Chapter Five

3613 Words
Powell Jake Ricafrente Point of View   "Oh pano? Uwe na ako..." Nakangiting sabi ko sa kanya nung nasa tapat na kami ng napakalaking bahay ng amo niya. Nasabi niya kanina sakin na dito sila tumutuloy kase ito daw ang bahay ng amo nila ng nanay niya. Ayaw pa nga niyang ihatid ko siya pero di ako pumayag. Gusto ko rin kasing malaman kung saan siya nauwe. "Sige... Maraming salamat nga pala ha..." Nakangiti ring sagot niya sakin. Aktong tatalikod na siya at magsisimulang ihakbang ang paa niya papasok ng gate ay awtomatikong tinawag ko siya. Ewan ko bigla ko nalang binigkas ang pangalan niya. "Bakit?" Tanong niya nung tumigil siya sa paghakbang at lumingon ulit sakin. Kusang humakbang ang dalawang paa ko palapit sa kanya. Hindi ko na alam pero parang may sariling isip ang katawan ko at bigla ko nalang dinampi ang labi ko sa kaliwang pisngi niya. "Sige... Uwe na ako... Tawagan nalang kita maya..." Mahinang sabi ko sa kanya at tumalikod na ako at nagsimula na akong maglakad palayo. Shit! Ano ba yung ginawa ko? Bakit ko ginawa yun? Takte! Ano bang nangyayari saken!!? Pero...pero... Bakit parang ang saya ko? Pakiramdam ko nakalutang ako.. Korni? Pero totoo. Promise. Yung tipong hindi ko ma-explain kung ano yung nararamdaman ko. Masayang ewan. Yung parang may kumikiliti sa kalooban ko. "Oh anak bakit pangiti ngiti ka diyan?" -Mama. Hindi ko na namalayan na nasa bahay na pala ako. Para kasi akong adik - iniisip kong nakasakay ako sa time machine at binalikan ko yung nangyari simula kaninang umaga. Sana maulit. "Ayy Ma!" Gulat na reaksyon ko. Hinipo ni Mama ang magkabilang leeg ko at kinumpara sa kanya. Kengkoy din eh noh? Yan ang mama ko! Hahaha! "Ma wala akong sakit noh! Normal lang ako" nakangiting sabi ko sa kanya. "Mukhang napakasaya mo ah! Saan naman kayo nag-date ni Danica ngayon?" Kantyaw sakin ni Mama. Hindi ko alam pero parang nag-iba ang timpla ng emosyon ko nung narinig ko ang pangalan ni Danica mula kay Mama. Sasabihin ko ba kay Mama na hindi si Danica ang kasama ko? Sasabihin ko ba kay Mama na si Lindsey ang kasama ko maghapon? "Oh natulala ka diyan! Lakad na nga PJ at magbihis ka na" sabi ni Mama at kaagad ng umalis sa harapan ko. Matapos kong magbihis ay naupo ako sa isang upuan na nakalagay sa garden namin. Alam ko sa sarili kong mahal ko si Danica. Girlfriend ko siya eh. Pero may hindi ako maintindihan sa nararamdaman ko. Normal lang ba ito? Normal lang ba na... Magkagusto ako sa iba? Gusto lang naman eh. Hanggang dun lang. Hindi naman ibig sabihin ng ginagawa ko ay niloloko ko na si Danica. Kumbaga parang nakakilala lang ako ng panibagong kaibigan. Malapit na kaibigan. Biglang naputol ang pag-iisip ko nung biglang tumunog ang cellphone ko. Maraming Salamat kanina. Nag-enjoy ako  Sender: Lindsey Ni-tap ko ang call at itinapat ko sa kaliwang tainga ko. "Hello..." Napakalambing talaga ng boses niya. "Hi... May ginagawa ka?" Tanong ko sa kanya. "Katatapos lang. Nandito ako ngayon sa garden ng amo ko kaharap ang laptop ko" malambing niyang sagot. Pinagkwentuhan namin yung tungkol sa pinanuod naming movie kanina pati narin yung mga nilaro namin. Pakiramdam ko nga hindi ako nauubusan ng kwento kapag siya ang kausap ko. Ang sarap kasi ng pakiramdam ko. "Ano nga pala yung binili mo kanina nung naorder ako ng pagkain?" Singit kong tanong sa kanya. "Ahh.. May tiningnan lang ako sa EO" tipid niyang sagot. "Nga pala yung tungkol sa Ki-" "Powell bukas nalang ulit. May inuutos sakin si Sir Yvan. Text nalang kita bukas ng umaga. Goodnight" singit niya dahilan para maputol ang sasabihin ko sa kanya. Matapos yun ay nagpunta na ako sa kwarto ko at nahiga na ako. . . . . "Oh tol bakit di mo kasabay si Danica?" Bati sakin ni Lorenze nung uupo na ako  sa tabi niya. "Ayy s**t!" Biglang nasabi ko. Nakalimutan kong sabay nga pala kami ngayon dahil pareho kami ng oras ng klase. Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at ni-tap ko ang call. "Hello bhe... Nasaan ka na? Masama parin ba pakiramdam mo?" Kaagad na tanong niya sakin nung pagkasagot niya ng tawag. "Bhe pasensya na... Di kita nadaanan... Medyo masama pa kasi ang pakiramdam ko eh" pagdadahilan ko sa kanya. "Okay lang bhe... Sige kita nalang tayo mamaya..." "Sorry talaga bhe..." "Okay nga lang bhe... Antayin mo ako mamaya ha.. Labyu po" "Labyutu bhe" Haaay... Ang dami kong pwedeng makalimutan bakit yun pa. Kung ano ano kasi ang laman ng isipan ko ngayon. Lulan parin ang isipan ko ng mga nangyari kahapon. Hindi na nakapasok sa first subject si Danica at akam ko kagagawan ko yun. Nandito kami ngayon sa canteen. Vacant. Nandito narin si Danica at mga kaibigan ko. "Ano? Waterpark tayo sa Saturday?" Yaya ni Mike. "Diba exam nun sa Physical Fitness?" Tanong ko sa kanya. "Ano ka ba! Umaga naman yun eh! Hapon tayo para overnight tayo! Deal guys!?" Singit naman ni Lorenze. "Deal!" Sangayong naman ni Danica. Wala na akong nagawa. Alangan namang hindi ako sumama eh kasama ang girlfriend ko. "Oo na!" Sabi ko nung sabay sabay silang nakatingin sakin. Haaay naku. "Teka lang guys bili lang ako ng iced tea" paalam ko sa kanila at kaagad na akong tumayo para pumunta sa stall ng iced tea. Aktong ihahakbang ko na ang dalawang paa ko nung bigla akong napatigil. Natigilan ako. Naestatwa ako. Nadako ang dalawang mata ko sa taong naglalakad papunta dito sa canteen. Shit! Si Lindsey ba talaga yan? Walang suot na salamin. Nakajogger pants at kulay red na V-neck na shirt na bumabagay ang bodybag niya. Nakasuot siya ng earphone at nakangiting naglalakad. Hindi ko alam pero ramdam kong napakabilis ng t***k ng dibdib ko. "Bhe akala ko ba bibili ka?" Sabi sakin ni Danica na nakapagpabalik sakin sa katinuan. Nagsimula na akong maglakad papunta sa stall. Bahagya kong kinuha ang cellphone ko mula sa bulsa ko. You look good. You're beautiful Sinend ko agad iyun sa kanya. Binabagalan ko talaga ang kilos ko para makapagreply pa ako kung sakaling magrereply siya. Tenks. :) Suot ko yung binili kong lens kahapon sa mall :) Reply niya sakin. Aktong magrereply na sana ako nung biglang may nagsalita sa tabi ko. "Ate eto pong bayad. Isama niyo narin po yung sa kanya" sabi ni Lindsey habang inaabot yung pera sa tindera. "Oohh wag ng kumontra. Nabawi lang ako" nakangiting sabi niya. "You look beautiful