namin nung biglang tumunog ang cellphone ko. Beyb kita tayo maya. Antayin kita dun sa tabing dagat ha.. Imissyou so much. Iloveyou. Galing iyon kay Powell. Nireplyan ko siya agad. Sinabi kong oo at pupunta ako. Syempre naman. Gusto ko rin naman makasama at masolo si Powell. Hindi na namin naubos ni Sir Yvan ang iniinom namin na wine. Medyo inaantok na daw kasi si Sir Yvan kaya nagyakag na siyang matulog. "Dito ka na sa kama. Malaki naman ito." Yaya niya sakin. "Huwag ka na mailang. Nakaboxer naman ako" diretsong dugtong niya. Nahiga narin ako sa kama. Nasa kaliwang bahagi ako nakapwesto at nasa kanan naman siya. Ilang sandali lang ang lumipas ay naramdaman kong nakatulog na si Sir. Nagpalipas pa ako ng ilang minuto para masiguro ko. Dahan dahan akong bumangon mula sa higaan. Pinatong ko sa kama ang cellphone ko at kinuha ko ang longsleeve na dala ko kanina. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at naglakad na ako palabas ng room namin ni Sir. Takte! Napakalamig naman! May ilan ilan paring gising at nakapaikot sa bonfire. Sayang nga lang at hindi namin nagawa yun kanina. Naramdaman ko nalang na biglang may yumapos sa likuran ko. Mahigpit. Napakahigpit. "Imissyou..." Sabay halik niya sa pisngi ko. "Kakagulat ka naman.." Sabi ko kay Powell na nakaakbay na sakin ngayon. "Tara don tayo" tukoy niya sa nag-iisang cottage sa dulo sabay hila niya sa kamay ko. "Powell balik tayo agad kasi ba-" Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko nung bigla niya akong siniil ng halik. Hawak niya ang magkabila kong pisngi. Napayapos na ako dahil sa ginagawa niya. "Beyb...tara dun tayo..." Tukoy niya sa nag-iisang room sa tabi ng malaking pool sa loob ng resort. Dahil sa sensasyong nararamdaman ko ay napasama na ako sa kanya. Sinabi niyang naka-reserve na ito sa kanya para saming dalawa kanina pa daw umaga. Pumasok na kami sa loob. Hinubad niya ang pang-itaas niyang damit. Kaagad din niyang hinubad ang suot ko. Inihiga niya ako sa kama at patuloy niya parin akong hinahalikan. Sa noo... Sa labi... Papunta sa leeg. Ramdam na ramdam ko ang init na nararamdaman ko sa mga sandaling ito. "Powell..." "Lindsey..." . . "Iloveyou Lindsey..." Nakangiting sabi niya sakin habang pareho kaming nakahiga. "Iloveyou too Powell" sagot ko sa kanya. Matapos yun ay sinimulan nanaman niya akong halikan. "Uy.. Lika na.. Alas tres na oh.. Baka hinahanap na tayo..." Mahinang sabi ko sa kanya. "Beyb.. Dinner tayo sa Wednesday... Wala si Danica nun eh.." Yakag niya sakin. "Ahh... Beyb.. May lakad kasi kam-" "Bawal ka tumanggi.. Nakapagpareserve na ako sa resto... Iloveyou beyb" sabay halik niya sa labi ko. Lumabas na kami ng room at umikot kami sa tabing dagat para medyo malayo layo ang lalakarin namin. Para daw makapagkwentuhan pa kaming dalawa. Magkahawak kamay kaming dalawa habang naglalakad. Ang sarap nga sa pakiramdam eh. Sana palagi kaming ganito. "Bhe kanina pa kita hinahanap! Bakit magkasama kayo?" Biglang napabitiw ang pagkakahawak ko nung biglang sumulpot sa harapan namin si Danica.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD