Denis Lindsey Blancaflor Point of View
"Powell?" Gulat na bati ko sa kanya.
Takte! Hindi nga siya nagbibiro sa sinabi niya sakin kanina na pupuntahan niya ako kapag hindi pa ako tumigil sa pag-iinom.
"Unang beses mong magkabisita Denis ah.." Biglang singit ni Sir Anton.
"PJ nga po pala Sir..." Pagpapakilala niya kay Sir Anton.
"Oh Pj upo ka diyan.. Dun ka sa tabi ni Denis.. Enjoy the night" sabi ni sir at kaagad narin umalis.
Ano naman kaya ang pumasok sa isip ng lalakeng ito at tinotoo niya ang sinabi niya kanina. Nakakahiya tuloy kina Sir at nagkabisita pa ako. Hindi naman ako ang nagpainom.
"Uyy Denis hindi mo ba ipapakilala samin yang boyfriend mo?" Walang pakundangan na sigaw ni Rose.
"Boyfriend!!? Hala! Hindi noh! Magkaibigan lang kami ni Powell!" Gulat kong tanggi sa kanya.
"I'm sorry... Nga pala I'm PJ Ricafrente" nakangiting pakilala niya.
Ito namang si Rose walang humpay ang bunganga! Gusto ko na ngang lamasin ng sisig ang bunganga niya eh.
"Ahh.. Powell si Sir Yvan nga pala..." Pagpapakilala ko. Wala kasing imik itong amo ko.
"Nice to meet you Sir" ngiting sabi ulit ni Powell.
"Tamaaaa! Ikaw yung naghatid kay Denis nung isang araw diba?" Biglang singit nanaman ni Rose.
Tumango si Powell at ininom ang inabot ni Kuya Rod na tagay sa kanya.
"Diba hinalikan mo si Denis non?" Diretsong tanong ni Rose.
"Roseeeeee!!!!!" Suway ko sa kanya.
Bigla kong naramdaman na pumatong ang kamay ni Powell sa balikat ko.
"Oo. Pasasalamat ko yun kay Denis kasi pinaunlakan niya yung pagyaya ko sa kanya manuod ng sine" diretsong sagot ni Powell.
"Ayiiiiiieeee! Kinikilig ako sanyo!!!" Reaksyon ni Rose.
Nakipagkwentuhan na si Powell sa mga kainuman namin. Feeling close na nga si Rose dahil sa sobrang daming tanong niya kay Powell.
Ako? Tahimik lang. Wala kasi akong maisip na pwedeng ikwento ngayon. May parte kasi sa pakiramdam ko na masaya ako. Di ko man aminin pero masaya ako kasi kasama ko si Powell.
"Ikaw Pj ano ang tipo mo sa babae?" Tanong nanaman ni Rose.
Napunta don ang atensyon ko.
"Ahh... Simple lang... Yung kakaiba saka yung pakiramdam na hindi ka mauubusan ng kwento kapag kasama ko siya" ngiting sagot niya.
"Asus! Pak na pak ako diyan!" Malandeng sabi nanaman ni Rose.
Ala una na pala.
"Paano? Maraming salamat sa pagtanggap sakin dito... Sana maulit pa... Uuwe na ako - medyo mag-uumaga na" mahinahong paalam ni Powell.
"Lindsey pwede ba muna tayo mag-usap bago ako umuwe?" Sunod na sabi niya.
Tumayo ako at sumabay na ako papalabas sa kanya. Naramdaman ko kasing gusto niya na mag-usap kami na kaming dalawa lang.
Nandito na kami ngayon sa labas ng gate. Pareho kaming nakatayo habang nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita.
"Ahmmm.... Powe-"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko sa kanya nung bigla nalang niya idinampi ang labi niya sa labi ko. Magkadikit ang labi namin. Damang dama ko ang napakalambot niyang labi.
Ilang segundo ang lumipas bago niya tuluyang ihiwalay ang labi niya sa labi ko. Natulala ako sa kanya. Wala akong masabi dahil sa ginawa niya.
"Lindsey... Gusto kita..." Sabi niya habang nakatingin siya sa mga mata ko.
"Alam ko mali itong nararamdaman ko... Alam ko mali ito kasi meron na ako.. Pero hindi ko mapigilan.. Habang tumatagal lalong lumalalim ang nararamdaman ko sayo..." Pag-amin niya.
Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Meron akong hindi maipaliwanag na nararamdaman. Hindi ko maipaliwanag pero ang sarap sa pakiramdam.
"Lindsey... Please... Can we be -"
Hindi ko na siya hinayaan pang makapagsalita. Inilapat ko ang labi ko sa labi niya. Sa pagkakataong ito ay ako naman ang humalik sa kanya. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi.
Alam ko mali itong pinasok kong relasyon. Pero, masaya naman ako. Masaya akong kasama si Powell. Kailangan kontrolin ko nalang ang sarili ko para hindi ko siya mahalin ng lubusan. May girlfriend na siya. Kumbaga - makikihati lang ako sa atensyon niya.
"Ibig sabihin ta-"
"Hindi na dapat tinatanong ang bagay na yan Powee... Lakad na. Ingat ka pag-uwe ha..." Nakangiti kong putol sa sinasabi niya.
Imbis na tumalikod si Powell ay niyapos niya ako ng mahigpit.
"Salamat.. Tawagan kita mamaya pagkadating ko sa bahay..." Sabi niya at hinalikan nanaman niya ako.
May sasakyan pala siya. Pinagmasdan ko muna siya bago ako naglakad papasok ng gate.
"Ayy puk-" sigaw ko nung bumangga ang katawan ko sa isang katawan ng tao.
"Si..Sir??" Gulat na tanong ko.
"Pasensya na po Sir... Hindi ko po kayo napansin..." Hinging paumanhin ko kay Sir Yvan.
Hindi siya nagsalita. Isinara niya ang gate at ini-lock iyon.
"Halika na Denis.. Kanina pa sila nag-aantay don" malamig na sabi ni Sir Yvan at nauna na saking maglakad.
Bipolar talaga itong si Sir. Kanina lang okay ang mood tapos ngayon. Haaay naku.
Hindi pa ako nakakaupo ng upuan ay tumunog na ang cellphone ko.
D2 n po aq sa bhay.. Ikw tama na inom ha.."
Sender: Powell Jake
Nireplyan ko siya. Sinabi kong magpahinga na siya at tatapusin lang namin itong natitirang alak. Ang kulit nga ee. Ayaw matulog hanggat hindi siya nakakasiguradong nasa kwarto na ako.
Okay cge.. Labyu..
Huling sabi niya.
"Kayo ah! Nagsosolo kayo ni Pj ah!" Tukso sakin ni Rose.
"Hala! Hoy Rose may girlfriend na yung taong yun noh! Saka wag mo nga ako lokohin dun - kaibigan ko lang yun" pagtatanggi ko. Simula na kasi ito ng patagong relasyon.
"Oo nga Rose. Nakita ko narin ang girlfriend nung Pj na iyon." Segunda naman ni Sir Yvan.
Hala! Paano nalaman ni Sir yun? Pero sabagay mas okay na yun para kahit papaano ay hindi kami pagdudahan ni Sir Yvan.
Powell Jake Ricafrente Point of View
"Oh mukhang good na good ata ang morning natin ah!?" Puma sakin ni Lorenze habang panay ang kalikot konsa cellphone ko.
Paano hindi magiging maganda ang umaga ko - katext ko si Lindsey. Ewan ko ba - kinikilig ako.
"Excited ka na bukas noh? May pinaplano ka kay Danica noh!" Singit naman ni Mike habang nakain ng tacos.
Plano?
Ano naman ang maiisip kong plano para kay Danica?
"Siguro sosolohin mo si Danica at iiskor ka no!" Panunukso ulit ni Lorenze.
"Tumigil nga kayong dalawa diyan! Puro talaga kayo kalokohan!" Saway ko sa kanila at ibinalik ko ang atensyon ko da cellphone ko.
D2 n ak sa may gate. Ppsok. Ksabay ko si Sir. May aayusin kse ak sa sched niya.
Sender: Lindsey
Matapos kong mabasa ang reply niya sa text ko ay mabilis kong idinako ang mga mata ko sa way ng gate. Wala naman kasing ibang dadaanang gate si Lindsey kundi dito sa may harapan namin.
Nakikita ko na siya.
Para ngang may kung ano sa kalooban ko na nagbibigay ng kakaibang kiliti sa katawan ko.
Ang cute ng height ni Lindsey. Hanggang balikat lang siya ni Yvan.
Nkita n kta. Ang cute mo. Namimiss na agd kta.
Text ko sa kanya.
Napansin kong tinuon niya ang atensyon niya sa cellphone niya.
Ngumiti niya.
Shiiiiiiit!
Bakit ba ako nagkakaganito!
"Okay ka lang Pj?"
"Ahh.. Oo. Okay lang ako. Ano nga ba yung pinag-uusapan natin kanina?" Mabilis kong sagot sa kanya.
Malapit na siyang dumaan sa harapan ko.
Ngingitian ko ba siya?
Papansinin ko ba siya?
Baka magtaka itong mga kasama ko kapag bigla ko siyang kinausap.
"Hi bhe! Maaga kami pinalabas ng prof namin. Ano san tayo kakain?" Bati sakin ni Danica at mabilis humalik sa pisngi ko at kinuyabit ang kamay sa braso ko.
Ilang hakbang nalang at nasa harapan na namin si Lindsey. Nararamdaman ko ngang bumibilis ang t***k ng puso ko eh. Magkahalong kaba at saya ang nararamdaman ko.
"Ayy teka! Kilala ko to ah!" Biglang sabi ni Danica dahilan para mapatingin ako sa kanya. Nakadako kasi ang tingin sa dalawang taong padaan sa harapan namin. Kay Lindsey at kay Yvan.
"Ayy tama! Kuya!" Pagtawag ni Danica.
Napatigil sa paglalakad si Lindsey at Yvan.
"Maraming salamat nga pala dun sa extra pen na pinahiram mo sa grupo namin" nakangiting sabi ni Danica.
"It’s okay. No problem" tipid namang sagot ni Yvan.
Magkakilala pala itong dalawang ito. Paktay tayo diyan! Baka maikwento nitong Yvan na ito na pinuntahan ko si Lindsey sa kanila.
"Nga pala, I'm Danica. Ito nga pala - boyfriend ko si Pj at itong dalawang ito naman ay si Lorenze at si Mike" pagpapakilala ni Danica.
Napakaliit talaga ng mundo. Ang dami daming pwedeng makilala nitong si Danica ay ito pang si Yvan.
"I'm Yvan Marcus and he is Denis" plain tone na boses ni Yvan.
Ngumiti si Lindsey at tumingin sa bawat isa samin.
"Tama! Naalala kita!" Biglang singit ni Mike.
"Ikaw yung -"
"Wag mo na ikwento kuya. Nakakahiya" putol ni Lindsey at nagbigay ng napakalawak na ngiti dahilan para hindi na maituloy ni Mike ang sasabihin.
"Nga pala Yvan, were going to have simple night out tomorrow. Outing. Baka free kayo - join na kayo samin. Para naman maging magkakaibigan tayo" -Danica.
Oh s**t!
Ano ba itong mga naiisip ni Danica!
"Tamang tama. Konti lang kasi kami kaya mas magiging masaya kapag sumama kayo" dugtong naman ni Lorenze.
"Okay. What time and where's the venue?" Malumanay nanamang sagot ni Yvan.
Takte naman oh!
"Ahh... Sir, pasensya na po. Hindi po ako makakasama, marami pa po kasi akong gagawin sa bahay bukas. Kayo nalang po" narinig kong sabi ni Lindsey.
"You need to come with me. Ako na bahalang magpaalam kay Daddy" -Yvan.
"Sir?" Takang tanong ni Mike at nakatuon ang atensyon kay Yvan.
"Ahh kasam-"
"So, we'll see you guys tomorrow. Here's my #." Putol ni Yvan sa dapat na sasabihin ni Lindsey at mabilis naglabas ng calling card at ibinigay kay Danica.
"Okay. Thanks" nakangiti namang sagot ni Danica at nagsimula na ulit maglakad papalayo si Yvan at Lindsey.
"Bhe bakit mo naman niyakag yung mga yun?" Mabilis kong tanong sa kanya.
"Bakit? Nagseselos ka dun?" Sagot ni Lorenze.
"Tangnaka! Hindi ikaw ang tinatanong ko" sagot ko.
"Haay naku bhe. Para naman magkaroon tayo ng mga bagong kaibigan. Mukha namang mabait si Yvan saka yung kasama niya eh. Denis ata pangalan" sagot niya habang nakakuyabit sakin at naglalakad na papunta sa canteen.
Mabait? Talagang mabait si Lindsey noh! Hindi lang mabait - malambing pa at... Haaay... Ewan ko ba.
Nandito na kami ngayon sa canteen. Magkatabi kami ni Danica at si Mike at si Lorenze naman sa kabilang bahagi ng lamesa. Nakaorder na kami ng pagkain.
Nakatuon lang ang atensyon ko sa dean’s office na nasa bahagyang harapan ng pwesto namin. Ako talaga ang pumili ng pwesto dahil nakita kong dun pumasok si Lindsey at si Yvan.
"Bhe oh! May nagtext sayo. Lindsey" sabi ni Danica at awtomatikong kinuha ko agad sa kanya ang cellphone ko.
"Ayy sorry.. Excited lang... May pinapabili kasi ako sa pinsan ko sa Manila, limited edition kaya excited akong malaman kung meron pa" mahabang pagpapalusot ko nung napansin kong medyo nag-iba ang pustura mg mukha niya.
"Naku Danica! Pagdududahan mo yang lalakeng yan? Eh kulang na nga lang magpari yan eh!" Kantyaw ni Mike at pagkatapos nun ay tumawa.
"De noh! May tiwala ako diyan kay Bhe bhe ko" ngiting bawi naman ni Danica.
Nilagay ko sa kaliwang bulsa ko ang cellphone ko. Mamaya ko na babasahin ang text ni Lindsey. Baka kasi maisipan ni Danica na hiramin itong cellphone ko at baka mabasa niya pa ang messages ko. Hindi kasi ako nakapagdelete kanina.
Lumabas na ng dean’s office si Lindsey at si Yvan at naglalakad papunta dito sa canteen. Okay na siguro yung schedule ma inayos nila.
"Hey! Yvan! Dito na kayo pumuwesto oh! May bakante pa. Sabay sabay na tayong magmerienda" yaya ni Danica sa kanilang dalawa.
Magkakasama kami ngayon sa iisang table nila Lindsey. Tinawag kasi ni Danica at niyaya dito.
Hindi ko naman inaasahang magkakakilala si Danica at si Yvan.
"Oh ayan - tropa tropa na tayo ah!" Ngiting sabi ni Danica sa kanila.
Magkatabi kami ni Danica. Sa kaliwa naman namin nakaupo si Lorenze at si Mike. Si Yvan ay nasa harapan ni Danica at nasa harapan ko naman si Lindsey.
"Order muna ako ng pagkain..." Narinig kong sabi ni Yvan.
"Ayy Sir ako na po... May bibilihin din po kasi ako..." Prisinta ni Lindsey.
"Oorder na rin ako ng pagkain natin... Ano gusto mo bhe?" Biglang sabi ko kay Danica at sa tropa.
"Tacos nalang sakin bhe saka iced tea"
"Iced tea at sandwich nalang samin ni Lorenze" -Mike
Kinuha ko agad ang pera na inaabot ni Mike.
"Sir ano po gusto niyo?" Tanong ni Lindsey kay Yvan.
"Kung ano ang oorderin mo, yun nalang din sakin" diretsong sagot ni Yvan.
Tumayo na si Lindsey. Tumayo narin ako para sumabay sa kanya.
"Sensya na ha.. Hindi ko alam na magkakilala pala sila" mahinang sabi niya sakin habanh naglalakad kami papunta sa stall ng pagkain.
"Okay lang yun. Mas maganda nga yun kasi makakasama na kita palagi.. Namimiss na kita.." Sagot ko sa kanya.
"Anong oras ang tapos ng klase mo?" Tanong ko sa kanya habang naorder kami ng pagkain.
"Hanggang 5:30 pa ang klase ko tapos dadaan pa ako sa puregold para mag-grocery para sa bahay" sagot naman niya habang kinuha ang inaabot na order niyang frenchfries at iced tea.
"Sa puregold Tanza?" Tanong ko sa kanya.
"Oo. Para malapit na sa bahay" -Lindsey.
"Pwede ba akong sumama sayo?" Mahinang tanong ko sa kanya habang naglalakad na kami pabalik sa table namin.
"Huwag na... Baka hanapin ka ni Danica.. Tawagan mo nalang ako mamayang gabi" sabi niya at bahagyang nauna na sakin sa paglalakad.
Inilapag ko ang order namin.
Nagsimula na kaming kumain at magkwentuhan.
"Anong gusto niyo guys? Overnight?" Biglang tanong ni Danica samin habang nakain kami.
"Okay yan Danica. Wala naman pasok kinabukasan. Ano deal?" Masayang sangguni ni Mike.
"Ano sa tingin niyo?" Ngiting tanong ni Danica kay Yvan at Lindsey.
"No probs. Were in" tipid na sagot ni Yvan.
Nagpatuloy ang kwentuhan namin. Hindi nga ako masyado nagsasalita kasi palihim na nakatuon ang atensyon ko kay Lindsey. May pagkakataon din na napapatingin siya sakin. Kinikilig nga ako eh. Sana lang ay hindi nila naririnig ang t***k ng puso ko.
"Hi... Excuse me po..." Sabay sabay kaming napatingin sa pinanggalingan ng boses.
Nakatingin siya kay Lindsey.
"Pwede ko bang makuha ang number mo?" Diretsong tanong nung lalake kay Lindsey.
Ang kapal ng mukha ng lalakeng ito ah! Hindi ba siya nahihiyang kumuha ng number basta basta!
Ewan ko lang kung ibigay sayo ni Lindsey ang number niya! Kapal neto!
"Ayos ah! May admirer ka na pala Denis!" Ngising kantyaw ni Lorenze.
Ngiti lang ang sinagot ni Lindsey at dahan dahan inangat ang kamay niya para kunin ang inaabot na cellphone nung lalake.
Takte! Huwag mong ibinigay Lindsey! Ako lang ang pwede mong makatext at kausap sa cellphone! Tayo na diba!?
Biglang hinirang ni Yvan ang kamay niya dahilan para siya ang kumuha ng cellphone na inaabot ng lalake. Pumindot siya sa cellphone at inabot pabalik ang cellphone sa lalake.
"Here's my number. Just in case you need to contact him - just call me. I'll give my phone to him" sarkastikong sabi ni Yvan sa lalake.
Wala ng nagawa yung lalake kundi umalis. Nagpasalamat naman ito at hindi nagpakita ng pagkadismaya.
Hindi ko alam kung bakit ginawa ni Yvan yun pero laking pasasalamat ko at hindi niya hinayaan na maibigay ni Lindsey ang number niya.
Lagot sakin mamaya itong si Lindsey. Papagalitan ko siya. Hindi naman tama ang basta basta nalang magbigay ng number diba?
"Pwede magtanong?" Bigla nanamang singit ni Danica patukoy kay Lindsey.
"Ano po iyon?" Magalang na sagot ni Lindsey.
"Ano ka ba! Wag mo na ako i-po... Bakit nga pala Sir ang tawag mo kay Yvan?" Takang tanong niya.
"Ahh... Kasamba-"
"He's my personal secretary..." Bigla nanamang sagot ni Yvan.
Napansin kong napatingin si Lindsey sa kanya. Hindi naman kasi totoong secretary si Lindsey eh.
"Ahh kaya pala... Alam mo Yvan kung hindi mo sinabing secretary mo si yang si Denis ay iisipin ko may relasyon kayo.. Bagay kasi kayo" singit naman ni Mike.
Muntin na akong masamid nung marinig ko iyon. Buti nga at hindi ko naibuga.
Hindi ko nagustuhan ang sinabi ni Mike ah! Pasalamat siya at marami kami. Kung hindi naku! May paglalagyan siya!
"Joke lang yun ha..." Sunod niyang sabi sabay tawa. Nagtawanan rin sila Danica at nakitawa rin si Lindsey.
"Sir una na po ako. 5mins nalang po start na klase ko... Salamat po sa pagsabay" paalam ni Lindsey at kaagad ng tumayo mula sa upuan at isinukbit ang bag niya.
Nagsimula ng maglakad papalayo si Lindsey. Sinusundan ko lang siya ng tingin. Pinipigilan ko kasi ang sarili ko na sundan siya. Gusto ko kasi siyang makausap ulit at makasama. Parang ang tagal tagal na kasi ng lumipas nung huling usap namin.
"Oh ang layo naman ng tingin mo Pj!" Sita sakin ni Lorenze.
"Oo nga bhe.. May problema ba?" Dugtong naman ni Danica.
Putangnang tong si Lorenze eh! Pansin ng pansin!
"Ah.. Wala bhe.. Excited lang ako para bukas" palusot ko sa kanya at itinuon ko na ang mata ko sa pagkaing nasa harapan ko.