today..." Pasimpleng sabi ko sa kanya. "Ikaw rin Powell.. Ang pogi mo lalo ngayon" nakangiting sabi niya. Napangiti tuloy ako. "2:30pm sa rooftop" mahinang sabi ko sa kanya at kaagad na akong tumalikod at naglakad pabalik sa table namin ni Danica. "Masama ba pakiramdam mo Pj?" Biglang tanong sakin ni Mike. "Ha? Di noh. Okay lang ako" mabilis na sagot ko. "Parang wala ka kasi sa sarili mo" dugtong naman ni Lorenze sabay tawa. Pinagpatuloy namin ang kwentuhan namin tungkol sa pagpunta namin sa Waterpark. Sa totoo lang - ayoko sana sumama kaso kasama si Danica. Kaya no choice ako. "Oh pano bhe? Una na ako. Next subject ko na. Kita nalang tayo mamaya" sabi ni Danica at mabilis kinuha yung bag niya at tumayo kasabay yung classmate niya. "Sige bhe" sagot ko naman. Naiwan kami ng mga kaibigan ko dito sa canteen. Maya't maya nga ako nagtatanong kung anong oras na ee. Ewan ko ba. Pakiramdam ko ay atat na atat na akong mag 2:30 ng hapon. "Bakit ba tanong ka ng tanong ng oras? May lakad ka na pre!?" Pabalang na tanong sakin ni Mike. Di ko na inintindi yung sinabi niya. Pinokus ko nalang ang sarili ko sa kaharap kong  libro kahit wala don ang atensyon ko. 2:20pm. "Tol, magpapaprint lang ako ng lecture natin" sabi ko sa kanila. "Samahan na kita, magpapaprint din ako eh" mabilis na sabi ni Mike. "Ako nalang. Bibigyan ko nalang kayo ng kopya. Una na kayo sa room" kaagad ko namang pigil sa kanya. Wala na silang nagawa. Tumayo na sila at naglakad papunta sa next room namin at ako naman ay nagtungo na sa daan papuntang rooftop. Bahala na. Nandito na ngayon ako sa rooftop. Pero ilang sandali lang ay bumukas na ang pintuan at lumabas don ang taong inaantay ko. Si Lindsey. Nakatitig ako sa kanya. Shit. Bagay na bagay sa kanya ang itsura niya ngayon. "Oh... Bakit parang nakakita ka ng multo?" Bati niya sakin sabay tawa. Umupo siya sa tabi ko. "Vacant ako ngayon. Tapos wala pa yung prof ko sa last subject ko" nakangiting sabi niya at inilabas ang laman ng bag niya. Cookies.     Yvan Marcus Hernandez Point of View   Takte! Biglang tumunog ang cellphone ko dahilan para mapatingin si Denis at yung lalakeng kasama niya dito sa kinalalagyan ko. Mabilis akong kumilos at pinasok ko yung isang pintuan na nasa kanan ko. Haaay. Muntik na ako don ah! Nung naramdaman kong wala na yung lalake na sumilip ay mabilis na akong bumaba at lumabas. Hindi naman sa nagiging usisero ako. Ano bang meron sa dalawang iyon? Bakit kailangan pang doon sila magkita? Ilang sandali lang ay nakita kong lumabas silang dalawa ng pintuan. Hila hila nung lalake yung kamay ni Denis. Wala masyadong tao ngayon dito kasi oras ng klase. Hindi lang talaga ako pumasok sa first subject ko. Hindi ko alam pero palihim ko silang sinundan. Sumakay sila ng bus. Bumalik ako sa loob ng school para pumunta sa parking lot at gamitin ang sasakyan ko. Nagkaroon na ako ng ideya kung saan sila pupunta. At hindi nga ako nagkamali. Nandito sila sa mall. Ewan ko ba. Para nga akong sira kasi para akong imbestigador. Palihim lang akong sumusunod sa bawat lugar na pinupuntahan nila. Pumasok sila sa loob ng sinehan - at ako? Syempre pumasok din! Bakit? Sila lang ba ang pwedeng manuod sa sinehan? Matapos manuod ay lumabas narin ako nung napansin kong tumayo na sila at palabas narin ng sinehan. Sinadya ko talagang unang makauwe sa bahay kaysa kay Denis. Kaya nandito na ako ngayon sa garden malapit sa front gate namin. Nag-iinom akong mag-isa. Pampaantok lang habang kaharap ko ang laptop ko. Biglang napadako ang atensyon ko sa front gate namin nung may maulinigan akong nag-uusap. Hindi nga ako nagkamali. Si Denis nga at ang lalakeng kasama niya kanina. Hindi ba sila nagkakasawaan sa mukha nila? Maghapon na silang magkasama ah! Biglang lumapit yung lalake kay Denis at idinampi ang labi nito sa pisngi ni Denis. Nung makita ko yun ay binalik ko agad ang atensyon ko sa kaharap kong laptop. Ewan ko ba. May kaiba. Paglingon ko ulit sa front gate ay wala na sila don. Pumasok na si Denis sa loob ng bahay. Napansin kong pumunta si Denis sa malapit sa pool at naupo dun sa upuan at pinatong yung malaking laptop niya sa table. Dahan dahan akong naglakad papunta don. Di naman sa pagiging usisero. Napansin ko kasing may kausap siya sa cellphone. Sigurado akong yung lalake nanamang iyon ang kausap niya. Kung hindi ako nagkakamali ay may girlfriend na yung lalakeng yun. Kitang kita ko yung babaeng nakakuyabit sa braso niya. Eh bakit kaya ganoon sila ni Denis? Hindi naman normal sa magkaibigan yon diba? Hanggang sa di ko namalayan na lumampas na pala ako sa pader na pinagtataguan ko sa likuran niya at mabilis niya akong nilingon. Narinig kong nagpaalam siya sa kausap niya at mabilis niyang ni-end ang tawag. "Sir... Nandiyan po pala kayo...." Gulat na tanong niya. "Naglalakad lakad lang. Ikuha mo nga ako ng sanmig sa ref" utos ko sa kanya. Wala kasi akong ibang maisip na sabihin sa kanya kundi iyon. . . . . Maaga akong nagising at maaga rin akong pumasok. Maaga kasi ang simula ng klase ko. Matapos ang unang klase ko ay naupo ako dito sa canteen. Nag-aantay lang ng oras para sa susunod kong klase. Nasa kaliwang table nga yung lalakeng kasama ni Denis kahapon at katabi yung girlfriend niya. Nakakairita nga eh. Bhe pa ang tawagan. Pabebe! May pinag-uusapan silang outing at kung di ako nagkakamali ay sa waterpark yun at sa sabado. Tumayo si Pj. Pj pala ang pangalan niya. Narinig ko kasing tinawag siya nung mataba niyang kaibigan. Pagkatayo niya ay halatang natigilan siya at napunta sa iisang direksyon ang mata niya. Sinundan ko ng tingin ang direksyon na iyon. "Wow!" Tanging lumabas sa bibig ko nung makita ko kung kanino nakatuon ang atensyon ni Pj. Wala siyang suot na salamin, BAGAY NA BAGAY! Naka-jogger pants, ASTIG! At color red na Vneck na shirt dahilan para makita ang maputi at makinis niyang dibdib na lumililis dahil sa suot niyang bodybag. "Denis...." Mahinang sabi ko. Nakita kong naglakad papuntang stall ng iced tea si Pj at dun din dumiretso si Denis. Pansin kong palihim silang nag-uusap dahil sa bawat paggalaw ng labi nilang dalawa. Lumipas ang ilang oras at natapos na rin ang klase ko. Hanggang 2:20pm lang kasi ako. Lutang nga ako sa loob ng room namin eh. Hindi mawala sa isipan ko ang nakita ko kanina. Paulit ulit na nagpipicture sa isipan ko ang scenariong naglalakad papasok si Denis at nasira dahil dun dumiretso kay Pj. Maaga akong umuwe ng bahay. Naisipan kong mag swimming para magamit naman itong pool namin. Tinawag ko yung ibang katulong namin pati yung driver ni Daddy. Pinakuha ko yung malaking speaker sa bodega at pinasubukan ko sa kanila kung nagana pa iyon. Nagana pa. Kaya pinaset-up ko sa malapit sa pool namin. Nagpaluto narin ako ng mga pagkain sa nanay ni Denis. "Sir Yvan nakaready na po ang lahat don sa pool" sabi sakin ng driver ni Daddy. "Manong eto ang pera, bili kayo ng alak" sabi ko sa kanya sabay abot ko sa kanya ng isang libong piso. "Hala Sir! Ang laki naman neto. Ilan po ba ang bibilin ko?" Mabilis niyang sagot. "Ikaw na bahala. Pakidala nalang din dun sa pool" kaagad kong sagot sa kanya at mabilis na akong tumalikod. Sinalpak ko ang ipad ko sa ampli ng malaking speaker na pinaset-up ko. Hindi ako mahilig sa mga rap. New wave ang trip ko. Pls play: Ghost In You - Psy. "Sir Yvan eto na po yung pinabili niyong alak" malakas na sabi ng driver ni Daddy. "Sige manong, pakitawag lahat ng katulong sabihin mo na pinapatawag ko silang lahat" utos ko sa kanya. Ilang sandali lang ay nagdatingan ang mga katulong namin. Bakas nga sa mukha nila ang pag-aalala. "Upo na kayo - mag-iinom tayo!" Malakas na sabi ko sa kanila dahilan para maghiyawan sila. Isa-isa na silang umupo sa mga bakanteng upuan at nagsimula na si Manong Ferdie na magpaikot ng tagay. "Sir nainom po ba kayo ng empie?" Tanong noya sakin. "Kahit ano pa yan! Shot!" Malakas na sigaw ko. "Yooooooown!" Halos sabay sabay na sigaw nila. Ang daming pagkain sa harapan namin. Iba iba. Hindi ko alam pero ang saya ko. Kakaiba ako. May hindi ako maipaliwanag na nararamdaman ko. "Hey hey! Yvan! Anong nangyayari dito? Anong meron?" Singit ni Daddy na bakas sa mukha ang pagtataka. "Hey Daddy! Nagkakasayahan lang. Wanna join? Sit here" nakangiti kong sagot kay daddy sabay inom ko ng alak na inabot ni Manong Ferdie. "Dada may sakit ba ang anak natin?" Biglang singit ni Mama. "Ma! I'm okay. Come here - maraming pagkain" nakangiti kong yaya sa kanya. Si Daddy lang ang umupo at si Mama ay pumasok na sa loob ng bahay. Sinabi ni Mama na lalabas nalang daw siya mamaya pagkatapos ng report niya. Nagpatuloy na ang kasiyahan namin. Bakas nga ang kasiyahan sa mukha ng mga katulong namin ang saya. Masaya rin kasi ako. Nadako ang tingin ko nung may napansin akong naglalakad papasok sa loob ng bahay. Si Denis. "Wait lang Dad" sabi ko kay Daddy nung aktong may itatanong siya sakin. Tumakbo ako palapit kay Denis. "Hey!" Pagkuha ko ng atensyon sa kanya. "Sir... Nandiyan po pala kayo" bati naman niya sakin. Nilapitan ko siya at ipinatong ko sa balikat niya ang kaliwang kamay ko. "Come here..." Mahinang yaya ko sa kanya. "Ayy Sir... Sige po... Nakaka-" "No..." At iginiya ko na ang katawan niya papunta sa pool. "Oh Denis - halika. Maupo ka. Minsan lang tong kasiyahan na ito" yaya ni Daddy sa kanya. "Tara na. Tabi tayo Denis..." Sabi ko sa kanya at pinaupo ko na siya sa tabi ko. Energetic ako ngayon. Halata ko nga ang pagtataka sa mukha ng mga kasama ko sa bahay eh. Pati sila Daddy ay nagtanong sakin kung ano ba daw ang nangyayari sakin. Ako rin eh hindi ko alam, ang tanging alam ko lang ay masaya ako at gusto ko itong ginagawa ko. "Oh Denis shot mo!!" Sabi ni Manong Driver ni Daddy. Si Kuya Rod. Siya kasi ang nagprisinta na maging tanggero. "Hoy Rodrigo! Huwag mong taasan ang shot ni Denis! Kapag yan nalaseng!" Saway naman ni Rose. Isa sa mga kasambahay namin. "Okay lang ako no! Kaya ko. Di na ako bata!" Mayabang naman niyang sagot. Katabi ko siya ngayon sa upuan. Pero hindi kami gaano nag-uusap kasi may iba pang pinag-uusapan itong mga kasama ko. "Sir Yvan eto po shot niyo..." Magalang na sabi ni Kuya Rod sabay abot sakin ng baso. Mabilis kong ininom yung tagay ko at umayos ako ng pagkakaupo. Hininaan ko ng bahagya ang ipad ko na nakakonek sa speaker para magkakwentuhan ng maayos itong mga kasama ko. "Denis sino nga pala yung lalakeng naghatid sayo nung isang araw ata yun?" Singit na tanong ni Rose. Bakit ba napakadaming pwedeng itanong nitong si Rose, bakit iyon pa! Nakakaramdam tuloy ako ng inis pero hindi ko alam kung bakit. "Ahh.. Si Powell yun. Kaibigan ko" sagot naman ni Denis. "Kaibigan? Eh bakit ka kinisan sa pisngi?" Kantyaw naman ni Rose. Takte to ah! Napansin kong namula ang mukha ni Denis. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa alak o dahil sa pagtatanong ni Rose. "Denis oh shot mo!" Singit naman ni Kuya Rod dahilan para hindi masagot ni Denis yung tanong ni Rose. Matapos inumin ni Denis yung tagay na iniabot ni Kuya Rod ay nagpatuloy na uli ang kwentuhan. Nakikinig lang ako. Gusto ko rin kasi malaman yung mga bagay na pinagkukwentuhan nila kapag ganitong nag-iinom sila. "Ano ang mga tipo mo sa isang lalake Denis?" Biglang tanong ni Jovert. Isa sa mga katulong din naman dito sa bahay. Natuon ang atensyon ko bigla kay Denis ganoon din si Jovert na nakatitig sa kanya. "Teka bago mo sagutin yung tanong Denis i-shot mo muna ito" sabay lapag ni Kuya Rod ng tagay na madami ang nakalagay. "Aba Kuya Rod ang dami naman niyan! Medyo laseng na ako eh" reklamo naman niya. "Ganyan lahat ang shot noh! Kahit itanong mo pa kay Sir Yvan" sabay tingin sakin ni Kuya Rod na pinapahiwatig na sumang-ayon ako sa sinasabi niya. "Oo nga Denis. Ganyan lahat ang tagay" sang-ayon ko naman. Mabilis inangat ni Denis ang tagay. Halos maduwal na nga siya buti nalang at agad niyang nakuha ang basong may lamang chaser at kaagad ininom yun. "Oh ano? Sagutin mo na yung tanong ko" giit ulit ni Jovert. "Ahh... Simpleng lang... Gusto ko masarap magluto, mahilig kasi akong kumain... Gusto ko malaki mata!" Biglang napatigil si Denis sa pagsagot dahil napatawa siya sa sinagot niya. Sino ba naman ang hindi matatawa? Gusto niya malaki mata! Kahit ako napangiti nung narinig ko siya. "Bakit gusto mo malaki ang mata?" Singit na tanong ni Rose. "Wala.. Gusto ko lang.. Ayoko kasi sa singkit.. Nakakatakot!" Sagot ulit niya. "De.. Ang totoo nyan - wala naman talagang kailangan hanapin sa isang tao bago mo siya magustuhan... Ang importante ay nararamdaman mong gusto at mahal mo siya..." Muling sagot niya. Halatang may tama na siya ng alak. "Teka teka... Bakit ako ng ako ang tinatanong niyo dito? Eto si Sir Yvan oh!" Sabi niya at kinuha yung nakalapag na basong may lamang alak at mabilis iyong ininom. "Ikaw Sir ano ang tipo mo sa mga babae?" Lakad loob na tanong niya sakin. Aba! Iba ang tama ng alak sa kanya ah! Mukhang nawala yung hiyang nararamdaman niya sa tuwing nagkakasama kami. "Ahh... Gusto ko.... Weird..." Sagot ko. Hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko. "Weird??" Halos sabay sabay nilang tanong sakin. Tumango ako at ininom ko yung tagay na nag-aantay sakin. "Pak na pak ka Denis Lindsey! Ikaw kasi ang alam kong pinakaWeird na tao dito!!" Malakas na sigaw ni Rose. "Oyy Rose! Ang bibig mo! Hindi ka na nahiya kay Sir Yvan" saway sa kanya ni Jovert. Si Denis? Walang naisagot. Napatahimik lang. "De.. Okay lang.. Katuwaan lang naman ito" nakangiti kong sabi sa kanila. Nagpatuloy ang katuwaan namin. Bumalik na sa dating aura si Denis. Pero mas laseng na siya ngayon. Kwento ng kwento narin tungkol sa mga kalokohan niya sa probinsya. Hindi niya nababanggit ang tungkol kay PJ. Mukhang ayaw niyang ipaalam kung anong meron sa kanila ni PJ. Ilang gabi narin paulit-ulit sumasagi sa isipan ko ang tungkol sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung bakit. Minsan nga naiisip kong komprontahin si PJ o si Denis kaso nga lang magmumukha lang akong tanga dahil baka sabihin nila sakin na wala akong pakialam. Hindi kasi ako naniniwala sa sinagot ni Denis kanina na magkaibigan lang silang dalawa. Halata ko naman kay PJ ang pagkagusto niya kay Denis. Obvious. "Denis may Boyf-" "Hello???" Biglang naputol ang dapat na itatanong ko sa kanya nung bigla niyang itinapat sa tainga niya ang kanyang cellphone. "Medyo.. Pero okay lang ako..." Sabi niya sa taong kausap niya. Sigurado ako si PJ nanaman yun. Wala namang ibang natawag sa kanya kundi si PJ at ako. Oo. Natawag ako sa kanya pero hindi ako nagsasalita. Pinapakinggan ko lang ang boses niya. Abnormal ako noh? Hindi ko kasi maipaliwanag kung bakit ako nagkakaganito eh. "Ha!!? Hala! Huwag... Promise hindi na ako sa-shot..." Gulat na sabi niya sa kausap niya. "Oyy Denis! Shot mo na oh!! Katagal tagal!" Malakas nanamang sabi ni Rose. Sinenyasan siya ni Denis na huwag maingay. "Anong huwag maingay!! Shot mo na!!!" Sabi nanaman ni Rose. Biglang ibinaba ni Denis ang cellphone niya. Tapos na yatang mag-usap ang lovebirds! "Kahit kailan talaga ang ingay ingay mo! Mapapahamak tuloy ako sa kagagawan mo eh!" Inis na sabi ni Denis. "Eh bakit ba? Ano bang konek ng pag-iingay ko sa pag-uusap niyo!?" Pang-iinis lalo ni Rose. "Wala!" Sagot ni Denis at ininom na ang tagay niya. Pinatong ni Denis ang cellphone niya sa lamesa at nagpatuloy na kami sa pagiinom at kwentuhan. Si Jovert ang walang tigil ang tanong kay Denis ng kung anu-ano at si Rose naman ang pagkalakas lakas ng boses. "Denis may naghahanap sayo... Pinapasok ko na.. Sabi kasi ni Sir Anton papasukin ko na..." Biglang singit ng Driver ni Mommy. Aktong tatayo na sana si Denis nung may taong nagsalita sa likuran ko. "Hi Lindsey... Sabi ko sayo - pupunta ako eh" "Powell???"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD